webnovel

Hidden Granary

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Masyado kang mapusok, bata," sabi ng matandang Halfling. "Galit rin ako gaya mo pero masyadong maraming tauhan ang Twin Snakes Cult."

Umiling na lang si Marvin at hindi na pinagpatuloy ang usapan.

"Anon a baa ng nahanap mo?" Tanong niya.

May tinuro si Old Tucker sa direksyon ng Shrieking Mountain Range.

"Nagtatago sila sa loob, pero masyadong maraming tao. Hindi natin sila kakayanin kung dalawa lang tayo," sabi ng matanda. Makikita ang pag-aalala sa mukha nito.

"Kailangan natin tawagin ang mga gwardya ng East Coast, at samahan na rin ng isang 3rd rank na Wizard para madispatya na ang Twin Snakes Cult sa rehiyong ito."

"Wag kang magpadalos-dalos. Mas malakas pa kesa sa inaakala mo ang mga taong ito. Hindi sila katulad lang ng mga gagambang nakalaban mo."

Natatakot si Old Tucker na masyadong maging mapangahas si Marvin.

Nagpapasalamat naman si Marvin sa babala nito, pero kailangan pa rin niyang gawin ito sa kabila ng lahat ng sinabi ni Old Tucker.

"Alam ko kung paano magtrabaho ang Twin Snakes Cult. Namatay ang tatay ko dahil sa kanila."

Inisip niya muna uli ang kanyang sasabihin bago sinabing, "Karamihan sa mga minamanipula nilang tao ay mga inosente. Limitado lang ang mga kakayanan nila, ang iilang mga nakatataas lang ang tunay na mapanganib."

Tumango si Old Tucker. "Kahit pa, kailangan muna nating bumalik sa Tornado Harbor."

"Wala rin tayong mapapala." Umiling si Marvin. "Kakatapos lang atakihin ng Red Dragon na si Ell ang Tornado Harbor. Nagkakagulo pa sila doon. Ni hindi na sila nagpapapasok ng tao sa ngayon."

"Nakasalubong ko si Little Tucker sa Trojan Town, pinagkatiwala ko sa kanya ang kasama kong si Lola. Pinapunta ko sila sa Black Dock Harbor."

"Pero parehong bata pa ang dalawang 'yon. Kung gusto mong bumalik sa Six Pearl Harbor, mas mabuting hanapin mo sila sa Black Dock Harbor."

Pagkatapos ay muling nagtalo ang dalawa. Alam ni Old Tucker na handa na si Marvin na lusubin mag-isa ang base ng Twin Snakes Cult kaya naman sinubukan niya itong pigilan.

Sinabi naman ni Marvin na mayroon siyang plano at hindi lang basta-basta susugod.

At sa wakas, pumayag na rin ang matandang Halfling, at ipinagpatuloy na lang ang kanyang naunang plano, ang bumalik sa Six Pearl Harbor para ipaalam sa mga gwardya ang nangyari.

Lalo pa't isa siyang Thief at hindi isang fighter. Hiniling ni Marvin na alagaan ni Old Tucker si Lola at isa pang bagay.

"Mayroon ka bang item na makakapagpataas ng dexterity? Sa tingin ko kakailanganin ko 'yon kapag kinalaban ko na ang mga taga-sunod ng Twin Snakes Cult."

Nagbabaka sakali lang si Marvin.

Napakaganda ng mga kagamitan ni Old Tucker. Magnanakaw ang lalaking ito bago siya nagbagong buhay. Ilang taon siyang nagnakaw ng mga bagay at hindi nahuli kailanman, kaya siguradong maraming magagandang bagay itong nakuha.

At dahil kahit papaano ay may tiwala na sila sa isa't isa, hindi naman na masama ang magtanong kung magtanong siya kung maaaring manghiram ng isang bagay.

Nagdalawang isip muna si Old Tucker bago tuluyang inabot ang isang singsing kay Marvin.

Natuwa si Marvin nang kunin niya ang singsing.

At tulad ng inaasahan, maituturing talagang mayaman ang mga Thief!

Matagal-tagal na rin siyang naglalakabay, at kay Black Jack lang siya nakakuha ng marami-raming bagay. Pero ang isang linggong pagnanakaw sa Tornado Harbor, siguradong mas marami pang makukuha si Old Tucker.

"Nagamit ko ang Thunder Ring na 'to noong kabataan ko. At dahil kakalabanin mo mag-isa ang Twin Snakes Cult, hindi na lang ito basta pahiram, sayo na ang singisng na 'yan!"

Bibihirang maging mapagbigay ang matandang Halfling. Marahil kinilala nito ang tapang na ipinakita ni Marvin.

'Hmmm… mukhang backup item ito, kaya siguro niya siguro binigay sa akin.'

Tiningnan ni Marvin ang mga dark ring sa kamay ng matandang Halfling at hindi mapigilang mapa-isip.

Hindi ba mas maganda pa sa Thunder Ring ang mga 'yon?

Gayunpaman, maganda pa rin naman ang Thunder Ring. Kahit papaano'y maibibigay na nito kung ano ang kailangan ni Marvin.

[Thunder Ring]

Quality: Uncommon

Effect: Dexterity +1

Requirement: None

...

Kayag makibagay sa sukat ng nagsusuot ang mga Uncommon item. Umabot sa 24 na puntos ang dexterity ni Marvin nang suotin niya ito.

Kailangan na lang niyang palitan ang kanyang [Rope Master] na titolo at gawing [Chaotic Battle Expert]. Nang sa gayon, aabot sa 25 ang kanyang dexterity kapag nakaharap siya ng dalawang taga-sunod ng Twin Snakes. At dahil dito, mas bibilis siya at magagamit na niya ang kanyang Flicker.

Taus-puso namang pinasalamatan ni Marvin ang Halflinf sa pagbibigay sa kanya ng singsing. Aalis na sana ito nang may isang bagay pa itong inilabas.

Isang lumang sinturon na kulay ginto.

"Isang Rock Giant Belt. Nakuha ko 'yan sa sikura ni Elizabeth."

Hindi nagbago ang mukha ng Halfling habang sinasabing, "Ikaw ang nakapatay sa Red Spider, kaya nararapat lang na sayo mapunta 'to. Pero may mas mahalagang sitwasyon pa noon kaya ako na ang kumuha nito para sayo. Tapos nakalimutan ko. Pero dahil nagkita na tayo ulit, ibinibigay ko na sayo 'to."

Hindi nagbago ang mukha ng Halfling habang sinasabi ito.

'Pucha…'

Kinuha ni Marvin ang sinturon at sinabi sa kanyang sarili, 'Wala akong nakita sa tiyan ng Red Spider… kala ko minalas lang ako.'

'Hindi ko inakalang nakuha na pala ng matandang Halfling.'

'Mukha namang marangal at mabuting tao ang lalaking 'to pero nangati pa rin pala ang kamay niya?'

Gayunpaman, bilang isang Thief, binalik pa rin ni Old Tucker ang isang bagay na ninakaw niya. Maituturing na rin itong pagiging tapat.

Isa pa, nakakamangha ang mga property ng sinturong ito!

Kahit na isa lang itong uncommon item, isa pa rin ito sa pinakamagagandang uncommon item.

[Rock Giant Belt]

Quality: Uncommon

Effect: Strength +2

Napakabangis ng mga property nito!

Ano pa nga ba ang pinakang kailangan ni Marvin sa ngayon? Strength! Lalo pa at ipinagpalit ng pagiging isang Dual wielding Ranger ang Strength para sa speed.

Umabot na sa puntong, dahil kulang ang kanyang puntos sa Strenght, kapag inaatake niya ang isang malaking halimaw, masisira niya ang kanyang dagger, o kakailangan niya pang mag-iba ng taktika para tamaan ito sa kritikal na bahagi ng katawan!

Hindi ito ginagawa ni Marvin para magpasikat…'Yon lang kasi ang tanging paraan dahil kulang ang lakas niya!

Basta tama ang pagkakasunod-sunod ng mga atake niyang ito, malaki ang magiging epekto nito sa kanyang kalaban. Pero kung lalaban siya sa isang expert, isa itong malaking kahinaan.

Kaya naman, tamang-tama lang sa kanya ang dalawang puntos ng Strength na ito para sa kanya.

Agad namang sinuot ni Marvin ang Rock Giant Belt. Tumaas ang kanyang Strenght mula sa 12, naging 14 na puntos ito.

Matapos nuyang makakuha ng dalawang uncommon item, nagpaalam na si Marvin sa matandang Halfling at mag-isang nagtungo sa dakong timog-kanlurang bahagi ng Shrieking Mountain Range.

...

Kinagabihan. Tumigil si Marvin sa isang burol. Mukhang may naramdaman ang kabayo at kumilos na para bang may kinatatakutan ito.

Nakakatakot ang paligid, pero tanging ang mga sensitibong hayop lang ang nakakaramdam ng mali sa kanilang kapaligiran.

Binitawan ni Marvin ang renda para pakawalan ito, agad naman itong tumakbo patungong timog-silangan.

Ginawa niya ito para wala siyang gaanong bakas na maiwan.

Ang burol na nasa harapan ay isang mahalagang sangay ng Twin Snakes Cult sa East Coast, ang Hidden Granary.

Iisa lang ang daan papasok sa Hidden Granary, at mahigipit ang seguridad dito.

Pero walang-wala ito sa Stealth ni Marvin na 101 ang puntos!

Nahanap na agad niya ang kweba. Walang katao-tao sa labas ng kweba, pero matindi pa rin ang pagdepensa rito.

Mayroong dalawang 2nd rank na Cleric ang nagbabantay sa kapaligiran. Nagkukubli sila sa anino ng kweba para hindi sila madaling makita ng ibang tao.

At pareho silang mayroong batugang Osse Dog sa kanilang paanan.

Bibihirang makakita ng ganitong klase ng aso sa East Coast. Isa itong hayop na nagmula sa Osse Island sa dakong hilaga. Matalas ang pang-amoy ng mga Osse Dog at may kakayanan din silang makita ang mga kalabang hindi makita.

Kaya naman madalas gamitin ang mga ganitong aso para bantayan ang mga mahahalagang pintuan.

Tiningnan ni Marvin ang dalawang nanghihinang Osse Dog. Alam niyang namanhid na ang mga ito dahil sa nakakahilong hininga ng mga Twin Snakes Cult.

Mukhang hindi alam ng mga Cleric ng Twin Snakes Cult na, madaling madungisan ng maruruming bagay ang pang-amoy at paningin ng mga Osse dog.

Mayroong isinasakripisyo ang Hidden Granary kada buwan, kaya naman nagtipon-tipon na sa napakagulong burol na ito ang kaluluwa ng mga namatay

At malinaw naman na namanhid na ang perception ng mga Osse dog dahil dito, kaya naman hindi na mapapansin ng mga ito ang kanyang Stealth.

Pero kahit pa ganoon, naghintay pa rin si Marvin.

Inantay niyang magdilim ang paligid.

Mas mabuti kung sa gabi kikilos ang mga Night Walker.

Madilim na ang kalangitan.

Unti-unti nang nagsimula ang operasyon ni Marvin.

Nasa kasukalan ang Hidden Granary, kaya naman hindi mababawasan ang Stealth ng Ranger dahil sila ay nasa kasukalan. Idagdag pa rito ang bonus ng Night Walker.

Dahan-dahan siyang pumasok sa daan papasok.

At tulad ng kanyang inaasahan, tila bulag na ang mga asong ito, at ang dalawang Cleric naman ay walang magandang pamamaraan para matuklasan ang Stealth.

Matagumpay nan nakapasok si Marvin sa Hidden Granary.

Dahan-dahan ang kanyang pagkilos, bawat yapak niya ay alindunod sa kilos ng Stealth. Isa itong napakahalagang karanasan na nakuha niya sa pagiging isang Thief dati.

Habang naka-Stealth, mahalaga ang galaw ng mga paa. Minsan, ang tama at tamang bilis ay makakapagpataas ng pagiging epektibo nito.

May mga maliliit na lagayan ng apoy ang nakasindi sa paligid ng madilim na kweba. Mayroon rin disenyo ng World Ending Twin Snakes sa lagayan ng mga apoy na ito.

Habang papasok si Marvin sa mas malalim na bahaging Hidden Granary, marami siyang nakasalubong na taong tila hindi nakikita ang kanilang dinaraanan.

Wala nang sariling kagustuhan ang mga ito at nilason na ang kanilang utak ng mga Cleric, kaya naman araw-araw na lang nagdarasal ang mga ito sa World Ending Twin Snakes.

Kapag may nakitang kalaban ang mga ito, bigla na lang nilang aatakihin ang mga ito.

Nakakatakot man ang mga ito, inosente pa rin sila.

Kung mapapatay ang Cleric na nagmamanipula sa kanila, makakalaya ang mga ito.

Kaya naman, hindi pangkaraniwan ang Hidden Granary!

Kung gagamit ng pangkaraniwang taktika ang mga grupo, gaya ng pagpatay sa lahat ng nakakaharap nila, mamamatay sila. Wala silang makukuha sa pagpatay sa mga taong ito at dahil doon bababa ang kanila Fame. Marami ring masasayang na oras, experience at potion dahil dito.

Ang Hidde Granary ay para sa mga Stealth expert.

Dahil espesyal ang lugar na ito.

Madali na lang ito para kay Marvin na pamilyar na sa laro. Naaalala pa niya ang lugar na ito. Kalahating oras siyang naglakad, nilalagpasan niya lang ang mga ordinaryong tao at mga 2nd rank na Cleric, bago niya naabot ang daan papasok sa kweba ng Officer Cleric.

Mahigipit ang seguridad ng Hidden Granary sa labas, pero maluwag ito sa loob. Mayroon lang isang kurtinang nakasabit sa harap ng kweba ng Officer Cleric. Wala rin kahit anong uri ng depensa rito.

Dahan-dahang pumasok si Marvin.

Kasing laki pa rin ng kanyang naaalala ang kweba. Sa katunayan, sa isang sulok nito ay may aninong bumubulong.

Mukhang may kinakausap ito!

May naisip si Marvin at lumapit pa ito.