webnovel

Familiar

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nakabalik si Marvin sa Feinan dahil sa Teleportation Gate na binuksan ni Louise.

Ang Gate ay patungo sa isang kweba sa Lumber Woods.

Hindi naman nakakagulat na sina Professor, Kangen, at ang iba pang mga Metallic Dragon ay naroon.

Nakahinga nang maluwag si Professor nang makitang lumitaw si Marvin.

Matapos sabihin ni Louise na dinala niya si Marvin sa Elemental Plane of Water, bahagya siyang nag-alala.

Dahil kahit ang isang makapangyarihang Dragon ay magmumukhang isang butiki sa harap ng Elemental Sovereign, paano pa kaya ang isang mortal?

Kahit na si Louise ay kaibigan ni Kangen, mahiram masabi kung ano ang iniisip nito. Kaya walang nakakaalam kung ano ang posibleng mangyari.

Ngayong nakabalik na nang ligtas si Marvin, nakahinga na sila nang maluwag.

Dahil sa nahuli nang dating sina Kangen at Professor, nalaman nila na ang nabago na ang destinasyon nila nang pumasok sila sa Teleportation Gate.

Imbis na sa Nightmare Boundary, napunta sila sa ibang lugar.

Mabuti na lang at ang dalawang ito ay mga pambihirang powerhouse, at kahit na hindi madali ang interplanar travel sa kanila pareho, nagawa pa rin nila ito.

Pagbalik nila sa Feinan ay nakatanggap sila ng impormasyon mula kay Louise.

Kapag pinagsama ito at ang nalaman nila, siguradong ang pagtitipon na ito ng mga Chromatic Dragon ay nagresulta sa delubyo.

Tanging ang kalagayan lang ng Ancient Red Dragon na si Ell ang hindi nila alam.

Sa natitirang apat na Dragin, si ikarina ay napatay ni Marvin habang ang tatlo pa ay naging Evil Dragon na, at naging bahagi na ng Evil Dragon Cemetery.

Pero hindi pa rin itong magandang balita para sa mga Metallic Dragon.

Pagkatapos nilang mag-usap, para mapigilan nila ang plano ni Hartson na gamitin ang underground temple bilang lagusan, nagdesisyon sila na was akin ang Teleportation Gate sa ikatlong palapag.

Hindi madali ang pagsira sa isang Teleportation Gate na ginawa ng isang God, pero mabuti na lang at maraming tinatagong alas ang mga Metallic Dragon. Maraming mga artifact at ancient treasure ang mga ito.

Agad naman kumilos ang mga Metallic Dragon.

Naghati sila sa dalawang grupo: ang usa ay pamumunuan ni Professor ang bahala sa pagsira ng Teleportation Gate, habang ang pamumunuan ni Kangen ay nagbabalak na magtungo sa Elemental Plane of Water. Maganda ang relasyon niya kay Louise at kahit paano ay masasabing kaibigan niya ang Water Elemental Sovereign, kaya malaya siyang makakalabas at makakapasok sa Elemental Plane of Water.

Nang binanggit ni Marvin ang pagliligtas sa kaluluwa ni Tidomas, sinabi sa kanyang hindi na ito kailangan.

Pagkaalis ni Marvin, nakilala rin pala nina Professor at Kangen ang Dragon Soul.

At tulad ng iba pa, kilala ni Professor si Tidomas!

May matinding kutob siya tungkol sa kakaibang Dragon, at pagkatapos nilang mag-usap, hindi lang nila ito pinakawalan, tinulungan pa nila itong mabawi ang mga alaala niya.

At mula kay Tidomas nila nalaman ang tungkol sa masamang plano ng Dragon God na si Hartson.

 Kaya naman, hindi na kailangan ang nakuhang Book of Forgiveness ni Marvin. Payapa nang namamahinga ang kaluluwa ni Tidomas.

Wala namang naramdamang pagkamuhi si Tidomas nang mabawi niya ang kanyang mga alaala.

Mapayapa lang siyang umalis sa mundong ito, at nagtungo ang kanyang kaluluwa sa Underworld.

Isa itong pambihirang pangyayari. Lalo pa at inagaw ni Dragon God Hartson ang kanyang katawan at kinulong ang kanyang kaluluwa. Namuhay siya sa paghihirap habang ninakaw rin ni Hartson ang kanyang pangalan at ginamit ito para maghasik ng lagim sa mundo.

Pero sa huli, nakakagulat na walang masamang naramdaman si Tidomas.

Ang tanging paliwanag lang nito ay, kahit nang mamatay na ang tapat na Dragon na ito, isa lang ang iniisip nito: ang pagiging tapat sa kanyang Dragon God.

Napukaw naman nito ang kanilang mga damdami.

Lalo na si Marvin, na nalaman na ang epekto ng Dragon Teeth, isa pala itong nakakatakot na Dragon Restraining skill na hihigupin ang galit ng isang Dragon para gawing kapangyarihan ng sino mang gumagamit nito.

Pagkatapos alisin ni Professor ang Dragon Teeth, nalaman niya na ang kapangyarihan ay hinihigop pala ng Evil Dragon Cemetery.

Hindi man lang pinakawalan ni Hartson ang kaluluwa ni Tidomas nang mamatay ito, lalo pa niyang pinagsamantalahan ang kaluluwa nito.

Ang tanging pagkakamali niya lang ay walang poot o galit si Tidomas, kaya kaunting kapangyarihan lang ang nakuha niya.

Pinatay niya ang pinakatapat niyang taga-sunod at naisipan pang kunin ang lahat ng maaari niyang makuha mula rito, pero masyadong tapat ito, kaya naman kaunting lakas lang ang nakuha ni Hartson. Kung titingnan ay nakakatawa ang sitwasyon na ito.

Gayunpaman, masasabing ang problema sa Lumber Woods ay tapos na.

Sinabi n ani Marvin kina Professor at sa iba pa ang nalalaman niya.

Pero hindi pa rin niya binanggit ang tungkol sa Fairy. Naniniwala siya na wala rin sasabihin si Louise na kasing importante ng Crystal Statue.

Mas makakabuti kung kaunti lang ang nakakakaalam ng tugnkol dito.

At dahil tapos na ito, kailangan nang tawirin ni Marvin ang Millennium Mountain Range para magpunta sa Supreme Jungle.

Nagkataon naman na ang isa sa mga Metallic Dragon, ang Silver Dragon, ay may bibisitahin tatlong bayan sa Norte. Madadaanan siya malapit sa Supreme Jungle kaya inalok nito si Marvin na isama siya hanggang doon.

Hindi lubos na mauunawaan ng pangkaraniwang tao ang taglay na bilis ng mga Ancient Dragon. Dalawang oras lang ang tinagal nang lumipad ang Silver Dragon mula sa Lumber Woods hanggang sa Supreme Jungle!

Matapos magpasalamat ni Marvin kay Stein, naghiwalay na sila at pumasok na siya sa madilim na bahagi ng Supreme Jungle.

Ang Supreme Jungle ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng mga bansa sa Norte.

Kabilang ito sa kagubatan na umaasa sa Millennium Mountain Range, umaabot ito hanggang sa Far North at mayroon pa itong tatlong bayan sa dakong silangan nito.

Nasa paligid lang din ng Supreme Jungle ang Lavis Dukedome, hindi ito gaanong malayo, pero hindi rin ito gaanon malapit kaya hindi sila nagkakasalamuha.

Wala naman nang masyadong nabalitaan si Marvin tungkol sa Lavis Dukedom.

Sa araw ng Great Calamity, sinindihan ni Daniela ang Source of Fire's Order. Iyon lang ang alam niya.

Pero pagkatapos nito ay nakaranas ng Demon Invasion ang Sorcerer Country na ito.

Normal lang ito dahil maramng Sorcerer na nagmula ang kapangyarihan mula sa mga Demonic Contract. Kahit na ang bloodline ng Lavis Royal Family ay nagmula sa mga Devil. Maraming mga paksyon ang nagmula sa mga Demon. At ang ilan sa mga tao sa loob nito ay nasuhulan ng Demon Overlord at palihim na kumilos.

Sa madaling salita, sinasabi na ang Abyss Gate ay direktang nasa kapital ng Lavis Dukedom.

Mukhang matindin ang kanilang sitwasyon.

Hindi malinaw kay Marvin ang mga detalye. Hindi naman humingi ng tulong si Daniela kaya maayos naman sigro ang kanilang kalagayan.

Hindi dapat minamaliit ang Ice Empress. Walang magagawa ang isang hukbo ng mga Demon sa kanya.

Sa mga oras na ito, nakarating na si Marvin sa kaloob-loobang bahagi ng Supreme Jungle.

Maingat siyang naglalakad.

Hindi siya gumamit ng Long Distance Teleportation dahil ayaw niyang mahanap ng Great Druid na si Old Ent.

Tila kakaiba para kay Marvin ang bagay na ito tungkol kay Endless Ocean.

Kaya mas mabuting pumuslit siya papasok at unawain muna ang sitwasyon.

Pero hindi niya inasahang makaramdam ng pammilyar na awra.

Sumimangot si Marvin. 'Hell's Familiar?'