Lumipas ang isang buwan at naging okay naman ang lahat ng nangyari sa buhay ni andrea. Gamay niya na ang kanyang mga gawain sa kanyang pinapasukang trabaho. Naka sahod na rin siya kung kaya't nakapag padala na siya sa kanyang kapatid para pang budget nito sa araw araw na gastusin.
Kasalukuyang nasa trabaho na si andrea ng mag patawag ng emergency meeting ang kanilang boss. Nakaramdam siya ng excitement. Ngayon palang kasi niya makikita ng lubos ang kanilang boss. Dahil ng magpunta siya sa office nito noong nakaraang buwan ay hindi niya nakita ng maayos ang mukha nito dahil nakatalikod ito habang nag sasalita sa kanya.
Tumayo na siya upang mag punta sa meeting place ng napansin niyang kinakawayan siya ni ms. Suarez. Nakangiti ito habang tinatawag siya. Agad naman siyang lumapit sa babae at nang makalapit siya dito ay humawak ito sa braso niya at sinabing sumabay na daw siya dito papuntang meeting place. Tumango naman si andrea dito ng may ngiti sa labi bilang sagot sa sinabi ng babae.
Mabait si ms. Suarez palagi siyang binabati nito at kinakamusta kung kaya't naka palagayang loob niya na ito. Mas matanda lang ito sa kanya ng limang taon. Kaparehas niya ay dalaga pa rin ito.
Nang marating nila ang meeting place ay naroon na ang kanilang boss. Naka upo ito habang nag hihintay pa sa ibang empleyado na hindi pa dumarating. Mga ilang segundo pa ang lumipas ng tumayo ito.
Seryoso ang mukha nitong nagpakilala sa mga bagong empleyado na kagayaa niya.
Sabi ko na.. Gwapo si sir eh.. Pero bakit ganun ni hindi man lang ito ngumi-ngiti.. Ganun ba kamahal ang ngiti nito.. Kahit nasa harapan niya lahat ng kanyang mga empleyado ay wala manlang itong ka ngiti-ngiti.. Sayang naman.. Ang gwapo pa naman ni sir.. Bulong ni andrea sa kanyang sarili habang nakatingin sa kanilang amo na nag sa salita habang naka pamewang.
May limang minuto pa itong nag salita sa kanilang harapan ng mag paalam ito. At sinabing tapos na ang kanilang pag pupulong. May mga ilang sinabi lang ito tungkol sa nangyayari sa kanilang kumpanya. Matapos niyon ay tumalikod na ito at naglakad palayo.
Unti-unting nag sipag alisan na ang mga empleyado. Ngunit siya ay habol tanaw niya parin ang kanilang boss kahit na likod nalang nito ang natatanaw dahil malayo na ito sa kanilang kina tatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang may kuma kalabit sa kanyang braso. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si ms. Suarez na naka ngiti sa kanya.
"uy andrea.. Crush mo si sir noh.." saad nito sa kaniya habang may ngiti parin sa labi.
"naku, hindi po ms. Suarez!" tanggi niya sa sinabi ng babae.
"anong hindi?! Eh bakit ganyan ka makatingin kay sir?! Tingnan mo nga, kahit wala na siya ay naka tingin ka parin sa hallway kung saan siya nag lakad kanina!" saad nito sa kaniya at bigla itong tumawa.
Naramdaman niyang biglang nag init ang kanyang buong mukha. Na I-imagine niya Kung gaano ka pula ang kanyang mukha. Halos hindi tuloy siya makatingin sa gawi ni ms. Suarez. Nakatawa parin kasi ito habang naka tingin sa kanya. Nagulat nalang siya ng bigla siyang hinampas nito sa braso. Hindi naman malakas kaya hindi siya nasaktan.
"ano ka ba! Okay lang yan.. Bakit ka nahihiya sakin.. Pareho lang naman tayong babae.. Marami talagang nagkaka Crush diyan kay sir.. Alam mo ba ang balita ko wala pang nagiging Girlfriend yang si sir.." saad pa nito sa kaniya at muli siya nitong hinawakan sa braso at giniya pabalik ng kanilang puwesto.
" ay talaga po.. Eh bakit naman po kaya wala siyang girlfriend.. Sa gwapo at yaman ni sir... Imposibleng wala man lang lumalapit sa kanya na babae.. " tugon niya sa babaeng kasabay niyang nag lalakad.
Nakita niyang nag kibit balikat muna ang babae bago ito nag salita.
" hindi ko rin alam Andrea.. Baka kasi sa negosyo lang naka focus si sir at wala pa sa isipan niya ang pakikipag relasyon.. Ang alam ko kasi sa kaniya ipina mana ng kanyang ama itong kumpanya kaya malaki ang responsibilidad niya para mapanatili ang kumpanyang ito. Ang alam ko rin kasi ay walang kapatid yang si sir.. Bukod doon sa anak ng step father niya.." kwento ng babaeng si ms. Suarez sa kanya at muli pa itong nag salita.
" uy Andrea, wag mo na pala ako tawaging ms. Suarez.. Parang ang tanda ko na tuloy.. Ate pia nalang.. " saad pa nito sa kaniya.
Na pangiti siya sa narinig na sinabi ng babae.
" sige po ate pia.." tugon niya dito.
Hindi na sila muling nag usap pa hanggang sa naka balik na sila sa kanilang puwesto. Kumaway pa ito bago umupo sa sarili nitong upuan.
Maya-maya pa habang naka upo na siya sa kanyang upuan at nag titipa sa kanyang computer ay nakita niyang papalapit sa kanya ang kanyang crush na si Lucas. Dalawang linggo na ang nakalilipas ng maramdaman niyang may pag hanga siya sa lalaki. Palagi niya kasi itong nakaka sabay sa pag sakay sa elevator tuwing papasok at pauwi siya. May mataas din itong posisyon sa kumpanya. Naka ngiti ito ng huminto sa harapan ng kanyang table.
Ngumiti din siya dito bilang ganti.
"hi Andrea.." kaagad na bati nito sa kaniya at muli itong nag salita.
"may ticket ako dito oh.. Baka gusto mong manood ng movie kasama ako?.." Tanong ng lalaki sa kanya.
Nakaramdam siya ng tuwa sa kanyang puso. Naisip niya na niya-yaya ata siyang makipag date ng lalaki.
"ahmm.. Sige po.. Basta ba libre yan sir ha.." tugon niya sa binatang nasa kanyang harapan.
"oo naman libre kita.. Teka, diba sabi ko sayo huwag mo na akong tawaging sir.. Luke nalang..." tugon nito sa kaniya.
Napangiti si andrea sa sinabi ng binata.
"sige.. Luke.." tugon niya dito ng may ngiti parin sa labi.
"okay.. Thanks Andrea.. Antayin nalang kita sa parking mamaya ha.." saad pa nito sa kaniya bago ito tumalikod at naglakad palabas ng kanilang office.
Nang makaalis na ang binata ay may narinig siyang tumitili. Hindi napansin ni Andrea na kanina pa pala nakatingin sa kanila ang babaeng tumitili.
Nang hanapin niya kung sino ay nakita niyang si pia pala. Nakahawak pa ito sa magkabilaan nitong pisngi habang tumitili parin.
"wow, grabe ka andeng! Ang haba ng buhok mo girl! Sino ba talaga si sir nick o si sir Lucas?.. " pang bubuska nito sa kaniya.
Itinapat niya ang kanyang hintuturo sa gitna ng kanyang labi para senyasan ang babae na huwag itong maingay. Agad naman nitong nakuha ang ibig niyang sabihin at tumigil na ito sa pag tawa. Ngunit i-iling iling itong naka tingin parin sa kanya. Magka lapit lang kasi ang table nila. May pagitan lang na hallway sa kanilang dalawa. Kaya madali nitong makikita kaagad kapag may lalapit sa table niya.
Nang malapit na ang uwian ay lumabas ng office nito si mrs. Santos at lumapit ito kay andrea.
" andrea, pwede ka bang mag o.t mamaya? May pina patapos kasi na reports si sir nick.. Kailangan niya daw bukas ng umaga.. Dahil ikaw naman ang pinaka malapit sa atin ang bahay dito.. ay ikaw nalang sana ang mag over time mamaya para matapos kaagad yung pinapa-rush na report ni sir.. Biglaan kasi kanina niya lang ako tinawagan.. Okay lang ba sayo? " kaagad na saad sa kanya ni mrs. Santos pagka lapit palang nito sa kaniya.
" opo, no problem po ma'am.. Gusto ko rin po ng over time.. Pandagdag sahod ko.. " kaagad na tugon niya dito.
Ngumiti ito sa kanya matapos na marinig ang kanyang sinabi.
" okay.. Very good ms. Morales.. I like your attitude.." muling saad sa kanya ni mrs. Santos bago ito naglakad pabalik ng kanyang office.
Ngumiti ng malawak dito si andrea at tsaka tumango dito. Bilang tugon sa sinabi ng kanyang kausap.
Nang dumating na ang uwian ay naiwan si andrea sa office. Hindi niya alam kung may iba pa siyang kasama na nag over time din. Naalala niya bigla si Luke. Niyaya nga pala siya nito na manood ng sine. Biglang nalungkot ang mukha ng dalaga sa naalala. Nanghihinayang siya dahil gusto niya pa sanang makilala ng husto si luke at iyon na sana ang tamang oras para maka bonding niya ito. Ngunit hindi naman pala siya pwede.
Nag iisip siya kung paano sasabihan ang binata na kailangan niyang mag o.t kaya hindi siya makakasama sa panonood nito ng sine. Nasa gayon siyang pag iisip ng marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tingnan kung sino ang nag-text sa kanya. Laking gulat niya matapos mabasa ang text message sa kanya. Si luke lang naman ang nag text sa kanya at nagtataka siya kung paano nito nakuha ang kanyang cellphone number. Agad niyang ni replayan
Ang binata. Sinabi niyang sa susunod na araw nalang siya sasama dito na manood ng sine dahil may importanteng pinapa tapos sa kanya si mrs. Santos.
Sumagot naman agad sa kanya ang binata na okay lang sa susunod na araw nalang daw sila lalabas upang manood ng sine.
Habang nag titipa si andrea sa keyboard ng kanyang computer ay Nakaramdam siya ng gutom. Sinipat niya ang kanyang suot na relo upang alamin ang oras. Nagulat pa siya ng makita ang oras. Mag aalas otso na pala ng gabi at hindi pa siya nag hahapunan kaya pala nag pa paramdam na ang kaniyang sikmura narinig niya na itong tumunog. Naalala niyang may natira pa siyang biscuit kanina at itinago niya ito sa bulsa ng kanyang bag. Agad siyang tumayo para kunin ang natitirang biscuit. Nang makuha niya ito ay muli siyang umupo at ipinag patuloy ang pag titipa sa computer habang ngumu-nguya ng biscuit sa kanyang bibig. Marami pa ang kanyang natirang biscuit kaya kahit papaano ay nabawasan ang kanyang gutom.
Naubos niya na ang kaniyang kinakaing biscuit ng nakaramdam naman siya ng uhaw ngunit ng sipatin niya ang kanyang tumbler na lagayan ng tubig ay kaunti nalang ang laman nito. Kinuha niya ang tumbler at inubos ang lamang tubig nito. Nais niya pa sanang uminom ngunit naisipan niyang tapusin na muna ang kanyang ginagawa bago kumuha ng tubig. Sa itaas pa kasi ang water dispenser kaya aakyat pa siya para lang maka kuha ng tubig. Nasira kasi kanina ang water dispenser na nakalagay sa loob ng kanilang opisina at bukas pa daw ito mapapalitan ayon sa guard na pinag tanungan niya kanina ng umakyat din siya upang kumuha ng tubig.