webnovel

Chapter 7 A Dinner With Them

"Abii, tara na kasi." yaya saakin ni Macy atsaka ako hinila patayo, ewan ko kung anong trip ng babaeng to pero muka namang matino ang gagawin namin.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko rito.

"Pupuntahan natin si tashya" maiksing sabi niya atsaka nag lakad pa ng mas mabilis kaya wala akong nagawa kundi sumunod dito.

Hinanap namin si tashya sa buong school at nakita namin itong nasa likod ng school kasama si Xerxes, base sa itsura ni tashya ay parang nag a-away sila.

"Shut up Xerxes! stop fooling me!" rinig naming sigaw ni tashya, nakita rin namin kung papano tumulo ang luha sa mga mata niya kaya hindi na kami nag dalawang isip na lapitan ito at saka walang sabing hinila.

"Anong meron sainiyo? Bakit kayo nag sisigawan dun sa likod? Akala ko ba iiwasan mo na siya?" sunod sunod na tanong ko ng maka upo kami sa damuhan dito sa fields.