webnovel

Chapter 8

Mahihinang tapik sa pisngi ko ang nakapagpagising sa akin mula sa mahimbing na tulog. Rafael's intimidating eyes met mine. Bigla akong na conscious dahil hindi ko alam kung ayos lang ba ang itsura ko habang natutulog. Pasimple kong kinapa kung naglaway ba ako o kung may muta man ako.

Nakatingin pa rin siya sa akin habang inaayos ko ang buhok na medyo nagulo na. He rested his elbows on his lap and leaned forward, maybe to intimidate me more.

"B-Bakit?" I asked him

"You're talking in your sleep." Seryosong sabi niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Did I really talked while sleeping?! Ano kayang sinabi ko?! I didn't know I do that.

"A-ano namang sinabi ko?" I asked a bit embarrassed.

"Sabi mo, "Rafael... Make love to me..." You even moaned." Seryoso pa rin ang ekspresyon niya.

Mas lalo yatang nanlaki ang mata ko at namula ang buong mukha.

Fuck?!

I did that?!

Nang makita niya ang reaksiyon ko ay bigla siyang tumawa ng malakas. Sapo niya ang kanyang tiyan at tinuturo pa ako habang tawa ng tawa. Ilang segundo pa yata bago ko nakuha na nagbibiro lamang siya sa sinabi niya.

He's still laughing heartily. Hindi ko alam kung bakit imbis na mangibabaw ang inis at pagkaasar sa kanya ay napatitig lang ako sa kanya. He looks so carefree and happy. Not the usual frowning or serious Rafael I know.

Sa isiping nakakataba ng puso ang makitang tumatawa siya at masaya ay doon ako nainis sa sarili ko. Dapat mainis ako sa biro niya! Pero bakit natutuwa pa ako na tumatawa siya ngayon?

Padarag akong tumayo at nag walkout. May isang stewardess naman na lumapit sa akin at tinanong kung anong maitutulong niya sa akin.

"Can you kick your boss out of this plane?" Tanong ko at ipinakita dito ang inis ko.

"Uhm..." Alanganin na tumingin sa akin ang babae at bumaling naman sa kung saan nakaupo ang tawa pa rin ng tawa na si Rafael.

"No? Then wala kang maitutulong sakin." Mataray kong saad saka ito nilagpasan. Akala niya ba hindi ko napansin na ng bumaling siya sa lalaking iyon ay napakagat-labi siya?! What a shameless girl!

'Eh bakit naman siya mahihiya sayo Audrey? Boyfriend mo ba yung pinagnanasaan niya?'

Ngali-ngaling sampalin ko ang sarili sa kung ano-anong naiisip. Dumiretso na lang ako sa banyo at doon naglabas ng sama ng loob. Literal na sama ng loob ang inilabas ko. Nakatayo lang ako sa harap ng salamin habang inis na pinagmumura si Rafael sa utak ko.

We are on a plane. Actually, a private plane owned by Rafael. Pupunta kami sa Hacienda Callejo. Doon na kami tutuloy dahil mas safe daw kami doon.

Bakit bigla na lang kami pupunta doon at bakit ako pumayag?

Ganito kasi yun...

[FLASHBACK]

"Wait, stop." Pigil sa akin ni Rafael at hinarang ang braso niya sa harapan ko.

Ipapasok ko na sana ang susi para buksan ang pintuan ng bahay ngunit bigla na lang siyang naging ganito.

Kunot ang noo niya habang salubong ang mga kilay. He sniffed and his iris noticeably changed its color. From light brown to almost golden yellow.

Itinago niya ako sa likod niya at paunti-unting umaatras kaya umaatras din ako.

"B-Bakit?" Kabado kong tanong dahil sa inaakto niya.

"May ibang narito." Aniya saka hinawakan ang palapulsuhan ko.

"Magpapalit anyo ako. Sumakay ka sa likod ko at kumapit ka ng maigi." Aniya saka lumayo ng konti sa akin at biglang nag-anyong wolf.

Chogi...

"Quick, get on my back!" Rinig ko ang boses niya.

"Oo." Sabi ko saka sumampa sa likod niya at kumapit ng maigi. Bigla siyang tumakbo at doon ako napatili.

I saw three black wolves running after us.

"Chogi! Este Rafael! May humahabol satin!" Sigaw ko. Saka mas lalong kumapit sa likod niya.

"Kaya nga ako tumatakbo, stupid!" Aniya

"Stupid?! Excuse me?!" Angal ko at bigla siyang huminto sa pagtakbo.

"Bakit ka huminto?!" Nagpapanic na tanong ko dahil tanaw ko sa di kalayuan ang tatlong humahabol sa amin.

"Naiintindihan mo ako? Paanong—"

"Hindi na yan impirtante ngayon! Malapit na sila!" Putol ko sa sinasabi niya at tumakbo na siya ulit.

Nang nasa highway na kami ay may puting sasakyan na nakahinto sa kabilang dako. Lumapit doon si Rafael at ibinaba ako. He came back to his human form. Agad akong napapikit dahil wala siyang saplot.

Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas doon si Professor Callejo. May binigay itong roba kay Rafael at bumaling sa akin.

"Sumakay na kayo." He said in a haste and we obliged.

Agad na humarurot ang sasakyan palayo doon.

"They eventually found you. I think they followed me. Kaya nalaman nila kung saan ka tumitira ngayon." Ani prof habang may dina-dial sa cellphone niya.

"Ihanda na ang private plane ni Kuya. Uuwi na siya sa Hacienda." Utos ni Prof ng mah sumagot na sa kanya.

"T-Teka... Paano ako?" Tanong ko. Kung uuwi si Rafael sa Hacienda nila ay paano ako? Paniguradong matutunton ako ng mga humahabol sa kanya.

"You're coming with me." Ani Rafael habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Tila may malalim na iniisip.

"P-Pero may pasok ako."

"Ako na ang bahala sayo. You'll be excused for the meantime. Kung magtatagal ka sa Hacienda, pwede kang mag home study muna dahil delikado rin para sayo na lumabas ng Hacienda." Ani Professor.

"Pasensiya ka na Audrey at nadamay ka pa dito." Hinging paumanhin pa niya.

"Ayos lang po."

"Tsk! Flirts." Komento ni Rafael kaya napalingon ako sa kanya.

"Anong flirt?!" Inis na tanong ko.

"Y-You heard?" Tanong niya.

"Oo ang lakas kaya ng pagkakasabi mo!"

"Woah..." Professor Gabriel exclaimed while watching us.

[FLASHBACK ENDS]

Inis pa rin ako sa sarili ng lumabas ako sa CR. May isang stewardess na naghihintay sa paglabas ko at nakasunod lamang sa akin ng pabalik na ako sa upuan ko na kaharap ng kay Rafael.

Nang maupo ako sa harap niya ay busy na siya sa binabasang libro. Napairap na lamang ako. Kanina ay halos mamatay na siya sa kakatawa. Ngayon ay parang di na ko napapansin sa sobrang abala niya.

Ano naman kung di niya ako pansinin ngayon? Pabor nga sa akin yun eh.

"Maligayang pagbabalik Señorito Rafael." Sabay-sabay na pagbati ng mga nakahilerang kasambahay na sumalubong sa pagdating namin ni Rafael.

"This is Audrey, she's my girlfriend." Anunsiyo ni Rafael na ikinagulantang ko at ng buong mansiyon.