webnovel

My Mother's Identity

Sa murang edad ay nakilala ni Renzo si Cassandra ng minsan magkita ang dalawa sa bahay ng mga Sebastian. Guwapo at matalino si Renzo kaya walang babae ang hindi magkakagusto dito. Kasama sa mga babaeng iyon ay si Cassandra. Maganda at mabait si Cassandra. Wala siyang hindi gagawin para sa kanyang mga magulang. Ngunit lahat ng pangarap nito sa pamilya ay naglaho ng ibigin nito si Renzo Sebastian. Minahal ng dalawa ang isa't isa. At naging masaya ang mga araw na nagdaan sa mga ito. Nang malaman ng mag-asawang Sebastian ang relasyon ng dalawa ay agad na pinaghiwalay ng mga ito sina Renzo at Cassandra. Pero huli na ang lahat at nagtanan ang dalawa. May nangyari sa mga ito at nabuntis si Cassandra. Nang bumalik sila sa tahanan nila Renzo ay akala nila ay magiging maayos na ang lahat, ngunit nagkamali sila. Pinaglayo pa rin ang dalawa ng mga magulang ni Renzo hanggang sa pinalayas ng mga ito si Cassandra. Naiwan ang anak ni Cassandra sa mga biyanan nito kasama si Renzo. Tuluyan na kayang magkakahiwalay ang dalawa? Oh pagtatagpuin pa rin sila ng pagkakataon pagkatapos ng ilang taon? Abangan...

ynah_mendozaaa · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
3 Chs

Prologue

Masayang nakatitig si Cassandra sa maluwang at kulay berdeng lupain ng mga Sebastian. Puno ang mga lupain ng iba't ibang halaman. Maging ang lupa na kinatatayuan ng malaking bahay ng mga Sebastian ay nalalatagang ng mga berdeng bermuda grass.

Naghatid siya ng mga sariwang gatas sa malaking bahay ng mga Sebastian. Nanggaling ito mula sa mga kalabaw na alaga ng kanyang mga magulang. Regular niyang dinadalhan ng sariwang gatas si Sir Ramon Sebastian isang beses isang lingo. At isa ito sa mga makapangyarihang tao sa kanilang lugar.

Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na siyang nagpunta sa lugar na iyon para magdala ng mga gatas. Kaya maging ang mga tao sa malaking bahay na iyon ay halos kakilala na niya sa mukha.

May tatlong anak sina Sir Ramon at Ma'am Kristina. Ang panganay ng mga ito ay tinatawag ng mga kasambahay na Renzo, si Ryan naman ang pangalawang anak ng mga ito. Samantalang Jopany naman pangalan ng bunsong anak ng mag-asawang Sebastian.

Nakikita niya ang mga ito ng madalas pero sa malayuan lamang. Nagtatago pa siya kung minsan dahil baka magalit ang mga ito kapag nakita siyang tinititigan niya ang mga ito lalo na si Renzo.

Minsan ay nakita niyang nasa hardin ito at may kausap sa cellphone. Nakaputing tshirt lang ito at pants pero hindi niya mapigilan ang humanga sa taglay nitong kaguwapuhan. Maputi ang mga balat nito na halatang kutis ng mga mayaman. Matangkad din ito sa normal na taas ng mga lalake na kasing edad nito. Matangos ang ilong nito na para bang inukit ang hugis nito, perpekto rin ang mga labi nitong mapupula at mapang-akit. Napailing na lang siya sa mga sumunod na sumagi sa kanyang isipan dahil sa labi nitong gumagalaw habang may kausap ito sa cellphone.

Nagulat pa siya ng bigla ay lumingon ito sa gawi niya at nakita niyang napatingin ito sa kanya. Napatuwid tuloy siya ng tayo saka niya hinawakan ng mahigpit ang basket na dala niya. Mabilis siyang lumayo sa kanyang pwesto at wala siyang balak na magtagal pa. Nakita niyang nakatitig pa rin ito habang papalayo siya.

Hindi niya alam kung bakit kumakalabog ang dibdib niya ng mga oras na iyon ng malaman niyang nakita siya ni Renzo. Wala naman siyang ginawang masama pero takot na takot siya ng makita siya nito. Simula noon ay hindi na niya tinangka pang titigan si Renzo ng palihim.

Kasalukuyan siyang naglalakad papunta sa malaking bahay ng mga Sebastian matapos niyang titigan ang magandang lupain ng mga ito. Nasanay siyang tumawag sa labas ng pinto ng kusina ng malaking bahay ng mga Sebastian para doon niya iabot ang mga gatas na dala niya. Kakilala na niya ang mga kasambahay sa bahay na iyon lalo na si Sarah na isa sa kanyang mga pinsan. Ito ang nag-alok sa kanyang tatay na magdala ng mga gatas para sa mga Sebastin kaysa sa iba pa raw kumuha ang mga ito kaya simula noon ay siya na ang inuutusan ng kanyang mga magulang para mismong magdala ng mga gatas sa bahay ng mga ito.

"Oh Cassandra, ikaw pala. Pasok ka." Bati sa kanya ni Sarah na nasanay na sa pagpunta niya sa bahay ng mga amo nito.

"Salamat Sarah..."

"Umupo ka muna dyan at ikukuha kita ng maiinom. Pati ang pambayad sayo ay kukuhanin ko na rin."

Tumango na lang siya sa kanyang pinsan. Alam naman niyang hindi ito magtatagal at babalik rin ito agad. Iniiwasan niyang hindi na magkrus ang landas nila ni Renzo at mahirap na. Kaya hangga't maaari ay binibilisan na lang niya ang kilos kapag naghahatid siya ng mga gatas sa bahay na iyon.

Isa-isa niyang nilapag ang bote ng mga gatas sa lamesa para makaalis siya agad pagkatapos na iabot sa kanya ni Sarah ang bayad ng gatas na dala niya. Nasa huling bote na siya ng gatas na ilalagay sana sa mesa ng may boses siyang narinig kung saan at unti-unti ay lumalakas ito habang tumatagal. Muntik pa siyang mapamura ng makita niyang biglang lumabas mula sa kung saan si Renzo at maging ito ay nagulat rin ng makita siya.

"Sino ka?" Matapang na tanong nito sa kanya.

Hindi siya agad nakasagot at bigla namang nanginig ang kanyang mga tuhod. Lumakas naman ang kalabog ng dibdib niya na parang may tambol sa loob nito. Nakita niyang nakatitig ito sa kanya.

First time niyang makita ito ng malapitan at muli ay na starstruck naman siya. Mas guwapo pa pala ito sa malapitan. Kaya hindi niya alam kung ibubuka niya ang kanyang bibig o hindi na lang siya magsasalita. Sa huli ay kahit na puno ng kaba ang puso niya ay sinubukan pa rin niyang sumagot sa tanong nito.

"A-a a-ako po siiii..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng dumating si Sarah at nagulat ng makita ang isa sa mga amo nito.

"Sir, si Sarah po ang nagdedeliver ng mga gatas para sa Papa ninyo." Paliwanag ni Sarah kay Renzo.

Bahagya pa nitong tiningnan ang mga bote ng gatas sa mesa na inilapag niya, pagkatapos ay bumalik muli ang titig nito sa kanya. Dahil doon ay nakita naman niyang parang naniwala ito sa sa sinabi ni Sarah kung bakit siya nasa bahay ng mga Sebastian.

"Okay, pagdala mo miryenda ang mga kaibigan ko sa sala." Utos nito kay Sarah na agad namang kumilos. Tumalikod naman si Renzo sa kanya at napagmasdan niya ang muli nitong pagsulyap sa kanya bago ito umalis. Ipinamulsa pa nito ang isang kamay sa suot itong pants kaya nakita niya ang paghapit ng suot nitong tshirt na cotton na humapit sa malapad nitong balikat. At naiwan naman siyang nakatulala sa pintong nilabasan nito.

Nakaramdam siya ng lungkot ng maisip niyang hindi naman pala mabait ang lalaking pinapantasya niya. Ni hindi nga ito nagpakilala man lang sa kanya. Napakagat na lang siya sa ibabang bahagi ng kanyang labi. Ganoon pala ang pakiramdam kapag hindi ka man lang napansin ng taong hinahangaan mo. Kausap niya sa sarili.

Nagpaalam na lang siya kay Sarah habang naghahanda ito ng mga pagkaen gaya ng inutos ng amo nito.

"Hindi ka man lang ba iinom ng juice, Cassandra?" tanong sa kanya ni Sarah ng abutin niya ang bayad ng gatas na dala niya.

Umiling na lang siya at saka ngumiti sa pinsan niya. "Okay lang ako pinsan. Dadaan din ako sa palengke at may pinabibili si nanay na sangkap ng ulam na lulutuin niya mamaya." Pagdadahilan niya.

"Oh sige, sa susunod na lang kita pag mimiryendahin." Pangako nito sa kanya. At tuluyan na nga siyang nagpaalam kay Sarah bago naman siya maabutan ng masungit na Renzo na iyon.