webnovel

Ethereal Jar

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Sa bilis ng mga pangyayari, walang magawa si Marvin kundi sundin muna ang sinasabi ni Hathaway.

Nag-aalala siya sa kalagayan ni Isabelle. At kahit na base sa tono ni Bandel ay wala itong gagawing masama sa ngayon, paano siya mapapanatag ko napunta sa kamay ng isang baliw ang isang talentadong babae?

At hawak pa rin nito si Molly.

Namatay na si Griffin, pero tumatak ang batang babaeng iyon kay Marvin. Nangako siya sa sarili na kung kakayanin niya, tatapusin niya na ang lahat ng ito.

At ang unang hakbang ay ang pagpatay sa avatar ng Wilderness God!

Sa sinabi ni Hathaway, ang pagtulog ng ng Wilderness God ay isang uri ng pagpeke ng kanyang pagkamatay. Isang makapangyarihang God ang dahilan kung bakit siya nasa bingit ng kamatayan, atumabot ito sa punto na mapapanatili na lang niya ang kanyang Source of Fire sa kanyang avatar para unti-unting mag-ipon muli ng lakas. 

Sa mga nakalipas na taon, ang apoy na ito ay nahihimbing sa gitna ng mga Life-Severing Ivy at ito ang nagbibigay kakayahan sa mga ito na humigop ng kapangyarihan at lakas.

Ngayon na pumasok na ang apoy na ito sa lampara ng Lich at inilayo na rito, nawalan na ng epekto ang makapangyarihang Divine Law ng Wilderness God sa lugar na ito.

Kung hindi, hindi pa rin sana babalik ang mga Legend Law.

Matapos mawala ang mga Divine Law, ang kaninang tila nakakatakot na mga ivy at tila mga halimaw na lang na mayroong kaunting Divinity.

Kahit na avatar ito ng Wilderness God, maaari pa rin itong talunin!

Agad na binuksan ni Marvin ang takip ng garapon na hawak niya, gaya ng sabi ni Hathaway.

Kahit wala siyang ibang ginawa, isang matalas ng bugso ng ingay ang lumabas mula sa garapon.

Nag-init ito, at kung hindi dahil sa mga gwantes na suot niya, baka nabitawan na ito ni Marvin!

"Hindi. Ito ang Ethereal Jar…"

"Isa kang Witch!" Sigaw ng Wilderness God.

Ang lahat ng cyan ivy ay nagtipon muli sa paligid ng nag-aapoy na bulaklak para protektahan ito.

Pero huli na ang lahat.

Ang tagal nang nagtatago ni Marvin sa Shadow Plane at naghihintay ng tamang pagkakataon. Dahil sa pagkuha ni Hathaway ng atensyon nito, siguradong magagawa niya ang kanyang kailangan gawin.

Nagpabalik-balik siya sa mga ivy, at ginamit ng distortion ability ng kanyang Night Boundary.

Kaya nakarating siya sa harap ng mga nag-aapoy na talutot sa isang iglap.

Ang kaninang mabagsik na bulaklak ay pinanghinaan ng loob nang makaharap si Marvin at ang Ethereal Jar.

Mahusay na iniwasan ni Marvin ang mga ivy at kumuha ng talutot ng bulaklak. Saka niya ito ipinasok sa Ethereal Jar.

"Wuwuwu…"

May ingay na lumabas mula sa Ethereal Jar. Sa harap ng matinding ingay, nanghina na ang mga nag-aapoy na talutot.

"Hindi kita hahayaan!"

Pilit na lumaban ang avatar ng Wilderness God.

Sinuko na nito ang lahat at pinabalik na ang lahat ng cyan ivy at dinamba si Marvin!

"Mag-ingat ka!" Sigaw ni Hathaway.

Hindi inasahan ni Hathaway na kahit pinipigilan ng kanyang Witchcraft ang mga ivy, mabilis pa ring makakabalik ang mga ito.

Sa ilang segundo lang ay mapapaligiran na si Marvin ng mga Life-Severing Ivy!

Sinamantala naman ng iba ang pag-atras ng mga ivy para iayos ang kanilang sarili at tumakas.

Nagsimulang yumanig ang templo na para bang gugugho na ito!

"Delikado na ang lugar na ito, kailangan natin makahanap ng daan palabas!" malakas na sigaw ng isa sa mga powerhouse. "Minsk alam mo ba kung paano?"

Mukhang magkakilala ang dalawa.

Itinuro ni Minsk ang ivy at sinabing, "Kung hindi siya mamamatayn, hindi tayo makakalabas."

Natahimik silang lahat.

Tumatak sa kanila ang bangis ng mga Life-Severing Ivy. Hindi kaya mas madali sabihin kesa gawin ang pagpatay sa mga ito? Tila walang hangganan ang dami ng mga ito. Hindi nila mauubos ang lahat ng mga ito!

"Nasa panganib ang binatang 'yon," nag-aalalang sinabi ng isa sa kanila. Pareho rin ang reaksyon ng iba pa.

Pero walang ni isa sa kanila ang tumulong. Sa dami at bagsik ng mga Life-Severing Ivy, sino nga naman ang mangangahas na lumapit?

Mas lalong matalas ang mga chant na binibigkas ni Hathaway.

Ang malakas na kapangyarihan ng Witchcraft ay naging isang alon, at umagos ito sa buong lugar at dinoble nito ang epekto ng pagpigil sa mga ivy.

Mabilis na lumingon si Marvin at alam niyang hindi na pwede pang patagalin pa ang bagay na ito, kaya naman ibinuhos na niya ang kanyang buong lakas!

Ang kanyang anino ay parang kidlat, mabilis na iniiwasan ang mga cyan ivy, isa-isa niyang pinipitas ang mga talutot at inilalagay sa Ethereal Jar.

Nang bunutin ni Marvin ang huling talutot, nanginig ang mga ivy, at nagsimulang gumuho ang kisame at bumagsak ang napakaraming bato!

Isang galit na pag-atungal ang maririnig sa buong lugar at naitulak pabalik ang impluwensya ng Witchcraft chant ni Hathaway!

"Umalis ka na dyan, bilis!"

Narinig ni Marvin ang boses ni Hathaway sa kanyang isipan.

Ngumiti si Marvin. Gumalaw ang kamay nito, isang bagay ang lumipad sa pagitan ng mga ivy at papunta sa mga kamay ni Hathaway.

Ang Ethereal Jar!

Ang Artifact ng mga Anzed, at isa sa mga simbolo ng Witch Queen.

Natigilan si Hathaway. Hindi niya inasahan ang ginawa ni Marvin dahil naiiba ito sa kanilang pinag-usapan.

Ang plano niya ay umalis na pagkatapos makuha ang mga nag-aapoy na talutot.

Hindi tulad ng iba, mayroong kakayahan si Hathaway na umalis kahit kailan niya gusto dahil sa kapangyarihan niya bilang Witch Queen.

Pero hindi niya inasahan na hindi tatakas si Marvin nang matapos nito ang kanyang misyon.

Lumubog ang imahe nito sa dami ng mga cyan ivy.

Sa kaibuturan ng Wilderness Hall, isang atungal ang patuloy na umaalingawngaw, palakas ito nang palakas. Nayayanig na ang mga poste, at unti-unti nang gumuguho.

Nagtatakbuhan na ang lahat, pero nagulat sila nang makitang paliit nan ang paliit ang kanilang dinadaanan.

Habang nasa gitna ang lahat ng mga ivy, paliit nan ang paliit ang espasyo ng templo, gumuguho na ito!

"Mga kasama tingnan niyo!" Sabi ng isang boses. "May pinto dito."

Tumingin nanamn ang iba, at mayroong ngang isang matatanaw na pinto sa dilim. Nagtakbuhan ang lahat patungo rito, ang huling pag-asa nilang makatakas.

Ilang tao lang ang nanatiling mahinahon, kasama na rito si Minsk.

Tiningnan nito si Hathaway at nagtanong, "Kaya mo siyang patayin, bakit hindi mo ginawa?"

Walang emosyon naman sumagot si Hathaway, "Wala naman akong pakialam sa mga taong 'yan. Nagpunta lang ako rito para bawiin ang kapangyarihan ko."

Habang sinasabi niya ito, isang pulang liwanag ang lumabas mula sa Ethereal Jar.

Kusang bumukas ang takip ng Ethereal Jar, isang buong talutot ang dahan-dahan na lumutang palabas.

Malumanay na binuka ni Hathaway ang kanyang palad at nahulog ang pulang talutot sa kanyang palad.

Bago ito dumapo, isang bulaklak na mayroong limang kulay ang namukadkad sa kanyang palad. Dito napunta ang pulang talutot, at perpekto itong kumabit sa bulaklak.

Iwinagayway niya ang kanyang kamay at nawala, nang walang bakas, ang bulaklak na mayroong anim na kulay.

Samantala, karaming ng mga Legend ay tumaakbo papunta sa pinto.

Pero ang nakita lang nila ay isang madugong kalangitan!

"Nagpunta talaga ang mga tanga na 'yon sa sikmura."

Tiningnan ni Hathaway ang mga ito nang may paghamak, bago muling lumingon kung saan nawala si Marvin sa gitna ng napakaraming ivy.

Bahagya siyang nagdalawang-isipm pero binuka niya ang kanyang kamay at kumumpas para magcast ng Witchcraft.

Pero biglang isang malakas na pag-atungal ang nagmula sa napakaraming cyan ivy!

Sumabog ang ginintuang liwanag sa paligid kasabay ng pagpagaspas, ng isang nakamamanghang Griffin, ng kanyang mga pakpak habang lumalaban ito para makawala sa napakaraming cyan ivy!

Gamit ang dalawang dalawang kuko nito, mayroong itong hawak na kulay luntiang bagay na mukhang puso!