webnovel

Balkh

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ang Lambak kung saan nakatira si Balkh ay maganda at mahusay ang lokasyon sa Withered Leaf Promenade.

Hindi maintindihan ni Marvin kung bakit ang isang kamag-anak n Demon Lord ay magpupunta rito, pero dahil gumawa na ito ng altar, malamang gusto niyang itatag ang kapangyarihan niya rito.

Sa pagkakaalam niya, maraming masasamang spell mula sa Abyss ang konektado sa mga altar, kailangan ng mga spell na ito ang kapangyarihang nagmumula sa altar.

Ang mga Demon Wizard na nasa altar, lalo na ang mga nasa Legend level, ay mas nakakatakot pa kesa sa mga Wizard na may hawak na [Unlimited Magic Eye].

Nakapag-assassinate na si Marvin ng Demon Lord dati si Marvin, pero tatlong beses siyang namatay bago niya nagawa ito. Ito ay dahil sa nakakatakot na dami ng bonus ability na nakuha ng Wizard mula sa laptop.

Halimbawa, ang isang altar ay bibigyang kakayahan ang kaluluwa ng isang Demon Wizard na muling mabuhay loob nito, at binibigyan na nito ang Demon Wizard ng benepisyo ng pagiging isang Lich.

Kaya naman, ang mga altra, ay tila mas malakas na bersyon ng mga Wizard Tower.

Matagal na panahon ang inaabot ng pagtatayo ng altar ng Demon Wizard, at kapag nakumpleto ito, magdudulot ito ng malaking kaguluhan.

Hindi alam ni Marvin kung paano ito nanatiling nakatago mula sa mga tao ng Eisengel, pero makikita kung gaano kalakas si Balkh dahil dito.

Kahit na alam naman ng lahat na baliw at magulo ang mga Demon, lakas lang ang nirerespeto at hindi nila pinag-iisipan ang kanilang ginagawa, alam ni Marvin na hindi kasama dito ang mga Wizard.

Ang isang makatwirang taong ipinanganak mula sa isang magulong grupo ay mas nakakatakot.

Inikutan ni Marvin ang lambak. Habang mas nakikita niya ito, mas lalo siyang nababahala.

Ang daan papasok sa lambak ay balot ng hamog na asido. Kahit n amalakas ang resistance ni Marvin sa maraming uri ng sakit at kung ano-ano pa, isang mapulang pantal ang lumitaw sa kanyang balat.

Kung hindi siya agad umatras, siguradong kumalat na ang pantal.

Hindi lang ito ang negatibong epekto nito. Kasabay nito ay tiningnan niya ang kanyang mga Log at napag-alaman na mayroong tatlong affliction ang lumitaw: [Plague (Rash), Perception Weaken (Slow mind), at Willpower Weaken (Drowsy)]

At lahat ng ito ay dahil sa ilang segundo niyang pagdikit sa hamog. Walang nakakaalam kung ano pang mga kakaibang bagay ang lilitaw sa gitna ng hamog na ito.

Ang dalawang Ace Assassin na nagawang makapuslit papasok ay tunay ngang mga eksperto.

Mas lalong naging maingat si Marvin.

Noong una ay naisip niya na hinid napanindihan ng dalawang Ace Assassin ang kanilang reputasyon at titolo, pero nagbago na ang kanyang isip.

Sapat na ang hamog para mahirapan siya, lalo na ang Demon na nasa likod ng hamog na ito.

Alam talaga ng kanyang kalaban na parating siya at mahinahon lang itong naghintay na mahulog sa patibong.

Hindi hinahayaan ni Marvin na mapangunahan siya ng kanyang kalaban.

Saglit siyang nag-isip bago mabilis na nawala mula sa daan papasok ng lambak, at nagtungo siya sa kabilang dako ng Withered Leaf Promenade.

Sa tahimik na tagong lambak, isang kakaibang liwanag ang lumabas mula sa mga Abyss Stone na bumubuo sa alar.

Isang braso ng Cyclops ang makikita sa paligid ng altar, na mayroong nakasabit na bandera ng Abyss.

Pinapakita ng banderang ito ang kagustuhan ng Abyss Lord at ang lokasyon na magagamit para makakuha si Balkh ng mga Demon para maging taga-sunod niya.

Habang ang mismong Demon naman ay nakatayo na sa itaas ng isang mesa sa labas ng altar.

Isang lalaking kulay dilaw ang buhok at nakabuka ang dibdib ang nakahiga sa mesa. Ang mga laman-loob nito ay tinaggal lahat.

Pero buhay pa rin ito at puno ng takot. Dahil sa mga pagsigaw nito kanina, tinanggal ni Balkh ang dila nito.

"Wag ka mag-alala, hindi ka mamamatay."

May hawak na sinulid at karayom ang Demon, at mahinahon niyang tinatahi ang dibdib ng lalaki.

"Dapat matuwa ka. Bilang ika-43 na eksperimento, tapos na ako sayo. Kahit na habang-buhay ka nang magiging tapat sa bandera ng blood triangle, kumpara sa mga kasamahan mo, may may pribilehiyo ka kesa sa kanila."

"Masyadong mahina ang katawan ng mga Human, kaya naman binigyan kita ng puso ng Demon at malakas na pisikal na katawan, habang hinayaan kong manatili ang pag-iisip mo bilang human. Mas lalakas ka sa pakikipaglaban dahil dyan. Hindi magtatagal magkakaroon na ako ng hukbo na tutulong sa akin na wasakin ang Crimson Wasteland. Ayokong lumalaban kasama ang mga tanga na ang alam lang ay pumatay at manggulo, kailangan ko ng matatalinong Demon."

"Pero hindi 'yon madali. Kailangan ko ang husay mo sa pamumuno at pakikipaglaban. Nabalitaan ko isa kang heneral na mahusay sa taktika sa gyera sa mundo mo?"

Tila kausap ni Balkh ang sarili niya habang patuloy pa rin nangangatog sa takot ang lalaking dilaw ang buhok.

At habang bahagyang humupa ang kanyang takot, unti-unti siyang nakaramdam ng lungkot.

Nasakop na ng mga Demon ang plane kung san siya naninirahan. Isa itong secondary plane at ang pinakamalaks na tao doon ay isa lang level 16 dahil sa limitasyon ng plane.

Wala silang sapat na lakas para labanan ang bugso ng mga Demon.

Karamihan ng mga tao ay namatay agad, habang ang iba naman ay naging mga bihag.

Dati siyang isang respetadong heneral, pero ngayon ay isa na lang siyang bihag. Matapos siyang pagpasa-pasahan, sa huli ay napunta siya kay Balkh.

Ang baliw na ito ay gusto siyang gawing nilalang ng Abyss habang pinapanatili ang kakayahang militar nito.

Hindi ito isang simpleng bagay. Ang kapangyarihan ng mga Demon ay may kinalaman sa Chos, kaya karamihan ng mga transformation dahil sa Corruption Ritual, ay susundan ng marupok na pag-iisip.

Ang gusto ni Balkh ay baguhin ang patakaran na ito na nakataga na sa bato.

Sa tingin niya, ang ika-43 niyang eksperimento ay malapit nang maging perpekto.

Matibay ang katawan nito, na kailangan niya para makayanan niya ang isang Demon Spawn.

Ang kanyang willpower ay matatag kaya hindi ito madaling mahahadlangan ng Chaos Blood.

At ang natitira na lang ay ang huling hakbang.

Kumuha si Balkh ng nagpupumiglas na Demon Spawn mula sa naka-imbak na dugo sa kanyang tabi at pilit na pinalunok ito sa lalaki!

Wala namang nagawa ang lalaki.

Mabilis na pumasok ang Demon Spawn at nagpunta sa dibdib nito.

Dahil natanggal na ang mga laman-loob nito, pwede na itong manatili sa loob nito, at dahil sa impluwensya ng Abyssal magic na gamit ni Balkh, napigilan nito ang pagtakwil ng katawan ng tao sa pumasok na nilalang.

Mukhang magtatagumpay na ito sa pagkakataon na ito!

Hindi naman mapigilang matuwa ni Balkh habang iniisip ito.

Magmula nang ipanganak siya, naunawaan na niya ang kahinaan ng Abyss.

Kahit makapangyarihan ang mga Demon, hindi pa nila kailanman napagharian ang Universe dahil sa kakulangan nila sa talino.

Naramdaman ni Balkh na pambihira siya at ang pagkapanganak niya ay magdudulot ng kasaganahan sa Abyss.

Pero bago iyon, kailangan niya munang gumawa ng matinding bagay para mapansin niya ng kanyang ama.

At ang pagsakop niya sa Crimson Wasteland ang unang hakbang para masakop ang Universe!

Tahimik niya lang pinanuod ang pagbabago sa lalaki, ang kanyang tiyan ay galaw nang galaw habang makikita ang sakit sa mukha nito. Malinaw na nilalamon ng Demon Spawn ang lahat ng nandoon.

Pero hindi ito ang resultang nais makita n Balkh.

Mabagsik niyang pinaliwanag sa lalaki, "Kung gusto mong mabuhay, patayin mo ang bagong panganak na pag-iisip ng Demon Spawn!"

"Nilalabanan ka niyan para kontrol sa katawan mo, Kung susuko ka, aagawin ng isang Demon ang katawan mo!"

"Gusto mong mabuhay? Gusto mo pang makita ang asawa at anak mo?"

"Kung ganoon, gawin mo ang lahat ng makakaya mo ! Hahaha…" Umalingawngaw ang tawa ni Balkh sa malagim na lambak.

Pero noong iras na iyon, isang asul na Dragon ang lumitaw sa kanya tabi, at nag-ulat ito sa kanya gamit ang lenggwaheng Abyssal, "Master, pinakiialaman na naman tayo ng taong 'yon."