webnovel

Chapter 31 A Gift

"hoy anong iniisip mo?" tanong ni Tashya pag katapos ilapag ang Starbucks Coffee at red velvet cake sa harapan ko.

Wala ngayon si Macy dahil nag out of the town ito kasama ang parents niya papuntang New York.

Duon din nila sa-salubungin ang Christmas and New Year kaya kaming dalawa lang ni Tashya ang mag ce-celebrate.

"Wala pa kasi akong naiisip na ireregalo kay Lance, ilang araw nalang ay pasko na pero wala pa rin akong regalo sakaniya." buntong hiningang sabi ko.

"Well, mahirap yan Sis. t'wing may okasyon yan nalang lagi pinoproblema mo." sabi ni Tashya na nag patango saakin.

That's true! Ito nalang lagi ang prino-problema ka once na may nga okasyon na nagaganap.

hindi niyo naman ako masisi dahil ang gusto ko unique, eh sa estado ng buhay ng lalaking yun lahat nasakaniya na eh.

Eh kung ibalot ko nalang kaya ang sarili ko tapos lagyan ko nalang ng ribbon sa ulo?

Napa iling nalang ako sa naisip atsaka isinandal ang likod sa upuan.