webnovel

Deceit

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Kung patayin ng isang ordinaryong tao ang isang miyembro ng twin snakes, may technique sila para maipadala ang itsura ng pumatay sa mga taong may mas matataas na ranggo sa kanila.

Kakaunti lang ang mga taong may alam kung paano lusutan ang technique na 'to at isa si Marvin dito.

Brutal ang pamamaraang ito. Kailangan mo lang dukutin ang mga mata nila bago mo sila patayin.

Mayroong dalawang [Poisonous Snakelet] na nakapaloob sa mga mata ng mga miyembro ng twin snakes. Kaya nilang manipulahin ito at ginagamit rin nila ito para magpadala ng mga mensahe.

Basta sirain ang mga mata ng mga 'to bago patayin, maaring hindi na mahanap ang pumatay.

sa sobrang brutal ng pamamaraang 'to, dinig na dinig hanggang sa labas ng silid ang pagsigaw ni Miller.

Walang makikitang awa kay Marvin.

Hindi naman matigas ang puso ni Marvin. Sadyang alam niya na kailangang hindi ka dapat naaawa kapag masamang tao tulad nito ang kaharap mo.

Hindi niya ito pwede pabayaan na lang dahil baka makabawi pa ito.

Pagkatapos niyang patayin si Miller, napansin niya ang napakalaking apoy sa labas/.

Sinamantala nila na abala ang mga patrol sa dock area at ang iba pang sundalo ay nagbabantay sa wealthy district. Sinabihan ni Marvin ang mga gwardya niya na kunin lahat ng maari pa ilang mapakinabangan.

"Mayroon lang kayong sampung minute. Kunin niyo na lahat ng kaya niyong dalhin." Utos ni Marvin.

Mabilis na tinapos nila andre ang grupo ng mga mercenary at sinunod na ang utos ni Marvin. Dahil alam nilang sa lord nila mapupunta lahat ng pera.

Walang dahilan para hindi nila gawin.

Pagkalipas ng sampung minute, kumalat pa lalo ang apoy. Masama na ang kutob ni Marvin.

"Sir Mask, may nakita kaming tagong silid, punong-puno ng mga alahas sa loob.." Sabik na sabi ng isang gwardya.

"Hayaan niyo na, umalis na tayo dito!" Lalong nag-alala si Marvin kaya nagdesisyon na siyang umalis.

Alam din ni Andre kung kalian dapat tumigil… bukod sa nakapatay na sila at nagsunod sa loob ng siyudad, nagnanakaw pa sila.

Naisip niyang hindi to gagawin ng kahit ang pinakamapangahas na grupo ng thief.

Kapag nahuli sila ng patrol… bibitayin sila!

Nagtaka silang lahat kung bakit wala pa rin hanggang ngayon ang mga patrol na dating nagtatanggol sa wealthy district.

"Bilisan niyo!" Sabi ni Andre.

At umalis na nga ang mga gwardya.

Nagpaiwan si Marvin para siguraduhing walang sumusunod.

Nang biglang dumating mula sa di kalayuan ang isang aninong kasing bilis ng kidlat.

Sa sobrang bilis nito'y mukhang aabutan nito ang mga gwardya.

"Masama 'to!"

Nangitngit ang ngipin ni Marvin at agad na tumalon sa bakod at hinarangan ang anino.

Hindi ito napansin nila Andre. Sinunod lang nila ang plano at lumiko sila sa isang eskinita.

"Puta!" Mabilis na papalapit kay Marvin ang anino. "Ikaw ang Masked Twin Blades?!"

Nagulat si Marvin nang Makita ang lalaki.

'Yon ang lalaking nakasalubong niya sa [Deathly Silent Hills]!

Isang 2nd rank na Dark Murderer!

Mukhang miyembro siya ng shadow spider.

"Wala akong binatbat dito!"

Pinanghinaan ng loob si Marvin. Mas malakas sa kanya ang kaniyang kalaban na mayroong mas mataas na dexterity at mas mabilis sa kanya.

Aabutan lang siya nito kung subukan man niyang tumakbo.

"Tangina, napatay mo 'yung baboy na Miller na 'yon?!"

Hindi maipinta ang reaksyon ng shadow spider killer, halatang-halata kung ano ang iniisip nito.

Mainit ang ulo nito. Dahil namatay si Miller, ibig sabihin pumalya siya sa misyon niya. At ibig sabihin rin non, baba ang pwesto niya sa shadow spider mission system.

Tanging kay Masked Twin Blades lang siya pwedeng maglabas ng galit ngayon.

Wala man magbabago sa sitwasyon kung mapatay niya ito pero sadyang mainit lang talaga ang ulo nito.

Walang magagawa ang sino man para mapawi ang ganitong init ng ulo.

Biglang nilabas ng killer ang dagger at ngumisi, "Mamatay ka na!"

May naisip agad si Marvin. Iwinagaway niya ang mga kamay niya.

Isang dilaw na baraha ang lumipad palabas.

Nasalo naman ng killer ang baraha.

Kulay dilaw ang baraha at may fanged spider na nakaguhit dito.

"Ano? Miyembro ka rin ng shadow spider?"

Natigilan ang killer. Medyo madilim kaya hindi niya makita ang mga nakasulat sa baraha.

"[When the sun has yet to rise, we quietly murder]."

Sumenyas si Marvin na parang may igilitan ng leeg gamit ang kanyang kaliwang kamay at nagpakaseryoso.

Mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung maiisahan niya ba ang killer.

Namutla ang killer. Bigla niyang ibinato sa lupa ang dilaw na baraha at nagmura, "Ang swerte ko naman! Nakakilala ako ng isa sa amin."

mayroong batas ang mga shadow spider na mahigpit na ipinatutupad: Bawal patayin ang kapwa miyembro.

Napakamot na lang ito sa ulo, napamura ng ilang ulit at sinabing, "Mukhang minamalas talaga ako ngayon ah, punyeta naman…"

Nakahinga ng maluwag si Marvin, mahinahon siyang tumalikod at naglakad patungo sa eskinita.

Kinakabahan siya. Dahil kung may balak ang kalaban niyang patayin siya, dapat maunahan niya ito.

Maswerte siya dahil hanggang sa makaliko siya sa eskinita, walang napansing mali ang lalaki.

Pagliko niya sa eskinita ay agad na tumakbo ng napakabilis ni Marvin.

Kung hindi pa siya sisibat kalian pa?

Naglalagablab pa rin ang apoy at galit na galit pa rin ang lalaki.

Ilang saglit pa ay dinampot na nito ang baraha. Hindi maaring pakalat-kalat ang simbolo ng mga shadow spider.

Nang biglang dahil sa liwanag ng apoy, may napansin siyang pamilyar.

"Naisahan niya ako!" Nag-iba ang reaksyon ng killer.

"Akin 'to ah?"

Mayroong maliit na marka sa baraha, ang sarili niyang seal!

Pare-pareho ang baraha ng mga miyembro shadow spider pero lahat sila ay may kanya-kanyang seal.

Hindi ito nagagaya.

Agad na napagtanto ng killer na naloko siya!

Hindi shadow spider hitman ang Masked Twin Blades na 'yon!

Pero ang ipinagtataka niya, Paano nalaman ng taong 'yon ang precept ng shadow spider.

Ang mga katagang, [When the sun has yet to rise, we quietly murder], ay ang sumpang sinumpaan nila bago sila makapasok.

Nangangako ang bawat killer na papahalagahan at hindi ikakalat sa mga hindi miyembro ang mga katagang 'yon kundi papatayin sila.

"Paano nalaman ng taon 'yon ang lihim na senyas naming?"

'Hindi na mahalaga kung paano, basta kailangan ko siyang mahanap at mapatay!'

Sa liwanag ng apoy makikita ang nakakatakot na itsura ng killer.

Maririnig naman sa di kalayuan ang mga kabayong tumatakbo. Paparating na ang mga patrol.

Kinaumagahan.

Hindi napigilan ang pagkalat ng balita tungkol sa nangyari sa wealthy district. Mabilis na kumalat sa buong River Shore City na patay na si Miller at ang pamilya nito.

Iba-iba ang nabuuong kwento tungkol sa ditto. May mga nagsasabing kagagawan daw ito ng twin snake's cult habang kagagawan naman daw 'to ni Masked Twin Blades.

Naging payapa ang River Shore City sa loob ng nakapahabang panahon. Walang sino man ang nangahas na lapastanganin ang isang opisyal ng munisipyo.

Dahil suportado ng wizard regiment ng River Shore City ang munisipyo.

Nahanap man o hindi ng patrol ang pumatay, mahahanap at mahahanap pa rin 'to ng mga wizard.

Isa 'tong mabigat na krimen. Kaya naman, dahil sa kahilingan ng opisyal ng munisipyo na si Mister Miro, isang wizard na magaling sa divination ang pinapunta sa pinangyarihan ng krimen.

Kaya nitong gumamit ng isang 2nd circle spell na magbabalik sa kanya sa nakaraan para malaman kung sino ang assassin.

Subalit, ikinagulat ng lahat ang kinalabasan nito.

Dahil hindi gumana ang spell ng Diviner!

Kahit na sabihin mayroong posibilidad na hindi ito gumana dahil magic 'to, hindi naman dapat ganoon kahitap mahuli ang may sala.

Malungkot na umalis ang wizard. Di nagtagal, may isa pang wizard ang ipinadala.

Ngunit pareho lang ng kinalabasan.

Kaya naman nagging mainit na usapan sa buong River Shor City ang pangyayaring 'to. Usap-usapan kung sino ba talaga ang salarin.

Pero pagkalipas ng isang araw may naglabas ng arrest warrant sa lahat ng pangunahing guild para kay [Masked Twin Blades].

Agad na naintindihan ng lahat na may nalalaman ang munisipyo pero wala silang sapat na ebindensya. Kaya eto lang tanging paraan para malutas nila ang problema.

Ang ipakalat sa buong River Shore City ang masamang reputasyon ni Masked Twin Blades.

[Your achievements have been widely discussed – Territory Myth Level +1]

[Territory Myth Level (Masked Twin Blades) (River Shore City)]: Dahil sa paglaganap ng kwento tungkolsa Masked Twin Blades, kilalang-kilala ka na sa buong River Shore City. Maraming bounty hunters ang naghahasa na ng kanilang mga sandata. Ipinapakalat na rin ng mga mangangalakal ng River Shore City at Jewel Bay ang balita. Hinahanap ka na sa buong East Coast.

Tinginan ni Marvin ang kanyang infamy number at hindi napigilang hindi matawa.

Kahit na hindi maganda ang Myth Level niya, kapaki-pakinabang pa rin naman 'to.

Bukod sa tagumpay siyang nakapaghiganti, nakakuha pa si Marvin ng 500 general exp nang mapatay niya si Miller.

Umabot sa 1448 ang battle exp ni Marvin sa isang iglap dahil sa laban na 'to. Isama pa ang 600 general exp, makakapagpataas na uli siya uli ng level. Maari na siyang umabot sa level 5 na advanced rank.

kapag naabot na ang level 5 ng isang class pwede mon ang iangat sa advanced ang iyong class.

Nagdalawang-isip pa si Marvin bago makapagdesisyong gamitin ang 2000 exp para sa kanyang ranger level-up.

Dahil sap ag-abot ng kanyang player level sa 5, nakakuha siya ng isang attribute point na inilagay naman niya sa dexterity.

20 na dexterity!

Nakuha na niya ang special skill na [Anti-Gravity Steps]!

"Tok tok tok," Maririnig ang katok sa pinto.

Binuksan ni Marvin ang pinto at nakita si Anna.

"Handa na ba ang lahat?" Tanong niya.