webnovel

Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

Dahil sa isang pagkakamali ay kailangan magpanggap na Fiancé ng isang sikat na artista na si Juancho ang writer wanna be na si Darcy,pero paano kung ang magiging Fiancé niya ay si ex-crush pala? Bibigay ba siya o pipigilan niya ang nararamdaman dahil alam niyang pagpapanggap lang ang lahat? Ngunit dahil sa isang sumpang napapasa sa unang anak ng unang anak ay tila mapapalapit muli ang loob ni Darcy sa ex-crush niyang si Juancho na tila siyang may kakayahan na tanggalin ang sumpa.I-crush back kaya siya at mag lead pa sa marriage o di kaya mamamatay siya dahil sa epekto ng sumpa at sa paglaban sa sumpa nang sabay .Sapat na ba ang panliligaw ni crush upang ma-fall muli siya? Malalabanan ba ang sumpa gamit ang love o titigil na nang tuluyan ang tibok ng puso ni Darcy? Paano magtatapos ang fairy tale ni Darcy?

MariaNaMapalad · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
10 Chs

Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

CHAPTER THREE

Nagising si Darcy dahil sa ingay sa labas,ngayon lang nangyari ito tila sinusugod ng mga tao ang bahay nila kaya nagpasya na itong bumangon sa kama at nagtungo sa pinanggagalingan ng ingay.

DARCY

Anak ng puyat na butiki naman kayo eh,ang aga-aga pa ah ang ingay niyo na...

*inda nito habang humihikab sabay bukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang mga taong na halos nasa taas na ng kanilang bakod kanya-kanyang kuha ng litrato sa kanya,hindi magkaugaga si Kinchay,ang Mapa niya at si Horhe na pigilan ang pagpasok ng Media sa gate...matapos nito ay dagliang pumasok si Darcy at humarap sa salamin.

Anong bang nangyayari??

*pagkausap nito sa sarili sa salamin biglang tumunog ang cellphone nito...at nang tignan ito ay tumambad sa kanya ang video na nirecord niya kagabi sa bahay ni Juancho para sa scenario reading at ang nagpost mismo nito ay si Juancho...

Buniiiiiii...!!!

*sigaw nito sa inis...

------------------------------------------------------------------------

MEANWHILE

INT. FAME TOWER-DAY

Nakaupo si Doña Ysabel at pinapanood nito ang balita at naroroon pinakita ang mukha ni Darcy na bagong gising...napatawa ito ng sobrang lakas...

DOÑA YSABEL

I like her for you...

*walang preno nitong sabi matapos ang malakas nitong tawa.

JUANCHO

Him po Lola...

*pagtama nito sa matanda.

DOÑA YSABEL

Gusto ko siyang makilala kaagad...

JUANCHO

Ano po??!!

*laking gulat ni Juancho sa narinig mula sa kanyang Lola.

DOÑA YSABEL

Bakit may problema ba?

*pagtatanong ng kanyang Lola.

Maganda ba?

Mahalaga sa akin ang itsura.

JUANCHO

Kailangan niyo na talaga mag palit ng salamin niyo para makita niyong di mahalaga ang itsura ng tao.

DOÑA YSABEL

So pangit nga?

JUANCHO

Hindi po... Ahmm...

Medyo baliw lang at bobo at weird. He is one of a kind.

DOÑA YSABEL

So pangit nga?

JUANCHO

Cute.

DOÑA YSABEL

Ipakilala mo siya sa akin kaagad.

----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

EXT. DARCY's HOUSE- DAY

Mga katok ang nagbigay ng ingay sa natahimik na muling pamamahay nila Darcy matapos silang dagsain ng media kinaumagahan. Kabadong binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang kabadong si Juancho.

JUANCHO

Pakasalan mo na ako nagmamakaawa ako.

*tila napasa kay Darcy ang kabang kanina'y nakita niya kay Juancho...palingon-lingon ito sa loob at baka makita sila ng kapatid at ng kanyang Mapa.

HORHE

Sino ba yang nasa pinto at kanina ka pa diyan?

*tanong nito sa kapatid habang patungo sa pintuan.

JUANCHO

Magandang araw.

*bati nito na may malaking ngiti na kalaunan ay naging awkward nang makita ang kunot na noo ng kapatid ni Darcy.

HORHE

Ba't ka nandito??!!

*may diin at halatang galit ito sa pagkakita kay Juancho.

JUANCHO

Papaka---

*hindi na natuloy ni Juancho ang sasabihin sapagkat natakpan na ni Darcy ang bibig nito...

DARCY

Papaalis na siya Horhe... Oo tama, papaalis na.

*at tinangay papunta sa kotse si Juancho...

INT. JUANCHO's CAR-DAY

Pagpasok sa kotse ay tahimik si Juancho at nakatulala lamang at hindi rin umiimik si Darcy...nasa labas pa rin si Horhe at minamanmanan ang dalawa na kasalukuyang nagkakapaan ng emosyon.

DARCY

Ahmmmmm? Ehemm...

*pagsubok nitong basagin ang katahimikan...

Ba---ba---bakit ang tahimik mo? Hi---hi---mala yata...

JUANCHO

Nagtanong ka pa kahit alam mo na ang sagot ko.

*walang emosyon na sagot ni Juancho at sa narinig mula rito huminga ng malalim si Darcy at nagsalita...

DARCY

Para sayo madali lang magpanggap na tayo, na magpapakasal tayo pero sa'kin hindi...kasi ikaw yan eh, ako lang 'to,nahulog na ako sa'yo dati at aaminin ko hindi malabong mahulog ako muli sa'yo at baka pag nangyari ulit yun hindi na ako mabuo. Madali akong mabasag lalo na kung ikaw ang magiging rason.

JUANCHO

Sige, kalimutan mo na. Hindi na kita pipilitin. Sorry sa istorbo.

*bumaba ito sa kotse at binuksan ang pintuan kung saan naroroon nakapwesto si Darcy bumaba ito sa kotse na bagsak ang mga balikat at muling tinignan si Juancho bago kumaripas paalis ang kotse nito.

----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. DARCY's HOUSE-DAY

Naroroon, nakakumos ang mga braso ni Horhe at nakatingin kay Darcy.

HORHE

Ang masaktan ng isang beses dahil sa isang tao ay pagkakamali pero ang pangalawa at pangatlong beses hindi na pagkakamali yun--katangahan na.

Tanga ka ba?

DARCY

Alam ko naman yun! Alam kong hindi ako magugustuhan ni Juancho kahit kailan pero kasi...

*hindi na natuloy nito ang nais sabihin sa pagsabat ni Horhe.

HORHE

Nakalimutan mo na ba ginawa sayo ng kupal na yun. Ang dapat na inaatupag mo ay paghahanap sa taong magtatanggal ng sumpa sayo.

DARCY

Hinahanap ko na nga eh!!!

HORHE

Gusto mo rin bang mamatay dahil sa sumpa na yan? Dapat yung magtatanggal ng sumpa sa'yo ang dinidikitan mo hindi yung kupal na yun!!!

DARCY

Oh sige na nga nahanap ko na!!! Nahanap ko na!!!

HORHE

Nahanap mo na? Sino? Nasaan siya?

DARCY

Si Juancho...

HORHE

Ano??!!

*napasandig na lamang ito sa dingding sa narinig mula sa kapatid...

Ang...ang ...ang ibig mong sabihin si---si Juancho?? Ang kupal na yun?! Siya ang may hawak ng puso mo?

*pagkagulat nito sa nalaman.

----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. FAME TOWER- DAY

Aligaga si Darcy kung saan-saan bumabaling ang kanyang leeg kulang na lang ay mag 360 rotation ito kakahanap kay Juancho sa fame tower. Nang makapasok na sa loob ng training room ay hindi lalo mapalakali si Darcy pasulyap-sulyap ito kay Juancho na hindi tulad ng dati na kinukulit siya.

MADAM HEART

Ayos ka lang ba Darcy? parang wala ka sa sarili ngayon.

*pagtatanong ng may pagtataka kay Darcy.

DARCY

Sorry po.

MADAM HEART

Sige na umuwi ka muna, tutal wala naman tayong masyadong gagawin ngayon.

*payo nito at kaagad itong nagtungo sa kinauupuan ni Juancho na halatang masama ang loob...huminga ng malalim si Darcy at nagsalita...

DARCY

Oh,yung kopya ng kontrata...

*sabay abot ng medyo makapal na mga dokumento.

Nasabay sa script na sinauli mo... Ahmm, pinirmahan ko na rin yan.

*hindi ang inaasahang paglukso sa tuwa ni Juancho ang naging reaksyon nito bagkus ay lumakad ito papalayo.

Galit ka pa rin ba? Pumapayag na nga ako eh.

*paghabol nito kay Juancho.

JUANCHO

Maghahanap na lang ako ng iba.

DARCY

Haaaaa??!! Eeeehhh...huwaaagg!!! A...a...a...ako na lang ako na lang ulit...

JUANCHO

Huwag na. Ayokong masaktan ka ulit dahil sa'kin. I'm selfish not a heartless one.

DARCY

Ako na nga ang naghahabol eh!!!

*sabay batok nito kay Juancho.

Kung masaktan man ako ulit dahil sa'yo choice ko yun. It's none of your business.

*saka nito iniwan si Juancho...maya-maya ay bumalik ulit si Darcy.

Ahmm, pwede ko ba makita ang kamay mo?

*may pagtataka ang mga titig ni Juancho at marahan nitong tinatago palayo kay Darcy ang mga kamay.

JUANCHO

Huwag mong sabihing nagpapaniwala ka pa rin na nababase sa haba ng kamay ang haba ng...

PAAAAAAAAAAAKKKKKKKK!!!

*sa pagkabigla ni Darcy sa narinig mula kay Juancho ay nasampal niya ito ng napaka lakas.

DARCY

Hi---hi---hindi noh!!!

*at tuluyan na talagang umalis.

JUANCHO

He is dumb, he is weird and he is gay.Well I guess, it is what it is.

*pailing-iling itong naka ngiti...

Aray...nakadami ng pananakit yung Baklang yun ah.

*inda nito sa sampal at batok ni Darcy.

DARCY

Bastos talaga yung buni na yun, gusto ko lang naman makita kung napunta sa palad niya yung balat ko sa dibdib para maka siguro akong siya nga yung pinili ng butiki.

*kausap nito sa sarili habang nagmamadali at iritable.

---------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

Maraming tao sa baba ng fame tower, tila may artistang pinagkakaguluhan ang lahat ngunit hindi ito ininda ni Darcy at tuloy-tuloy na naglakad.

EMPLOYEE GIRL 1

Hi Sir Dax...

*malanding bati nito na ginantihan naman ng ngiti ng lalaking si Dax.

MANAGER PARK

Mukha yatang perfect attendance ang girls sa office ngayon dahil sayo, masaya ako na napagpasayahan mo nang magtrabaho ulit pero mas maganda kung mag artista ka na rin katulad ng kapatid mo at hindi yung stock ka sa Production team.

*maya-maya ay nahagip ng mga mata ni Dax ang isang pamilyar na mukha na ikinangiti lalo nito.

DAX

Ayaw ko na makihati pa sa iba pang bagay kay Juancho may mas gusto akong makuha ng buo.

*at dali dali nitong hinabol ang papalabas na si Darcy at bago pa man nakalabas ng pinto si Darcy ay naharang niya ito.

Sobra ka bang nagwapohan sa'kin at inii-stalk mo ako?

*pagbibiro nito...

DARCY

Dax??

*sabay saludo at kindat naman ni Dax bilang pagbati at pagsang ayon kay Darcy.

Bakit ka nandito?

JUANCHO

Tambay-tambay lang malay mo ma-discover ako dito.

*biro nito na ikinatawa naman nito.

DARCY

Halika kain tayo, baka kasi pag na-discover ka na mahirapan na akong yayain ka kumain sa susunod. Libre ko.

*pagyaya ni Darcy.

DAX

Ang bilis mo naman yata mag alok ng date, hmmm hard to get ako pero dahil libre siyempre papayag ako kaagad.

AFTER A WHILE

INT. KARINDERYA-DAY

Nakaupo ang dalawa at nasa harap nila ang masasarap na pagkain. May adobong manok, igado, menudo, pakbet,bopis at siyempre ang favorite ni Darcy na hotdog...may libre ding sabaw.

DAX

Woooowwww... Talaga? Libre 'to?

*manghang mangha si Dax sa dami ng putahe na nasa harap.

DARCY

Galit galit munaaaa...

*sabay kanya kanyang sandok ng dalawa sa ulam na nais lantakan.

AFTER A WHILE

Isang bote na nababalutan ng bunot ng niyog ang inihain ng may ari ng karinderya.

DAX

Ooohh surprise drink ba 'to?

DARCY

Lambanog yan. Special treat talaga yan dito pero di ko naman iniinom yan eh.

DAX

Nandito naman ako eh, at saka gusto ko ring ma- try. Isang tagay laaannggg...

DARCY

Ayoko.

DAX

Aaah, alam ko na siguro may lihim ka na ayaw mong mabunyag no?

*asar nito kay Darcy.

DARCY

Ano namang kinalaman ng sikreto ko sa pag tanggi ko sa lambanog aber?

DAX

Pag nakainom ang tao nagiging sigaw ang bulong. Kaya kapag naka inom ka nagkakabibig ang sikreto. Uuyyyy may sikreto.

DARCY

Sige para patunayan ko sayo uubusin natin 'tong bote na 'to.

DAX

Tagaaaaayyyyy!!!

*naubos nga nila ang isang bote ng lambanog,mamula-mula si Darcy at ang nagyayang si Dax na uminom ay lagapak na. Medyo madilim na rin... iniwan na nito ang kasamang si Dax...

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. JUANCHO's HOUSE-NIGHT

Nakatitig lamang sa labas ng kwarto ni Juancho si Darcy.Lasing at bigla itong kumanta na may kasama pang sayaw. Nakatitig lamang sa kanya si Juancho.

DARCY

Ang hotdog mo kinain ko

Ang hotdog ko kinain mo

Um ah ...um ah ah

Isinubo ko

Ipinasok mo

Um ah... um ah ah

JUANCHO

Bakit ba 'tong pandak na weird at bobong bakla na 'to ang kailangang maging fiancé ko?

*sabi nito sa nagsasayaw at kumakatang si Darcy at maya-maya ay biglaang buhat nito kay Darcy papasok sa kwarto niya.

---------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. JUANCHO's ROOM- DAY

Nasa kama naka higa si Darcy hindi nito pansin na nasa ibang kama siya nag palipas ng gabi. Unti-unti nitong binubuksan ang mga mata at nang madungawan ang isang chandelier ay napabangon ito sa kama, at napansin kaagad nito na wala siyang saplot. Pag baling niya sa kabilang parte ng kwarto naroon ang may ari ng kama na tinulugan niya, painom inom ng kape habang naka ngiti.

JUANCHO

Yes, I did it at kung kailangan ko ulit gawin yun, It will always be my pleasure.

*sabay tapon ng brief ni Darcy na kanina ay pinaiikot sa hintuturo.

And kung ini-expect mo na yung Dax na yun ang makakasama mo sa kama hindi ako makakapayag.

DARCY

Eeehhhhh??!!

*sabay kapa nito sa dibdib niya at dahil nga may tibok na ito ay lalo itong nataranta...halatang halatang sa mukha nito ang kaba.

JUANCHO

Don't worry walang nangyari. Pinalitan ko lang ang suot mo. At saka mas mabuti nang ako ang nagpalit kaysa sa iba. Remember you're mine now.

*sabay pakita ng engagement ring ni Juancho at saka lamang din napansin ni Darcy na may suot rin siyang singsing...

Ay oo nga pala, kung maka kantyaw ka sa banana print na boxers ko wagas eh ikaw nga hotdog print.

*lumabas na ng tuluyan si Juancho.

DARCY

Eeehhhhh???!!! Engagement??!!!

*sabay tingin muli nito sa singsing na nasa kanyang palasingsingan.

Talaga bang dito ako natulog kagabi ang naaalala ko si Dax nga ang kasama ko. Ano ba kasing nangyari kagabi? Isip isip isip...

*pagmamaktol nito habang marahan nitong kinakalog ang ulo upang maalala ang nangyari kagabi,bigla niya naalala ang pagsasayaw niya na iyon daglian siyang nagtago sa ilalim ng kumot dahil sa kahihiyan...at labas rin naman mula rito at sabay maktol...

Eeeehhh??!! Bakit pa ang hotdog dance?

*maktol nito ng maalala ang sayaw na ginawa kagabi at dali-dali itong bumangon at nagtungo sa C.R. para makaligo.

Haaayyy!!! Ano 'to?

*gulat na sambit nito ng makita ang scent at brand mismo ng shampoo at sabon na gamit niya... hinubad niya ang robe na nagtatago ng makinis at maputi nitong kutis at nang mahubad na ito ng tuluyan ay kasabay nito ay ang pagbalik ng alaalang nangyari kagabi na kanyang nakalimutan dahil sa kalasingan...nakikita niya ang marahan na pag hubad ni Juancho sa kanyang mga saplot inuna nito ang sapatos at medyas at ang pantalon na swabe nitong naibaba, sa bawat paghagod ng sabon sa kanyang katawan ay ang pagbabalik ng alaalang ang kamay ni Juancho ang nagpupunas ng malamig na towel sa kanyang katawan.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Bumaba na si Darcy nakasuot ito ng malaking long sleeves nagmukha itong daster ng kanyang isuot. Nahihiya ito at maka ilang ulit na ibinababa ang pundilyo ng long sleeves. Kitang-kita ang maputi at makinis nitong legs.

DARCY

Ahm, hindi ko na sinuot yung pantalon na pinahiram mo sa'kin nahuhulog kasi.

*nahihiya nitong sambit.

JUANCHO

Kumain ka na.

*alok nito kay Darcy.

DARCY

Woowwww!! Hotdog!!!

*dali-dali itong nagtungo sa kainan para kumain kaagad nitong sinubo ang paboritong hotdog.

JUANCHO

Ang bilis talaga magbago ng mood mo pag hotdog ang nakikita mo.

DARCY

Ahmm...

*binaba nito ang kinakain na hotdog at may nag-aalalang mukhang tinitigan si Juancho.

JUANCHO

Ask me a question.

DARCY

Ha?

JUANCHO

Alam kong may gusto kang malaman sa nangyari kagabi, so ask me questions.

*pagkarinig nito ay huminga ng malalim si Darcy at...

DARCY

Yung---yung---yung sa brief. Ahmm...

*hindi nito matuloy ang tanong dahil sa hiya at kaba sa sagot na maririnig mula kay Juancho.

JUANCHO

You did it yourself at saka yung sa shampoo at sabon, naamoy ko kaya yun yung pinabili ko para magamit mo.

*sabay tayo nito ni Juancho at pasok sa banyo na naroroon sa kusina...tila naman nabunutan ng tinik si Darcy sa narinig.

DARCY

Ayos,ako pa lang rin ang nakakakita sa'yo.

*sabay marahang tapik nito sa ibabang parte ng kanyang katawan...pag-angat ng kanyang ulo,kumpol ng unan ang nagnakaw ng kanyang atensyon.

Ehhhhhh??!! Dito siya sa sala niya natulog kagabi???

*gulat na saad nito sa nakita, naroon ang mga unan at kumot sa sofa na tanda na may natulog roon.

Aaaaayyyy!!! Halaaa?? Eeehhh???

*gulat na mga sambit ni Darcy habang ginugulo ang buhok dahil sa hindi pagkakapaniwala sa mga bumabalik na alaala---nakita niya ang sariling pinipilit niyang halikan si Juancho,nakalingis ang mga braso niya sa leeg ni Juancho...pinagpatuloy ni Darcy ang marahang pagpagpag ng ulo upang mawala ang naalala niya. Paglingon niya ay saktong paglabas naman ni Juancho na nakatapis at nagpupunas ng basang buhok. Isang bakas ng kagat sa leeg ni Juancho ang kumimpirma sa nangyaring pagtangka niyang paghalik kay Juancho at ang pagkagat niya sa leeg nito...dali-dali itong umiwas sa naalalang kahihiyan at nagbalak magtungo sa itaas na kwarto at dahil sa dulas ng sahig ay nahawi niya ang tapis na tumatakip sa kaselanan ni Juancho ng ma-out of balance siya, tumambad sa kanya ang kaselanan nito at napangisi na lamang si Juancho sa nangyari at napakaripas naman ng takbo si Darcy.

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. JUANCHO's ROOM-DAY

Pagka pasok ay kaagad na nagmaktol si Darcy sa may pintuan at nagtungo sa kama ni Juancho upang ipagpatuloy ang pagmamaktol.

DARCY

Nakita ko! Nakita ko ang ano niya! Aahhh...

*pagmamaktol nito at maya maya ay bumukas bigla ang pinto ng kwarto nito at daglian namang pikit ni Darcy at takip pa ng mata nitong nakapikit,pumasok si Juancho na may tinging nawiwirdohan kay Darcy.

JUANCHO

Takip takip ka pa, baka nga sinadya mo pa yung ginawa mo kanina. Don't deny it.

DARCY

Hindi talaga, peksman mamatay ka man.

JUANCHO

Basahin mo 'to at kung masasaulo mo the better.

*sabay pasalo nito kay Darcy ng kakapal kapal na mga dokumento.

Dahil pumayag ka na maging Fiancé kita, you are mine now at lahat ng akin alam ang ayaw at gusto ko.

*binuklat ni Darcy ng mabilisan ang mga pahina ng compiled documents at ng matapos ito ay tumingin ito kay Juancho ng may nanlilisik na mga mata.

DARCY

Rules??!! Daig pa nito ang 10 commandments!!! Kay Lord sampung utos lang eh sayo 3000 pages. Ano ka Lord ka ni Lord??!!

JUANCHO

I will be considerate alam kong mahina ang utak mo. Dalawa lang ang tatandaan mo. Rule number 1 Lagi ako ang tama at kung nakalimutan mo doon makakatulong ang Rule number 2 which is refer to Rule number 1.

Got it?

*huminga ng napakalalim ni Darcy.

DARCY

Kung di lang ako mamamatay sigurado ikaw ang patay sa'kin buni ka.

*mahinang sabi nito sa sarili upang kalmahin ang kumukulong dugo kay Juancho.

JUANCHO

May sinasabi ka?

DARCY

Ang sabi ko sisiw lang 'to kaya ko 'to,baka may nakalimutan ka sige idadag mo na sa rule book mo.

JUANCHO

5 Million? Or mas gusto mo taasan?

DARCY

5 Million???!!! Taasan???!!!

*napalunok ito sa narinig mula kay Juancho.

JUANCHO

Walang libre sa mundo. Name your price.

DARCY

Kiss and sex.

*malakas na loob na sabi nito at maya-maya ay gumuhit sa mukha niya ang gulat mismo sa sarili,nagulat siya sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig kanikanina lang... kaya kumaripas itong takbo paalis sa bahay ni Juancho.

Kiss and sex???!!!

Haaaayyy anak ng butiki naman, bakit ko ba sinabi yun kaagad? Bakit ko sinabi??!!

*kausap nito sa sarili habang marahang pinupukpok ang ulo at sabay na bumagsak ang dalawang balikat at napaupo na lamang sa gilid ng kalsada...makalipas ng ilang minuto ay nagsimula na itong maglakad muli.Maya-maya ng mapadpad siya sa kanto sa dakong bilihan ng saging ay napasigaw na lamang ito sa gulat...

Eeehhhh??!!!

*iling nitong ng mabuti at tapik ilang beses sa mukha upang magising...mabilis nitong tinungo ang isang sari-sari store upang makabili ng maiinom. Pag silip niya sa tindahan nabaling ang tingin niya sa remote control ng T.V.

Ano 'to??!!

TINDERA

Ano po yun?

*nahimasmasan si Darcy sa tanong ng tindera at sabay sagot naman niya ng nais bilhin...

DARCY

Pa...pa..pabili nga po ng tubig.

*Pag abot sa kanya ng mineral water ay nagulat na naman ito...

Halaaaa??!!

* muling napatapik sa mukha ng marahan si Darcy, kanina pa niya naaalala kahit saan siya pumunta at nakikita niya ang ari ni Juancho,ang hugis nito, haba at ang senaryo kung paano niya aksidenteng nahubuan ito.

Haay...kinakarma ba ako? Hindi ko naman talaga sinasadyang mahubaran siya.

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)

Hindi talaga...

*sambit nito ng makita ang butiking nasa poste ng kuryente at sabay inom nito ng mineral water na binili at buntong hininga.

-----------------------------------------------------------------------

AFTE A WHILE

INT. DARCY's HOME-DAY

Pinihit ni Darcy ang door knob at pag pasok niya sa pintuan ng kanilang bahay ay bumungad kaagad sa kanya ang isang party. May party popper pa na bumulaga sa kanya,naroroon sina Kinchay na may dala ng cake,ang kanyang Mapa na may dalang lobo at ang kanyang kapatid na si Horhe na hindi maipinta ang mukha pero nakisaya pa rin. Sa totoo lang hindi ang mga ito ang umagaw ng kanyang pansin kundi ang tarpaulin na nagsasabing " Happy Not Virgin Anymore".

MAPA

Oh bakit wala pa ring tibok ang dibdib mo?

*pagkakasabi nito matapos hipuin ng kanyang Mapa ang kanyang dibdib at pagkasabi nito ay nagsihipuan na rin sa kanyang dibdib sina Horhe at Kinchay. Upang makasigurado pa ay idinikat pa ng tatlo ang kanikanilang tenga sa dibdib ni Darcy ng sabay-sabay samantalang si Darcy ay  kanina pa hindi kumikibo at nang hindi na makapag timpi ay nagsalita na rin.

DARCY

Ano bang pinag-gagagawa ninyo?

MAPA

Ikaw?

*sabay duro sa anak na si Darcy.

Call center agent ka ba?

*may pagtatakang tanong ni Darcy sa tanong ng kanyang Mapa.

DARCY

Hindi po.

MAPA

Inumaga ka na ng uwi.

Akala ko naman uuwi ka ng hindi na virgin at wala na yung sumpa nagsabi ang kapatid mo nakita mo na yung magtatanggal ng sumpa.

*nanlaki ang mga mata ni Darcy sa narinig at napatingin sa kapatid niyang si Horhe.

Sino ba yun? Hindi naman niya masabi sabi kung sino? Kaya ikaw na lang tatanuning ko.

*nakahinga ng malalim si Darcy ng malamang hindi pa pala alam ng kanyang Mapa na baka si Juancho na idolo ni Mapa ang itinakda ng butiki upang magtanggal ng sumpa sa kanya.

HORHE

Kulang na lang Mapa ay ibugaw mo si Darcy.

MAPA

Eh ang bagal eh.

*sabi nito kay Horhe.

Gusto mo bang matulad sa mga Lola mo na namatay dahil sa sumpa na yan.

*baling nito muli kay Darcy.

KINCHAY

Mawalang galang na po ah... Pag nag ano na ba sila alam niyo na okay na? Ganun ba yun? Mawawala na po ba talaga ang sumpa at titibok na ulit itong puso ng beshiwap ko? Wala bang side effects...???

MAPA

Ewan ko, kung sakaling swertehin ka eh ikaw pa lang ang unang makakaligtas sa sumpa ng butiki kaya malay ko sa mangyayari pagkatapos.

Sino nga ba yung magtatanggal ng sumpa?

*upang makaiwas ang lahat sa tanong nito ay mabilis na nagtakbuhan ang tatlo naiwan si Mapa na takang taka sa kilos ng tatlo.

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. DARCY's ROOM-DAY

Pumasok magkasama sina Darcy at Kinchay sa kwarto--- ni-lock kaagad ang pintuan at napahiga silang dalawa sa kama. Hindi kumikibo si Darcy sapagkat pilit pa ring inaalala ni Darcy ang nangyari ng malasing siya.

KINCHAY

Baka gusto mo mag kwento?

*pagbasag nito sa katahimikan. Tumayo si Darcy at mula sa kanyang bag ay inilabas niya ang makapal na mga dokumento.

DARCY

Ito ang mga baby journal ni Juancho at ito naman ang mga ayaw niya at mga gusto.

*pagpapaliwanag nito.

KINCHAY

Ba't mas marami yata ang ayaw niya kaysa sa gusto niya? Pero wait lang, Bakit nasayo ang mga ito?

*hindi na nagsalita si Darcy bagkus ipinakita na lamang nito ang kontratang may pirma niya.

DARCY

Ibinenta ko na ang kaluluwa ko sa demonyong yun Kinchay.

*at nagpatihulog ito sa kama niya at nagdabog.

KINCHAY

Ano ka ba? Kailangan mo si Juancho para mabuhay ka. Sakyan mo na lang.

DARCY

Alam ko yun.

KINCHAY

Pero,pinaaalala ko lang peke ang lahat ng 'to,baka malunod ka at hindi na makaahon.

DARCY

Kaya nga dinidistansya ko ang sarili ko kaso lang siya ang lapit ng lapit tapos yung sumpa pa sumasabay.

KINCHAY

Sa bandang huli laging ang umaasa ang lumuluha at ang paasa wala lang.

DARCY

Ayoko munang problemahin ang ganyang bagay.Ang pino-problema ko ay hindi ko maalala kung bakit ako nasa bahay ni Juancho kagabi.

KINCHAY

Ano???!!! Sa bahay ka niya natulog kagabi???!!!

DARCY

Hindi yan ang mas nakaka gulat, ang mas nakakagulat ay bakit ako nasa bahay niya eh si Dax ang kasama ko uminom.

KINCHAY

Hindi kaya sinundan ka niya? Isipin mong mabuti. Wait?! Si Dax ang kasama mong una at si Juancho ang kasama mo pag-gising mo?

*tumango si Darcy ng may pag-aalala sa mukha.

Kalandian realness 101.

DARCY

Hindi yun ganun...

KINCHAY

Eh ano?

DARCY

Ang naaalala ko paalis na ako pero may biglang dumating...

*nanlaki ang mga mata ni Darcy sapagkat bumalik na lahat ang alaala at napasigaw na lamang ito.

Malanding Anak ng Butiki!

WHAT REALLY HAPPENED LAST NIGHT

Pauwi na dapat si Darcy nang dumating si Juancho,dahil sa kalasingan ni Darcy ay tila lumiliwanag ang awra ni Juancho kapag tinitignan niya ito. Binitbit nito si Dax at ipinasok sa taxi na naghihintay sa labas.

JUANCHO

Let's go iuuwi na kita.

DARCY

Anong uuwi? Walang uuwi!! Ate isang bote pa po ng lambanog.

JUANCHO

No. Uuwi ka na.

DARCY

Aaahh, siguro may lihim ka kaya ayaw mo malasing baka kasi masabi mo.

*salok nito ng lambanog at bigay kay Juancho na ininom naman nito kaagad.

JUANCHO

I really don't care kung malaman mo ang sikreto ko.

*sabi nito ng matapos matungga ang inalok kaninang lambanog ni Darcy.

DARCY

Tagaaaayyy paaaa!!!

*sabay inom ulit ng lambanog...ganoon din ang ginawa ni Juancho pero hindi talaga nito tinutungga ang laman ng baso niya.

JUANCHO

Tagay hanggang mamatay!!!

DARCY

Hindi...

*pagtanggi sa lasing na si Darcy sa kampay ni Juancho.

Gusto ko pang mabuhay eh...

*sambit ni Darcy kaya binago ito ni Juancho.

JUANCHO

Tagay para sa mahabang buhaaayyyy!!!

DARCY

Taaaggaaaayyy!!!

*sabay lagok muli nito ng lambanog at tuluyan na ngang nakatulog sa kalasingan.

AFTER A WHILE

Dahil sa ayaw ni Darcy umuwi sa sarili niyang bahay ay nagpasya si Juancho na iuwi na lang niya si Darcy sa bahay niya.

DARCY

Nasaan tayo?

*nang mapansin niyang nasa harap siya ng ibang bahay tila nahihimasmasan na siya.

JUANCHO

Sa bahay ko.

DARCY

Hep hep... Conservative ako dapat pakasalan mo muna ako bago mo ako ibahay Juancho. At saka virgin pa ako.

*napapangiti na lamang si Juancho sa nangyayari...inilabas ni Juancho ang singsing na dapat ay gagamitin niya sa fake engagement at isinuot kay Darcy.

Eeehhh?? Kasal na pala tayo eh.

*sabi nito ng makita ang suot na singsing.

JUANCHO

Yeah, You're mine now.

*Binuhat nito si Darcy paakayat sa kanyang kwarto at nang makarating ay ibinaba sa harap ng pinto ng kwarto mismo,nakatitig lamang sa labas ng kwarto ni Juancho si Darcy.Lasing at maya-maya ay kumanta ito at sumayaw habang nakatitig lamang sa kanya si Juancho.

DARCY

Ang hotdog mo kinain ko

Ang hotdog ko kinain mo

Um ah ...um ah ah

Ipinasok mo

Sinubo ko

Um ah... um ah ah

JUANCHO

Bakit ba 'tong pandak na weird at bobong bakla na 'to ang kailangang maging fiancé ko?

*at maya-maya ay biglaang buhat nito kay Darcy papasok sa kwarto niya. Inilapag nito si Darcy sa higaan at sinimulang tanggalin ang sapatos at medyas at ang pantalon nito... Kusa namang nagtanggal ng damit pang itaas si Darcy at yumapos sa leeg ni Juancho.

DARCY

Are we gonna have sex?

*lasing na tanong nito.

JUANCHO

No.

*sabay iwas nito kay Darcy na lingis ng lingis pa rin kay Juancho...at dahil na rin siguro sa pagod at kalasingan ay tuluyan na itong sinuntok ng antok.

Konserbatibo pala? Ikaw pa una nag yaya!!!

*sabi nito nang makawala sa lingis ni Darcy... Bumalik na sa wakas ang alaala ni Darcy sa nangyari kagabi. Napasigaw ito sa kahihiyan nang magbalik ito sa kasalukuyan.

KINCHAY

Ano naalala mo na?

DARCY

Huwag mo na akong tanungin sa mga nangyari Kinchay.

*at pagkatapos ay nagdabog sa kanyang kama.

May mas lalala pa ba sa nangyari kagabi?

*sambit nito.

AFTER A WHILE

Isang katok ang nagpatigil sa pagdadabog ni Darcy.Lumapit si Kinchay sa pintuan at pagbukas niya ay bumungad sa kanya si Horhe na iritable at dagliang pumasok sa kwarto ni Darcy.

KINCHAY

Oh Bakit Horhe?

HORHE

Ang kalahi ni Juancho nasa sala namin.

*iritableng sagot ni Horhe.

DARCY

SINO??!!

HORHE

Lola ng ex crush mo.

DARCY

EEEHHHH!!!??? Anong gagawin ko??!! Ba't daw siya nandidito?

KINCHAY

Dito na lang ako Beshiwap sa kwarto mo at ipagdadasal kita at aayusan na rin.

*dali-dali nga nitong inayusan at pinagpalit ng damit si Darcy. Kabado itong bumaba,nakatali pataas ang buhok nito at may mga ilan ilang buhok ang nakababa,lumabas ang gandang lalaki ni Darcy. Nakasuot ito ng long sleeves na puti na may ribbon sa bandang leeg at pantalon na kulay tsokolate.

MAPA

Ay ito na pala po ang anak kong si Darcy.

*lumapit si Darcy at nagmano bilang tanda ng respeto.

Bakit ho pala ninyo hinahanap ang anak ko?

DOÑA YSABEL

Gusto kong mas makilala ang magiging asawa ng apo ko.

*nanlaki ang mga mata ng Mapa ni Darcy sa narinig.

Bukas dadalaw si Juancho para mas makilala ng pamilya mo. Pasensya na kung ako lang ang naririto ngayon.

MAPA

Wala hong problema dun alam ko naman pong busy na tao si Juancho.

DOÑA YSABEL

Sige 'di na ako magtatagal. Nice to meet you Darcy at siyempre sa pamilya mo.

*at tuluyan ngang umalis.

MAPA

Asawa? Ikaw, magiging asawa ni Juancho?

*inilabas na ni Mapa ang tinitimping kilig kanina.

DARCY

Parang ganun na nga po.

*at nahimatay na nga ang mapa ni Darcy sa halong emosyon sa balitang narinig. Pinahiga ito at pinaypayan upang mahimasmasan, patuloy ang pag paypay nila Horhe at Darcy sa inang walang ulirat at ilang sandali ay napabangon ito na tila walang nangyari rito kanina, kinuha ang bayong at umalis... Maya-maya ay may narinig silang mga katok at kabado nitong binuksan ang pinto at bumungad sa kanya sina Juancho at Dax na nag gigitgitan sa labas ng pinto.

Ba't kayo nandito?

*gulat na hindi makapaniwala sa nakikitang nag-gigitgitan sa may pintuan.

DAX

Ah kasi...

*pag-alis ng headset nito at napakamot nitong sambit ng sandali sa hiya bago tinuloy ang sasabihin.

Kasi yung uminom tayo, napabayaan kita.

JUANCHO

Mahinang nilalang.

*pailing iling pa nitong kantyaw.

DAX

Baka may hang-over ka kaya pagluluto sana kita kaya ako nandidito.

JUANCHO

Ako rin, ako rin pagluluto din kita.

*parang bata nitong pagsabat habang pinapakita ang dala nitong bayong na puno rin ng mga sangkap.

DAX

Ay oo nga pala, this is for you.

*sabay labas nito sa likuran niya ng stuffed pig

DARCY

Bakit alam mong gusto ko ng mga stuffed pig?

DAX

Alam lang siguro ng puso ko ang gusto mo.

*napangiti si Darcy sa narinig.

JUANCHO

Pauso.

DARCY

Ipapasok ko lang 'tong si Batchoy sa taas.

DAX

Batchoy?

DARCY

Oo, yun ang pinangalan ko sa kanya.

JUANCHO

Sebo,yan dapat pangalan niyan o kaya cholesterol...sakit sa ulo katulad ng nagbigay sa'yo.

*hindi pinapansin ng dalawa ang mga pinagsasabi ni Juancho.

DAX

Sige Batchoy bantayan mo si Darcy para sa'kin.

*at tuluyan ng ngang umakyat si Darcy sa taas at ipinasok si Batchoy the stuffed pig sa kanyang kwarto.

AFTER A WHILE

Isang katok ang muling narinig,nagtungo roon si Horhe para pagbuksan ito at bumungad sa kanila sina Amore,Kriselda at Joyce na may bitbit na cake.

HORHE

Ba't po kayo nandito?

AMORE

Sabi kasi ng Mapa bumisita daw yung Lola ni Juancho dito baka nag baka sakali kaming nandito siya.

JOYCE

At saka gusto rin namin makakuha ng mga love shot nila...click! click!

*sabi nito sabay gawa ng hugis puso nito gamit ang kanyang kamay.

HORHE

Pasok po kayo.

*at tuluyan na ngang pumasok ang bagong dating na bisita.

Mga bisita ni Mapa.

JOYCE

Hi, mga kasamahan kami ng Mapa sa Fujosh...

HORHE

Sa trabaho...

*pagputol nito kay Joyce.

KRISELDA

Nandito nga si Juancho at ang isa sa mga prospect na si Dax kung sinuswerte nga naman tayo.

*bulong nito sa mga kasamahan na tumango naman bilang pagsang-ayon.

AMORE

Nagdala kami ng cake...

*at dali-daling kinuha naman ni Horhe ang cake at binuksan.

HORHE

Wedding cake??!!

KRISELDA

Bakit wedding cake 'to? Nakakatawa naman...

*pagkukunwari nito.

AMORE

Na-prank yata kami,sino naman ang ikakasal dito...

*pagkukunwari rin nito na sabay tingin ng tatlo sa pwesto ni Darcy na napapagitnaan nila Juancho at Dax.

JOYCE

Magluluto ba kayo?

KINCHAY

Pagluluto nila si Darcy.

KRISELDA

Talaga ba? May kasabihan, the best way to a man's heart is through his stomach.

AMORE

Sa madaling salita, kung masarap ka magluto makukuha mo ang puso ng mahal mo.

KINCHAY

Okay, kung sino ang mas masarap ang luto may premyo.

*siniko ni Darcy ang kaibigan dahil sa sinabi nito.

JOYCE

Simulan na ang kompetisyon.

-------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Nagsimula na nga ang tunggalian nila Juancho at Dax sa pagluluto. Mabibilis ang paghiwa ng mga gulay ni Dax at ganoon din naman mabilis ang pagtadtad nito pero ang chopping board lang naman ang hinihiwa nito---ginagawa niya ito para mag pa-impress kay Darcy. Swabe ang pag-gisa ni Dax samantalang si Juancho ay tila may kalaban na dragon na bumubuga ng mainit na mantika sapagkat balot na balot ito at ilag ng ilag.

DARCY

Woow!! Hindi ko akalaing marunong ka pa lang magluto.

JUANCHO

Hindi bagay sayo magpa cute.

*napatingin si Darcy sa lugar kung nasaan si Juancho biglang nalungkot si Darcy at para itong pusa na papaiyak na nakatingin kay Juancho habang patuloy sa pag gisa si Dax. Maya maya ay tila gumaling si Juancho sa pagluluto,naging swabe na rin ang pag gigisa niya.Matapos ang sandali ay natapos na ang pagluluto tila hindi maipinta ang mga mukha nila Juancho, Dax,Darcy, Horhe at Kinchay habang nakatitig sa putaheng nasa hapag kainan.

HORHE

Akala ko ba tinola din ang lulutuin mo?

Eh bakit hotdog 'to.

*tanong ni Horhe kay Juancho na tila nahihiya sa nailuto.

JUANCHO

Nasunog kasi.

HORHE

Haay!!! Tinola nasusunog mo pa? Iba ka rin.

*hindi makatingin si Juancho kay Darcy sa hiya.

DAX

Ah sige, tikman niyo yung niluto ko kung ayos yung lasa.

*alok nito, at sandok ng sabaw at hipan sa sabaw na nasa kutsara at akmang subo kay Darcy at nang malasahan ay nanlaki ang mga mata sa sarap.

DARCY

Eehhhh??!! Ang sarap. Haaayy... Ang sarap talaga.

*masayang reaksyon nito sa tinolang niluto ni Dax at asim naman na reaksyon ni Juancho sa reaksyon ni Darcy.

DAX

Nagustuhan mo?

DARCY

Oo sobra.

*napangiti si Dax sa narinig mula kay Darcy.

DAX

I want you to like me too Darcy.

*napahalakhak ng sobrang lakas si Juancho at napapapalo pa ito sa kanyang hita sa narinig.

JUANCHO

Like mo??!! Like mo siya??!!

*at halakhak ulit nito

Oh...

*sabay pakita ni Juancho ng palasingsingan niya kay Dax na may singsing sa hambog na tono.

Nakikita mo 'to? 24 karat gold engangement ring made in Paris.

*hindi nito pinansin si Juancho na ikinairita nito.

DAX

Diba may pasok ka halika hatid na kita. Ipagbabalot kita para may pang breakfast ka sa office.

JUANCHO

Huwag na napagbalot ko na siya!!!

*hindi nakinig si Dax at pinagbalot niya pa rin ng makakain si Darcy at lalo itong ikina irita ni Juancho.

DAX

Sige hintayin na lang kita sa labas.

*sabay beso nito kay Darcy at ibinalik muli ang headset sa kanyang tenga bago lumabas sa pintuan.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Lumabas na si Darcy at bitbit ang baon. Si Juancho ay malungkot at iritable na minamasdan ang niluto at ang baunan na hindi pinili ni Darcy.

KINCHAY

Ahmm, Juancho okay lang yan.

*sabay tapik ng marahan sa likod ng malungkot na iritableng si Juancho.

JUANCHO

Kung ayaw niya eh di huwag!!! Itatapon ko na lang 'to.

*sabay kuha sa baonan at bukas nito sa takip at akmang itatapon.

Pinili niya ang luto ko!!! Pinili niyaaa!!!

*masaya itong naglulundag at nagsasayaw ng malamang ang baonan na hindi pinili ni Darcy ay ang baon na hinanda ni Dax.

AMORE

Rule number 8--- cake

HORHE

As in yung cake??

*tumango ang tatlo sa tanong ni Horhe.

JOYCE

Iba't ibang layer,pareparehas naman ang lasa pero ang tuktok ang tinuturing na special.

HORHE

So ang unang layer ang unang pipiliin at kakainin.

AMORE

Mali, yung susunod na layer kasi puro design lang ang nasa first layer kaya wala kang masyadong mapapala.

JOYCE

Kaya walang dapat ikaselos yung mga nasa baba ng top layer ng cake kasi sa bandang huli sila yung lihim na kinatatakaman.

KRISELDA

Sige,alis na rin kami.

*at saka lumabas na rin ang talo.

----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. DAX's CAR-DAY

Rinig na rinig ni Dax ang tunog ng makina ng kanyang kotse dahil wala sa kanyamg tenga ang headset na lagi niyang suot ngunit kung ano ang ikinaingay ng paligid ay yun namang tahimik ng dalawa,maya-maya pa ay si Dax mismo ang nagsuot ng seatbelt kay Darcy at bago ito i-lock ng husto ay tumitig ito kay Darcy na inosente't walang kibong nakaupo sa tabi niya.

DARCY

Ba...ba...bakit?

*tanong nito.

DAX

Nasarapan ka sa luto ko kanina di ba?

*tumango si Darcy bilang tugon.

Kukunin ko na ang premyo ko.

*mas nilapit nito ang mukha kay Darcy.

Ang ganda ng mga mata mo,ang hahaba ng mga pilikmata, ang labi mo parang sobrang lambot at ang amoy mo...

*idinikit nito ang bibig sa leeg ni Darcy at marahan itong kinagat...

Yung sinabi ko sayo kanina, totoo yun.

*sabi nito matapos bitiwan ang pagkagat sa leeg ni Darcy at sabay pagpapaandar ng kanyang kotse.

I want you to like me.

*sabay na sabi nito sa pagkaripas ng kotse.

DARCY

Eh kasi si Juancho.

*nang sabihin ito ni Darcy ay sabay ring pagsuot ng headset ni Dax.

DAX

I don't care. I want you and I will get you.

DARCY

Eeehhh??!!

*napangiti ito sa pagkagulat ni Darcy at sakto naman at nakarating na sila sa harap ng fame tower kaya hininto na nito ang sasakyan...bago bumaba si Darcy ay hinawakan ni Dax ang kamay ni Darcy at nagsabi.

DAX

Pag isipan mo ang sinabi ko hindi ka na lugi sa akin.

*ngumiti ito pagkatapos at ngumiti rin naman si Darcy bilang tugon tuluyang bumaba sa kotse at dagliang tumakbo sa C.R. upang mahimasmasan sa sinabi kanina ni Dax.

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)

DARCY

HAAAAYYYYY!!!

*sabay inom nito ng tubig at huminga at marahang pukpok sa puso nito kinapa muli nito ang dibdib at nagulat ng tila naramdaman niya ang papawalang tibok ng dibdib na ang ibig sabihin ay kanina ay tumibok ito.

Eeehhhh??!! Tumibok ang puso ko kanina??!! Ibig sabihin dalawa sila??!!! So--so-so double pene---pene--

*gulat na utalutal na pag panic nito kausap ang butiki sa kisame ng C.R.

Double penetration.!!!???

*sigaw nito sa gulat at nagsilabasan ang mga nasa cubicle sa lakas ng sigaw niya...

MEAN WHILE

INT. DARCY's HOUSE-DAY

Dumating na ang Mapa ni Darcy sa kanilang bahay pag pasok nito naroroon si Juancho naghuhugas ng pinggan...

MAPA

Oh, sino 'tong naghuhugas ng pinggan?

*tanong nito nang makita ang lalaking nakatalikod at napalingon naman si Juancho at bumati.

JUANCHO

Good morning po Tita.

*magiliw na bati nito sa Mapa ni Darcy.

MAPA

Good morning din sa'yo.

HORHE

Sa pagiging obsess ni Mapa sa Juancho na yan 'di na siya nagugulat na mismong si Juancho na idolo niya ang naghuhugas ng pinggan namin.

*sabi ng napuna nitong reaksyon ng kanyang Mapa kay Kinchay.

MAPA

Ba't ikaw ang naghuhugas ng pinggan namin?

*halos di makaugagang pag check kung totoo ngang si Juancho ang nasa bahay nila.

JUANCHO

Dinalaw ko po si Darcy at siyempre kayo na rin po.

MAPA

Huwag mo nang ituloy ang paghuhugas ng mga iyan, halika magpahinga ka muna sa kwarto ni Darcy.

HORHE

Mapa???!!! Close ba kayo? Parte ba siya ng pamilya? Ba't kayo nagpapa-akyat ng mga mokong sa kwarto ni Darcy.

*sigaw ni Horhe at tumigil ng tinitigan siya ng kanyang Mapa ng sobrang talim.Lumapit si Kinchay at kinuha ang platong kasalukuyang hinuhugasan ni Juancho.

KINCHAY

Ako na magpapatuloy nito.

*at sinundan ng tingin si Juancho habang papaakyat ito ng hagdan patungo sa kwarto ni Darcy kasama ang Mapa at kasabay nito ang paglapit ni Horhe kay Kinchay na ngayo'y nagpatuloy sa hinuhugasan ni Juancho kanina.

HORHE

Kaya madaling nakaka-akyat rito ang mga akyat bahay eh.

*sa pagkakasabi nito ni Horhe ay muntikan ng mabasag ni Kinchay ang hinuhugasang pinggan.

Madulas ba yung sabon o pasmado lang talaga ang kamay mo? Mag-ingat ka naman.

KINCHAY

Ikaw kaya mag-hugas ng pinggan niyo.

HORHE

Akin na nga.

*at ito na nga ang nagpatuloy sa paghuhugas.

Matalino ka lang academically pero sa gawaing bahay wala kang talino.

*sabi nito habang naghuhugas kay Kinchay.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Nasa labas na ng kwarto ni Darcy si Juancho,binuksan ang pinto at pumasok. Nanlaki ang mga mata ni Juancho sa nakita sa loob ng kwarto ni Darcy, nakita niya ang pictures niya na puro tusok tusok ng darts. Pinagtatanggal niya ang mga darts na nakatusok sa picture niya at inayos ng mabuti.Nakita niya ang stuffed pig na si Batchoy at nilapitan ito at tinitigan ng masama.

JUANCHO

Aba!!! Ang sama ng titig mo!!! Anong pinagmamayabang mo ah??!!

*pagpapagalit nito kay Batchoy the stuffed pig... kinuha nito ang cellphone niya at tinawagan niya ang kanyang Manager.

Hello Manager Park!!! I-enroll mo ako sa cooking class at saka ibili mo ako ng malaking stuffed toy gusto ko baboy... Ipadala mo dito sa bahay ni Darcy ngayon din.

*sabay baba nito sa tawag.

Maling tao ang kinalaban mo.

*sabay pinatalikod ang nakaharap na si Batchoy the stuffed pig.

----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Naka uwi na si Darcy. Pagbukas niya ng pinto ay una niyang nakita si Juancho na nakaidlip na sa kanyang kama.

DARCY

Eehhh??!! Juancho??!!

*nagising kaagad ang nakaidlip na si Juancho sa pagkagulat ni Darcy.

JUANCHO

Ba't ka nandito?

DARCY

Ako dapat magtanong sa'yo niyan.

JUANCHO

Ah...ah...ah... Pina...pinapasok ako ng Mapa mo dito.

*napansin ni Darcy ang nakatalikod na si Batchoy the stuffed pig.

DARCY

Anong ginawa mo kay Batchoy?

*lapit nito sa stuffed toy at pinaharap ang posisyon nito.

JUANCHO

Hindi ko inano yan ah.

*pagsisinungaling nito.

Ay oo nga pala may regalo din ako.

*excited na tono nito sa simula na biglang pinaibabawan ng kaba.

pa...pa...pangalanan mo.

*biglaang labas at abot ng pagkataba taba at cute na stuffed pig.

DARCY

Cholesterol.

JUANCHO

Cho---cho--cholesterol???!!! Bakit yung bigay niya Batchoy tapos yung binigay ko ang pang...

*hindi na nito natuloy ang sasabihin sapagkat pinutol na ni Darcy ang kanyang sasabihin.

DARCY

Mag sabi ka nga sakin.

Nag seselos ka ba?

*hagalpak na tumawa sa tanong ni Darcy si Juancho... At biglaang hinto nito sa tawa.

JUANCHO

Hindi.

*prankang sagot nito...isang saglit lang ay isang text ang na-recieve ni Darcy at nasilip ni Juancho kung sino at ano ang laman ng text.

Date??!!

Niyaya ka ng mokong na yun ng date??!!

DARCY

Bakit bawal ba?

JUANCHO

Pupunta ka?

DARCY

Ba't ka nagbabasa ng may text ng may text? Bawal yan.

JUANCHO

Ang tanong ko ang sagutin mo pupunta ka ba?

DARCY

Oo, bakit?!

JUANCHO

Makikipag date ka? May Fiancé ka na di ba??!!

DARCY

Fiancé??!! Nasaan ah?! Saan?!

JUANCHO

Ako!!!

*sabay pakita sa kanya ng engagement ring may akward silence ang dalawa,hindi sila magkatinginan at sa pagkatapos ng ilang saglit ay biglang tumakbo paalis si Juancho...

DARCY

Peke naman kasi lahat ng 'to!!!

*sabi nito sa sarili at bumagsak ang balikat nito, umupo at humiga sa kanyang kama...isang katok ang narinig ni Darcy.

Pasok...

*anyaya nito sa kumatok.

MAPA

Anak?

*pagkarinig nito sa boses ng kanyang Mapa ay bumangon ito...lumapit ito at hinawakan ang dibdib ng anak at nagsabi...

Heart beat check...

*ngumiti si Darcy bilang tugon sa kanyang Mapa at kasabay nito ang pag-upo nito sa tabi niya.

Tumibok na ba yan hindi literal ah?

DARCY

Mapa...

MAPA

Alam kong hindi ka pa handa na sabihin sa'kin kung sino yung magtatanggal ng sumpa sa'yo pero ayaw kitang mawala kaya gusto ko sana masabi mo sa'kin para matulungan kita.

*walang pagpipigil na sinabi na rin ni Darcy sa kanya ang taong pwedeng makapag tanggal ng sumpa sa kanya.

DARCY

Si Juancho po.

*nagulat sa narinig mula kay Darcy ang Mapa nito.

At si Dax.

MAPA

Teka lang? Dalawa? Imposible. Ang sabi sa mga Diary na iniwan ng mga kaninununuan natin isa lang.

DARCY

Ewan ko po,kanina ko lang po nalaman.

MAPA

Ayaw kitang mawala Anak, hayaan mong mauna si Mapa para dalawa kami ni Pama mong sasalubong sa'yo sa kabilang buhay.

DARCY

Haaayyy!! Imposible pong mamatay ako. Dalawa na nga po yung pwedeng magtanggal ng sumpa sa'kin.

*pagkarinig nito tumawa ang kanyang Mapa at napatawa na rin si Darcy at maya-maya ay niyakap ng kanyang Mapa.

Paano kung yung taong makakapag tanggal ng sumpa sa'kin 'di ako mahal,mamamatay na lang ba ako kaagad.

MAPA

May kasabihan,maraming isda sa dagat at kung wala na mayroon sa tindahan.

*tumawa muli ng sabay ang dalawa.