webnovel

Despair Hills

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Mayron palang lihim na binabalak ang anak ng northern city lord na si Toshiroya.

Ang ikinaganda lang nito'y panandaliang nahinto ang kanyang binabalak.

Eto ang narinig ni Amber, isama pa ang mga alaala ni Marvin, may kutob na siya sa kung ano ang nangyayari.

Maraming alam si Marvin sa kasaysayan ng laro, bilang dati siyang legendary player. Maging mga opisyal na anunsyo ng iba't ibang kaganapan, o mga impormasyon tungkol sa mga misyon, naka-imbak lahat ito sa isip niya.

Ang mga manlalarong kilala bilang "golden generation" ay dumating sa Feinan Continent anim na buwan matapos ang Great Calamity.

Pero mayroon pang kalahating taon bago mangyari ang Calamity. Kung ibang tao siguro ito, mararmadaman nilang kahit pamilyar sila sa mundong ito, ay tila hindi rin sila pamilyar dito.

Hindi sila katulad ni Marvin na naalala lahat kahit ang maliliit na detalye.

'Kung hindi ako nagkakamali, isang 2rd rank wizard ang River Shore City Lord. Matagal na siyang nag-aaral ng magic kaya naman mayroon munang pumalit sa kanya pansamantala.

'Sobrang korap ng mga opisyal ng River Shore City dahil rito. Wala kasing nagbabantay sa kanila.'

'Pero hindi magtatagal, babalik rin ito matapos kumalat ang dark poison. Didispatyahin niya ang mga tagasunod ng plague god at lilinisin ang kanyang munisipyo.'

Natandaan ni Marvin ang mga detalyeng 'yon.

Kung hindi siya nagkakamali, ito ang pinoproblema ni Toshiroya.

Kaibigan niya ang lahat ng opisyal sa munisipyo dahil sa konektado siya sa proxy ng city lord. Pero anong meron dito?

Kung tutuusin, hindi niya teritoryo ang River Shore City!

Bumalik na siguro ang tunay na City Lord kaya siya nahihirapan.

Kaya naman napanatag na sa ngayon ang loob ni Marvin.

Kahit papaanoy ligtas pa sa ngayon ang White River Valley.

Kritikal na panahon ang tag-init sa pagtatanim. Mahalaga ang aanihin sa taong ito. Kakatapos lang masakop ng mga gnoll ang White River Valley, at hindi na kakayanin nito ang isang pang krisis.

"Manmanan mo lang. Kapag may narinig o nalaman kang makakasama sa White River Valley, sabihin mo agad kay Anna!" Utos ni Marvin.

"Masusunod po."

Matapos marinig ang utos, agad na umalis si Amber.

Hindi rin mananatiling nakatunganga lang si Marvin. Umalis na rin siya ng River Shore City ng gabing iyon.

Tulad ng kanyang pinlano, hindi dumaan si Marvin sa mga pangunahing kalsada, bagkus ay sa mga maliliit na daanan siya dumaan.

Mauubusan siya ng oras kapag sa normal na ruta siya dadaan. Mas pinili niya ang mas mabilis na daan kahit na mapanganib dito!

Natural lang na marami siyang makukuha kapag nalagpasan na niya ang mga panganib na ito.

Mayroong dalawang lugar na mabundok sa dakong hilaga ng River Shore City.

Puno ng mga criminal ang Deathly Silent Hills na nasa dakong hilagang-kanluran. Dati nang pumunta dito si Marvin para puntahan ang abandonadong altar para ialay ang daliri ng Lich. Nakakuha siya ng +1 na dexterity blessing pati na ang 2 elf na alalay niya.

Nasa dakong hilagang-silangan naman ang teritoryo ng Necromancer, ang Despair Hills.

Buti na lang nasa pagitan ng dalawang ito ang pangunahing kalsada. Kumukurba ito patungo sa dakong hilagang-kanluran at pagkatapos ay dumadaan sa [Crow's Claws], at liliko uli patungo sa hilagang-silangan.

Parang letrang "S" ang daan.

Ang lakas ng mga necromancer ang dahilan nito.

Ilang taon na ang nakalipas, mayroong isang Death Monarch na ginawang Paraiso ang lugar na ito para sa mga patay. Kahit na ang River Shore City Lord ay hindi basta-basta pupunta sa lugar na ito.

Isang legend monarch ang naninirahan dito, mayroon ding tatlong 3rd rank na Great Soul Wizard na nagbabantay sa lugar na 'to. May mga nagsasabi ring mayroong mga lich, bone devils, at kung ano-ano pa.

Hindi nangangahas pumasok ang mga ordinaryong tao sa Despair Hills. Sa katunayan, hindi sila makakapasok dito kahit gustuhin man nila.

Itinuturing ng mga necromancer ang Despair Hills bilang kalupaan nila. Kaya naman naglagay sila ng mga barikada sa hilaga at katimugan para mahirapang makapasok ang mga hindi necromancer.

Ang Ghost Valley ay na sa barikada sa timog.

Pagkatapos baybayin ni Marvin ng napakatagal ang kalsada, nakarating na siya sa Ghost Valley!

[You found the Ghost Valley – Knowledge +1]

[Knowledge – Geography (Ghost Valley)]: Ang southern barrier ng mga necromancer. Hindi maaring pumasok ang buhay sa loob!

.

Pagputok ng araw, nakatayo na si Marvin sa harap ng Ghost Valley. Malamig ang hangin kaya naman hindi siya mapalagay kasama ng kanyang 9 constitution.

Pero hindi pa rinsiya nag-alinlangan pumasok!

Pagkatapos ng sampung hakbang, may lumitaw na mga kataga sa harap ni Marvin.

[Hindi maarng pumasok ang mga buhay sa loob!]

Ito ay lugar ng mga patay!

Hindi pinauunlakan ang mga hindi buhay na nilalang na hindi necromancer.

Ranger si Marvin. Hindi siya makakapasok dito. Kung ipagpipilitan niya, hindi magdadalawang-isip ang mga gwardyang pira-pirasuhin siya.

Sa likod ng mga kataga, makikita ang makapal na hamog. Kung basta-basta lang papasok si Marvin, baka lapain lang siya ng mga halimaw.

Tumugil si Marvin sa harap ng mga kataga at kinatok ito.

May ritmo ang kanyang pagkatok. Tatlong mahihinang katok at isang malakas.

Tatlong beses niya itong inulit nang may isang naghihinagpis na sigaw ang umalingawngaw sa kanyang tenga.

"Pucha! Fear check na naman!"

TInakpan ni Marvin ang tenga at may ibinulong.

Dahil sa kanyang platycodon flower badge, hindi siya tatablan ng mahinang fear skill ng mga ghost.

[Fear check success! Fear ineffective!]

Dito makikita ang halaga ng headless girl's gift. Kung wala ang platycodon flower badge, malamang nagdalawang-isip na si Marvin na pumasok sa Despair Hills.

Pero dahil sa item na ito, mataas ang kanyang kumpyansa.

Pero kahit na hindi gumana ang fear skill, matinis pa rin ang boses ng ghost kaya hindi pa rin mapalagay si Marvin.

Maganda naman ang itsura ng ghost na 'to pero parang mahina ang kanyang utak.

Dahil tuloy-tuloy lang itong tumitili mula nang lumitaw 'to. Kung mayroong mga hayop sa paligid, siguradong nagising na ang mga ito.

"Manahimik ka!" Galit na sigaw ni Marvin.

"Buksan mo ang pinto, dali!"

Biglang lumapit ang ghost kay Marvin habang sinisigaw na, "Hindi pwedeng pumasok ang ma buhay! Hindi pwede!"

"Hindi ako normal na nilalang!" Sagot ni Marvin.

Inilabas niya ang spell book ni Heiss mula sa void conch!

Isa itong necromancy spell book na ibinigay dahil sa kalakaran sa pagitan ng isang grave robber at isang low level na nercromancer!

May nakalagay na pagkakakilanlan sa libro. Maaring makapasok si Marvin sa Despair Hills ng walang problema dahil dito!

"Isa ka palang Filthy Grave Robber!"

Hindi katalinuhan ang ghost, pero nakilala nito ang imprenta. Biglang na kinabahan si Marvin.

Bigla nitong binuksan ang pinto.

"Bakit mo iniba ang itsura mo? Mayroon ka sigurong kakaibang paraan para gawing mas gwapo ang sarili mo!"

"Pumasok ka na, Filthy Grave Robber!"

Nabigla si Marvin. Nauto niya ang low level na ghost. Tahimik naman siyang pumasok.

Malamig ang hangin.

Makulimlim ang kalangitan, maitim ang lupa, nagkalat na mga buto, at mga sigaw kung saan-saan.

'May mga tao ba talagang nakatira dito?'

Hindi mapigilang kutyain ni Marvin ang mga taong nakatira sa Despair Hill.

Maya't maya ay may maririnig na sigaw ng mga ghost. 'May nakakatulog bas a lugar na 'to?'

Malalim siguro matulog ang mga necromancer na 'yon…

Sandamakmak na paniki ang naglilipara. Saglit na pinalibutan si Marvin ng ito ngunit wala namang ginawa.

Maraming mga espiritu ang nababawasan ang talino dahil sa negatibong enerhiya dito kaya naman madali lang silang linlangin.

Pero iba ang mga necromancer, tuso ang mga ito.

Ayaw makasagupa ng necromancer ni Marvin.

Lalong-lalo na ang isang necromancer na mataas ang rank dahil hindi ito kakayanin ni Marvin.

Mabuti na lang, malawak ang luagar na ito. Tila mga nerdo ang mga necromancer. Papasok ito sa mga kabaong o magsasaliksik sa sementeryo at hindi lalabas ng sampung araw hanggang sa isang buwan.

Kaya kahit papaano'y ligtas naman si Marvin.

'Hindi naman lalagpas ng 10 oras ang paglalakbay mula Ghost Valley hanggang sa Skull Vally.'

'Tatawirin ko ang Despair Hills, tapos sa ang teritoryo ng taon 'yon, tapos ang moonlight forest sa bandang hilagay, saka ako sasakay ng hot air balloon papuntang three ring towers.'

'Basta wala akong makasalubong na kalaban sa kalsadang ito, madali lang ang paglalakbay ko!'

Patuloy na nag-iisip si Marvin habang naglalakad ng banayad.

Ang banayad na paglalakad ay nakakabuti para sa kanyang stamina. Pangkaraniwan lang ang constitution ni Marvin, kaya naman pangkaraniwan lang din ang kanyang stamina. Kailangan niyang ireserba ang lakas niya.

Anim na oras niyang binaybay ang ruta base sa pagkaka-alala niya. At wala pa naman siyang nakakasalubong na problema.

Hanggang sa marating niya ang isang locust tree.

Halatang may mali sa locust tree na 'to.

Tumigil si Marvin.

Biglang may tumalon mula sa locust tree!

Isang batang namumutla. "Mapanganib dito! Umalis ka na!" sabi nito kay Marvin.

Bago pa man makapagsalita si Marvin, May isang malakas na ingay ang dumagundong mula sa kanyang likuran!

Nagbago ang mukha ni Marvin. Hindi niya napigilang magmura, "Pucha!"

"Ghost uprising ba 'to?"

Tumango ang bata, "Oo, hindi ko sinasadyang…"

"Takbo!" Hindi na nagsalita pa si Marvin at tumakbo na lang!