webnovel

Chapter 4

Narrator POV

Mabilis lumipas ang isang buwan.

Sa sobrang pagkamiss ni Nelson sa kanyang pamilya ay imbes na isang linggong bakasyon lamang niya ay tinuloy tuloy na nito sa loob ng isang buwan.

"Mom, Dad.. Alis napo ako." pagpaalam ni Sophia habang kumakaway kaway sa mula sa loob ng kotse nito.

Nasa labas silang buong pamilya, sabay sabay silang namalaam kay Sophia na papunta ngayon sa Italy.

Isang model and fashion designer si Sophia, marami din itong tanggap ng projects especially sa bansang Italy at New york city na alam naman nating itong bansang ito ay kilala din sa knilang fashion industry.

Kumaway lamang si Nelson sa anak. Ganun din sila Emely at Liane.

Nang makalayo na ang sinasakyan ni Sophia si Liane naman ang nagpaalam sa magulang nito.

"Auntie, Daddy. Aalis na din po ako. Pupunta napo ako ngaun sa school, ngaun din po ang medical examination. Im sorry dad pero mukang di kopo kayo maihahatid mamaya sa flight mo." paalam ni Liane sa auntie emely nito at sa Daddy nitong si Nelson.

Pabalik na din ng US si Nelson. Alas tres naman ng hapon ang flight nito.

"Okay lang iha, kayang kaya kona ang sarili ko. At isa pa ihahatid naman ako ng mommy emely mo." paliwanag ni Nelson sa anak.

"Mamimiss po kita Daddy. Mag iingat ka po." malungkot na pamamaalam ni Liane sa ama. Yumakap ito sa kanyang ama ng mahigpit upang iapadama ang pagmamahal nito bilang anak.

Hinalikan naman ni Nelson ang ulo ni Liane bilang tugon sa yakap ng anak.

"Ikaw din anak, mag iingat ka palagi. Wag mo stressin masyado ang sarili mo. Pag may pasaway na pasyente sabihin mo lng saakin akong bahala sayo." pamamaalam ni Nelson sa anak.

"Kayang kaya ko na sila daddy, isang turok lng ng anestisia ang katapat nila saakin!" pabiro nitong sagot sa ama. Kumalas ito sa pagkakayakap sa ama.

"Sige na umalis kana baka mahuli kapa sa enrollment mo." pag tataboy ni Nelson sa anak.

Tumango lamang si Liane sa ama at nagtungo na din ito sa kotse nito at agad din itong pinaandar.

**********************************************

Liane POV

Nandto ako ngayon sa clinic ng Medical School na aking papasukan para sa pagmamasteral ko.

Nag aabang ako ng result ng medical examination ko. After naman nito sa cashier naman ako pupunta para makapagbayad na ako ng paunang bills ko sa school.

"Ms. Liane Quijano." tawag saakin ng nurse.

Agad naman ako tumayo at pumasok sa loob ng room nito.

"Sit down pls Ms. Liane." sabi nito saakin.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ng mesa nito..

"Ms Liane. Alam mo ba ito? Pls read your medical examination result." iniabot nito saakin ang resulta ng medical ko.

Kinuha ko ito at binasa.

Okay naman ang lahat sa nakikita ko, walang problema sa health ko.

May isang bagay lang na nakapagpatigil ng mundo ko. Naibagsak ko ang mga papel na hawak ko sa mesa.

"Nurse? Ano to? Ano ibig sabihin nito?" tukoy ko sa isang bagay na nababasa ko ngaun sa medical results ko.

"Doctor ka diba. Ms Quijano? Tama ang nababasa mo. Dika namin niloloko dito." sagot saakin ng nurse.

"Pero? Paano? Baka nagkakamali po kayo. Pwede naman po natin ulitin to diba. Willing naman po ako magbayad ulit." aligagang sagot ko.

"Doctor Quijano. It looks like wala kang alam sa nangyayari sayo. So ngayon, wala naman problema dito sa school kung mag aral ka habang buntis ka as long as kaya mo. Pero kailangan mong pumirma ng waiver. Anuman ang mangyari sayo at sa anak mo ay hindi na ito pananagutan ng skwelahan." sabay abot nito saakin ng waiver paper.

Hindi! Hindi totoo to!

That man. Sabi nya walang nangyari saamin. Anu to? Bakit ako buntis.

Never pa may nangyari saamin ni Miko boyfriend ko.

At ang lalake lang yon ang naiisip kong rason nito.

"Hindi, hindi ko pipirmahan yan. Uuwi po muna ako." tumayo ako sa kinauupuan ko at iniwanan ko ang medical result ko sa nurse na yon.

Agad agad kong nilisan ang skwelahang iyon at nagtungo ako sa isang botika.

Bumili ako ng 5 pregnancy test.

At umuwi nang bahay.

Dali dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko at agad kong tinest ang sarili ko.

5 pregnancy test.

5 positive results.

Napahagulgol na lamang ako sa nalaman ko sa sarili ko.

This cant be!

Paano na ang future ko. Paano na ang kapatid ko? Dahil wala naman ibang pwedeng maging ama nito kundi si Robbi na nobyo nito.

"Hindi.... Hindi pwede to. Anong gagawin ko?" paghagulgol ko.

Hinablot ko ang 5 pregnancy test at inihagis ito sa sobrang pagkadismaya ko sa sarili ko.

Iniayos ko ang sarili ko at madali akong umalis nang bahay.

"Liane?" tawag ni daddy saakin nandto pa pala sya sa bahay hindi pa sya nakaalis.

Nandto kami ngaun sa garden, papalabas na sana ako ng gate namin nang tinawag nya ang pangalan ko.

"Dad." mahinang sagot ko na para bang pakiramdam ko unti unti akong nauupos.

"Bakit ka umuwi? May nakalimutan kaba?" tanong ni daddy saakin.

"Ah opo, may kinuha lng po ako saglit sa kwarto babalik na din po ako sa school." pilit na ngiti kong sinagot ang tanong ng aking ama.

Hindi ko kayang umamin sknya.

Natatakot ako.

"Sige mag iingat ka." paalam nito.

"Sige po." saka agad akong umalis.

**********************************************

Diane POV

"Anong gagawin ko." hagulgol ng kaibigan kong si Liane.

Nandto sya ngayon sa Hospital, nandto kami sa room naming mga doctors walang tao kundi kaming dalawa lamang.

"Bakit dimo tawagan si Sophia?" suggestion ko.

Problemado kasi ito ngayon. Kaya pala hindi namin sya kasama nong nakaraan sa hotel, tama ang hinala ko maling room ang pinagdalahan ko saknya.

Kaya eto, pati ako nakokonsensya.

May nangyari pala sakanila ng lalakeng kasama nya sa hotel. At ang masaklap pa don, kelan lng nang natuklasan nitong boyfriend pala ito ng kapatid nya.

"Ano naman ang sasabihin ko sakanya? Na nabuntis ako ng boyfriend nya?!" sagot nito habang hihikbi hikbi ngaun sa harapan ko.

"Hindi naman, tanungin mo lng kung saan nakatira yong boyfriend nya. Kasi sa tingin ko mas matutulungan ka ng ama ng batang yan kesa saamin na kaibigan mo. Dimo naman din pwede sabihin yan kay Miko o kaya aminin sa pamilya mo. Lalong magiging kumplikado ang lahat." paliwanag ko sa kaibigan ko. Wala naman ako maitutulong dito sa ngaun kundi payong kaibigan lamang.

"Pano kung tinanong nya bakit ko hinahanap bahay ng boyfriend nya, ano sasabihin ko?" pangamba nito.

"Ganito, sabihin mo nagkasalubong kayo somewhere tapos may naiwan syang gamit tapos nakita mo yun kaya gusto mong ibalik yun sakanya. Ganon sis.. Para hindi masyadong suspicious diba?" medyo tumigil na din ito sa pag iyak.

"Susubukan ko." huminga ito nang malalim at nagdial na ng phone.

**********************************************

Robbi POV

Nandito ako ngaun sa airport kasama si Sophia, girlfriend ko.

Hindi ko na sya nasundo sa bahay nila kanina o naihatid man lang papunta dito dahil may meeting pa akong tinatapos sa opisina ko kaya after ng meeting ko, sumunod agad ako dito sa airport.

Bago man lang sana sya umakyat ng eroplano ay makita ko man lang ito sa huling pagkakataon.

"Thank you ha, kahit busy ka. Pinilit mopa rin ako puntahan dito sa airport. Buti nalang nadelay flight ko nausad ng oras, kung hindi baka hindi mona ako inabutan." masayang pagpapasalamat ni sophia saakin.

"Syempre, di na nga kita nasundo o naihatid man lang kaya eto ako ngayon ihahatid nalang kita don sa pintuan ng eroplano." pangbobola ko.

Ngumiti lang ito saakin bilang sagot nito.

"Ahmm. Punta muna ko saglit sa restroom." paalam nito.

"Sure, antayin kita dito." pagsang ayon ko.

"Pahawak muna ko ng gamit ko baby, saglit lng ako. Promise." sabay abot ng bag nito at ng kanyang cellphone at saka ito nagtungong restroom.

Ilang saglit lng ng aking pag aantay ay biglang nagring ang phone nito.

Liane's Calling...

Bakit kaya tumatawag ang kapatid nya.

Sasagutin koba ito?

Pinatay ko ang tawag ngunit tumawag ulit ito..

Baka emergency, kaya sinagot kona ang call ni Liane.

"Hello? Ate." sagot ni Liane mula sa kbilang linya

"Hello, ahm. Nasa restroom lang si Sophia. Is theres something urgent?" sagot ko.

"Sino to?" tanong ni Liane sa kabilang linya.

"Its me, Robbi. Your sisters boyfriend." pagpapakilala ko.

"Robbi —— Kailangan kita makausap. Pls magkita tayo." pakiusap nito.

"What? Why?" pagtataka ko.

"May kailangan kang malaman. Pls puntahan moko dito sa St. Dominic Hospital." pakiusap nito at sa tono nya ay para itong umiiyak.

"May problema ba?" pag aalala ko.

"Oo, pls. Ikaw ang kailangan ko ngayon. Puntahan moko pls. Robbi." pakiusap nito, at sa puntong ito malinaw na umiiyak ito. Dinig na dinig ko mula sa kabilang linya ang hikbi nito.

"O—okay, sige pupunta ako. Intayin ko lng makasakay ng eroplano si Sophia. Umiiyak kaba?" pag aalala ko.

"Hihintayin kita." huling sambit nito at ibinaba na nga nito ang tawag nito..

"Sino kausap mo sa phone ko." tanong ni Sophia, nakabalik na pala ito galing sa restroom.

"Ah wala, tumawag kasi kapatid mo. Nakailang misscall na din kaya sinagot ko." paliwanag ko.

"Bakit daw?" tanong nito saakin.

"Ahh. Wala naman. Kasi nong sinagot ko binababa na nya yung tawag." pagsisinungaling ko, ayoko nang mag isip pa sya bago sya umalis. Ako na bahala sa kapatid nito, baka nga may problema nga ito.

"Okay, so halika na. Kailangan kona pumasok sa plane baka maiwan pa ako." pag anyaya nito.

Inihatid ko ito hanggang sa makasakay ito sa eroplano.

Nang makaalis na ang eroplanong sakay nito ay umalis na din ako.

Agad akong nagtungo ng St. Dominic Hospital.

Whats wrong with her, bakit kailangan nya ako makausap.

Bakit sya umiiyak.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan nakaramdam ako ng lungkot at pangamba nong narinig kong itong umiiyak sa kabilang linya kanina.

Madali kong minaneho ang aking kotse at nagtungo sa St. Dominic Hospital.

Narating ko din naman agad ang hospital dahil binilisan ko ang pagdadrive ko.

Pakiramdam ko, para na naman ako ninenerybyos.

Papasok na ako nang hospital nang bigla akong mapaisip.

"Teka san ko ba sya pupuntahan dito?" tanong ko sa sarili ko.

Nang maalala kong Doctor nga pala ito dito. Kaya nagtungo ako sa front desk at pinagtanong ang pangalan nya.

"Excuse me nurse? Nandito ba si Doctora Liane?." tanong ko sa nurse sa front desk.

"Si Doctora Quijano po ba? Hindi napo sya dumuduty dito sir. Nagresign na po sya." paliwanag ng nurse saakin.

Kumunot ang noo ko sa aking narinig.

Bakit nya ako pinapunta dito kung wala pala sya dito? Ano to? Its a prank!

"Sino hinahanap nya?" tanong ng isang kadarating lang na doctor sa nurse na kaharap ko.

"Si Doctora Liane Quijano po Doctora Diane." sagot nito.

"Ikaw ba yung Robbi? Boyfriend ni Sophia na kapatid ni Liane?" tanong ng dictorang nagngangalang Diane saakin.

"O—o ako nga. Tumawag kasi sya sakin kanina sabi nya puntahan ko daw sya dito. Pero sabi naman nitong nurse, wala na sya dito. Nagresign na?" paliwanag ko.

"Oo nagresign na sya dito. Pero nandidito sya ngaun. Kanina kapa nya hinahantay." sagot nito saakin.

"Nasaan sya?" tanong ko.

"Halika sumunod ka." naglakad ito at ako naman ay parang robot na sumunod na lamang sknya.

"Nasa stock room sya. Don sya nag aantay ayaw nya kasi may makakita sknya. Kanina panga sya umiiyak, naaawa na ako sa kaibigan ko. Kailangan ka nya. So pls paki unawa muna ang kaibigan ko." dire direcho lamang amg lakad nito at ako naman ay nakasunod lang.

Nagbukas sya ng isang pinto. At don ko nakita si Liane, nakaupo sa isang gilid at nakayukyok sa dalawang tuhod nito. Humihikbi.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

Bahagya itong nag angat ito ng ulo at madaling tumayo. Nagpunas ito nang muka. Mugto na din ang mga nito.

"Maiwan kona muna kayo." pagpapaalam ni doctora Diane.

Isinara ni doctora diane ang pinto bago ito umalis. Ako naman ay agad na lumapit kay Liane.

Laking gulat ko nang oras na lumapit ako dito ay isang malakas na sampal ang inabot ko sa dalaga.

"Wow." pagngisi ko habang hinihimas ang pisngi kong sinampal nito.

Ayos ah! Eto pala ang dahilan kaya apurang apura sya na puntahan ko sya. Napaka urgent ng dahilan!

"I hate you!" sigaw nito at bigla nalang ako nito pinaghahampas nito sa dibdib.

"I hate you! I hate you! I hate you!" paulit ulit na sambit nito, at paulit ulit na pananakit nito saakin.

Ako naman ay salo lang ng salo sa bawat hampas nito.

"Wait! Ano bang nangyayari sayo." pagpigil ko sa paghampas nito.

May dinukot ito sa bulsa at iniabot saakin.

"Ano ito?." tanong ko sa bagay na hawak hawak ko ngayon.

"Sabi mo walang nangyari diba? Sinungaling ka! Anong ginawa mo!" at unti unting tumulo ang mga luha nito.

Unti unti din bumabalik ngayon sa aking isipan ang mga nangyari noon sa hotel.

Hindi maaari!

Buntis sya!? Totoo ba ito.

Napahigpit ang kapit ko sa binigay nitong positive result ng pregnancy test.

"Teka, pano ka nakakasiguro na ako ang ama nyan. Diba may boyfriend ka?" pagtatama ko.

"2 buwan na si Miko sa out of town duty nya. One month pa lang akong delay at pati sa test result ko sa medical ko tugma sila nasa 4-5 weeks palang ang fetus. At never pang may nangyari saamin ng boyfriend ko." iniabot nito ang isang papel na naglalaman daw ng medical test nito.

Wala akong alam sa pagbabasa nito.

Pero malinaw na nakalagay sa resulta fetal age 4-5 weeks.

"Ano ito? Totoo ba ito?" tanong ko.

Hindi ako makapaniwala!

Hindi pwede to!

"Oo, tinest ako ng kaibigan kong doctor kanina bago ka dumating. Bilang patunay na hindi kita niloloko." patuloy pa rin ang paghikbi nito. Tila hindi rin nito matanggap ang nangyari saknya.

"No! Hindi pwede to. Paano si Sophia?" pangangamba ko. Paano na nga si Sophia pag nalaman nya ito, siguradong hindi ako nito mapapatawad.

"Paano naman ako?" malungkot nitong sagot.

"Hindi ko alam! Ano gagawin natin dyan. Fuck!" napapamura ako ngayon sa sitwasyon namin. Gulong gulo ang isipan ko.

Habang ito naman ay wala pa rin tigil sa kaiiyak.

"Hindi to pwede! Masisira kami ni Sophia pag nalaman nya ito. At ano? Paano? Ikaw magiging asawa ko? Im sorry but, hindi kita mapapanagutan. Hindi pwede!" bulyaw ko sknya , hindi na ako nakapag pigil.

"Kung hindi mo rin lang ako matutulungan solusyunan itong problemang to. Umalis kanalang muna. Iwan mo muna ako. Gusto ko mapag isa." mahinahong pakiusap nito.

"Tapos ngaun papaalisin mo ako?" sagot ko.

"Umalis kana." tipid na sagot nito.

"Teka, dipa tayo tapos mag usap." sagot ko.

"Tapos na, malinaw na saakin na hindi mo ako matutulungan kaya umalis kana!" pakiusap nito.

"Okay! Fine! I'll go." sapilitang pagsang ayon ko.

Ayaw kopa talaga umalis ngayon dahil hindi pa nagsisink in sa utak ko ang lahat. Gusto kopa sya makausap. Pero sa tingin ko kailangan muna namin palipasin ang araw na ito. Kailangan muna namin pababain ang tensyon sa aming dalawa bago kami muli magkausap.

Lumabas na ako ng kwartong yon at sumunod sa sinabi nito.