webnovel

Chapter 3

Robbi POV

"Pare, diko talaga alam kung nananaginip ba ako o totoo ang nangyari na yon. I swear, kung totoo man diko sinasadya saka di naman sya umangal. Akala ko talaga sya si Sophia!" pagkukwento ko sa kaibigan kong si Bryan.

Nandto kami ngayon sa Ospital. Dahil nagpasama sya saakin. Naglalakad lng kami sa hallway ngaun patungo sa front desk.

"Ang malaking katanungan dyan bro is paano sya nakapasok sa kwarto mo? At may nangyari pa sainyo, ni hindi man lng kamo sya umangal kahit na katiting." Sagot nito saakin. Nandto na kami ngayon sa harap ng front desk ng mga nurse.

"Miss saan yung room ni Allysa Javier. Im his husband." tanong nito sa nurse. Kumunot naman ang noo ko sa narinig ko. Husband?!!

"Hindi ko alam na nagsasama na pala kayo ni Allysa." tanong ko kay Bryan.

"Hindi pa Bro." sagot ni bryan.

"Sir, Miss Allysa Javier. Room 54." sagot ng nurse kay bryan.

"Thank you miss." kindat nito sa nurse , that playboy look. At kinilig panga ng kaunti itong nurse.

Saka ito lumakad, sumunod lamang ako kung san ito papunta.

Nagtungo ito sa isang kwarto kung nasan si Allysa.

Pagbukas namin ng kwarto, bumungad agad saamin si Allysa nakahiga sa bed at katabi nito ang kanyang kapatid.

"Hey, whats going on here bro. What happened with Allysa." tanong ko kay bryan at sabay kami pumasok sa kwarto.

"Baby, are you okay?" lumapit ito kay Allysa at kanyang hinalikan sa ulo.

"So ano ngayon ang plano mo sa kapatid ko." nakacross arms na tanong ng kapatid ni Allysa.

"Ate, kalma lang. Hindi ko naman tatakbuhan si Allysa, papanagutan ko naman sya. I will be a good husband to her and good father to our baby. And i will assure that." paliwanag ni bryan sa kapatid ni Allysa

"What? Are you pregnat Allysa?" medyo nag init ang muka ko sa narinig ko kay bryan.

Buntis si Allysa! At si bryan ang ama.

Bigla na naman pumasok sa isip ko ang babaeng yon na nakasama ko sa hotel.

"Yes, Robbi. Bryan and I we will having a family now." masayang sagot ni Allysa sakin.

"Yes bro. Actually di namin inaasahan ni Allysa to. It was our firts time having a good time, you know. So eto na, dikona macacancel to. And im happy. Right baby?" paliwanag ni bryan saakin.

Medyo ninenerbyos ako sa oras na to.

Kaibigan ko si Bryan, at alam kong never pa nya nakasama si Allysa sa kama dahil busy ang dalaga sa trabaho nito.

At alam ko din isang beses lang na may nangyari saknila. Alam ko yon dahil madalas kami magkwentuhan , lalaki sa lalaki.

Nag iinit ang paligid ko.

Pakiramdam ko tumutulo na mga pawis ko kahit na airconditioned itong kwarto.

Paano kung totoo ngang may nangyari saamin nang babaeng yon! Paano nga kung totoo. At paano kung nabuntis ko sya?!!

Aaaaaaaaahhhh!!!!!!

Nagsusumigaw ngayon ang isip ko at kumakabog na din ang dibdib ko..

"May problema ba Robbi? Mukang ikaw pa tong mukang ninenerbyos kesa kay bryan huh." tanong ng kapatid ni Allysa.

"Ha? Ah wala. Labas na muna ko. Naiinitan nga ako, parang ang hina ng aircon.?" sabi ko saka ako dumirecho sa labas..

**********************************************

Liane POV

Papunta ako ngayon sa hospital. Gusto ko lng bisitahin ang mga kaibigan ko. Sila Diane, Kyla at Hannah. Mga co doctors ko sila sa St. Dominic noon. Hindi na ngayon dahil nagresign na ako.

Gusto ko din magroving sa buong hospital department para magkaron din ako ng idea para sa susunod na pasukan may knowledge na ako.

I apply for a masteral course for a surgeon. Gusto kong magfocus sa pagmamasteral ko, hindi ko ito magagawa kung nandidito pa rin ako sa hospital dahil sobrang busy kami dito. Though, pwede ko naman sila pagsabayin pero iba pa rin yung nakafocus ako sa iisang goal.

I want to make my dad proud on me. I know maraming beses kona sya binigo kaya eto ako ngaun gusto kong bumawi sa lahat ng pagkabigo ko noon.

Hindi ko kasi magawang magroving noong nakaduty pa ako dahil sobrang busy namin dito sa hospital. Araw araw parang di nauubusan ng pasyente.

I drive my own car.

Now im on parking area.

Madali akong pumasok ng hospital.

"Haayy. First time kong papasok dito nang hindi nagmamadali." masayang sabi ko sa harapan ng entrance.

Papasok na ako ng entrance nang may biglang lumabas na lalake, mukang nagmamadali ito.

Nabangga panga ako nito. Mukang hindi ako napansin.

"Sorry miss." lumingon lng ito saglit saakin.

Saglit ko lamang sya tinignan at pumasok din ako sa loob ng hospital.

Pagkapasok ko nang hospital. Napansin ko mula sa labas nakatingin pa ito saakin.

Lumingin lingon ako sa paligid. Pero direcho talaga ang tingin nya saakin.

Hindi ko makilala ang muka nito dahil nasa loob na ako ng hospital medyo natatakpan ito ng print ng door na isang malaking "ENTRANCE" at sa kabila naman ay "EMERGENCY"..

"Sino kaya yun, bakit kaya sya nakatingin saakin?" tanong ko sa sarili.

"Liane!" sigaw mula sa malayo.

Si Diane pala ang pianaka best friend ko sa tatlo.

"Diane." agad ako lumapit dito.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ng kaibigan ko.

"Wala naman, gusto ko lng kayo bisitahin. Saka gusto ko sana magroving sa buong hospital department. Alam mona, nagrereaady lang para sa masteral ko." explain ko.

"WOW! Im so proud of you sissy! Wag mo kakalimutan ang St. Dominic after mo grumaduate ha." masayang sagot ng kaibigan ko.

"Oo naman. Wag kang mag aalala after ng masteral ko dito agad ako mag aapply!" pag aasure ko.

"Promise ha! Mamimiss ka namin. Sobraa." biglang lungkot nito.

"Hindi mo ako kailangan mamiss. Pupunta punta naman ako dito palagi para magreview. Nagpaalam na nga ako kay Sir. Leonard na baka pwedeng magroving ako dito para makapag review ako." masyang sagot ko.

"Talaga ba. Nakakatuwa naman. Halika don tayo kila kyla at hannah nasa front desk sila ngaun sa itaas." anyaya nito saakin.

**********************************************

Robbi POV

Hindi ko alam kung bakit ako ninenerbyos.

Lumabas ako ng kwarto ng hospital na ito at madaling pumunta sa labas ng hospital.

Gusto kong huminga! Gusto ko nang sariwang hangin.

Papalabas na ako nang entrance nang di sinasadyang may mabangga akong babae.

"Sorry Miss." sabi ko sa babae.

Tumingin lng ito saglit saakin at pumasok sa loob ng hospital.

Teka. Sabi ng isip ko.

Parang nakikilala ko muka nito?

"Sya? Anong ginagawa nya dito?" sabi ko sa sarili ko na nakatingin sa kanya mula dito sa labas ng entrance.

Saglit itong tumingin saakin. Napansin nya sigurong sakanya ako nakatingin.

Maya maya ay may lumapit sknyang nakabihis doctor at nag uusap sila ngayon.

Sya nga iyon, yong babae sa hotel. Di ako pwede magkamali.

*Phone ring*

Tumatawag si Sophia.

"Hello Sophia?" sagot ko sa gf ko.

"Hello baby, remind lang kita mamaya ha. Nasa airport na daw si daddy baka mamayang hapon nandto na sya." pagpaalala saakin ni Sophia. May usapan kasi kami na ipapakilala nya ako sa daddy nya na galing abroad.

"Sure baby, diko naman nakakalimutan yun. What time ba dinner?" tanong ko.

Naglalakad na ako ngayon papuntang car ko.

"7pm baby, pls do something make him impress. Ayokong mapahiya sa daddy ko. You know, alam ko naman na sweet ka and you never failed to make me smile and surprise. But this time, si daddy ang liligawan natin. Medyo strict kasi yun. Kaya di tayo pwdeng magkamali sa harap nya. Kailangan perfect tayo tonight." detalyadong explain ni sophia saakin.

Natatawa na lamang ako sa mga sinasabi ng gf ko. Nakapasok na ako ngayon sa kotse ko.

Muka ngang strict ang daddy nito, sa paalala palang nya ay medyo kinabahan ako don.

Pero sa tingin ko wala naman ako dapat ipangamba.

Im a best man ever like Sophia said. Im a businessman. Sa di naman pagyayabang, i had a good look. Minsan na akong naging modelo noon ng isang kilalang brand ng damit at pants. I have a own car and lots of properties.

Mabuting tao, i donate cash monthly in 10 charities.

Mabuting anak.

Ito ang pagkakakilala ko sa sarili ko. Ewan ko nlng sa ibang tao.

I make sure make her proud to his dad that she will bring me in their home this night..

"Hey baby, bakit di kana nagsasalita dyan. Do you hear me." pagputol nito sa katahimikan.

"Yes baby, sorry. May iniisip lang ako. Anyway, dont worry, akong bahala saiyo mamaya." pagsisiguro ko.

"Thaank you!." sagot nito at pareho na namin ibinaba ang phone namin.

**********************************************

Liane POV

Nakakapagod din pala magroving.

Eto pala ang feeling nang maging supervisor at the same time maritess. Char!

Nandito kami ngaun sa room naming mga doctors at nagpapahinga.

"Mukang mas pagod kapa samin na nakaduty ha." sabi ni Kyla, habang umiinom ng bottled juice.

"Nakakapagod din pala makiusyoso noh. Eto pala ang feeling ng mga chismosa." pabiro kong sabi.

Natawa naman si Hannah sa sinabi ko.

Sabay hagis nito saakin ng biscuit.

"Oh mag snack ka muna bago ka umuwi." anyaya ni hannah saakin.

"Thanks sis. Actually aalis na din ako, may family dinner kami sa bahay mamaya. Uuwi kasi daddy ko." pagpapaalam ko habang binubuksan yung biscuit na binigay ni hannah.

"Uuwi daddy mo? Himala ata. Ang tagal din nya sa abroad noh. Huling kita ko sknya nong graduation natin sa 4th yr college. Almost 5yrs na din pala sya sa abroad." sagot ni Kyla saakin.

"Oo nga eh. Ano na kaya itsura nya. Tumanda kaya sya. Masungit pa rin kaya sya? Nakakamiss din pala yung pressence nya bilang daddy namin ni Sophia. Excited na nga ako sa dinner." masayang sagot ko.

"Im sure miss na miss na din kayo nun. Kaya umuwi kana nang maaga. O sya! Tapos na break namin. Kailangan na ulit dumuty." pagpapaalam ni Kyla saakin. Di kasi pwedeng magbreak sa hospital nang matagal dahil araw araw at oras oras may pasyente.

"Oo nga duduty na uli kami ni Kyla, alam mo naman diba. Time is gold. Kaya ikaw umuwi kana nang makapag ready ka din bago umuwi ang daddy mo." Paalam din ni hannah.

"Okay, sige. Just a minute. Ubusin ko lng tong snack ko. Thank you mga sis! Mag iingat kayo palagi dito ha." pagpapaalam ko sa dalawa kong kaibigan. Niyakap ko sila bago sila lumabas ng kwartong to.

**********************************************

Robbi POV

I was driving a car on the way sa bahay ng girlfriend kong si Sophia.

Hindi naman kalayuan ang bahay nito kaya hindi rin ako nagtagal sa biyahe.

Huminga muna ako nang malalim bago ako lumabas ng kotse.

I prepare 2 boquet of flowers for Sophia and for her mom and a glass of expensive wine for his dad.

I also bring food.

Luto ni mama.

Pangdagdag saaming hapunan.

Siguro naman hindi na ako mapapahiya nito sa daddy ni Sophia, which is first time ko din mamimeet.

Papasok na ako ngayon sa bahay nila nang matanawan ko si Sophia sa bungad nang pintuan nila.

Kumaway lng ako sakanya at ngumiti.

Agad din itong lumapit saakin.

"Sakto ang dating mo. Tara na sa loob." pag aaya nito.

"Wait, baby. For you." inabot ko ang isang boquet ng bulaklak saknya. Tinanggap naman nya ito.

"Ow. Thank you baby." masayang pasasalamat nito saakin. It looks she apreciated it so much.

"And this one boquet is for your mom. Nagdala din ako additional food and wine for your dad. Dina siguro ako mapapahiya neto." sabi ko sa girlfriend.

"Wow, of course not! Your so sweet baby. You never fail to impress me. Im sure ganun din si Daddy sayo." masayang sabi nito saakin.

Tinulungan nya ko dalahin ang mga dala ko papasok ng bahay nila.

Syempre don na kami dumirecho agad sa dining area nila.

Wala pang tao sa hapag kainan pero marami nang nakahanda na pagkain sa lamesa.

"Ya, Lina..." tawag ni Sophia sa kasambahay nila.

"Maam, bakit po?" agad na paglapit nito saknyang amo.

"Pakiprepare din nitong food na dala ni Robbi. Thank you." utos nito sa kasambahay nila at iniabot nga dito yung pagkain na dala ko.

"Sige po maam. Akina po." sagot nito at nagtungo na siguro ito sa kitchen nila.

"Baby, wait mo nalang ako dito. Check ko lang sila Mommy at Daddy sa taas." pagpaalam ni Sophia.

Tumango lamang ako bilang sagot sakanya.

Samantalang ako luminga linga pa muna dito sa bahay nila habang nasa taas pa sya.

"Yaya Lina. Asan yung niluto ko? Wala kapa nilalabas dito sa table." boses mula sa likod ko.

Nandito ako di kalayuan sa dining area nila, humarap ako para makita kung sino ang nagsasalita.

Paanong?!!

Naka apron ito. Anu to? Kasambahay din ba sya nila Sophia??!!

Bakit sya nandito.

Wow! What a small world.

Kanina nasa hospital tong babaeng to, ngaun nandito naman sa bahay ng girlfriend ko.

Di kaya sinusundan ako nito?

Pumasok ito sa loob nang kitchen. Ako naman ay parang tangang nakatanaw lang mula dito sa kinatatayuan ko.

Ilang minuto itong nasa loob ng kitchen at hindi na lumabas. Siguro nga kasambahay din sya nila Sophia.

"Robbi." tawag saakin ni Sophia.

Nakababa na pala sila mula sa taas, kasama na ni Sophia ang mommy at daddy nito.

"Good evening po maam, sir." bati ko sa magulang ni Sophia.

"Dad, this is Robbi my boyfriend." pagpapakilala saakin ni Sophia sa daddy nito.

"Lets go have a dinner with us. Sa tingin ko ay madami tayong kailangan pagkwentuhan." anyaya ng daddy ni Sophia saakin.

Nagtungo na nga kami sa Dining table at sabay sabay na umupo nang dumating ang isang dalaga na kanina ay naka apron ngaun naman ay nakapormal na dress.

"Halika na Liane, maupo kana at sabay sabay tayong maghapunan." anyaya nito sa dalaga.

Sabay sabay kaming naupo sa dining table.

Magkatabi kami ni Sophia. Sa dulo ang daddy nito at sa gilid nito ang mommy nya. Magkatapat si Sophia at mommy nya at ngayon naman ay kami naman nong Liane ang magkaharap.

Napatingin ito saakin, gulat ang emosyon nito. Ngunit halatang hindi nya pinapahalata sa lahat.

Ramdam ko ang tensyon sa aaming dalawa.

Magkaharap kami ngaun at nagtatama ang mga paningin namin.

"Oops wait. Muntik kona makalimutan. Mommy this is for you, dala ni Robbi yan." sabay abot ni Sophia ng isang boquet na dala dala ko.

"Thank you iho." tipid na sagot nito.

"Hala magsikain na kayo mukang madaming inihanda ngaun si Nanay Lina ha." anyaya saamin ng daddy ni sophia habang sumasandok na ng iba ibang putahe.

"Dad, sorry. I need to go to restroom for a while." biglang pagpapaalam ni Liane sa daddy nila.

"Me too. Sir, can i go outside for a while. May nakalimutan kasi ako sa car. Im so sorry sir but its urgent. Its my phone." pagpapaalam ko.

"Sure, balik agad kayo ang daming food uubusin natin ito ha." pagsang ayon din nito.

Actually hindi talaga ako pupunta sa labas. Sinundan ko lng yong babaeng yon.

Pero di naman ito nagpuntang banyo, kundi sa labas ng bahay ito nagpunta.

Tumayo lng ito sa labas ng bahay nila at paikot ikot na lumakad.

Ramdam ko kung gaano ka intense ang tagpong ito saaming dalawa. Pati ako ninenerbiyos.

Dahan dahan akong lumapit sa dalaga.

"Miss." tawag ko sa dalaga na syang paghinto sa paglalakad nito.

Nakatalikod lang ito saakin. Parang na statwa na sa pagkakatayo.

Kaya lumapit na ako sa harapan nito.

"Ano ginagawa mo dito." tanong nito saakin.

"Diba dapat ako ang magtanong sayo nyan? Sino kaba? Kasi ngaun lang kita nakita dito." tanong ko, sa loob kasi ng 2 taon na relasyon ko kay Sophia ay never kopa nakita itong babaeng to sa bahay na ito kahit na palagi naman ako nagpupunta dito. Wala din naman nakukuwento saakin si Sophia tungkol saknya.

"At anong karapatan mong tanungin ako nang ganyan? Dito ako nakatira. Bakit?" she cross her arms as she said.

"Paano? Palagi ako nagpupunta dito pero ngaun lang kita nakita dito. Alam mo malapit kona isipin na stalker kita. Una sa hotel tapos kanina sa hospital tapos ngaun nandito ka sa bahay ng girlfriend ko. Sino kaba talaga ha." diredirechong suspechang tanong ko.

"What? Siguro ikaw yung bumangga saakin kanina sa hospital." sagot nito saakin.

"Yep." tipid na sagot ko.

"Kapatid ko si Sophia. Yan ang sagot ko sa tanong mo." may balak itong tumalikod ito ngunit nahawakan ko agad ang braso nito pra di sya agad makatalikod saakin.

"Wait, teka. Paano? Were in a relationship for 2 years. Tapos bigla ka nalang susulpot dito sa bahay nila out of nowhere. Are you kidding me?!! Or stalker talaga kita." inis na sagot ko. Ayaw ko sa lahat ay yung tatalikod na hindi pa naman kami tapos mag usap.

"Im a doctor, sa hospital na ako halos nakatira kaya hindi mo talaga ako makikitang nakapirmi sa bahay nato. Uuwi lang ako pag may kailangan ako pero kung wala nandon lang ako sa St. Dominic hospital nag aabang ng pasyente. And thanks to my ate ni hindi man lang nya ako naikwento sayo. Nakakaproud naman." paliwanag nito. Saka umalis sa aaking harapan.

Pumasok na ito nang bahay ako naman ay parang natanga dito sa labas.

Magkapatid sila ni Sophia?!!

Fuck! Kaya pala magkamukha sila nang mata.

Kaya pala! Napagkamalan ko sya ang girlfriend ko nang gabing iyon.

Pero bakit di man lng sya nakukwento sakin ni Sophia?

**********************************************

Narrator POV

Kasalukuyang bumalik na sa hapag kainan sila Robbi at Liane na parang walang nangyari.

Umarte lamang sila nang parang hindi magkakilala sa harapan ng lahat.

Habang nasa labas pala ang dalawa ay nakapagkwntuhan na pala itong si Sophia at ang daddy nya tungkol sa boyfriend nito.

"Robbi, Businessman ka pala. Naikwento kana saakin ni Sophia habang nasa labas ka. Businessman din ako, im sure magkakasundo tayo. Proud akong maging manugang ka." masayang sabi nito sa nobyo ni Sophia.

"Salamat po sir." tipid na sagot ng binata.

Kinakabahan ito ngunit hindi dahil sa ama ni Sophia kundi dahil kay Liane.

"Nakakatuwa naman at dalagang dalaga na ang mga anak ko. Matagal din nong huli ko kayong nakita." masayang sambit nito sa mga bata.

"Oo Nelson, mga dalaga na sila. Siguro naman mababawasan na pagkastricto mo sa amin. Malapit sa sila magsipag asawa at magkaron ng kanya kanyang buhay at pamilya." sagot naman ni Emely sa asawa nito habang humihiwa ng pagkain sa plato nito.

"Emely dimo maiaalis saakin iyon, mahal ko kayong lahat kaya pasensya na kayo kung masyado akong stricto sainyo. Gusto ko lamang ay nasa maayos kayo palagi." sagot ni Nelson.

"Its okay dad. Saka good girl na kami ni Liane ngaun. Diba Liane?" sagot naman ni Sophia sa ama.

Habang si Robbi naman ay tahimik na nakikinig sa kwentuhan ng pamilya.

"Oo naman." tipid na sagot ni Liane.

"Nasan nga pala si Miko Liane? Bakit hindi mo sya inimbitahan dito?" tanong ni Nelson sa kanyang anak, ang tinutukoy nitong Miko ay ang nobyo ni Liane.

"Nasa out of town duty po sya Dad. Last month pa po sya umalis , sabi nya 3months daw sya don. Kailangan po kasi ng additional nurses sa probinsya, isa po sya sa napili na isama." paliwanag ni Liane sa ama.

Nagtaka naman si Sophia sa itinanong ng ama.

"Dad? Do you know her boyfriend?" tanong ni Sophia.

"Bakit ba naman hindi, twing tatawag ako noon kay Liane palaging si Miko ang nakakasagot ng tawag ko. Kaya nakakapagkwentuhan din kami kahit papaano. Ikaw kasi Sophia, hindi ka pala kwento saakin, tumagal kayo ng dlawang taon nitong si Robbi nang diko nalalaman. Pero okay lang. Malalaki na kayo , tumatanda na din kami ng mommy nyo. Kailangan nyo din magkaron ng sariling buhay at pamilya. At nawa naman ay maabutan pa namin ang mga apo namin sainyo." pahayag ni Nelson kay sophia.

Bahagyang nainis na naman si Sophia kay Liane.

Pakiramdam kasi nito ang pabor ni Nelson ay palaging nakay Liane. Pakiramdam nya ay close na close si Nelson kay Liane. Dahil malimit itong tumawag kay Sophia ngunit kay Liane ay palagi itong may contact.

Gayunpaman masayang nagtapos ang kanilang hapunan, kahit na may kaunting inis si Sophia kay Liane ay isinantabi na muna nya ito.