MADALING ARAW silang umalis sa suite ni Peach. Hindi sila dumaan sa underground parking dahil natunugan ni Biboy na may pamilyar na sasakyan ang naghihintay doon. Suot ang disguise ay dire-diretso nilang binagtas ang malaking bulwagan ng hotel. Inaasahan niyang walang tao pero may iilan silang foreigner na nakitang kakarating lang sa nasabing lugar.
Bago pumasok sa nakaabang na sasakyan ay sumulyap siya sa paligid.
How did he find me?
Tumulak siya papasok kasunod si Malik. Si Dante ang driver nila habang si Biboy at Carlos ay bumubuntot sa kanilang sasakyan.
Sumiksik siya sa bisig ni Malik. Mabigat ang mga talukap ng kanyang mata kaya hinayaan niyang hatakin nito ang kanyang diwa at nakaiglip. Nagising nalang siya nang maramdaman ang sinag ng araw na humahaplos sa kanyang pisngi
Sarado ang bintana pero manipis ang kurtina kaya't nakakapasok ang liwanag mula roon. She moan and stretched her both arms. She rose up and look around for Malik. Nasaan ba kami?
Agad siyang sumilip sa bintana at kinilig nang makarinig ng malakas na alon. Nagmadali siyang tumayo at lumapit sa bintana. Her eyes awed the scene.
Malik broad back was facing her. Too busy talking with Biboy while the sun showered them with its hot shines. The beautiful shore and blue waving sea inhibit her excitement. Agad siyang tumakbo sa pinto at tinulak iyon. Nabungaran niya si Carlos na nagbabantay doon.
"Puwede ba akong lumabas?" tanong niya rito.
"'Yung disguise niyo po?" tanong nito habang nakatingin sa suot niyang roba.
Hindi na siya umimik. Agad niyang sinara ang pinto para isuot ang blonde long hair wig. Nagsuot din siya ng aviator para takpan ang mga mata. Sinilip niya ang suot na maxi dress. Ito ang nakita niyang damit sa maleta kaya wala na siyang choice. Kasama niya si Carlos paglabas ng kuwarto. Lulan ng elevator pasimple niyang tinanong ang kasama kung nasaan si Dante. Sinabi nitong ito ang magiging hidden guard niya.
Tumango siya. Nag-iba agad ang arwa dahil ang plano niyang disguise ay western woman na sabik sa asawa. Malalaki ang hakbang ay agad nilang narating ang labas. Sinulyapan din niya mula sa puwesto ang kuwarto nila. Nasa ikatlong palapag iyon ng hotel. Napansin niya din ang pangalang Rios De Rima.
I never knew this place, but I love the location. Lumingon siya sa dagat. Kumikinang ito dahil sa init ng klima. Wala siyang pake. Kapag ganitong sanay na siyang lumangoy, hindi na siya hanggang dalampasigan na lang. Makakalangoy na siya ngayon.
Ngumisi siya nang lumingon si Malik sa kanya. Natatawa siya sa wig nito. Kumpara sa kanya ay mas nagmukha itong foreigner- hot one. Ang manipis nitong suot na white shirt ay parang dagat na umaalon. Aninag doon ang matikas nitong dibdib, maging ang pecks na kahapon lang ay hinahaplos niya.
Umarko ang kilay niya nang mapansin ang tatlong babaeng naka-bikini na huminto sa paglalakad para tingnan si Malik. Naghahagikgikan ito at halatang nagpapapansin.
Nagmartsa siya palapit.
Luckily, Malik snaked his arms around her waist. "Good morning," he greeted her. He even kissed lips.
Nilingkis niya ang mga braso sa leeg nito. Ngumiti nang pagkatamis-tamis matapos ay sumulyap sa mga inggeterang babae. He is mine. Back off! Tinanggal niya ang shades para taasan ng kilay ang mga ito.
Laglag ang balikat ay umalis ang tatlong babae. Nahuli pa niyang ngumingisi si Carlos. Halatang kanina pa siya nito pinapanood.
"What do you want to eat?" Agaw pansin ni Malik, ang biloy sa pisngi nito ay lumalabas. Marahil ay aware ito sa ginawa niya.
Nakanguso niyang sinulyapan ang mga kubo sa kabilang side. "I want Gata."
Manghang sumulyap sa tiyan niya si Malik bago tumango. "Alright then."
May nakita silang restaurant doon na nagluto ng ganoong menu. Natsempuhan nila dahil iyon daw ang kauna-unahang pagkakataon na idinagdag sa menu. Iyon daw kasi ang request ng mga foreigner na bumibisita sa kanila.
Ngumisi siya nang makita ang puting sabaw sa ginataang langka. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang natakam doon. Pakiwari pa niya ay hindi na kailangan ni Malik na tikman iyon dahil sa kanya palang ay kulang pa.
Ganado siyang kumakain nang biglang lumapit si Biboy para ibigay ang cellphone nitong tumutunog. Hindi iyon napansin ni Malik dahil naaaliw ito sa panonood sa kanya. Lalo nang damputin niya na ang bowl at isalin sa plato ang natitirang langka.
"Sir," agaw pansin ni Biboy.
Biglang lingon ito sa kaibigan at kinuha ang cellphone. "Yes, it's me!" He casually said, his eyes were fixed on her.
Bumagal ang nguya niya nang biglang kumunot ang noo ni Malik. Ang pagtangis ng bagang nito ay nagsasabing may hindi magandang balita. Lalo nang makipagtitigan ito sa kanya at dumilim ang expression.
"What is it?" Hindi na niya mapagilang magtanong. Wala naman siyang ginawang kalokohan bukod sa pagkikita nila ni Andrei.
"Okay. Thanks." Binaba nito ang cellphone matapos ay tumingin sa kanya.
"May problema ba?" She's so frustrated to ask that because she knew that they were not safe. They were moving from place to place to avoid Andrei, and now there was a new problem.
"Winona is missing. Her bodyguards were found dead on her place. Pause is-"
Namilog ang mata niya sa pagkakabanggit ni Pause. "What about Pause?"
Hinawakan siya ni Malik upang kalmahin. "Pause is safe. Wala siya nang mangyari ang krimen."
Naibsan ang takot sa kanyang dibdib pero muling sumungaw ang pag-aalala para kay Winona. "Could it be possible that Andrei took Winona?"
"Possibly, but what was the benefit?"