webnovel

Hero saving a beauty?

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Sa Thousand Leaves Forest.

Mukhang payapa ang kagubatang ito tuwing gabi. Tumatama ang liwanag ng buwan sa tuktok ng mga puno, kaya naman napakaraming anino ang nagagawa nito. Walang may alam sa kung ano ang nagtatago sa mga aninong ito.

Ngunit, hindi mo madaramang mag-isa ka kahit tahimik. Tila bawat aspeto ng kagubatan ay namumuhay ng mapayapa at nakikibagay sa isa't isa.

Kung druid lang si Marvin, makakakuha pa siya ng impormasyon tungkol sa gubat na ito, at maaari rin niyang makita kung ano ang nasaksihan ng mga puno.

Pero bilang ranger, isa rin ang gubat sa kanyang mga paboritong lugar. Ramdam niya ang kapayapaan ng lugar.

Isang malakas na pwersa ang pumoprotekta sa lugar na ito.

Bago ang pagkamatay ni Anthony, sa tuwing tinitingnan ng Eye of the Bright Sun ang buong East Coast, na tuloy-tuloy mapa-araw man o gabi, naramdaman ng mga tao ang kaligtasan.

Sa Thousanf Leaves Forest, natatanggap ng lahat ng taga rito ang Great Elven King's blessing.

Bawat puno, bawat hayop.

Walang masasamang loob ang nagtatangkang manggulo sa lugar na ito. At hindi nagtatagal ang mga sakim na adventurer sa loob nito. Mahigpit na binabantayan ng mga elven iron guard ang hangganan ng Thousand Leaves Forest. Ang sino manghimasok ay sapilitang palalayasin o ikukulong.

Napakahirap kumawala mula sa kulungan ng mga elf.

Sa dulo ng kagubatan, dalawang anino ang mabilis na papalapit dito.

Kinakabahan si Marvin pero kasabay nito'y sabik rin siya sa kanilang gagawin.

Parang masyado atang nagmamadali si Sean. Pagkatapos na pagkatapos naming lumabas sa [Eternal Night Paradise], ang incomplete plane ng Night Monarch, dinala niya agad si Marvin sa Thousand Leaves Forest.

Matapos niyang maranasan ang buhay ng isang blacksmith ng isang buong taon, pagod na si Marvin.

Pero hindi ito pisikal na pagkapagod, pagod ang kanyang pag-iisip. Pinipilit na lang niya ang sariling upagpatuloy, umaasa na lang siya sa kanyang willpower at kagustuhang maging isang Night Walker.

Bago pa man sila maka-alis, malinaw ang mga sinabi ni Sean.

Ang susunod na pagsubok ay ang huling pagsubok para maging isang Night Walker, ang pagtanggap ng Night Monarch's blessing sa pamamagitan ng pagbibinyag.

Kapag nagawa niya ito, magiging isa na siyang Night Walker at magiging bahagi ng kanilang organisasyon.

Isang panibagong kandilang puno ng buhay ang madadagdag sa lalagyan ng kandila ni Sean.

"Inilagay ang puntod ng Night Monarch sa Thousand Leaves Forest. Hindi pa hawak ng mga elf ang Thousand Leaves Forest noong mga oanahong 'yon."

"Kaya para matanggap ang Night Monarch's blessing, kailangan pumuslit papasok sa Thousand Leaves Forest."

"Kailangan maingat sa pagpasok, dahil kapag nakita ka ng Elven Iron Gurard, malaking problema 'yon."

Ito ang sinabi ni Sean kay Marvin bago umalis.

Bigla itong nanahimik pagkatapos magpaliwanag, makikita ang lakas ng isang dating pinuno ng Night Walker sa kanya. May natamong permanenteng pinsala ang matandang ito sa kanyang mga kamay at paa pero mabilis pa rin itong tumakbo.

Hindi siya magawang sabayan ni Marvin! Kung hindi sinadyang bagalan ni Sean ang takbo, kanina pa napagiwanan si Marvin.

Muling namangha sa tunay na lakas ng mga Night Walker si Marvin.

Hindi Legend si Sean!

Muntin a siyang umabot sa pagiging isang Legend, mayroong siyang mga class level na [Level 8 Ranger – Level 12 Night Walker]. Pagkaabot ng limang level, bihirang kumuha ang mga Night Walker ng isa pang advanced class. Sa halip, patuloy lang nilang pinapataas ang level ng kanilang class para maabot ang 3rd rank o di kaya pinapataas ang level ng kanilang base class. Pinatataas nito ang kakayanan nilang makibagay sa mga nagaganap sa isang laban.

Konetado ito sa isang makapangyarihan specialty ng mga Night Walker.

Kahit na hindi alam ni Marvin kung gaano na karami ang napatay ni Sean, siguradong umabot na ng level 4 o mas mataas pa ang kanyang [Night Kill] specialty.

'Hindi naman siya makakatakbo ng ganito kabilis kung hindi…'

'Pero kahit na naabot ko na ang dexterity threshold ko at napakabilis na ng running speed ko, hindi ko pa rin siya maabutan.'

'Hindi sa dexterity galing kundi sa mga ability ng isang Night Walker tuwing gabi nanggagaling ang bilis na 'to!'

Nahirapan si Marvin makipagsabayan kay Sean.

Bihira siyang tumakbo ng ganito. Ang kinaganda lang ng sitwasyong ito, hindi niya kailangan bigyan ng gaanong pansin ang kapaligiran nya.

Kailangan niya lang sundan si Sean kung saan man ito pumunta.

Sa tingin ni Marvin, mas malakas pa kumpara sa mga ability ng mga druids tuwing gabi ang mga ability ng kanyang guro.

Sayang nga lang na kung kelan pinakamalakas si Marvin, nakatamo pa ito ng matinding pinsala. Mas mahina pa ang kanyang mga ability kumpara dati, posible na sana ang pag-advance.

Kaya naman, mabilis na tumakbo ang dalawa sa Thousand Leaves Forest.

Kitang-kita ang pakinabang ng darksight. Kahit na napakabilis ng kanyang takbo, malinaw pa rin niyang nakikita ang kanyang kapaligiran.

At mas lumakas ang kanyang constitution dahil sa isang taong pagsasanay. Hindi dapat maliitin ang 2 puntos na nadagdag sa kanyang constitution. Para na ring nabago ang kanyang stamin at resistane dahil dito.

Bukod sa mas mabilis na siyang tumakbo, kaya na niyang tumakbo ng mas matagal.

At ang pinakamahalaga, kasabay ng pagtaas ng kanyang constitution, mas mataas na ang magiging limitasyon ng kanyang specialty na [Burst].

Ito'y karagdagan sa kanyang strength na hindi niya masukat.

Sa kasamaang palad, wala siyang oras para pag-aralan ang mga attribute ng curved dagger na natanggap niya. Pinag-iisipan ni Marvin kung hihinto ba siya para aralin ang stats ng [Blazing Fury] at mga hidden stats nito. Pero hindi siya pinayagan ni Sean.

Sabi nito'y kapag hindi siya nasundan ni Marvin, babagsak siya sa Night Walker advancement.

Kaya naman walang magawa si Marvin kundi sundan si Sean.

Di nagtagal nakaabot na sila sa kaibuturan ng Thousand Leaves Forest.

Matapos ang ilang saglit, biglang tumigil si Sean at sinenyasan si Marvin!

'Anong problema?' Nanginig si Marvin. Agad siyang tumigil at sumandal sa isang puno.

Tumango si Sean at biglang nawala sa kanyang kinatatayuan!

Anong ability 'to!

Tumingin sa paligid si Marvin at halos mapasigaw sa gulat.

Nasa 50 hanggang 60 metro ang layo ni Sean bago ito nawala, pero bigla na lang itong napunta sa kanyang likuran.

Kung ginusto nitong patayin si Marvin, magagawa niya ito ng walang kahirap-hirap!

Kahit na ang kilalang [Shado Shift] ng isang Ace Phantom Assassin ay hindi ganoon kalayo ang sakop!

Isa pa, gabi na ngayon, kaya walang kahit anong anino sa likod ni Marvin para magamit sap ag-shift!

Tila maraming skill ang Night Walker na dapat pag-aralan.

Hindi mapigilang masabik ni Marvin habang iniisip 'to.

"Wag kang maingay," sabi ni Sean. "Higit pa sa naiisip mo ang kakakayahan ng mga Night Walker. Kung hindi lang ako mayabang noong kabataan ko at hindi ko hinamon ang isang Legendary Wizard, baka Legend na rin ako ngayon!"

"May nakaharang sa harap. Sa tingin ko dapat mong gamitin ito bilang pagsubok."

"Sige na"

'Ano?'

Walang naintindihan si Marvin sa sinabi ni Sean pero kumilos pa rin ito.

'Nakaharang?'

Gusto niyang umabante pero wala naman siyang nakikita, at wala rin siyang naririnig na ingay.

'Sabi niya sa harap, gaano ba kalayo…'

"May babae 5 kilometro ang lato dito. Kumuha siya ng dalawang adventurer para samahan siya papasok ng Thousand Leaves Forest."

"Mukhang may hinahanap ito, pero balak siyang iwan ng dalawang adventurer. Nanganganib ang buhay niya ngayon."

"Dispatyahin mo na ang mga lalaking 'yon. Bumilib ako sa killing skill mo kaya madali lang naman sayo 'to, diba?"

Dagdag ni Sean.

Hindi makapaniwala si Marvin nang marinig niya ito.

"Pucha!"

"Limang kilometro!"

"Paano mo nalaman lahat 'yon?" Hindi niya mapigilang magtanong.

Bumulong si Sean, "Dahil nagpunta sa Oak Town ang babaeng 'yan ilang araw na ang nakalipas. Pumunta siya kay Jane para magpagawa ng mga bagong damit. Nakapagkwentuhan silang dalawa saglit, kaya may kaunti akong nalalaman. At kung tatanungin mo naman bakit napakalayo ng nakikita ko, dahil ito sa nakuha kong Night Monarch's blessing. Walang hindi nakikita ang mga mata ako."

Biglang na lang itong napatingin muli sa malayo.

"Bilisan mo!" pagmamadali niya.

"Magsisimula na ang dalawa!"

"Binata ka naman diba, ayaw mo bang maging bayani at iligtas ang isang magandang dilag? Pagkakataon mon a 'to."

Nanatiling tahmik si Marvin.

Kailanman ay hindi niya ginustong magpakabayani at magligtas ng magandang dilag!

Mga tagapagbantay ng Feinan ang mga Night Waker. Ang pangangalaga sa ilang mga sikreto ang isa sa kanilang responsibilidad, pero kailangan rin bas a class na 'to ang tumulong sa tuwing may naaapi?

Tiningnan niya ang kakaibang reaksyon sa mukha ng matanda, at naramdaman niyang may binabalak ito.

May kakaiba talaga sa sitwasayong 'to!

Pero wala na siyang magagawa kundi bilisan ang pagpunta sa babae!

Sumunod lang si Sean sa kanya. Di nagtagal, hindi na siya napansin ni Marvin.

'Punyeta, napakatuso talaga non.

Napamura na lang si Marvin.

Bigla-bigla na lang siyang inuutusang gawin ang ganitong bagay.

Mabilis naman siyang nakarating sa sinasabing lugar ni Sean, isang maliit espasyo.

Pinaliligiran ng dalawang adventurer ang isang babae.

Masama ang tingin ng mga ito sa babae.

Parehong 2nd rank class holders ang dalawa!