webnovel

Human Skin Kite

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tornado Harbor, noong araw ring 'yon.

Matindi ang sikat ng araw sa karagatan, kaya tila mas mainit at mas masakit ang mga nangyari.

Nakapasok na ang grupo ni Marvin sa siyudad matapos ang mahigpit na inspeksyon. Kung hindi dahil sa paglalabas ni marvin ng Overlord medal na galing sa South Wizard Alliance, marahil hindi na sila nakapasok sa siyudad sa gitna ng lahat ng kaguluhang ito!

Nagkakagulo na ang Tornado Harbor: nagtutulong-tulong ang lahat para lang linisin agn mga nagkalat na tipak ng bato, ang mga magulang ay hinahanap ang kanilang mga nawawalang anak, at tahimik namang ginagamot ang mga gwardya.

Marami ang nawalan ng mahal sa buhay – kapatid o kaibigan matapos ang pag-atake ng Dragon. Ang iba naman ay naputulan ng kamay o binti.

Ang mga sundalong sugatan naman, walang magawa kundi mahiga at magpagamot ng mga pinsalang natamo nila. Mas mabuti na ito kumpara sa mga namatay dahil sa Dragon Breath ng Ancient Red Dragon.

Kahit papaano'y buhay pa sila at kaya pang ipagluksa ang mga pumanaw.

Talagang malupit ang naganap.

Naglakad si Marvin sa kalsada, tahimik niyang pinagmamasdan ang mga batan nagtatakbuhan, makikita pa rin sa mata ng mga ito ang takot.

Paniguradong maitatala ang sakunang ito sa kasaysayan. Ngunit, mas malalim na sugat ang iiwan nito sa puso ng mga naninirahan sa Tornado Harbor.

Lalo na sa mga bata, na naranasan ang kahindik-hindik na pangyayaring ito sa murang edad. Ito'y isang pangyayaring hindi inaasahang mangyayari ng mga taong matagal nang payapang naninirahan dito.

Narinig ni Marvin na mayroong nagdadasal sa mga god; isang Priest ng Silver God. Pinagdasal nito ang blessing ng god, na ilayo ang kaguluhan sa baying iyon.

Sa kasamaang palad, hindi alam ng low level Priest na ito na hindi siya pakikinggan ng god na pinaniniwalaan niya.

Isang 3rd Generation Ancient God ang Silver God. Hindi siya makikisali sa pag-atake sa Universe Magic Pool, pero wala rin itong gagawin para pigilan ito.

Para naman sa East Coast, pati na sa buong Feinan Continent, ang nangyaring Dragon Disaster ay simula pa lang.

Paparating pa lang ang tunay na kaguluhan at kapahamakan!

...

Naghiwalay na ng landas sina Marvin at Ivan sa Tornado Harbor.

Nangako ang Elven Prince na hahanapin niya kung saan man nagtago ang Ancient Red Dragon na si Ell, at tatapusin na niya ang pagpatay dito.

Ngunit, alam ni Marvin na ang lumang pugad ng Ancient Red Dragon ay nasa loob ng isang kakaibang kweba sa ilalim ng karagatan. Mahirap hanapin ang lugar na ito lalo na kung hindi moa lam kung saan ang eksaktong lugar, sadyang hindi mo ito basta-basta mahahanap sa sobrang lawak ng karagatan.

Hindi na naaabot ng tubig-alat ang lugar na 'yon. At sa katunayan, tuyot at mainit sa lugar na ito dahil ito'y matatagpuan sa ilalim ng lupa na nasa ilalim ng dagat. Mayroong pa ngang lava na dumadaloy rito.

Dalawang beses nang nagdeklara ng gyera ang Ancient Red Dragon sa East Coast. Ang unang pagkakataon ay noong inatake niya ang Tornado Harbor. Ang ikalawa naman ay noong naganap ang makawasak mundong labanan kasama ng Copper Dragon na si Professor. Kapwa silang nakatanggap ng matinding pagkatalo sa ikalawang pagkakataon, tumakas naman si Ell pabalik sa kanyang lumang pugad na nasa karagatan. Ngunit nahanap rin ito ng Master Tracker at ipinakalat ang balita.

Dahil dito, hindi mabilang na adventurer ang naging interesado at nagnais na sumikat bilang Dragon Killer.

Ito ang tinatawag na "Release of the First Legendary Instance" ng Feinan, ang pagbubukas ng [Lava Palace].

Pamilyar si Marvin sa bahagi ng kwento na ito. Alam pa nga niya kung paano mahahanap ang Lava Palace na nakatago sa ilalim ng dagat.

Pero hindi niya sinabi kay Ivan ang kinalalagyan ng Lava Palace dahil alam niyang hindi pa kakayanin ni Ivan na harapin ito sa ngayon.

Naging epektibo lang ang kanyang pagsuntok sa Red Dragon dahil biglaan ito at hindi ito inaasahan ng kanyang kalaban.

Kaya kung makakaharap niya ang Ancient Red Dragon na handa ito, at gagamitan siya nito ng ilang Dragon Spell, kung hindi naglagay ang Great Elven King ng taboo magic kay Ivan tulad ng Rebirth, siguradong walang hirap siyang mapapatay ng Red Dragon!

Kahit na natakot si Ell at napaatras pa dahil sa Dragon Killer Sword spell, hindi pa rin siya kayang harapin ni Ivan nang mag-isa.

Alam na alam ni Marvin kung gaano katibay ang katawan ng Dragon, alam na alam rin nito ang mga kakayahan nito. Tanging mga malalakas na Legend, na kasing lakas ng Great Elven King, Anthony, Copper Dragon Professor, o Inheim na nakasuot ng Void Boots, ang may pag-asang makatalo sa Ancient Red Dragon.

Pero kung si Ivan ang haharap dito, kahit pa mahiga lang ang Ancient Dragon at gamitin ni Ivan ang kanyang pinakamalakas na atake, ni hindi nito malalampasan ang matigas at matibay na kaliskis nito!

Ganito kalakas ang Ancient Dragon.

Walang silbi ang mga skill at karanasan kapag kaharap mo ito.

Nanuod lang si Marvin habang papaalis na sa daungan ang barkong sinasakyan ni Ivan. Pagkatapos nito, isinagawa na niya ang kanyang plano.

Hindi pa rin niya nalilimutan kung bakit siya nagpunta sa lugar na ito. Nagpakahirap na dumaan sa Spider Crypt si Marvin para makabili ng pagkain para sa White River Valley.

Lalo pa at bagsakan ng pagkain ang Tornado Harbor.

...

"Ano?!"

"Suspendido ang lahat ng kalakaran sa Tornado Harbor, dahil sa Dragon Disaster?"

Sumimangot si Marvin.

Makikitang napanghinaan rin ng loob si Lola.

Noong huling beses siyang nagpunta sa Jewel Bay, hinanap ni Lola ang taong namamahala sa Taurus chamber sa Tornado Harbor.

Dahil sa galing ni Lola sa pagsasalita, inilarawan nito ang mahirap at naghihikahos na White River Valley bilang isang teritoryo na mayroong malaking potensyal. Pumayag naman ang namamahala, na ibaba ng 30% ang presyo ng kanyang produkto at magbenta ng trigo sa White River Valley, dahil sa pangungumbinsi ni Lola.

Ang kailangan lang, ang Taurus Chamber of Commerce ang magiging pangunahing pagkukunan ng White River Valley ng kanilang pagkain. Kailangan ring pumayag ni Marvin na magtayo ang mga ito ng mga subsidiary na mayroong mababang buwis.

Para kay Marvin, mayroong kakulangan ng mga negosyo sa White River Valley, at mababa na rin ang mga buwis ng mga ito. Pero kaya naman niyang tanggapin ng buong-buo ang mga kondisyong inilatag ng Taurus Chamber of Commerce.

Kaya naman, kung tunay man ang sinabi ni Lola, siguradong papayag siya.

Subalit, kaninang umaga, noong hinahanap na ni Lola ang namamahala, nakatanggap ito ng balita.

– Ipinagbabawal ang lahat ng kalakaran sa buong siyudad. Kailangan tumulong ang lahat sa paglilinis at pag-aayos. Ang mga dayuhan ay hindi maaaring pumasok sa Business District, Noble District, at sa daungan. –

Hindi daw bababa sa isang linggo ang itatagal ng kautusang ito.

Sa madaling salita, maaaring sa susunod na linggo pa makabili si Marvin ng pagkain mula sa Taurus Chamber of Commerce!

Agad namang tiningnan ni Marvin ang balitang ito.

Hindi nagsisinungaling si Lola.

Nakapaskil ang balita tungkol sa pagbabawal ng kalakaran sa Tornado Harbor, lalong-lalo na ang pagbebenta ng pagkain at mga produktong ginagamit sa araw-araw.

'Malaking problema ito.'

'Siguradong mauubusan na ng pagkain ang White River Valley sa loob ng anim na araw. Kailangan kong ibigay kay Madeline ang Magic Holy Grail para lang magpadala siya ng pagkain, Masyadong malaking kawalan 'yon.'

'Yung lima pang mga harbor, kung hindi man sila natamaan ng Dragon Disaster, siguradong apektado sila sa sunami. Kaya baka may ganitong kautusan rin sa kanila, masasayang lang oras kapag pinuntahan pa natin. At wala na tayong oras.'

Sumimangot si Marvin, saglit siyang nag-isip bago tuluyang nag-desisyon.

Isa na lang ang natitirang paraan.

Ang black market ng Trojan Town.

...

Paglipas ng kalahating oras, bumili si Marvin ng isang magandang kabayo na mahal ang presyo. Handan a siyang umalis ng Tornado Harbor.

Nangabayo siya, kasama ni Lola, patungo sa kanluran.

Walang alam si Lola sa pangangabayo kaya walang nagawa si Marvin kundi pasakayin ito sa bandang harapan para hindi mahulog.

Pero walang nakaka-alam kung ano na ang tumatakbo sa isip ng madaldal na babaeng ito.

Simple lang naman ang dahilan ni Marvin kung bakit niya isinama si Lola.

Magaling makipag-usap si Lola, ibig sabihin, may potensyal itong maging isang mahusay na merchant. Mataas ang kaniyang accounting at bargaining ability, na parehong mahalaga sa pakikipag negosasyon.

At syempre, sa lahat ng kanyang skill, ang pinakamatindi ay ang [Bluff].

Kaya kahit na kahit papaano ay may tiwala na si Marvin sa kanya, hindi pa rin niya ito basta-basta hahayaan mag-isa.

Kung si Anna ito, kampante na itong pabayaan na ang Half-Elf na dumiskarte para dito. Hindi na niya kailangan pang kumilos.

...

...

Tanghali, sa pangunahing kalsada. Nagkalat sa paligid ang mga tao na nayayamot naman dahil sa init ng araw.

Matapos ang ilang saglit, umalis si Marvin sa pangunahing kalsada at nagpunta sa isang bukid.

May kalayuan pa ang Trojan Town.

Mas malapit ang Trojan Town sa pasukan ng Spider Crypt at dito rin nagtungo ang dalawang Halfling. Kaunti lang naman ang bibilhin ng mga ito kaya dito sila nagtungo.

Alam ni Marvin na mayroong lihim na black market sa Trojan Town. Samu't sari ang ibinebenta rito, kasama na ang pagkain.

.

Subalit, napakamahal nito, at may panganib rin nab aka sila ay manakawan.

Kaya naman naghanda na siya para dumaan sa mga tamang tao.

Hindi naman niya inaasahan na sa araw na 'yon aatakihin ng Ancient Red Dragon ang anim na Pearl Harbor. Wala sanang problema kung nangyari ito sa ibang araw!

Habang malalim na nag-iisip si Marvin, biglang sumigaw si Lola, "May kakaibang anino!"

Tumuro siya sa malayo, sa direksyon ng Trojan Town.

Natigilan si Marvin at tumingalan, nasisilaw siya sa sinag ng araw ngunit may napansin siyang malaking anino.

Biglang nagbago ang mukha niya!

'Yon ay isang human skin kite!

'Ang Twin Snakes Cult… Masama 'to! Trojan Town!'

Biglang pumasok ang lahat ng ito sa isip ni Marvin.

Hindi alam ni Lola kung ano ang ibig sabihin nito, kaya naman nang makita niya ang seryosong mukha ni Marvin, hindi nito mapigilang makaramdam ng kaba.

...

.

Paglipas ng sampung minute, sa labas ng Trojan Town.

"Ugh!"

Nasuka si Lola.

Kakila-kilabot ang nasa kanyang harapan!

Isang poste ng laman ng tao ang nakasabit. Sa kabilang dulo naman ng tali ay isang saranggolang gawa sa balat ng tao!

Ang lahat ng laman na ito ay pagmamay-ari ng lahat ng nakatira sa Trojan Town. Tinanggal rin ang kanilang mga balat para gawin isang human skin kite.

Walang kaduda-dudang kagagawan ito ng Twin Snakes Cult.

Bangkay na lang ang natira sa Trojan Town.

Nakakasulasok ang amoy ng dugo at patay na taong bumalot sa hangin. Mas kakila-kilabot pa ang eksenang ito kumpara sa nangyari sa Thousand Leaves Forest!

Noong nakaraan ay isang maliit na bayan ng mga elf.

Ngayon naman, ang Trojan Town, na mayroong 600 hanggang 700 naninirahan!

Patay na silang lahat, at namatay sila sa isang karumal-dumal na pamamaraan.

"Ang Twin Snakes Cult!" Nagngalit ang mga ngipin ni Marvin habang binabanggit ang nakakatakot na pangalan na 'yon.

Ang mga hayop na 'yon!

Sinamantala nila ang pagpapadala ng South Wizard Alliance ng mga gwardya ng mga karatig bayan papuntang Tornado Harbor. Walang naiwan para protektahan ang Trojan Town kaya inatake nila ang mga matatanda at batang naiwan!

Hindi lubos maisip ni Marvin ang magiging reaksyon kapag bumalik, ang mga sundalong nagbabantay sa East Coast, at nakita nilang patay na ang kanilang mahal sa buhay at ginawa pang human skin kite.

'Punyeta…'

'Kailangan magbayad ng libong ulit ang Lord na gumawa nito!'

Tiniis ni Marvin ang amoy at hinila si Lola papasok ng bayan.

At dahil nakasabit na ang human skin kite, patunay ito na naka-alis na ang mga taga-sunod ng Twin Snakes.

Pero may naiwan ang mga ito sa maliit na bayan na maaari niyang gamitin para matunton sila gamit ang Night Tracking!

Sa sobrang karumal-dumal ang kalagayan ng bayan, paulit-ulit na nagsusuka si Lola.

Alisto namang nagmanman si Marvin sa paligid.

Nang biglang may narinig siyang mahihinang yabag!

Sa kaliwa!

"Whoosh!"

Agad siyang nagbato ng dart.