webnovel

Outlaw of the Crimson Road

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Natahimik si Marvin nang marinig ang sinabi ng bata.

Pagtapos ng ilang saglit, itinabi n ani Marvin ang mga vurved dagger at malumanay na sinabing, "Gusto mong sumama sa akin?"

"Hindi lahat ng tao ay kaya."

"Tumingin ka sa likuran mo…"

Hindi ito naiintindihan ng batang elf kaya tumalikod ito. At bigla pinalo ni Marvin ang batok nito.

"Plop!"

'Akala ko makulit na ang mga batang human.'

'Hindi ko inakalang pareho rin sa mga batang elf.'

'Malaki nga ang mundo, pero magulo rin. Mayroong ka bang pera para maglakbay? Maraming gagastusin tulad na lang ng armas para depensahan ang sarili mo. Ano, wala pero gusto mong maglakbay? Hindi ba mag-aalala sayo ang magulang mo?'

Kinarga ni Marvin ang bata at naglakad pabalik sa bayan.

Siguradong pumuslit ito para makalabas.

Sa katunayan, mahigpit pagdating sa teritoryo ang mga wood elf, at mahigpit rin nilang binabantayan ang kanilang mga anak. Kung may biglang kumuha sa anak nila nang hindi nila nalalaman, magiging isang child slave trader ito!

At ayaw masangkot ni Marvin sa ganoon.

Kaya naman ibabalik na niya ang batang ito na walang kaalam-alam.

Nakita rin kasi ni Marvin na pangkaraniwan lang ang kakayahan ng batang ito, ibig-sabihin hindi siya kukunin ng mga Elven Iron Guard. Nangangahulugan nab aka habang buhay na siyang manatili sa liblib na bayang 'yon.

Hindi na rin ito masama. Mamumuhay siyang malusog at payapa buong buhay niya.

Nagising ang nang malapit na sila. Gusto nitong pumiglas pero agad itong natakot sa sinabi ni Marvin at sa mga curved dagger nito. Ayaw na niyang magreklamo.

Kaya ginamit na lang ni Marvin ang wishful rope para itali ito saka ito pinaglakad.

Walang magawa ang bata kundi sundan siya pabalik sa bayan.

Sinubukan nito kumbinsihin si Marvin. Nagmamaka-awa at humihingi ng pabor.

Sa kasamaang palad, una pa lang ay hindi na siya pinapansin ni Marvin.

Kalaunan, natanaw na uli ni Marvin ang bayan. Nang biglang may maamoy na kakaiba ito.

Bigla itong tumigil. Ang bata naman na hindi naiintindihan kung ano ang nangyayari ay inakalang nagbago na ang isip ni Marvin. "Sir?"

"Tahimik!"

Biglang nagbago ang mukha ni Marvin.

Ang amoy na ito… ay naghalong amoy ng dugo at sinunog na bangkay!

'Masama 'to!'

Mabilis na tumakbo papasok si Marvin sa bayan, at iniwan ang bata.

Pero ibang-iba na ang itsura ng lugar na ito mula noong dumating si Marvin dito kalahating araw pa lang ang nakakalipas!

Karumal-dumal ang pagkamatay ng mga elf.

Bumaha ang dugo sa lapag at may nasusunog sa di kalayuan. Nabalot ng katahimikan ang bayan.

Halos bumara ang ilong Marvin dahil sa kapal ng amoy ng dugo!

Namatay silang lahat!

Walang naiwang buhay!

'Napakasama, sinong gagawa nito?'

Gulat na gulat si Marvin.

Nasa pinakaliblib na lugar sa Thousand Leaves Forest ang maliit na elven village na ito. Sinong magtatangka dito?

Sinong nilalang ang may napakatigas na puso para gawin ito sa isang bayan ng mga wood elf.

Nakatulala lang si Marvin. Ang bangkay na katabi ng kanyang kaliwang paa ay bangkya ng isang batang babae.

Pinugutan ito ng ulo. Hawak pa nito ang isang piraso ng putign asukal na binili ni Marvin sa River Shore City.

Nakakatuwa ang batang babaeng 'yon. Kanina lang ay nagtatatalon pa ito at nanghihingi ng kendi kay Marvin.

Pero patay na siya ngayon, mulat pa rin ang mga mata nito at kitang-kita ang sakit sa mga ito.

"Aaah!" Isang sigaw mula sa kanyang likuran ang maririnig.

Ang batang elf.

Nagulat ito sa kanyang nakita, hindi niya matanggap ang nangyari.

"Manahimik ka!" Sabi ni Marvin.

Nabigla ang bata.

Halos matuliro ito sa nakita.

Hindi niya maintindihan. Paano nangyari ito?

Saglit lang siyang nawala sa bayan. Naliligo na sa sarili nilang dugo ang mga kamag-anak at kaibigan niya.

"Sumunod ka sa akin, wag kang gagawa ng kahit ano," tahimik na sabi ni Marvin. "Nasa loob pa ng bayan ang pumatay."

Tinignann niya ang apoy sa malayo. Isang scarlet na apoy na dahan-dahang lumalaki bago ito maging hugis cruved dagger na nababalot ng dugo.

Pagpatay sa isang buong bayan… Pulang paputok…

Malinaw na ang nangyari kay Marvin habang tinitingnan ang pangyayari!

Biglang naging seryoso ang kanyang mukha at bumulong:

"Ang Outlaw of the Crimson Road…"

Hindi ma-aawat ni Marvin ang bata kaya itinali niya ito sa isang maliit na bahay. Nilagyan niya rin ng bulak sa bibig para hindi ito mag-ingay at magpakalat-kalat.

Saka niya binilisan ang takbo patungo sa gitna ng bayan, sa lugar kung nasaan ang sunog!

Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata!

Nabalot ng dugo ang isang berdeng burol. Namula sa galit ang mat ani Marvin nang makitang dumanak ang dugo ng mga inosente!

Isa itong advancement ceremony!

Ang isang Outlaw of the Crimson Road ay isang 3rd rank na class, kaya naman bago ito maka-advance kailangan nila ng hindi bababa sa level 10!

Kadalasan, ang isang 2nd rank class holder na kakatapos lang mag-advance ay mababa ang pagkakataong manalo sa isang Outlaw of the Crimson Road.

Pero iba si Marvin! May tiwala siya sa kanyang sarili.

Gusto niya rin makita ang taong gumawa ng lahat ng ito.

Sa plaza, sa gitna ng bayan, nakasalansan ang katawan ng mga matandang elf. Katabi ng isang nasusunog na kahoy na poste.

Walang habas na nilalamon ng apoy ang mga bangkay. Nakatayo naman sa tabi nito ang dalawang lalaking naka-itim.

Nagpasabog ng paputok ang isa sa mga ito.

Isa itong panghahamon pero isa ring katibayan.

Katibayan na nagawa na niya ang isa sa mga misyon para maka-advance sa Outlaw of the Crimson Road, ang pagpatay sa isang buong bayan.

Tama, ang pagpatay sa isang buong bayan ang paraan para maka-advance sa Outlaw of the Crimson Road. Ito ang pinaka brutal at walang awa sa lahat!

Kailangan nilang pumatay ng hindi bababa sa tatlong bayan ng tatlong magkakaibang race!

Walang maaaring itirang buhay.

Grupo ito ng mga malulupit na tao. Sumasalungat sila sa sistema ng lupunan at kahit na ang mga masasamang god ay hindi sila tinatanggap!

"Nagamit ko na ang paputok, at tapos na ang ikalawang bayan." Biglang tumawa ang lalaking nagpaputok at mahinahong sinabing, "Hindi ano maaabutan ng mga Elven Iron Guards na 'yon sa kagubatan."

"Kaya siguradong matatapos ko na ang misyon ko."

"At nag Great Elven King naman, mahahadlangan ng [Knowledge Compass] mo ang [Omniscient Awareness] niya kaya hindi niya malalaman kung sino ang may gawa nito. "

"Ibubuhos niya ang kanyang galit sa mga human adventurer. Baka mawasak pa ang mga bayan na nasa katimugan. Ahahah, mas lalong nagiging kapana-panabik ang mga nangyayari!"

Matapos nito, bigla itong tumawa na tila kinakabahan.

"Biruin mong pinagbantaan ako ng Shadow Spider Order. Mga bobong nilalang na 'yon, akala nila siguro natatakot ako sa kanila!"

"Ako, na ama niyo, ay naka-advance na sa pagiging Outlaw of the Crimson Road! Kapag umangat na ako sa pagiging Legend, papatayin ko kayong lahat hanggang sa wala nang matira!" Sigaw niya habang may masamng ngiti sa kanyang mukha.

Masaya namang sumang-ayon ang isa pang lalaking may hawak na itim na compass.

"Gusto ko ang pagiging arogante mo, naaalala ko sayo ang sarili ko noong kabataan ko."

"Sa pagkakataong ito, hindi na masasayang ang malaking ginastos natin para lang sa pagsasanay at pag-le-level up mo para makapag-advance ka at makasali sa organisasyon."

"Pero hindi pa tapos ang ikalawang yugto ng iyong misyon!" Bigla itong tumingin sa aninong tumatakbo papalapit sa kanila.

"Sino 'yon?"

"Hindi na mahalaga 'yon, basta bilisan mo na at patayin siya! Dahil nandito siya, kailangan niyang mamatay!"

"Tapusin mo na kaagad, hihintayin na lang kita sa dating pwesto!"

Bigla itong tumalon ng mataas at nagpatalon-talon sa bubong ng ilang bahay bago tuluyang nawala sa kagubatan.

Lalong lumalakas ang apoy na nasa dulo ng plaza.

Hawak ni Marvin ang dalawang dagger at mahinahong tiningnan ang lalaki sa kanyang harapan.

May kakaibang reaksyon ito sa kanyang mukha. Maingat nitong pinanuod is Marvin bago ito nakapagsalita.

"Ikaw!"

"Muntik na kitang hindi makilala dahil wala ang maskara mo!"

"Isang batang tukmol si Masked Twin Blades?!"

Tinitigan ito ni Marvin panandalian bago sinabi ang dalawang salita.

"Black Jack!"

Talagang nagtatagpo ang landas ng magkakalaban!

Maikling panahon pa lang ang lumilipas mula nang magtransmigrate si Marvin pero apat na beses na niyang nakaharap ang Shadow Spider Killer na 'to!

Sa Deathly Silent Hills, sa labas ng bahay ni Miller, sa basement ng plague envoy.

At ngayon naman sa isang elven village ng Thousand Leaves Forest.

Apat na beses na silang nagkakaharap!

Mahigpit na hinawakan ni Marvin ang kanyang dagger.

"Hindi na kita hahayaang makatakas sa pagkakataong 'to." Sabi ni Marvin.

Makikita ang gulat sa mukha ni Black Jack habang tinitingnan si Marvin. Pero hindi na hinintay pa ni Marvin na makapgsalita ito at walang takot itong tumakbo papalapit!

Sa pagkakataong ito, hindi na siya manlilinlang, hindi na siya magdadalawang-isip.

Dahil nagpupuyos ang kanyang poot sa kanyang dibdib.

Wala nang pagpaplano o taktika!

Isa lang ang nasa isip nito, PATAYIN SI BLACK JACK!