webnovel

Becoming Famous

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Marami-raming nakukuhang gamit si Marvin mula sa basement ng Acheron Gang.

Pagkatapos niyang paalisin ang mga walang kamalay-malay na mga dancer, sinaid ni Marvin ang kayamanan ni Diapheis. Nakuha niya ang ilang mahahalagang bagay matapos tanggalin ang ilang patibong. At ang pinaka mahalaga sa lahat ng nakuha niya, pera.

Nakakita siya ng anim na malilit na supot na punong-puno. Nasa 100 hanggang 200 ang laman na pilak ng bawat isa. Bukod dito, nakakita rin siya ng mga alahas. Ayon sa accounting skill ni Marvin, nagkakahalaga ng libo-libo ang mga perlas na naroon. Kailangan niya lang makahanap ng maayos na sanglaan.

At ang pinakamahalaga, nakakita siya ng lihim na taguan sa kwarto ni Diapheis.

Mayroong isang supot sa loob na may lamang 26 na piraso ng gintong barya! Mga tunay na gintong barya ng mga Wizard ito, na kadalasang ginagamit bilang pera sa dakong katimugan!

Ang 26 na ginto ng wizard ay katumbas ng 26000 na pilak!

Sa pagkakatanda ni Marvin, nasa 2000 lang ang binabayaran niyang taripa ng lupa niya noong nakaraang taon.

Malamang mayroong ibang pinanggalingan ito dahil hindi naman ganoon kalaki ang kinikita ng isang gang.

Sa kasamaang palad, patay na si Diapheis. Masyado kasi siyang malakas kaya hindi gumana ang plano ni Marvin na dakipin lang siya.

Nanghihinayang siya sa impormasyong hindi niya nakuha. Noong paalis nadapat siya, may nakita siyang taong pamilyar ang mukha.

At 'yon ay lalaking maliit na masahol ang itsura. Nagtagpuan siya ni Marvin na walang malay at nakahandusay sa sahig.

Nakita niya rin ang isang babaeng punit-punit ang damit na para bang takot na takot. Nagtago ito sa sulok at takot na tinitigan sila Marvin at si Isabelle na kakapasok lang ng kwarto.

Nakilala siya ng batang babae.

Sa tulong ni Isabelle, saglit na nakapag-usap ang dancer at si Marvin. Matapos 'yon, binigyan siya ni Marvin ng ilang pilak bago umalis.

'Kawawang nilalang… noong sinusubukan nitong gahasain ang babae, naitulak siya at tumama ang ulo niya sa mesa kaya siya nawalan ng malay. Buhay pa naman ata siya. Kung tama ang pagkaka-alala ko, nakatatandang pinsan ko siya. Siya si Farmar.'

'Pangalawang anak ni tito Miller si Farmar. Mukhang malinaw na kung sino talaga ang may pakana ng lahat ng ito.'

Kita ang poot sa mga mata ni Marvin, inabot niya ang isa sa mga supot kay Isabelle.

"Sa'yo na 'to. Sapat na siguro 'yan para madala mo ang nanay mo sa isang Silver Church Priest."

Umiling ang batang babae, "Hindi ko naman magagamit lahat 'yan. Saka isa pa, hindi naman kita natulungan noong nakikipaglaban ka."

"Mahusay kang guide. Kaya nararapat lang sa'yo 'yan." Ngumiti si Marvin at sinabi, "Sige na, ipagamot mo na ang nanay mo at maghanap ng ligtas na titirhan."

"Tapos?" Tanong ni Isabelle, "Paano po kayo, Mister Mask?"

"Marami pa akong kailangan gawin," Tiningnan muli ni Marvin ang pinsan niyang walang malay, "Kung wala kayong ibang mapupuntahan, pumunta kayo sa White River Valley, isang buwan mula ngayon. Tatanggapin kayo ng Landlord doon."

"Hindi ba sinakop ang White River Valley ng mga gnoll?" Tanong ng batang hindi mangmang sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Lalong lumalim ang mga mata niya.

Mayroong hinala si Marvin kung sino ba talaga ang batang babaeng ito, pero wala na siyang oras para alamin pa ito. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman kung tama o mali ba siya sa kanyang hinala.

"May isang buwan pa naman." Hinaplos muli ni Marvin ang ulo ng bata. "Sige na. Mag-iingat ka."

Maingat na kinuha ni Isabelle ang supot at itinago itong mabuti. "En¹!" Lumingon pa siya muli bago siya tuluyang lumisan.

Tiningnan muli ni Marvin si Farmar at pinagsisisipa ito.

Umungol-ungol lang ito hanggang sa magising.

"Sino ka? 'Yong puta? Punyeta, ako ang amo ni Diapheis!" Nagwala si Farmar pagkagising.

Sinipa ulit siya ni Marvin.

Tumalsik si Farmar, lalamya-lamya ang katawan nitodahil sa pag-inom ng alak at pakikipagtalik sa babae, ni Farmar palabas ng kwarto.

"Sinusubukan mo ba..."

Bago pa man matapos sa kanyang sasabihin, inapakan ni Marvin ang sikmura ni Farmar. "Hindi mo ata naiintindihan ang sitawsyon mo ngayon. Pinatay ko na si Diapheis. Sa katunayan, isang alaala na lang ang Acheron Gang bukas. Mukhang hindi ka miyembro dahil magara ang damit mo. May mga katanungan lang ako."

"Nasa sa'yo na kung sasagutin mo ko," dagdag ni Marvin habang nilalabas ang curved dagger.

Nanginig agad sa takot si Farmar. "Kaya kitang bayaran, kahit magkano! Wag mo lang akong papatayin!"

"Kahit magtanong-tanong ka pa! Mayaman ang tatay ko at may bahay kami sa rich district. At saka, madadagdagan pa ang teritoryo namin, kaya mas yayaman pa kami! Bibigay ko sayo kahit magkano basta wag mo lang akong papatayin!

"Teritoryo? Noble ka ba?" tanong ni Marvin.

Nag-aalinlangang tumango si Farmar, "Hindi pa, pero malapit na! Basta mamatay ang lalaking 'yon, mamanahin ng tatay ko ang White River Valley. Nasuhulan na niya ang mga opisyal ng River Shore City at pinababago na ang nobility title. Sa katunayan, kapamilya namin iyon dahil kapatid ng tatay ko ang Landlord ng White River Valley."

"Ang ibig mong sabihin, nagsabwatan kayo at ang Acheron Gang para patayin ang taong iyon?" Tanong ni Marvin kahit na alam na niya ang sagot.

Napalunok si Farmar at agad na tumango, "Ganoon na nga! Ninakaw ng hayop na 'yon ang lupaing dapat sa amin. Binabawi lang namin kung ano ang sa amin. Kung kaaway ka ni Diapheis, magkasosyo lang kami kaya wag mo kong sasaktan. Basta pakawalan mo ko, babayaran kita kahit magkano. Kahit ano ibibigay ko basta wag mo lang akong papatayin!"

Tahimik na sinilip ni Marvin ang quest update at napailing sa nakita. Ang tiyuhin nga niya na biglang bumalik ang tunay na salarin.

Nang matapos ang side quest, 100 na general exp ang lumabas sa stat window ni Marvin. Kasabay nito, lumabas din ang isa pang side quest na [Revenge].

[Revenge]: Dahil alam mo na kung sino ang may pakana, kailangan mong maghiganti. Patuloy niyang hahadlangan ang pagbawi mo ng iyong teritoryo hangga't nasa River Shore City siya. Malaki ang nakasasalay sa magkabilang panig sa laban na ito. At kahit na kapamilya mo siya, hindi siya lalaban ng patas. Kailangan mauna ka nang kumilos.

Malaki-laki ang quest reward na 500 na general exp.

Sa katunayan, kahit wala ang quest na ito, hahanapin pa rin niya ang kanyang tiyuhin. Hinding-hindi niya ito mapapatawad sa pagtatangka nito sa kanyang buhay.

...

Lalong natakot si Farmar nang makitang umiiling-iling si Marvin, "Hindi kita niloloko! Kaya kitang bayaran!"

"Hindi ko kailangan ng pera mo." Dahan-dahang tinanggal ni Marvin ang maskara niya.

Natulala si Farmar. "Paanong….Ikaw….Paano.." Nauutal na sambit ni Farmar.

"Hindi ko lubos maisip, bakit ganoon katigas ang puso ng mga tao, lalo na sa kapamilya nila? Baka maari mong kong masagot, mahal kong pinsan." Tanong ni Marvin.

Humugot ng lakas ng loob si Farmar at sinubukang tumayo!

"Ikaw si Marvin! Tinakot mo ko. Akala mo ba matatakot ako dahil may hawak kang dagger? Loko-loko, hindi ako natatakot sa'yo!"

Bahagyang napaatras si Marvin dahil biglang tumakbo papalapit si Farmar sa kanya.

"Patay ka na dapat! Sa akin na ang White River Valley!"

Shing. Sa isang iglap, mayroong gumulong na ulo.

"Kawawang nilalang..."

Napailing si Marvin at agad na umalis sa basement. Nilisan ni Marvin ang Pyroxene bar na nakakubli sa dilim ng gabi.

...

Kinabukasan, kumalat agad sa lahat ng tao sa River Shore City ang pagkagunaw ng Acheron Gang sa looob ng isang gabi.

Ma-swerte namang nakaligtas ang dalawang grupong dinispatsa para ayusin ang kaguluhan. Agad rin naman silang sumapi sa ibang gang.

Usap-usapan ng karamihan na ginalit ng Acheron Gang ang isang taong hindi nila kaya. Isang malakas na taong naka-maskara at gumagamit ng twin daggers.

Mag-isa niyang binura ang karamihan sa mga elite ng Acheron Gang at nagpamalas ng kakaibang lakas.

Mula noon, kumalat na sa buong River Shore City ang kwento ng [Masked Twin Blades].

At sa isang bahay sa rich district ng River Shore City, namumutla ang bilog na mukha ng isang matabang lalaki.

Nakalagak sa isang kwarto ang isang strecher na natatakpan ng isang puting tela.

"Master Miller, si Master Farmar…"

Sinilip ng isang matandang may tungkod ang nasa ilalim ng tela. Makikitang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.

"[Masked Twin Blades]...?" Galit na sambit ni Miller. "Wala namang ganitong tao sa River Shore City. Hindi kaya kaaway ni Diapheis 'to?"

"Mag-alok kaya tayo ng pabuya?" Tanong ng matanda.

Sumimangot si Miller at umiling, saglit na tumahimik, at sinabing, "Hanapin niyo ang tao ni [Shadow Spider]. Kailangan mamatay ng taong pumatay sa anak ko."

"At magpadala pa rin kayo ng mga tauhang hahanap kay Marvin. Hangga't nasa River Shore City siya, hindi niya ako matatakasan."

"I'm already itching to make my nephew meet his father."

"Gusto kong magkita na sila muli ng kanyang ama."

...

Wala na si Marvin sa River Shore City, umalis siya ng maaga.

Nanumbalik na ang stamina ni Marvin dahil nakapagpahinga na siya. Umalis na siay sa siyudad matapos bumili ng mga kailangan niya at dumeretso sa dakong hilagang-kanluran. Kailangan niyang magpalipas ng isang linggo bago muling makabalik.

Ang oras ng kanyang pagbabalik, ay siya ring oras ng pagkamatay ni Miller.

Kulang pa sa ngayon ang lakas niya. Kahit na mag-isa niyang pinataob ang Acheron Gang, hindi madaling kalaban si Miller.

Base sa impormasyon natanggap niya, hindi bababa sa dalawang 2nd rank adventurer ang nagbabantay sa bahay nito.

Ito ang kagandahan kapag mayaman ka.

Basta marami kang pera, mayroong malalakas na taong handang proteksyonan ka. Ang bahay mismo ni Miller ay galing sa isang private army. Malinaw na sinuhulan nga niya ang mga tao sa munisipyo.

Kung gusto niya itong patayin, kailangan ng oras pni Marvin para maghanda at magpalakas.

Papunta siya sa isang maliit na bundok na nasa Hall Mountain Range. Matagal nang walang naninirahan sa bundok na 'yon. Nalimutan na ng mga tao kung ano ang mayroon doon.

Pero si Marvin, Tandang-tanda niya.

Ang [Scarlet Monastery], isa lang ito sa iilang instances na naalala ni Marvin sa labas ng River Shore City.

Sinakop ng grupo ng mga scarlet slave ang lugar na 'yon. Nandun din ang isang lich na hindi nakaabot sa godhood.

___________

1 - (T/N: ang "En!" ay isang paraan ng pagsasabi ng oo/naiintindihan ko/sige)

2- (ang "Instances" ay uri ng dungeon at mga espesyal na lugar na maaring puntahang ng iba't-ibang tao o grupo nang hindi ginagambala ang isa't-isa).