webnovel

Harvest [Two in One]

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nang lumitaw ang mga Devil Horsemen, natataranta na si Balkh.

Hindi na siya binigyan ni Marvin ng oras para makapaghanda. Ang Demon Wizard na ito ay mayroong ay mayroong Legend level na casting at kayang kumonekta sa Abyssal Blood Pond. Walang makakapagsabi kung anong klaseng magic ang magagawa nito kung mayroon itong oras.

Sa pamumuno ni Blackhand, walang habas na sumugod ang mga Devil Horsmen sa Demonic Altar!

Para sa mga Devil, pamilyar na sila sap ag-atake sa isang Demonic Altar.

Hinubog na sila ng mga laban na pinagdaanan nila sa madugong gyera na isang libong taon nang nagaganap.

Kung isa-isang sumugod ang mga Devil Horsemen, maaari pang malabanan ni Balkh ang mga ito gamit ang kanyang magic.

Pero dahil nahati sa tatlong grupo ang 24 na Horsemen para umatake mula sa tatlong magkakaibang direksyon, mukhang hindi na ito kakayanin ng Demon Altar.

Sunod-sunod itong nagpakawala ng mga Death Ray, at sinundan pa ng napakaraming mas mahihinang spell.

Isa-isang bumigay ang mga Devil Horsemen dahil sa pag-ulan ng apoy at nga mga dark spell.

Pero walang umatras sa mga ito.

Dahil sa pagmamataas ng mga Devil, hindi sila makakpayag na umatras dahil sa isang Demon, at hindi rin naman nila ito magagawa dahil sa utos ni Marvin na hindi nila maaaring suwayin!

Wala silang magagwa kundi sumugod!

"Tigidig, Tigidig, Tigidig!"

Kumakaripas sa kalangitan ang mga Skeletal Warhorse, maririnig sa bawat yabag ng mga ito ang makabagbag damdaming tunog.

Alam ni Marvin na hindi lang ito isang tunog. Kundi isa itong epekto ng pananakot!

Ang tunog ng pagalingawngaw ng kanilang pagtagpo ay nahadlangan ang napakaraming pag-cast ni Blakh!

Kahit ang Demon Wizard na nasa altar ay tinatablan pa rin nito.

Lalo pa at mag-isa lang siyang lumalaban, at limitado pa rin ang lakas ng isang tao!

Ang awra ng pagkawasak ay kumakalat na, pero gaano pa man kabilis mag-cast si Balkh, hindi niya mapipigilan ang lahat ng Devil Horsemen!

Nang makaapak si Blackhand Bard sa Demonic Altar, nabasag na ang sistema ng depensa nito.

Isinaksak nila ang mga berdeng sibat na hawak nila sa sahig ng altar!

Noong mga oras na iyon, isang matalas na tunog ng pagsabog ang nagmula sa ilalim ng altar!

Makikita ang hinagpis ni Balkh sa kanyang mukha.

Tila baliw itong sumigaw ng, "Mamatay na kayo!"

"Blag!"

Thunder Purgatory!

Walang pinili ang mga kahindik-hindik na kidlat nang bumagsak ito mula sa kalangitan at tumama sa paligid ni Balkh, pati ang mga dating eksperimento ni Balkh ay tinamaan. Ang mga Devil Horsemen na umapak sa altar ay tinamaan rin!

Pero nasira din ng pwersa ng napakalakas na Legend Spell ang mga huling pundasyon ng altar. Habang si Blackhand Bard naman, ang pinuno ng mga Devil Horsemen na mayroong pinakamabilis na reaksyon sa kanilang lahat, ay tumalon papalayo sa altar para maiwasan ang matinding pag-atake!

"Blag!"

Tuluyang nawasak ang pundasyon ng altar.

Ang banderang nakasabit sa buto ng Cyclops ay bumagsak nang malakas!

Isang malamlam na asul na ilaw ang lumutang sa ilalim ng pundasyon ng altar.

Tila mabagal ang pagkilos ni Balkh.

Sa maikli pero mabagsik na labanan na iyon, halos lahat ng Devil Horsemen ay namatay!

Tanging si Blackhand na lang ang naiwan, at wala na rin ang kanyang Skeletal Warhorse at sandata niya.

Basta matagumpay na mabawi ni Balkh ang kanyang kaluluwa, makakatakas siya.

Pero noong oras na iyon, isang anino ang lumitaw sa pagitan niya at ng kanyang kaluluwa.

Nanghina si Balkh!

Si Marvin.

Hindi siya tumugod patungo kay Balkh, sa halip ang asul na liwanag ang pinunterya nito.

Mayroong bato sa gitna ng liwanag.

Ito ang soulstone ni Balkh.

Sinelyo niya ang sarili niyang kaluluwa doon at ibinigkis ito sa pundasyon ng altar, kaya naman naging mas akma ang altar sa kanyang kaluluwa. Kung nagkaroon lang siya ng mas maraming oras na palakihin at palakasin pa ito, ang lambak na ito ay magiging isang nakakatakot na kuta.

Sa kasamaang palad, hindi na darating ang araw na iyon.

Dahil mas mabilis sa kanya si Marvin!

Nakapaghanda na si Marvin nang ituos niya sa mga Horsemen na atakihin ang altar.

Matapos niyang gamitin ang kanyang Hell Corps Contract, siguradong hindi na niya bibigyan ng pagkakataon si Balkh na makatakas!

Kinuha ni Marvin ang soulstone ni Balkh, at lumingon ito para tingnan ang Great Demon.

Pinilit manatiling mahinahon ni Balkh. Gamit ang Sheep-head staff sa kamay nito, tinututukan pa rin nito si Marvin at malumanay na sinabing, "Ibigay mo sa akin yan, at bibigyan kita ng malaking pabuya."

"Ipapaalam ko na kaagad sayo, gawa sa pinakamatigas na bato ang soulstone ko. Aabutin ka ng isang linggo para sirain 'yan."

"Alam kong hindi ka purong Devil. Hindi talaga tayo magkalaban." Naging magalang bigla si Balkh.

Pero walang pakialam si Marvin sa mga sinasabi nito.

Bahagya lang itong tumawa, "Isang linggo ba?"

Sa sumunod na sandali, maririnig ang tunog ng pagkabasag ng soulstone sa kanyang kamay!

"Krrsh1"

Dalawang sinag ng kulay abong liwanag ang lumabas mula sa mga mata ni Marvin at tumama sa soulstone.

Ang soulstone na iyon, na siguradong-sigurado si Balkh na mahirap wasakin, ay nabasag nang ganoon-ganoon lang.

Naging abo ito sa harap mismo ng Demon na hindi makapaniwala sa nangyari.

Nawasak na ang kanyang kaluluwa!

Taning si Blackhand at si Marvin na lang ang naiwan sa altar matapos ang matinding labanan.

Ang seryosong reaksyon ng middle-rank Devil ay hindi nagbago kahit na namatay ang lahat ng kanyang kasamahan.

Sa katunayan, noong pumirma pa lang sila sa contract handa na silang ibuwis ang kanilang buhay.

Alam nila na darating din ang araw na ito.

Kaya naman, nanatili lang siyang mahinahon.

Tiningnan ito ni Marvin at malumanay na sinabi, "Maraming salamat sa tulong niyo. Pero mayroon lang akong tanong, pwede mo bang sagutin?"

Bahagyang natuliro si Blackhand pero seryoso itong sumagot, "Gagawin ko ang makakaya ko para tulungan ka, pero mayroong mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin o gawin."

Tumango si Marvin. "Pwede ko bang makita si Diross?"

Pagkatapos ng ilang sandali, umiling si Blackhand.

Sumimangot naman si Marvin. "Bakit? Alam mo naman siguro na sa kanya nanggaling ang contract ko."

Sadaling nag-isip si Blakckhand bago ito nagsalit, "Sinabi sa amin ni Lord Diross na sundin ang mga utos mo, pero tulad ng sinabi ko kanina, mayroong mga bagay na hindi ko pwedeng sabihing. Pwede ko lang sabihin ay mataas ang tingin sayo ni Lord Diross at mayroong siyang inaatakeng mahalagang lugar sa ngayon, wala siyang oras para makipagkita sayo."

"Kung gusto ka niyang makita, lilitaw siya sa harap mo ano mang oras."

Napabuntong hininga si Marvin.

Inasahan na niya ito. Wala siyang nakuhang impormasyong kapaki-pakinabang tungkol sa kanyang lolo mula sa Devil Horseman.

Pagkatapos nito ay nagtanong siya tungkol sa epekto ng Motlen Bloodline at Hell Corps Contract.

Malabo naman ang sagot ni Blackhand tungkol sa mga bagay na iyon.

Hindi niya nilinaw ang tungkol sa Molten Bloodline. At tugnkol naman sa contract, ang tanging epekto lang ng paggamit niya nito ay pumili na siya ng papanigan.

 .

Ang mga Devil at Demon ay mortal na magkalaban, at ang paggamit ni Marvin sa contract ay nangangahulugan na pinili niyang panigan ang mga Devil.

Masasabing isa itong epekto.

Wala namang masyadong pakialam si Marvin ditto. Mayroon naman talaga siyang Devil Bloodline kaya wala siyang magandang opinyon tungkol sa mga Demon. Hindi niya lang inasahan na makakasalamuha niya ang baliw na nilalang ng Abyss. Sa kabilang banda, kahit na ang mga Devil ay kilala bilang maninira, sila ay mga artistikong maninira. Kahit na tuso sila, strikto sila sa mga patakaran.

Gayunpaman, wala na siyang itatanong pa kay Blackhand, kaya pinaalis na siya ni Marvin.

Nasa kamay pa rin niya ang abo ng soulstone.

Tiningnan niya ang abo at binuksan ang kanyang interface.

'Epektibo talaga sa mga kaluluwa ang mapanirang kakayahan nito. Kahit na malaking pinsala ang natamo ng sisisdlan ng kaluluwa na ito!"

Tahimik na tiningnan ni Marvin ang linya ng [Spirit Orb].

Matapos niyang mapatay ang huling Trapper at si 29th, umabot na sa [200/200] ang kanyang Spirit Orb.

Matapos mapuno ng Spirit Orb, isang bagong soul skill ang lumabas, ang [Harvest].

[Harvest: Soul attack. Wasakin ang isang sisidlan ng kaluluwa at magdulot ng malaking pinsala sa kaluluwang laman nito.]

Isa itong simple at mabagsik na skill.

Pareho ito sa Legend spell na [Soul Scatter]!

Pero syempre, mas mahina ito.

Lalo pa at ang Soul Scatter ay isang kakaibang spell sa mga Death Spell. Hindi ito kasama sa Death Magic Resistance, at sino mang pagggamitan nito ay walang magagawa kundi umasa na pumalya ito.

Habang ang Harvest naman ay isang mabagsik na spell kapag pinupunterya nito ang isang soulstone o phylactery.

Kahit sa isang ordinaryong labana, ang paggamit ng Harvest ay parang pag-cast ng isang makapangyarihang soul attack na maaaring gumulo sa isip, reaksyon, at sa mismong utak ng mga ito, dahil maituturing na isang sisidlan ng kaluluwa ang katawan ng isang tao.

At mas kapaki-pakinabang naman ito para naman sa mga laban na ang bawat segundo ng paglibang ay maaaring magbago ang kalalabasan ng laban.

Ang problema lang ay kailangan mangolekta ng kaluluwa ng skill na ito.

Tanging kapag marami lang siyang napatay, saka lang siyang makakakuha ng sapat ng data para magamit ang ability na ito.

Napansin ni Marvin na noong ginamit niya ang Harvest, bumalik sa [0/200] ang Spirit Orb].

Kung gusto niya muling makakuha ng 200 soul points, kakailanganin niya ng oras.

Kaya dapat panatilihing isang alas ang skill na ito.

Nakakuha ng malaking benpisyo si Marvin sa pagpatay kay Balkh.

Hindi na kailangan pang banggitin ang exp. Sa realm na ito, malaki ang nakukuha exp pero wala rin itong silbi.

Ang tanging kapaki-pakinabang niyang nakuha mula sa laban ay 5 puntos ng Comprehension!

Kaya naman mas napalapit si Marvin sap ag-abot ng level 2 Ruler of the Night dahil dito.

Sa bawat level ng kanyang Euler of the Night class, makakakuha siya ng panibagong skill. Ang Eternal Night Seal ang kanyang pinili para sa unang level.

Makapangyarihan ang mga skill ng Ruler of the Night!

Bukod dito, marami rin siyang nakitang mga materyales.

Dahil konektado sina Balkh at ang Magic Dragon, nagawa nitong gamitin ang Magic Dragon bilang storage item niya.

Nang mamatay si Balkh, sumabog ang Magic Dragon, pero hindi lahat ng bagay sa loob nito ay nawala.

Marami siyang naiwan na Blood Essence Stone. Hindi bababa sa 200 ang nabilang ni Marvin. Sa tingin ni Marvin ay nakuha ni Balkh ang mga iyon mula sa mga taong malapit doon.

Pero ang bagay lang na may pakialam siya ay ang staff na lumitaw!

Dahil buo pa rin ito matapos sumabog ang Magic Dragon, siguradong pambihira ito.

Maingat na siniyasat ni Marvin ang berdeng staff. Mukhang mas manipis ito kumpara sa mga ordinaryong magic staff na madalas niyang makita. At mas mukha itong wand na ginagamit ng mga Lesser Angel.

Pero ang staff ay may makapangyarihang awra ng Nature. Kahit na hind ma-appraise ni Marvin ito nang maayos, alam niyang isa itong pambihirang item.

Marahil isa itong Nature-attributed Magic Staff, tulad ng ginagamit ng karamihan ng mga Druid. Kaya siguro hindi ito ginagamit ni Balkh ay dahil isa siyang Demon at itinatakwil sya ng power of Nature.

Bukod dito, mayroong lumulutan na kulay pilak na embudo pati na isang malaking itim na gem. Hindi alam ni Marvin kung para saan ang mga ito at kakailanganin niya ng isang specialized appraiser para tingnan ang mga ito. Pero malinaw na hindi ordinaryong mga item ang mga ito.

Sa madaling salita, malaking bagay na ang Nakita niyang mga Blood Essence Stone at Magic Staff. Hindi pa rin kinuha ni Marvin ang lahat dahil kailangan niya pa rin harapin ang naging resulta ng laban.

Lalo pa at mayroon pang ibang tao sa Valley na ito.

Sinipa ni Marvin ang ilang durog na bato.

Buhay pa at humihinga ang lalaki.

Pero ang ikinagulat ni Marvin ay mayroong parehong awra ang lalaking ito kay Corrupt 29th na inatake siya.

"Pinatay… mo siya?"

Mukhang hindi lang nakaligtas mula sa buong laban ang lalaking ito, nasaksihan pa nito ang pagpatay niya kay Balkh.

Dahan-dahan itong gumapang palabas sa tumpok ng mga bato. Ang kaliwang bahagi ng kanyang mukha pati na ang kanyang kaliwang kamay ay itim na dahil sa pagkasunog.

Malinaw na tinamaan ito ng Thunder Porgatory spell.

Pero hindi ito namatay.

Ibig sabihin, napakataas ng constitution nito.

"Sino ka?" Maingat si Marvin dito.

Saglit na natahimik ang lalaki bago ito tumingin sa mga kamay nito. Saka ito muling tumingin kay Marvin at malungkot na sinabing, "Hindi ko alam kung sino ako."

Sa kaibuturan ng lambak, mayroong mga Human na nakakulong sa mga kulungan.

"Mga kasamahan ko sila," Sabi ng lalaki kay Marvin, "Pero wala na ang dignidad nila bilang tao dahil sa Demon na 'yon."

"Naiiba ako sa kanila dahil nagustuhan niya kung sino ako. Isa akong heneral sa mundo ko."

"Ang mundo namin ay napakatanda na at noon pa man ay mayroon nang bali-balita tungkol sa mga Demon, pero walang sumeryoso dito. Sa totoo ang, noong araw na 'yon, nang magbigay ng babala ang Great Prophet, hindi ko rin siya sineryoso. Naisip naming na ang mga balitang ito ay pawing mga kwento lang. Paano ba magkakaroon ng mga God at Demon?"

"Pero… Mabilis at walang awang dumating ang delubyo. Winasak ng hukbo ng mga Demon ang mundo namin."

"Nagpakalat-kalat ako bago ko napunta sa kamay ng Demon na 'yon. May mga ginawa siya sa katawan ko… mga walang-awang eksperimento."

"Sa totoo lang, hindi ako lalaban kung gusto mo akong patayin."

"Nararamdaman kong may malaking pagbabago sa katawan ko. Naging malakas ako pero parang mahina rin ako."

Matapos sabihin ito, tumigil ang lalaki at napaluhod ito habang umiiyak.

Mayroong kulungan sa kanyang harapan na may laman na babae at bata.

Ito ang asawa at anak niya.

Hindi nabuhay ang mga ito pagkatapos ng unang mga eksperimento ni Balkh. Mabaho na ang kanilang mga katawan.

Pero tiningnan pa rin ng lalaking si Baro ang mga ito.

Nakatayo lang sa isang tabi si Marvin, tahimik na umiiling.

Kahit na alam niyang maraming plane ang nakaranas ng pananakop ng mga Demon, nakaramdam pa rin siya ng galit sa kanyang nakita.

Pareho lang ang mga tao sa Feinan at mga Secondary Plane.

Gusto lang nilang mamuhay nang payapa sa kanilang mga teritoryo.

Pero lagging mayroong delubyong dumarating.

"Pwede mo ba silang bigyan ng kapayapaan?" Tinuro ni Baro ang mga Human na walang emosyon sa kanilang mga mukha at nakakuyom ang ngipin niyang idinaddag, "Pati ako."

"Wala nang natitira sa akin."

Malumanay na binunot ni Marvin ang Azure Leaf at tahimik na lumapit.