webnovel

Mysteries of Wealthiest Territory

Sa mundo ng Mhallgravd, si Aéris, isang taong-langgam na may natatanging koneksyon sa elemental na mahika, ay nagsimulang maglakbay upang matuklasan ang mga lihim ng Royalty Empire at ng Celestial Prism. At sa daan ay makikilala niya ang magsisilbing mga kakampi niya, haharapin niya ang mga hamon sa daan patungo sa kapangyarihan. Ngunit higit pa sa kapangyarihan, kinakaharap niya ang mahirap na desisyon kung paano gamitin ito para sa kabutihan o iwasan ang posibleng kahihinatnan. © All Rights Reserved

Pen_Palooza · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
9 Chs

7

Pananaw ni Aéris

"Hoy Aéris kanina ka pa tulala dyan sa gilid! Ano bang nangyayari sayo?" Sigaw ni Mae dahilan para bumalik ako sa aking wisyo.

"Nagtataka na talaga ako kung ano ang pinagusapan niyo ng Headmistress kanina at nagkakaganyan ka." wika naman ni Estrella habang ginagawa ang mga takdang aralin niya.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung hanggang kailan tayo mananatili dito dahil nasasayang na ang oras natin." Saad ko

"I'm thinking about that too. Paano kaya kung wala naman talaga dito ang hinahanap natin?" Aniya ni Estrella, at tinuon ang buong atensyon sa aming pinaguusapan

"Nararamdaman nating pareho ang presensya nila dito sa loob ng paaralan kaya 'wag kang maniniwala dyan kay Aéris." Wika ni Mae kaya sinamaan ko ito ng tingin

"Sinasabi ko lang ang iniisip ko! Hindi ko na kasalanan kung sumangayon si Estrella sa akin!" depensa ko sa aking sarili laban kay Mae. Tinawanan lang ako pareho ng dalawa at bumalik na sa kaniya kaniyang gawain.

Si Estrella ay gumagawa ng Takdang aralin nila habang si Mae naman ay gumuguhit ng hindi ko malamang larawan sa isang malinis na papel.

"Hindi mo ba gagawin ang takdang aralin mo, Mae?" Tanong ko ng mapansin na magkaiba ng ginagawa ang dalawa kahit na magkaklase naman sila.

"Wala namang kaugnayan sa kapangyarihan ang pinapagawa sa amin tsaka tinatamad akong magsulat." Palusot nito na kina taas ng isang kilay ko

"Tinatamad ka magsulat pero magguhit ng kung ano ay hindi?" Taas kilay na sabi ko

"Excuse me?!" -Mae

"Your excused." -Estrella

"Shut up! Gumawa ka lang ng aralin mo! And you, Aéris! Hindi ito kung ano lang, it's about our mission!" Inis na sabi nito sa amin na nakapukaw ng atensyon ko maging si Estrella ay tinago na ang ginagawa at lumapit lalo kay Mae sa may kama.

"What is that?" Saad ni Estrella ng makalapit ito sa pwesto ni Mae, nakaturo ito sa ginuguhit ni Mae

"Can't you see? It's a map." wika ni Mae, kahit ako ay nahahawa na rin sa pag ikot ng mga mata nito.

Sarap dukutin

"A map? Mag-aral ka muna mag-drawing bago ka magplano!" Natatawang aniya ni Estrella dahilan para mapasimangot si Mae, ako naman na nagtataka ay lumapit na rin sa kanila para makita ang iginuhit ni Mae.

"Ano bang meron sa draw--Oh, well! Ang ganda?"

"kahit si Aéris hindi sigurado kung maganda ba yang gawa mo." Saad ni Estrella kaya lalo namang nainis ang isa.

"Maka lait ka naman sa gawa ko 'kala mo naman kagandahan sayo? Tsk! kasing pangit lang naman ng mukha mo!" Balik na lait ni Mae na nagpatigil kay Estrella sa pagtawa. Lumabas na agad ako ng Kwarto namin at mas piniling mag-libot-libot muna sa campus dahil alam kung masisira ang pandinig ko kapag nanatili ako kasama ang dalawang iyon habang nag-aaway sila.

Habang nililibot ang kabuoan ng campus ay napadpad ako sa isang secluded room na malapit sa battle Arena.

"Only with High Ranks can enter."

Basa ko sa nakasulat sa pinto. Tumingin ako sa paligid at siniguradong walang tao bago ako pumasok sa loob, hindi naman lock ang pinto kaya madali lang akong nakapasok sa loob bagaman nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking kamay ngunit isinawalang bahala ko na lamang iyon.

"Wow."

Ang unang lumabas sa bibig ko pagpasok ko sa loob. Hindi lamang ordinaryong silid ang napasukan ko. Kaya siguro 'Only High Ranks can enter' ay dahil sa dami ng mga armas sa loob. Hindi lamang ordinaryong armas kundi ang mga sinaunang armas na ginamit ng mga dating High Ranks sa labanan na animnapu't siyam na taon na ang nakararaan.

"Napaka-spesyal ng mga bagay dito ngunit bakit hindi sinasarado ng mabuti ang pinto nito? Wala man lang lock!" Wika ko at nilibot ang tingin sa paligid

"The door has a lock. Headmistress' Power." Baritonong wika na nanggagaling sa likod ko kaya agaran akong nalingon.

"W--what are you doing here?" medyo utal na tanong ko dahil sa pagkabigla.

"I should be the one asking you that. What are you doing here? Didn't you read the sign on the door?" Wika nito, siya iyong lalaki na sa pagkakatanda ko ay ang SSG President ng paaralan na ito na nasa high rank din. Siya rin yung lalaking katabi ko ng upuan sa silid-aralan.

"An ant-human like you is not allowed to step in here." Nangunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya.

Nanunuya ba ang lalaking ito?

"But I already stepped in here, what will you do?" Nakangising sabi ko sa kaniya dahilan para siya naman ang mangunot ng noo.

"I can tell the Headmistress that you use Black magic that's why you were able to stepped in here."

"A what? Black Magic?! Nagbibiro ka ba?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Never ever I will use Black Magic!

"Do I look like I'm kidding?" napatango-tango naman ako bilang pag-sang ayon sa sinabi niya.

"Kung makapag-akusa ka kasi parang tanga! Wala ka namang pruweba!" Reklamo ko, kulang nalang ay umusok ang ilong ko.

"Just stepping into this room is already a proof." Wika nito at naglakad papalapit sa isang display glass box na may nakapaloob na isang espada.

Napapalibutan ng apoy ang espada kaya hula ko ay espada ito ng mga Fire Manipulator.

Malamig niya akong tiningnan at ibinuka niya ang kaniyang kamay. Dahil sa naging galaw niya, pasekreto ko ring sinummon ang aking armas. Ang kaniyang naging kilos ay tanda na sinu-summon niya ang kaniyang armas at hula ko ay ang espadang nasa lagayan ang kaniyang sinu-summon.

Ang pagbuka ng kamay at pagbigkas ng chanting spell sa isip ay ang unang paraan para ma-summon ang isang bagay. Kinakailangan din na nasa iyong pangangalaga na ang isu-summon mo dahil kung hindi, hindi naman masu-summon ang isang bagay.

"What is your fucking intention?" Seryosong wika nito, na-summon na rin niya ang espada na ngayon ay ilang dangkal na lang ang layo sa leeg ko.

"Kapag sinabi ko ba ay matutulungan mo ako?" Nakangising sabi ko habang pinapalandas ang dulo ng aking espada sa kaniyang braso. Sabay namin naitutok ang espada sa isa't isa

"Aren't you afraid that I might kill you now? You have nothing against me with that ordinary sword of yours. " mapanuyang sabi nito sa akin at mas nilapit sa akin ang dulo ng espada.

Ngumisi ako, muling pinag-ukit ang matutulis kong mata sa kanya. "Hindi ako natatakot. Ang ordinaryong espada ko ay nagdadala ng di-matatawarang pagsasanay at tapang mula sa mga digmaan na aking pinagdaanan. Ito ang nagtuturo sa akin na huwag matakot sa anumang hamon."

Naging tahimik ang aming palitan ng mga titig hanggang sa nawala ang kaniyang espada. Binalik ko na rin ang espada ko sa lagayan nito bago ko ito sinummon.

"Whatever bad intentions you have in this school i will make sure that you will not succeed. I will watch your every move!" Babala nito sa akin bago tuluyang maglaho sa aking paningin.

Teleportation

"Tsk! Tingnan lang natin." nakangising aniko bago lumabas ng silid na iyon at bumalik sa Dorm namin.

Habang naglalakad pabalik sa dorm ay nakasalubong ko ang Royals, kasama na doon ang lalaking nakasagupa ko kani-kanina lang.

"Aéris!" Sigaw ng babae na sa pagkakatanda ko ay Eymi ang pangalan. Nakangiti itong lumapit sa akin na sinundan naman ng mga kasamahan niya

Pinasilay ko rin ang aking ngiti ng makalapit ang mga ito sa pwesto ko at pasimpleng sinamaan ng tingin ang lalaking nasa likuran nila "Uhm hi?"

"May battle ranking na gaganapin sa susunod na linggo, gusto sana naming yayain ka mag insayo." Nakangiting aniya nito, pansin ko naman ang pag-ikot ng mga mata ng babaeng palagi akong kinaiinisan.

"Hindi siya fit sa group natin, magiging sagabal lang yan." aniya ng babae

Mabilis naman itong sinaway ni Eymi "Ano ka ba naman, Lindcy! Be nice to her."

Bagay ng pangalan sa ugali.

"Hindi ako pwede dahil mag-e-ensayo rin kami ng mga kaibigan ko eh." Nahihiyang saad ko.

"Pwede naman natin isama ang mga kaibigan mo para marami tayo." pamimilit pa nito sa akin at bahagyang ngumuso

"Sorry, hindi talaga pwe--"

"Stop inviting her, Amy. And Lindcy was right, she can't be in our group."

As the leader's harsh words echoed, Amy's eyes met mine, filled with uncertainty. Little did they know, I held a secret that could change everything for their group. The storm was brewing, and the truth was about to unravel.