webnovel

MY POOR PRINCESS (TAGALOG)

My Poor Princess written by Hanjmie Sofia Fe Cathylyn Dela Costa is the sole owner of Fia Flowery Shop and one of the heir of DL Enterprises Inc.. Sofia dreams to meet her prince, who will love her by who she was. And then, she meets Dennis Renzo Madrigal, a guy who insulted her and thought that she is a simple sales lady at her flower shop. Pero isang pangyayari ang nagpalapit sa kanila. They become friends until Dennis court her and she realizes, she is falling-in-love with Dennis. But is there a chance for a forever if she found out that Dennis is engaged and soon-to-be-married with another girl? Not just another girl but her older sister. (c) 2020

HanjMie · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
13 Chs

CHAPTER THREE

'ANTIPATIKO.' Wika ni Cathy habang naglalakad palabas ng simbahan.

Hindi niya akalain na makikita niya sa loob ng simbahan ang lalaking iyon. Akala pa naman niya ay mabait ito, iyon pala ay isang antipatiko at puno ng bilib sa sarili. Oo, aaminin niya at napatulala talaga siya sa kagwapuhan ng lalaki ngunit kailangan ba talagang umasta ito ng ganoon. Buong durasyon tuloy ng mesa ay nakiramdam na lang siya sa pasensya nito. Sobrang aware siya na katabi niya ito at minsan ay nararamdaman niya ang titig nito. At nang magsabi ng 'peace be with you' ay hindi niya nagawang batiin ang binata, pakiramdam niya ay magkasala siya.

Hindi lang presensya nito ang pilit niyang iniwasan kanina, pati na din ang nararamdaman dito. Ang tibok ng puso niya ay iba kapag nasa malapit ito. Sa buong buhay niya ngayon lang siya natakot sa presensya ng isang lalaki na hindi siya ginagawan ng masama. Kung tutuosin ay nakatayo lang sa tabi niya ang lalaki ngunit ang lakas pa rin ng presensya nito at hindi iyon maganda.

"Sandali lang, Miss." Narinig niya mula sa likuran niya.

Lumingon siya at nakita niya ang lalaki kanina sa simbahan. Mabilis ang lakad nito at waring may hinahabol. Ngumiti ito ng makitang lumingon siya.

"Wait lang, Miss."

Bago pa ito tuluyan makalapit sa kanya ay naglakad na siya para lisanin ang lugar na iyon. Malapit na sana siya sa kanyang kotse ng may taong humawak sa kanya. Out of her reflect, she kicked that someone who tried to hold her but she didn't hit someone. Galit siyang lumingon at nakita niya ang lalaking humahabol sa kanya kanina. Nanlalaki ang mga mata nito. Nakikita sa mukha nito ang pgkagulat. May malaking pagitan sa kanila. Mukhang ito ang sumubok na hawakan siya.

"Anong kailangan mo?" walang emosyong tanong niya.

Hindi siya hihingi ng tawad sa ginawang pagsipa dito. Nararapat lang iyon sa binata dahil sinubukan siya nitong hawakan. Wala na ba talagang respeto ang mga lalaki sa mga babae? Hindi ba sila marunong magtanong muna bago hawakan ang isang babae?

Mukha naman natauhan ang lalaki sa tanong niya. "You almost hit me."

Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi nito. "Hinawakan mo ako ng hindi nagpapaalam. Anong gusto mong gawin ko? Hayaan ka."

Hindi nakasagot ang lalaki. A guilty suddenly written at his face. "I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya. Tinatawag kasi kita kaso hindi ka lumilingon."

"So! Anong kailangan mo?" pinagkrus niya ang braso sa harap ng dibdib niya. Wala siyang paki-alam kung mataray ang dating niya. Hindi din siya hihingi ng patawad dito. Puputi muna ang mata nito bago niya gawin iyon.

"A-ano?" napakamot ito ng ulo. "Miss..."

"Ano nga? Mister, may..."

Inilahad nito ang kamay sa harapan niya. "Hi! I'm Dennis Renzo Madrigal. Pwede pa kitang maihatid?"

Nagulat siya sa pakikipagkilala nito at ganoon din sa tanong nito. Bahagya pa siyang napa-atras. Akala niya ay kung ano ang sasabihin nito. Hindi niya akalain na lalapit ito para magpakilala sa kanya. At anong ibig sabihin nito sa ginawa nitong pakikipagkilala sa kanya? Tapos nais pa siya nitong ihatid? Ang laki talaga ng tiwala sa sarili.

Ibinalik niya ang mataray na mukha pagkatapos makabawi sa pagkagulat. Tinitigan lang niya ang kamay nitong nakalahad. Is she going to accept it? O paninindigan niya ang pagiging mataray dito.

"I'm sorry pero hindi ako interesadong makilala ka." Mataray niyang sabi at tinalikuran ito.

Instead of going inside her car, she walk away from that guy. Pakukuha na lang niya ang kotse sa isa sa mga tauhan ng ama. Binilisan niya ang paglalakad para tuluyang iwasan ang lalaking nangangalang Dennis Renzo Madrigal. Ang lalaking iyon, isang Madrigal. Kung ganoon ay nasa iisang circle lang ito kagaya ng ama niya. Kung ganoon mukhang hindi lang iyon ang magiging huli nilang pagkikita at nasisigurado niya iyon. Nararamdaman niyang magkikita pa sila ng lalaking iyon.

NAPATINGIN si Cathy kay Ary ng marating niya ang flower shop niya. Nakita niya ang problemadong mukha nito. Nilapitan niya ito pagkatapos ilapag ang bag sa working table niya.

"Problema mo, Ary?" tanong niya.

Umangat ng tingin si Ary. Kitang-kita niya talaga sa mukha nito ang problema.

"Kinulang ang mga bulaklak na dineliver natin sa kasal ng isang kliyente natin. May ilang bahagi ng reception na walang bulaklak."

"Magpadala ka agad doon. Ihahanda ko para sa pagkuha ng delivery." Sabi niya at tinalikuran na ito. Itinali niya ang buhok para ihanda ang sarili sa pag-aayos. Ang alam niya ay nagsisimula na ang kasal ng mga sandaling iyon at ilang oras na lang ay magsisimula na rin ang reception.

"May isang problema pa, Ma'am Sofia."

Napatigil siya at napalingon dito. "Ano iyon?"

"Walang maghahatid ng mga bulaklak sa venue. Iyong isa natin delivery van ay papunta ngayon sa farm ni Ms. Ivy Saavadra para kumuha ng order natin. Hindi naman makakabalik ang delivery van natin na nasa venue ngayon dahil kulang tayo ngayon sa tao. Kailangan nilang tumulong sa pag-aayos ng venue."

Napabuntong-hininga siya dahil sa narinig. Mukhang short siya ngayon sa staff. Paano nangyari iyon? Lagi naman siyang handa pagganitong may hinahawakan silang event. "Bakit kulang tayo sa staff?"

"May sakit si Sandra at ang asawa nitong si Lester ang nag-aalaga."

Lalong sumakit ang ulo ni Cathy ng marinig ang pangalan ng dalawang staff niya na pinagkakatiwalaan niya kapag may ganoon silang event. Ang mag-asawang Sandra at Lester ang pinapahawak niya kapag may ganoong event ang flower shop nila. Minasahe niya ang kanyang ulo. Mukhang wala siyang pagpipilian kung hindi pumunta ng venue.

"Tell Wilma to prepare. Isasama ko siya sa venue. Ikaw muna ang tumao dito sa shop." Tumalikod na siya para masimulan ang trabaho niya.

Agad siyang pumunta sa likod ng shop. Malaki ang inuukupa niyang store sa mall na iyon. Malaki ang binayad niya para lang makuha ang pwesto na iyon. Balak niya din kasi na ang kalahati ay gawing photo studio para sa kinalihigan niyang photography. May side ang store nila kung saan may maliit na table kung saan nakalagay ang ibang paper works nila. Kapag may event ay sa labas nila kinatatagpo dahil wala pa silang opisina. Balak niyang magpatayo kapag nagbukas na ang pangalawang shop niya sa isang mall din. Kapag nagpatayo siya ng opisina ay gagawin din kasi niyang flower shop kaya dapat pagplanuhan mabuti. Hindi naman siya nagmamadali, kung baga, step by step lang dapat lahat ng success niya sa buhay.

Pagkatapos ayusin ang mga bulaklak na dadalhin niya sa venue ay pinagtulungan nila ni Wilma na isakay sa kotse niya. Sinugurado niya na lahat ng bulaklak na kailangan nila ay nasa loob na ng sasakyan niya. Tahimik nilang tinahak ang lugar ng venue. Malayo nga ang venue at tama ang sabi ni Ary, matatagalan nga ang delivery van nila kung pupunta pa ito ng store nila.

Narating nila ang venue after thirty minutes. Mabilisan ang galaw nila ni Wilma. Wala silang inaksayang oras dahil kinse minutos na lang at magisisimula na ang venue. Pinagtulungan nilang lahat ng staff niya ang pag-aayos. At nagpapasalamat siya dahil bago pa dumating ang mga bisita ay nasa ayos na nila ang lahat at kunting linis lang ang gagawin nila.

"Buti at naayos niyo ang problema, Cathy." parang nakakita ng savoir si Maricar ng lapitan siya nito.

"Pasensya na kung magkaproblema."

"It's okay. Ang importante ay nagawan ng paraan ang problema. "Tumingin ito sa likuran niya.

Napalingon siya. Nag-aayos na ang mga staff niya para lisanin ang venue. May gagawin kasi ang mga ito.

"Wala ka pa rin bang opisina, Cathy?"

Muli siyang napatingin kay Maricar ng marinig ang tanong nitong iyon. Malakas na napabuntong-hininga siya. "Alam mo naman kung bakit wala pa rin akong opisina ngayon. Buti nga at matutuloy na rin sa wakas ang second branch ng flower shop ko."

"Bakit ba kasi hinaharangan ni Tito ang paglago ng flower shop mo?"

Malungkot siyang napatitig sa mga mata ng kaibigan. Nakilala niya si Maricar ng minsan siyang umattend ng kasal ng isa sa mga batchmate niya. Nalaman nito na may-ari siya ng isang flower shop kaya siya ang madalas na kinukuha nito kapag may ganitong event. Naging mas maganda naman ang takbo ng negosyo niya dahil sa kaibigan.

"Dad, doesn't want me to focus on my own business. Soon, I will handle the Dela Costa Empire." Kahit anong tanggi o iwas niya, alam niyang darating ang panahon na siya ang hahawak ng kompanya ng ama. Kung ang Ate niya ay sinasanay na para maging Presidente ng hospital nila ay ganoon din si Leo John sa Law firm nila.

Hindi na nagsalita pa si Maricar. Hinawakan lang siya nito sa balikat at iniwan na siya nito. Muli siyang napatingin sa mga staff niya. Napabuntong hininga na lang siya. Iilan kasi sa mga ito ay mga kontrata lang. Iyong kapag may ganitong event lang nila kinukuha. Nakakalungkot na marami siyang pangarap sa flower shop niya ngunit hindi niya magawa dahil sa ama. Napapikit siya ng mariin. Hindi dapat niya iniisip ang ama, gumagawa din naman siya ng paraan para matupad ang mga plano niya. Kahit kailan ay hindi siya magpapatalo sa ama niya.

Nagsimula na siyang tulungan ang mga staff niya. Hihintayin pa nila matapos ang venue para makapagligpit sila. Nang matapos siya sa pagtulong ay hinanap niya ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang staff ng may humarang sa dinaraanan niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ito.

"Mukhang pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana." Sabi nito na may kislap ang mga mata.

Napaatras siya ng bahagya dahil mas inilapit nito ang sarili sa kanya. Ilang hibla na lang ang layo nito sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya. Ngayong mas malapitan niyang nakikita ang lalaki ay masasabi niya talagang walang kapintasan ang gwapo nitong mukha. Bahagya pa itong nakayuko dahil matangkad ito.

"Lumayo ka nga." Tinulak niya ito sa dibdib ngunit mali ang ginawa niya dahil naramdaman niya ang matigas nitong katawan. Bigla ay parang nanlambot ang tuhod niya sa ginawa. May dumaloy na kakaibang kuryente sa katawan niya dahil sa simpleng hawak na iyon.

Makinig naman ang lalaki sa kanya na ipinagpasalamat niya. Humakbang ito ng kunti palayo sa kanya ngunit hindi nawala sa labi at mga mata nito ang mapaglarong saya. Ikinalma naman niya ang sarili at ang puso niya na kulang na lang ay lumabas sa katawan niya sa sobrang bilis ng tibok.

"Anong kailangan mo?" mataray niyang tanong.

Lalong naglaro ang saya sa mga mata nito. "Anong ginagawa mo dito?"

Tumaas ang kilay niya dahil sa tanong nito. Tama ba ang ginawa nito. Sinagot nito ang tanong niya ng isang tanong. Wala talagang mudo ang lalaking ito. Buong akala niya ay mabait ito dahil sa minsan na niyang nasaksihan ang kabaitan nito. Hindi pala.

"Working." Sagot niya at nilampasan ito. Bahagya pa niyang sinagi ang balikat nito ngunit maling hakbang pala iyon dahil mabilis nitong hinawakan ang kanyang braso. At kagaya noong nakaraang pagkikita nila ay naging mabilis ang hakbang niya ngunit sa pagkakataong iyon ay natamaan niya ito sa tiyan na ikinasinghap ng mga tao sa paligid nila.

Napalingon siya sa lalaki. Hawak nito ang tiyan na tinamaan niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa. Agad niyang nilapitan ang lalaki at hinawakan sa balikat.

"Oh My God! I'm sorry. Bakit ba kasi hawak ka ng hawak?" inis niyang tanong.

"I-I'm s-sorry." Sabi nito sa naghihirap na boses.

Shit! Mukhang kailangan niya pang dalhin sa ospital ang lalaki. Hindi maitago ang sakit na nararamdaman nito at ayaw niyang sumikat dahil sa pananakit niya ng ibang tao.

"Halika at dadalhin kita sa ospital." Sabi niya at tinulungan itong tumayo.

Sumunod naman ang lalaki ngunit bago pa sila makahakbang ay may lalaking lumapit sa kanila.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ng lalaki.

"Alex, my man." Biglang bumitaw ang lalaki at umayos ng tayo. "Wala ito."

Tumingin sa kanya ang lalaki. Gusto niya sanang tarayan ito dahil sa uri ng tingin nito ngunit hindi niya nagawa dahil nakilala niya kung sino ang nasa harap niya ngayon. Alexander Cortez-Kim. Ang Presidente ng Kim Empire. Kilala ng lalaking ito ang mga Kim pati na rin ba ang mga Cortez. Napatingin siya sa lalaking ngayon ay may ngiti na sa labi. Gaano ba kayaman ang mga Madrigal?

"Girlfriend?" maikling tanong ng lalaki.

Napatingin sa kanya si Dennis. Sasagutin na sana niya ang tanong ng lalaki ng may isa pang dumating na lalaki. May pagkakahawig ang lalaking dumating kay Alex, at kung hindi siya nagkakamali ay si Linconl Aries iyon, isa sa pinsan ni Alexander.

"Madrigal, narito ka lang pala. Hinahanap ka kanina pa ni Ashley, mukhang may sasabihin ito sa iyo." Seryuso ang mukha ng binata. Ganito ba talaga kalamig ang aura ng isang Lincoln Aries. Nakakatakot ito, mas nakaktakot pa ito kaysa kay Marko. Inakbayan ni Alexander si Lincoln.

"Cole, wag ka ngang isturbo. Nakita mo naman na may kasama si Dennis. Pwede mo bang ipakilala sa amin ang maganda mong nobya?" nawala ang seryusong aura ni Alexander, napalitan iyon ng mapanuksong ngiti.

Ngunit hindi lang ang mapanuksong ngiti ang napansin niya kung hindi pati na rin ang sinabi nito. Tama ba ang pagkakarinig niya, girlfriend? Girlfriend siya ng antipatikong lalaking ito? Mukha ba siyang pumapatol sa mayabang na lalaki?

Itatama na sana niya ang iniisip ng mga ito ng bigyang tumalikod si Lincoln at iniwan sila doon ng walang sinabi na kahit ano. Sinundan na lang nila ng tingin ang papalayong tingin nito. What a cold guy? Pupusta siya, walang nobya ang lalaking iyon. Sino ba naman ang tatagal sa ugali ng isang iyon.

"Pasensya na kayo sa pinsan kung iyon. Mukhang may pinagtalunan na naman sila ng girlfriend niya." May bahid ng pagbibirong sabi ni Alexander.

"May girlfriend ang lalaking iyon?" gulat na gulat niyang tanong dito.

Paano nangyaring may nobya ang malamig na lalaking iyon? Baliw sigurado ang babaeng iyon dahil pumatol sa malamig na lalaki. Instead of feeling offended with her question, Alexander just laugh. Tumingin ito kay Dennis at tinapik ang balikat nito.

"Ako na ang bahalang magsabi kay Ashley na busy ka." Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "It's nice to meet you. Hindi ko na aalalamin ang pangalan mo dahil halatang ayaw ng nobyo mo na ipaalam sa amin."

Nalalaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Bago pa siya makapagsalita para sabihin dito na hindi siya nobya ng unggoy na iyon ay mabilis na itong umalis at iniwan silang dalawa. Galit niyang tinitigan ang lalaki.

"Bakit hindi mo tinama ang maling akala nila?"

Hindi umimik ang lalaki, tinaasan lang siya nito ng kilay.

"Ano? Sabihin mo sa kanila na hindi mo ako nobya." Umuusok na siya sa galit dahil sa lalaking ito.

Ngunit ngumiti lang ang lalaki at hinawakan ang braso niya. Sisipain niya sana ulit ito ng agad itong umiwas at bigla siyang hinatak papalapit dito. Nabangga ang katawan niya sa matigas nitong katawan na ikinalaki ng mga mata niya. Mabilis nitong hinawakan ang isa pa niyang kamay at inilagay iyon sa kanyang likuran para hindi siya makapaglaban. Lalo siyang nainis sa lalaki ngunit bigla iyong natunaw ng maramdaman ang init na nagmumula dito. Nakaramdam ng kakaiba ang katawan niya dahil sa pagkakalapit ng katawan nila. May kakaibang damdamin itong binubuhay sa loob niya. At ang damdaming iyon ay bago sa kanya. Napatitig siya sa mga mata nito. May napansin siyang kakaibang ningning doon at dahil doon ay hindi na niya ma-iwas ang tingin dito. May kung ano sa mga mata nito na nag-aalis sa kanya sa katinuan at hindi niya mapigilan ang sarili na mapatulala lang dito.

Isang ngiti ang sumilay sa lalaki. "Hindi ko akalain na maganda ka pala talaga sa malapitan. Hindi lang maganda, matapang pa."

Pinakawalan ng lalaki ang isa niyang kamay at inilayo nito ang katawan niya dito. Para naman nawala ang mahikang nakabalot sa kanya. Napakurap siya at napa-isip sa naging reaksyon. Tama bang hinayaan niya lang ang lalaking ito na idikit ang sarili sa kanya? Hindi lang iyon, nakita din nito na natulala siya dahil sa ginawa nito. For Pete's sake, hindi na siya isang teenager para maging ganoon ang reaksyon niya sa paglalapit nila ng katawan. She can flirt with other guy without losing her mind but this guy manage to made her. Nagawa nitong tibagin ang depensa niya. She feels hopeless and weak at his arms. Pakiramdam niya ay isa siyang mahinang babae na nais manatili sa bisig nito.

"Ngayong alam mo na hindi kita hahayaan na saktan ulit ako, siguro naman ay nakaka-intindihan na tayo." Muli itong lumapit sa kanya. Hahakbang na sana siya para makalayo dito ng mabilis nitong nahawakan ang kanyang baywang. Napasinghap siya ng maramdaman ang mainit nitong palad.

"Hindi mo ako pwedeng takasan. Kailangan mo munang pagbayaran ang pagsipa mo sa akin kanina. You need to come with me."

Bago pa siya makapagtanong ay hinila na siya nito papasok ng venue. Para naman siyang manika na naging sunod-sunuran dito. Pakiramdam niya ay nasa impluwensya siya ng isang majika at kailangan niyang sundin ang taong ito. Tahimik siyang sumunod dito habang hindi inaalis ang tingin sa likuran ng binata. Cathy let Dennis pull her where ever he wants. Walang lumabas na pagtutol sa kanyang labi. Sa isang mesa ng puno ng mayayaman siya dinala ni Dennis.

"Hey!" bati nito sa mga naruruon.

"Hey buds! Akala namin ay umalis ka na." sabi ng isang lalaki na nakaakbay sa isang magandang babae na ngayon ay mataman na nakatingin sa kanya.

"May sinundo lang ako sa labas." Sabi ni Dennis.

"Oh!" tumingin ang lalaki sa kanya. "Kaya naman pala." Ngumiti ang lalaki sa kanya.

"Take your eyes off her, Jack. Baka gusto mong magselos iyang mapapangasawa mo."

Tumawa si Jack dahil sa sinabi ni Dennis. Inalis nito ang pagkakaakbay sa babaeng at hinawakan ito sa kamay. "MJ knows she is the one. Hindi niya kailangan magselos sa kanino man dahil sa kanya lang naman ako." Hinalikan nito ang kamay ng babae.

Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi ng babaeng nangangalang MJ.

"Cheesy! Nakakadiri ka, Jack. Maga-asawa ka lang naging ganyan kana." Kuminto ng kasama nilang isang lalaki sa mesang iyon.

Inalalayan naman siya ni Dennis bago ito umupo katabi niya.

"Whatever you say, BJ." Nagkibit-balikat lang si Jack.

"So! Pwede ba namin makilala ka?" tanong ng babaeng nangangalang MJ.

Nagulat siya sa tanong nito pero agad din naman siyang nakabawi. "I'm Sofia Cathy Alonzo." Pakilala niya.

Hindi niya alam kung bakit iyon ang sinabi niyang pangalan. Alonzo ang apelyido ng hindi niya pa nakikilalang ina noong dalaga palang ito at madalas niya iyong ginagamit kapag nagpapakilala siya sa ibang tao ngunit sa tuwina ay nagpapakilala siya bilang Sofia Fe Cathylyn Alonzo-Dela Costa. Kaya nga tinatanong niya ang sarili kung bakit iyon lang ang nabanggit niya sa mga taong ito.

"Nice name. I'm Ma. Mellissa Jane Gonzales. Mapapangasawa ko naman itong katabi kong si Siliyo Jack David. Kinagagalak namin makilala sa wakas ang nobya ni Dennis."

Nagulat siya sa huling sinabi nito. Pinagkamalan na naman ba siyang nobya ng unggoy na ito? Itatama na sana niya ang sinabi ng babae ng hawakan ni Dennis ang kamay niya. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya kaya hindi na niya masabi pa kung anong nais sabihin.

"Pakainin niyo muna si Sofia bago niyo kami gisahin. Wala talaga kayong awa, guys." May kalakip na birong sabi nito.

Tumawa naman ang mga tao sa mesa. Tuluyan ng umatras ang dila niya dahil sa sinabi ng lalaki. Kahit sabihin niya kasi sa mga ito ang totoo ay siguradong hindi siya paniniwalaan ng mga ito. Sa uri ng pagkakahawak ni Dennis sa kamay niya hindi talaga maaring hindi isipin ng mga ito na may relasyon sila. Wala siyang nagawa kung hindi sumunod sa agos ng pangyayari. Humanda ang lalaking ito mamaya sa kanya dahil sisiguraduhin niyang magbabayad ito sa ginawang paglalaro sa kanya sa harap ng kaibigan nito. Sigurado siyang pinagtatawan na siya nito ng mga sandaling iyon.

Napakatapang niyang kalabanin ito kanina pero heto siya at sinusunod ang lahat ng nais nito. Talagang mapapatay niya ang lalaking ito. Baka sa unang pagkakataon ay makalabit niya ang gatilyo ng baril niya na nasa sasakyan niya ng mga sandaling iyon.

'Sige! Magpakasaya kang antipatiko ka. Mamaya ay ako naman ang tatawa ng ganyan, sisiguraduhin ko na ililibing kita ng buhay.' Tinusok ni Cathy ang kawawang pork steak na w harap niya sa sobrang inis sa lalaking ito. Hidni niya talaga palalampasin ang ginawa nito sa kanya.