webnovel

Powerful!

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ang kanina'y maingay na labanan ay biglang naging tahimik dahil sa paglitaw ni Marvin!

Tila hindi nangahas na magsalita ang sino man dahil sa bitbit niya awra.

Ang mapanakit na hukbo ng Allaince na pinamumunuan ni Monica ay kinikilabutang tiningnan si Marvin.

Buhay pa siya?

Kinumpirma ni Lady Monica na patay na siya!

Si Monica mismo ay nagbago ang mukha.

Pero bilang disciple ng Dark Phoenix, mahusay ang kakayahan niya na sabayan ang pagbabago sa isang sitwasyon.

Ngumisi si Monica, "Ngayon ka lilitaw kung kelan wala na ang Arcane Barrier? Viscount Marvin, bakit hindi niyo personal na sinagot ang utos ng Alliance, at hinayaan niyo pa ang kapatid niyo na Proxy Overlord ang sumagot?"

"Wala ako sa teritoryo ko eh." Pagwawalang bahalang sagot ni Marvin.

Ngumiti naman si Moniva. "Ang galing naman ng pagkakataon, mayroong nangyaring ganoon tapos wala ang Overlord sa kanyang teritoryo."

"Gayunpaman, nailabas na ang kautusan ng Alliance. Magmula ngayon, babawiin na sayo ang titolo mng Viscount at ang White River Valley ay ibabalik na sa Alliance."

Mahinahon pa rin si Marvin. "Wala kayong karapatan na gawin 'yon."

"Hahahaha!"

Isang Barbarian nan aka-upo sa isang malaking lobo ang tumawa nang malakas. "Bata, ang Karapatan sa paggawa ng mga bagay ay depende sa hawak na kapangyarihan."

Ngumiti ito at tinuro ang malaking hukbo sa kanyang likuran. "Tingnan mo, bata. Ito ang kapangyarihan."

Namula ang mukha ng mga dumedepensa sa River Shore City.

Sa pagkakataong ito, determinado ang South Wizard Alliance na durugin si Marvin at hindi na sila nag-abalang magbigay ng dahilan.

Tiningnan ni Marvin ang Barbarian. "Sino ka?"

"Ako lang naman ang heneral ng Hundred War Legion! 1/3 ng kalupaan sa dakong timog ng Millenium Mountain Range ang binuksan ng magiting na Lord na 'to," pagmamayabang ng Barbarian.

"Pero normal lang naman na hindi alam ng isang probinsyanong tulad mo ang tungkol doon," panunuyang pagtatapos nito.

"Gusto kong malaman ang pangalan mo," sabi ni Marvin.

Tumawa ang Barbarian habang sumasagot, "Nakakatuwa kang bata ka. Leonhardt ang pangalan ng magiting an Lord na 'to…"

Biglang natapos ang kanyang pagtawa!

Isang anino ang lumitaw sa kanyang likuran na kasing bilis ng kidlat, kasabay ng pagwasiwas ng isang patalim!

Gumulong ang kanyang ulo!

Tumalsik ang dugo.

"Woosh!"

Bumalik si Marvin sa kanyang orihinal na posisyon, ang kanyang dalawan dagger ay nasa baywang pa rin niya na tila hindi niya ito binunot.

Isang mabagsik na itsura ang makikita sa kanyang mukha at sinabing, "Mabuti naman, siLeonhardt ang unang namatay."

"Sinong gustong sumunod?"

Nagkagulo ang mga tao dahil sa sinabi ni Marvin!

Lalo na sa mga personal na hukbo ng mga Overlord. Nasanay sila na sila ang pinakamalakas at pinakadominante sa kanilang mga teritoryo. Sinong mangangahas na hamunin sila ng ganito?!

Hinahamon niya ang isang buong hukbo…nang mag-isa?

Hindi bababa sa limang libong tao ang naroon, kasama ng 200 na rehimyento ng mga Wizard na tinipon ng South Wizard Alliance!

Naglakas loob siyang gumawa ng ganito sa harap ng lahat?!

Lalo na kay General Leonhardt na mayroong prestige na mula sa South Wizard Alliance?!

Hindi lang matapang na pinamunuan ng Barbarian na ito ang isang hukbo sa laban, mahusay rin ito sa pamamahala sa mga usaping militar at isa sa mga bayani ng Alliance.

Kahit na hindi pa nito naaabot ang Legend Realm, isa itong Level 20 Half-Legend.

Pero napatay siya ni Marvin nang walang kahirap-hirap!

Hindi maarok ang kanyang lakas.

Napagtanto ito ng mga tao at napigil ang kanilang paghinga.

Noong mga oras na iyon, hindi na nag-abala pa si Marvin na itago ang kanyang awra.

Palubog na ang araw at malapit nang mag-gabi.

Sa madilim na labanan, isang nakakatakot na awra ang bumalot sa hukbo!

Nagulat pati na ang 200 mga Wizard!

Isang Legend!

Siguradong isa itong Legend Powerhouse at isang pambihirang Legend ito. Naglalabas ito ng isang nakakatakot na awra.

Muling nagulat si Monica!

Sa simula pa lang, hindi na niya inasahang lilitaw si Marvin. Lalo pa at sinigurado sa kanya ng Dark Phoenix na patay na si Marvin. At isa pa, napakatindi ng paglitaw nito.

Isang Legend Powerhouse!

Kahit na hindi siya manalo sa digmaan na ito nang mag-isa, malaki ang magiging epekto nito sa lakas ng loob ng mga sundalo.

Walang sino man ang may gustong lumaban sa isang Legend. Sa kabuoan, ang katayuan ng isang Legend powerhouse ay mataas at bilang lang ang may lakas ng loob na kumalaban dito.

Bukod sa Legend na namumuno sa grupo, wala nang Overlord na isang Legend ang South Wizard Alliance.

Binasag ni Marvin ang paniniwalang ito!

"Sir Marvin… Isa na siyang Legend!"

"Diyos ko! Nakakatakot ang awra na 'to.."

"Kakalabanin natin ang Hero na sumira sa Evil Spirit Plane? Isang Legend Powerhouse? Nananaginip baa ko?"

Maririnig ang mga boses na ito sa malaking hukbo.

Hindi lang nawalan ng gana lumaban ang hukbo dahil sa pagkamatay ni Leonhardt, nagdulot din ito ng takot sa kanila!

Dahil ang awra na nanggaling kay Marvin ay hindi lang kanya; mayroon pa rin itong bahagi ng awra na nakuha niya mula sa piraso ng kaluluwa ng Night Monarch.

Anong klaseng tao ba ang Night Monarch? Hindi mabilang ang dami ng taong namatay sa mga kamay niya. Kaya naman sinusubok ng kanyang awra ang willpower ng karamihan ng mga tao!

Nakatayo lang si Marvin habang nakaharap sa buong hukbo.

Tinanong niya, "Sinong susunod?"

Pero nakatitig siya kay Monica.

Kung si Leonhardt ang namumuno sa hukbo para sa labanan, si Monica ang namumuno sa Wizard Corps.

Ang Legend Wizard na rin na ito ang nanakit kay Madeline.

Agad naman nabuhayan ng pag-asa ang mg tagapagtanggol ng River Shore City at lumakas ang kanilang mga loob!

Hindi nila inaasahan na paglipas lang ng ilang araw, maaabot na ni Sir Marvin ang napakalakas na Legend Realm.

Maraming tao, na naroon noong inatake ang Scarlet Monastery kasama si Marvin, ang nakaka-alam ng kanyang lakas.

Gaano na ba katagal na panahon ang lumipas? Pero isa na siyang Legend.

Masasabi lang na mala-halimaw ang ganito kabilis na paglakas.

Tinitigan ni Monica si Marvin at nagkaroon ng sumama ang kanyang kutob.

Laging gumagawa ng mga nakakagulat na bagay ang Marvin na ito.

Halimbawa na dito ang pagkawasak ng Decaying Plateau.

At ngayon, pinapakita niya ang malakas na pwersa sa harap ng buong hukbo.

Kahit ang isang Legend powerhouse ay hindi mananalo sa ganitong klase ng hukbo!

Bakit ang lakas ng loob niya?

May pagdududa si Monica. Hindi siya mapakali dahil sa lakas na taglay ni Marvin. Hindi siya namatay kahit na ang Dark Phoenix ang nagtangaka sa buhay nito. Mas mabuting ibalita niya ito sa kanyang guro.

Pero imposibleng basta na lang silan umatras matapos pakilusin ang ganito kalaking hukbo.

Ano mang mangyari, kailangan nilang magmartsa patungong White River Valley ngayong araw, at bago makadaong ang Pirate King sa Sword Harbor.

Mukhang malaki ang kagustuhan ng Lady Dark Phoenix na magawa ito at nangako siya ng malaking pabuya.

Interesadong-interesado si Monica sa mga iyon.

Kaya naman, matapos mag-isip, ngumisi siya, "Viscount Marvin, sa tingin mo ba kakayanin mong harapin mag-isa ang buong hukbo na 'to?"

"Lalo pa at mayroong kaming mga makapangyarihang kakampi!"

Pagkatapos niyang sabihin ito, inilabas niya ang kulay berdeng plauta na gawa sakawayan at hinipan ito.

Hindi maganda ang naging reaksyon ni Madeline at nababahalang sinabi, "Masama 'to, gusto niyang mag-summon ng makapangyarihang nilalang."

Pero walang buhay na sinabi ni Marvin, "Hayaan mo siya."

Natigilan si Madeline.

Tiningnan niya si Marvin mula ulo hanggang paa.

Kaunting oras lang nagkakasama ang dalawng ito, pero noon pa man ay nararamdaman na niyang mayroong tinatago ang taong ito.

O baka may kinakatakutan ito.

Ibang-iba na siya ngayon.

Para siyang isang espadang matagal na ikinubli ang lakas sa loob ng ilang taon, at ngayon handa na siyang ipamalas ang tunay na lakas nito!

Habang nakatayo siya doon, kahit na mag-isa siya, tila bai sang hukbo ang kanyang dala!

Mararamdaman lang ang ganito sa mga makapangyarhang Legend.

Pero kakatungtong lang ni Marvin sa Legend realm.

Gaano kataas pa kaya ang maaabot ng taong ito? Hindi ito lubos maisip ni Madeline.

Sa labas ng River Shore City, ang pasugod na hukbo at ang mga dumedepensa sa siyudad ay nagtapatan.

Ang mga tauhan ni Leonhardt ay galit na galit na at gusto na nilang umatake, pero hinarangan sila ng iba pa.

Karamihan ng mga digmaan ng South Wizard Alliance ay umaasa sila sa paggabay ng Wizard Corps.

Sinusukat pa ni Monica ang lakas ni Marvin, at hindi naman nangahas na umatake nang basta-basta ang iba pa.

Pinagmasdan nito nang mabuti si Marvin, natatakot na baka bigla rin siyang atakihin nito gaya ng ginawa ni Marvin kay Leonhardt.

Alam niyang isang Ranger si Marvin, pero ang mga Legend Ranger ay hindi ganito kalalakas!

Siguradong mayroon siyang makapangyarihang Legend class.

Ayaw ilagay ni Monica ang kanyag sarili sa panganib, kaya naman ginamit niya ang item na binigay sa kanya ni Dark Phoenix bago siya umalis.

Hindi nagtagal, isang dumadagundong na tunog ang kanilang narinig.

Isang malaki at nakakatakot na anino ang papalapit!

"Roar!"

Isang pag-atungal ng Dragon ang nanggagaling mula sa malayo!

Tila malayo pa ito pero parang malapt, mahina lang ito sa simula hanggang sa palakas na ito nang palakas!

Naapektuhan ang lahat ng taong naroon. Ang mga sundalong may mahinang willpower ay natakot at natumba pa sa lupa.

Isang Dragon!

Agad na makikita ang kawalan ng pag-asa sa mga dumedepensa sa River Shore City!

Hindi nila inaasahan na gagamit ang Alliance ng isang Dragon!

Isa itong Black Dragon! Lumipad ito habang tanaw na tanaw ito mula sa malayo.

Kahit isa Madeline ay namutla sa pagkabahala!

Sa kasalukuyang lakas nila ngayon, sadyang hindi nila kakayaning lumaban sa isang Black Dragon.

Kakabalik lang ng pag-asa ng mga dumedepensa sa River Shore City at ngayon ay nawala na uli ito, Kung hindi lang sila nasa pormasyon, malamang ay nagtakbuhan na ang mga ito!

Hindi na sila mahihiyang gawin ito dahil ang nilalang na paparating ay ang pinakamalakas na nilalang na alam nila!

Isang tunay na Black Dragon!

Dahan-dahang bumaba ang Dragon, at itiniklopang mga pakpak nito. "Sinong tumawag sa akin?"

Magalang na ngumiti si Monica. "Kagalang-galang na Izaka, ako po."

Itinaas niya ang berdeng plauta na hawak niya.

Suminghal ang Black Dragon at may hangin na umihip sa mga naroon. Sinabi niya, "Ito pala ang nasa kontrara."

"Kung ganoon, anong gusto mong gawin ko?"

Ngumiti si Monica pero hindi nagsalita, at itinuro niya si Marvin.

Walang nakapagsabi na biglang nakangiting kakausapin ni Marvin ang Black Dragon habang lumalapit ito.

"Ikaw pala [Izaka]…"

"Matagal na rin tayong hindi nagkita."

Isang spear ang biglang lumitaw mula sa kawalan.

Natigilan ang Dragon nang makita si Marvin at biglang na mapanglaw na napasigaw, "Ikaw?!"

"Pucha… Mabahong babae, gusto mo ba akong patayin?"

Habang sinasabi ito, ang kaninang tila dominanteng Black Dragon ay nagmadaling ipagaspas ang kanyang mga pakpak, gusto nitong tumakas!

Ang mabangis na mga mata nito ay napuno ng takot!

"Gusto mong tumakas? Hindi naman ata tama 'yon?" Pang-aasar ni Marvin habang ipinantuturo ang spear.

Nanginginig na sumagot ang Dragon, "Sir Robin, napadaan lang ho talaga ako…"

Tulirong pinapanuod naman ni Monica ang eksenang ito!

Ang mga sundalo sa magkabilang panig ay gulong-gulo.

Kinusot nila ang kanilang mga mata sa pagkalito. Talaga bang nakikita nila ang isang Black Dragon na gustong tumakas mula sa isang Human dahil sa takot?

Hindi dapat ganoon ang nangyari!