webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
213 Chs

Chapter One Hundred Seventy-Four

Nang tuluyan nang sumikat ang araw naghiwalay na rin kami ni Timothy. Hindi ko alam kung kailangan kong isikreto ang pagkikita namin. Nakasalubong ko sa daan si Audrey. Ang awkward ng tingin niya sakin. Ako nalang ang unang lumapit sa kanya at ngumiti. Pagkatapos non, naging okay na rin siya.

At ngayon, paalis na kami. Babalik na kami sa school. Hindi ko makakalimutan ang Mt Banahaw. Totoo nga na isa itong Holy Mountain.

"Sa akin sabi siya tatabi eh!"

"No, she's sitting beside me nga eh!"

"Audrey! Kayo na ang magkatabi palagi! Kami naman dapat ngayon!"

"Kaya nga eh! Kami na magkatabi papunta dito kaya dapat kami rin magkatabi pauwi!"

Si Audrey at Michie nag-aagawan sa akin. Hinihigit nila ang dalawa kong braso na parang naglalaro lang ng tug-of-war.

"Ako ang bestfriend ni Sammy kaya sakin siya tatabi!" sabi ni Michie.

"Bago ka niya naging bestfriend, bestfriend ko muna siya!" sagot ni Audrey.

"Naiinis na ako, Audrey!" Binitawan ni Michie ang braso ko.

"Ako din naiinis na sa'yo!" Binitawan din ni Audrey ang braso ko.

Lumayo na ako sa kanilang dalawa. Haay ang braso ko, namumula. Kanina pa sila nag-aaway.

"Class! Bilisan ninyo, pumasok na kayo sa loob ng bus para makaalis na tayo nang maaga. Double time! Double time! Siguraduhin na walang naiwan ha? Pasok na!" tawag ni Sir Palaez habang nakatayo sa may pinto ng bus.

"Pumasok na raw tayo," sabi ni Maggie.

"Samin nalang daw tatabi si Sammy," sabi ni China.

Hindi sila pinansin ng dalawa at patuloy lang sila sa pag-tatalo.

"Tara na Sammy, iwan na natin silang dalawa," aya ni Maggie.

"Oo nga," sangayon ni China.

Bumuntong hininga ako. Naglakad na kaming tatlo papunta sa bus.

"Ako ang bestfriend ni Sammy mula part one, part two hanggang part three!" saad ni Michie.

"Ako ang bestfriend niya since diapers okay! At SammyDee forever! Kaming dalawa 'yon!" sagot naman ni Audrey.

"Eh di gagawa din kami, SaMich!" sabi ni Michie.

"Gaya gaya!" sabi ni Audrey.

"Puto maya paglaki buwaya?"

"Che!"

"Che bureche?"

"Grr! Ano ba? Tigilan mo nga pagdugtong sa mga salita ko!"

"Hmp! Walang basagan ng trip, Audrey!"

"Ewan ko sa'yo! Nakakapagod kang kausap!"

Pumasok na kami sa loob ng bus. Sa dulo kaming tatlo. Ako ang nasa gitna nina Maggie at China. Maya-maya lang ay pumasok na rin sina Audrey at Michie. Nagulat sila nang makita akong katabi ang magkapatid.

"Waah! Ang daya!" reklamo ni Michie.

"Oh, kayong dalawa dyan, upo na. Aalis na ang bus!" utos ni Sir Palaez.

Walang nagawa sina Audrey at Michie. Silang dalawa ang nagtabi sa upuan. Makalipas ang kalahating oras, nagsalita si Mr Palaez.

"Ay nakalimutan ko na! AAH! Bakit ko nakalimutan yon?!" mukhang frustrated na sabi ni Sir.

"Bakit Sir, may naiwan kayo?" tanong ng isang estudyante.

"Hindi, hindi. Nakalimutan ko lang na humiling doon sa mga bato, nagdala pa naman ako ng kandila."

"Para san po yung kandila, Sir?"

"Ah. Ito ba? Doon sa nadaanan nating ilog, sa malalaking bato don, pwede kang humiling. Itong kandila, gagamitin mo 'tong pangsulat sa mga bato. Isusulat mo don ang mga hiling mo," paliwanag ni Sir. "Pero nakalimutan ko, hinahabol nyo kasi ako non."

Biglang sumigaw ang Crazy Trios. "Ano?! Kailangan pa ng kandila?!"

"Oo, bakit humiling ba kayo?" tanong ni Sir.

"Opo Sir, pero nagkatotoo naman yung mga hiling namin." Tumingin sa'kin si China.

Tinignan din ako nina Maggie at Michie. Bakit nila ako tinitignan?

"Haay di bale na nalang, nagkatotoo na naman yung wish natin kaya okay lang," sabi ni Maggie sabay suot sa headset nya.

"Kung sabagay," masayang sabi ni China.

Biglang kumanta si Maggie, na sinundan nina Michie at China. Pamilyar at masaya ang kanta.

"Crush na crush na crush kita~ di mo ba nadarama? crush mo rin kaya ako? Cross my heart PS. I love you~" may ilang estudyante ang nakisabay sa kanta.

Maya-maya lang halos lahat na ng may alam sa kanta, ay nakikisabay na. Ang Crazy Trios talaga, mahilig mag-umpisa. Napatingin ako sa labas ng bintana. May nakita akong itim na motorbike na tumatakbo kasabay ng bus namin. Si Timothy. Napanguso ako at pilit na pinigilan ang pag-ngiti. Stalker ko talaga ang taong 'to.

'Pero hindi na tayo, since nakipag-break ka na sa'kin. Last kiss na 'yon!'

'What—What do you want me to do, then?'

'Ligawan mo ako.'

Napangiti ako. Haay. Pa'no kaya sya manligaw?