webnovel

MY VILE WARMTH (GL)

A unfortunate sequence in their life brings them together to face a trial that their family struggling to overcome. A chained destiny pulling them to be one and conquer all the misfortunes. Love or death is their only choice they are holding but if they choose between them, only consequence will tell them the right choice.

Piksmeayminit · LGBT+
Không đủ số lượng người đọc
35 Chs

Opportunity

Nasa kotse ko na kami at walang nag kikibuan sa'min.

Pa'no ko maihahatid kung hindi niya sasabihin sa'kin kung saan?

Nag lugay siya buhok para hindi makita ang mga mark sa leeg niya at nag lagay din ng concealer para kahit papaano ay matakpan 'yon.

"Central hospital"

Mahinang aniya habang naka yuko.

That's it

It's already midnight.

"Fasten your seat belt"

I told her while starting the engine.

I really want to hug her right now.

'Yong katotohanang nauna ko pang halikan ang katawan niya kesa sa halikan siya sa labi.

Hindi naman talaga ako gano'n, kapag galit ako kailangan ko ng matibay na mag papakalma sa'kin, walang gumawa no'n kanina at hindi na talaga ako mapipigilan kapag usapang Gab na.

"Did you already have your dinner?"

See mga bagay na common hindi ko man lang naisip kanina.

Hindi siya sumagot.

I guess I don't have a choice but to shut my mouth and send her to hospital.

Napa iling nalang ako at saka nag drive doon. Para akong mababaliw sa katahimikan. Mas gusto ko ang katahimikan pero kung kasama siya, ayoko ng katahimikan sa pagitan namin.

Nakarating kami sa hospital at kaagad siyang bumaba.

Napa tampal nalang ako sa noo ko at saka lumabas din.

"Gab"

Tawag ko sa kaniya.

Lumingon naman siya

Anong sasabihin ko?

Ilang segundo ang lumipas na nag titigan lang kami. I can't utter a word.

"Salamat sa pag hatid"

Tumalikod na siya pag ka sabi niya no'n at umalis na.

You're so stupid Lexie.

GABRIELLE'S POV

Nanghihinang pumasok ako sa loob ng kwarto ni Mama.

Nandoon si Tita at natutulog.

Ginising ko siya para pauwiin, balak kong hindi nalang muna pumasok bukas.

"Oh Gab? Nasa'n si Gavin?"

Si Gavin?

"Po? Kasama niyo si Gavin?"

"Nandito lang 'yon kanina at tulog."

Napaka kulit talagang bata, sabing huwag mag lalakad lakad kung saan saan dahil hospital 'to baka maka kuha siya ng mga sakit dito.

"Hanapin ko nalang muna Tita"

Lumabas ako para hanapin siya.

Nag tanong tanong na rin ako dahil kinakabahan na ako. Medyo matagal tagal na rin siyang nawawala.

Pag talaga nakita ko 'yon pipingutin ko siya.

"Ate!"

Agad akong napalingon sa boses na 'yon.

"Kanina pa ako hanap nang hanap sa'yo! Sa'n ka ba galing?!"

Inis na tanong ko sa kaniya, nawala ang ngiti niya sa labi.

May hawak siyang ice cream popsicle.

"Sa'n mo nakuha 'yan? Sino nag bigay sa'yo?"

Lagi nalang may bagong ganap sa batang 'to tuwing nakikita ko siya dito.

"Nakalimutan ko pangalan niya eh. Pero nasa labas siya ate at maganda siya"

Natutuwang sabi niya

Hinila ko nalang siya at saka pinapagalitan habang nag lalakad kami pabalik sa kwarto ni Mama.

"Sabi ko sa'yo huwag kang sasama kung kani kanino diba? Bakit ba ang hirap mong umintindi?!"

Naiiyak na siya habang kumakain ng ice cream

"Ano ba yan Gab? Hinaan mo ang boses mo."

Marahas lang akong napa kamot sa ulo ko.

Wala nang nangyaring maganda ngayong araw.

"Ang kulit kasi eh"

Sinamaan ko ng tingin si Gavin

"Halika na Gavin at umuwi na tayo"

Inayos na ni Tita ang gamit niya at kukunin na sana si Gavin.

"Ayoko po Tita, dito lang ako hanggang sa gumising si Mama"

"Umuwi ka na Gavin, ayoko ng pasaway dito"

Umiling lang siya at umupo sa tabi ni Mama.

Ang daming matitigas na ulo ngayong araw susko! Gusto kong mag pahinga!

"Mukhang may pinag manahan talaga ang kapatid mo, o siya mauuna na ako dito muna si Gavin. Isabay mo nalang bukas pag uwi mo."

Wala akong nagawa kundi ang sumangayon nalang.

Sinara na ni Tita ang pinto pag labas niya. Inis lang akong tumingin kay Gavin na ineenjoy ang ice cream niya.

*Knock*

Napatingin ako sa pinto, mukhang may nakalimutan si Tita ah?

Binuksan ko 'yon para itanong kay Tita kung may nakalimutan pa siya.

"May nakali-"

Natigilan ako nang ang tumambad sa'kin ay isang taong sobrang daming bitbit na maging ang mukha niya ay natakpan na.

Kinuha ko ang nakaharang sa mukha niyang basket.

"Good evening-morning?- hi nalang pala"

Ate Mika?

"Ate Mika? Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalamang-"

"Can you help me first?"

Parang doon lang ako natauhan at saka tinulungan siya.

Pinasok namin dala niya at saka siya sumalampak sa upuan dahil mukhang pagod na pagod siya.

"Hi little boy"

Bati niya sa kapatid ko

"Hello po ulit ate ganda"

Halos lumabas ang biloy ni Gavin habang nakangiti kay Mika.

"Ikaw ba ang nag bigay sa kaniya ng Ice cream?"

Nanghihinang umiling siya sa'kin.

"It's Lexie, she's downstairs and waiting for miracle. Nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko nang tawagan niya ako at mag pabili ng kung ano ano. Seriously? Did you two fight?"

Naiilang ako, nag iwas ako ng tingin at saka sinilip ang baba para hanapin siya ng mata ko at nandoon nga siya at prenteng naka tayo at naka sandal sa pader habang pinag titinginan siya ng mga nurse at Doctor.

Hindi pa siya umuuwi mula kanina?

"Did you have your dinner Gab? Halos ipabili niya na sa'kin lahat ng pagkaing madaanan ko sa mga restaurant."

She's really sorry, I can feel it naman pero lamang pa rin sa'kin ang disappointment.

Ang dami ng dala niya.

"H-hindi pa"

"Kaya naman pala."

Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko nang maalala ko ang mga kaganapan kanina.

"Sorry kung naabala ka pa niya, paki sabi sa susunod huwag na niya gawin 'to"

Umayos siya ng upo at tumingin sa'kin ng medyo may pagka seryoso.

"Don't you like Lexie?"

Kinilabutan ako sa tanong niya.

"H-ha?"

"I mean as a friend of course"

Naka hinga ako nang maluwag

"Sino ba naman ako para humindi sa pinsan mo?"

"Don't say that, all your opinion are do matters to her. Kung ayaw mo sa kaniya pwede mo naman sabihin sa kaniya agad para wala nang ligoy ligoy."

Ano bang sinasabi niya, naguguluhan ako.

Syempre gusto ko si Lexie, ayaw ko rin naman siyang lumayo sa'kin pero masyado na akong nahihiya mag pakita sa kaniya. Matapos ang mga sampal ko sa mukha niya para nahihiya na talaga akong mag pakita ulit sa kaniya.

"Hindi ko naman sinabing ayaw ko sa kaniya-"

"So gusto mo siya?"

Kinakabahan ako sa mga tanong niya. Papunta ba saan ang usapang 'to?

Bumaling nalang ako sa pagkaing dala niya pati na ang mga prutas.

"Kumain ka na ba? Kainin mo nalang-"

"Nakahanap kami ng sponsor na willing ipagamot ang Mama mo."

Natigilan ako sa sinabi niya at dahan dahang tumingin sa kaniya.

"P-po?"

Parang kinikiliti ang puso ko.

"Hindi mo ba ako narinig?"

Takang tanong niya

Narinig ko pero hindi kayang mag sink in sa utak ko ang balitang 'yon.

"Sabi ko may nahanap kaming willing may sponsor sa Mama mo para sa mga kailangan niya. Macocover ang lahat ng expenses pati na ang surgery niya, kung papayag ka within 3 days aalis na ang Mama mo papunta sa ibang bansa para sa operation. Naka hanap na rin ng heart donor."

Naluha nalang ako sa magandang balitang 'yon.

Napa upo ako sa sahig dahil parang wala nanamang buto ang tuhod ko.

"But everything has a condition Gab."

Wala na akong pake kung ano 'yon, kahit pa buhay ko ang kapalit.

"A-ano 'yon? Kahit ano gagawin ko."

Tumayo siya at inalalayan akong umupo sa inupuan niya kanina.

"Huwag kang umupo sa sahig habang napaka ganda ng upo ko sa upuan, baka ibalibag ako ni Lexie."

Sabihin mo na sa'kin ate, gagawin ko lahat.

"Una ang sponsor ay ang Lolo namin."

Ramdam ko ang parang pag buhos sa'kin ng malamig na tubig buo kong katawan. Pakana niya ba 'to? Kinakaawaan niya ba ako?

Ano ba Gab?! Hindi 'to ang oras para sa bagay na 'yan.

Sumasakit ang ulo dahil halo halo ang emosyon ko.

"Gusto ni Lolo na makapasok ka sa top 10 ng department niyo, hindi ka naman na siguro mahihirapan doon diba?"

Hindi ko alam, baka kasi hindi ko namamalayan na bumababa na pala ang rank ko dahil sa kakaisip ko sa sitwasyon ni Mama.

"Susubukan ko."

" 'Yong sunod ay si Lexie"

Bakit si Lexie?

"Hindi magaling sa pag handle ng oras at pera si Lexie, mahilig siyang mag sabay sabay ng mga gawain tapos hindi na siya nag kakaroon ng pahinga. My Lolo wants you to guide her nang hindi mo napapabayaan ang pag aaral mo."

Napakagat nalang ako ng labi.

Hulog ng langit ang pagdating ni Lexie sa buhay ko.

"You will stay in our house to take charge on the household chores- kung hindi mo kaya"

"Kaya ko, kaya ko"

Mabilis na sagot ko.

Hindi naman na bago sa'kin ang gano'n.

"That's good to hear Gab, hindi na rin naman kami bata para pahirapan ka. We'll help you or else Lexie will kill us"

Na fa flutter ako sa mga balita niya.

"Bakit kailangan pang kasama si Gavin sa pag alis ni Mama?"

"Balak gawing scholar ni Lolo ang kapatid mo, mas magandang opportunity ang makapag aral siya sa ibang bansa diba?"

Tumingin ako kay Gavin, ayokong malayo sa kanila pero kung 'yon ang ikagaganda ng buhay niya bakit ko naman tututulan?

"Hindi ba parang sobra naman ata?"

Nawala ang ngiti niya.

"Hindi pa 'yon sobra, nasa kalahati palang kami"

Ano raw?

"Ha?"

"Start preparing their things Gab, sasabay na sila kay Lolo in 3 days"

Napa yakap nalang ako ng mahigpit kay ate Mika.

"Thank you ate Mika"

Naiiyak na ani ko.

Tahimik lang na nakatingin sa'min si Gavin.

"G-Gab Gab.. achk- Di ako makahinga"

Mabilis ko siyang pinakawalan at nag sorry. Talagang kailangan kong umabsent bukas para maasikaso ang kailangan nila Mama.

"Kailangan mo palang kausapin ko Lolo bukas, san ka namin pwedeng sunduin?"

Binagyo agad ako ng kaba.

Ibang usapan ka kasi kapag ipakikilala na ang mga pinanggalingan niya.

"Dito nalang, I text niyo nalang ako pag papunta na kayo"

Napangisi siya.

Nagising hindi ko alam ang ibig sabihin.

"In that case I will continue my interrupted dream. See you tomorrow Gab. Bye little boy"

Masayang ngumiti si Gavin sa kaniya at nag paalam din.

Papa eto na 'yong tulong na hinihingi ko sa'yo. Thank you po!!

unedited

Piksmeayminitcreators' thoughts