webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
213 Chs

Chapter Thirty-Eight

Audrey Dela Cruz

Nakita ko si Sam na kinakaladkad ni kuya palayo. Nandito pala si Red? Buti hindi nya ako nakita kundi baka pati ako nakaladkad. WHATEVER! Time ito para magsaya! Pumunta kami ni Zeke sa gitna ng dance floor at nagsayaw. Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi sya magaling sumayaw. Nakakatuwa syang panoorin, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Masyado naman syang perfect! Hindi katulad ni Romeo, pangit na nga puro pa kamalasan ang dala sa buhay ko. Why can't he be like a normal person? At sana naman gamutin nya ang namumutiktik na pimples sa mukha nya. Kadiri. Teka? Bakit ba nasingit sa iniisip ko ang pangit na 'yon?!

"AHH!!" nasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Zeke. May tumulak sa akin.

"Hey, you alright?" Hinawakan nya ang dalawang balikat ko.

"Yeah I'm okay." Lumingon ako sa likod ko. SOBRANG COINCIDENCE NAMAAAN!! Si Maddison ang nakita ko.

"Oh hi Audrey!" ngumiti sya. Ang laking bwiset. Dapat pinagbabawalan papasukin itong babaeng ito.

"Let's go Zeke," hinawakan ko ang kamay nya at hinila.

"How rude..." parinig ni Maddison.

Tinulak nya ako at kaya ko pang palampasin 'yon pero ang magparinig. Napatigil ako.

"How plastic..." I rolled my eyes at her.

She just smiled at tumingin sya sa kasama ko.

"Soo we haven't met before, I'm Maddison," pakilala nya sa sarili nya kay Zeke.

"I'm...Zeke," medyo unsure si Zeke sa gagawin nya. Seeing na hindi maganda ang tingin ko sa babaeng 'to.

"Don't waste our time Santana," tawag ko sa kanya using her last name.

"Kung sa'kin lang din mauubos ang oras nyo, why not Dela Cruz?"

"Di'ba may sakit ka? The hell are you doing here?" tanong ko na naiinis na.

"Don't know what you're talking about," nagpapa-cute sya kay Zeke. Inikot-ikot nya sa daliri nya ang ilang strands ng buhok nya.

"I heard may sakit ka raw, ano nga ulit 'yon? Herpes?"

Sumimangot sya. Ang pangit nya talaga. Mas gusto ko'ng tusukin ang mata ko kaysa makita sya! GOSH!

"Ha-ha! Ang corny mo mag-joke," sabi nya at lumingon sya sa likod nya.

Napatingin din ako. At nakita ko sya. Nanlaki ang mga mata ko sandali. Agad ko syang tinignan nang masama.

"Romeo sinusundan mo na naman ba ako?!" tanong ko. Nakakainis na 'tong pangit na 'to!

Tumawa si Maddison. "Audrey, gosh you're so silly. Bakit ka naman nya susundan dito? He's with me."

Nabingi yata ako sa sinabi nya. Bakit naman sila magkasama? Tumingin ako kay Romeo. Hindi ko sya masyadong matignan nang husto. Uminit ang mukha ko.

"Hindi ko alam na nagde-date pala kayo" I gave them my meanest glare.

"Oh no darling, he's just courting me," ngumiti si Maddison.

Hindi ko alam kung ano'ng dapat ko'ng maramdaman, all this time? Ang mga pag-sunod nya sa'kin? Ano'ng ibig sabihin non? Hindi ko rin alam kung bakit ako nasasaktan, wala lang naman sya sa'kin! Hindi ko naman sya gusto! BUT DAMN IT! IT FEELS LIKE I'VE BEEN CHEATED!

"Audrey? What's going on?" asked Zeke. Naguguluhan sya sa nangyayari.

Nakalimutan ko na kasama ko pala sya. Magkahawak parin ang mga kamay namin. Nilunok ko ang nararamdaman ko. Mamaya na. Mamaya ko nalang ilalabas ang nararamdaman ko. Sa ngayon, hindi ako pwedeng magpatalo. Nakikipaglaro sa akin si Maddison. Hindi kayang tanggapin ng pride ko na maisahan nilang dalawa! These monsters!

"Ganon ba?" tumingin ako sa kanilang dalawa. Ngumiti ako nang sobrang tamis. "Well you look perfect together, isang Beast," turo ko kay Romeo. "At isang beastly," turo ko kay Maddison.

Mukhang na-shock si Maddison. Ano bang inaasahan nyang reaction ko? May balak ba silang ipahiya ako? Sorry nalang dahil mali sya sa inaasahang outcome. At sa pangit na to? Shit ka Romeo! I trusted you! Sinayang mo lang!

"Sana lang katulad sa fairytale maging tao na kayong dalawa..." and with that, I turned my expensive heels and walked away from them. Shit! Sa lahat ng gagaguhin nila, ako pa?!