webnovel

My Immortal Lover Series

Maverick is a reincarnate by Hephaestus, the God of Fire in Greek Mythology. He currently lives in London and he is one of the most eligible bachelors in his country. He is also one of the Board of Directors of the largest company in the world named G&A International Corporation. He knew that his life wouldn't be as simple as a mortal knows because of his ancient clan inception. It has remained a secret which his ancestors kept in million of years. Sa kabila nito, namuhay pa rin siya sa paraang alam niya na hindi nakakaapekto sa iba ayon na rin sa batas na sinusunod niya at ng iba pang mga nilalang na may kakaibang kakayahan. Ang iniingatan nilang lahi ay nagmula pa sa isang kasaysayan ng sinaunang Griyego, ang isang mitolohiya. Hanggang isang araw, dumating sa buhay ng binata ang dalagang magpapabago sa kanyang buhay bilang isang imortal. Michelle De Lumen or Mitch is a mortal woman who lives in the Philippines. She is working as an undercover agent for the world's largest company where Hephaestus is one of the owners. Naatasan siyang mag-spy sa isang malaking drug syndicate sa London sa ilalim ng pamumuno ni Dione Aphrodite na kabilang rin sa Board of Directors subalit ang hindi niya alam ay mas malalim pa ang dahilan kung bakit siya naroon. Paano kung matuklasan niya na ang lugar na lubos niyang hinahangaan ay isa palang misteryoso at mahiwagang lugar para sa kanya? Paano kung malaman niyang itinakda palang ialay niya ang kanyang buhay gamit ang isang katana, ang sandatang magdurugtong sa kanila ng binata kasama ang isang propesiya?

Magzz23 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
3 Chs

Chapter 3

Isang umaga, napakapayapa ng pag-usbong kasabay ang pagsikat ng haring araw sa silangan. Payapa rin ang dagat na tulad nito ang isang repleksiyon ng bughaw na kalangitan. Ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula pa sa kung saang bahagi ng lugar. A wondrous place! That was her first glance of the sea when she woke up in the morning. Mula sa kinatatayuan niya sa balcony, kitang-kita roon ang buong paligid ng Green Valley. Nasa mataas na bahagi ng lupain ang kinatitirikan ng resthouse na iyon at noon lang niya ito napansin.

Wow! Hindi talaga ako magsasawang hangaan ka, Green Valley! Hindi ko inaakalang may dagat pala rito. Parang gusto kong magswimming. Oh! Shut up! Michelle! Pinagalitan niya ang sarili. You are not here for a vacation. Nandito ka para magtrabaho! Dismayado siya sa isiping iyon. She turned back to the open door of the balcony to start the day.

Like what Dione told her yesterday, she gave all the information and other details about the Mafia Leader and his son. Iyon ang nakasaad sa confidential files na nabasa niya noong unang binigay nito ang envelope. Uzik Umerged! Iyon ang pangalang susubaybayan ko. Pangalan palang baklush na. Para tuluyang maging pulido ang kanyang misyon ay kailangan muna niyang magpanggap bilang guests roon. Nakihalubilo siya sa mga bagong guests na dumating doon na nanggaling pa sa iba't ibang panig ng mundo at sumabay sa kanilang paglilibot. May special tour rin ang mga gustong maglibot sa buong lugar at dahil kaisa niya sa misyon na iyon ang mga may-ari, malaya siyang magagawa ang gusto niya habang nag-iimbestiga.

"Michelle!"

Gulat na napalingon siya sa likuran niya nang may tumawag sa kanyang pangalan. Nasa guests lounge pa lang sila at nagsisimulang mag-orient ang tour guide.

"Jho?" Nanlaki ang mata niya nang makita ang kaibigan. "Jho! Ikaw nga!" Dali-dali niyang nilapitan ito at niyakap. Halos isang taon na rin silang hindi nagkikita at nagkakausap kaya ganoon na lang ang pananabik na makita ito. "Oh my God! Ikaw nga!" Hindi siya makapaniwalang magtatagpo ang landas nilang dalawa sa mismong lugar na iyon.

"Yeah. It's me. Is there anyone else you think you'd see here?" Anito nang maghiwalay na sila mula sa pagkayakap.

"Not really. Sa nguso mo palang alam ko na ikaw iyan! Peace!" Nagpeace-sign pa siya sa daliri.

"Aba! Gusto mo atang maghiwalay iyang fluffy cheeks mo ano?" Pabirong wika nito.

"Hahaha! Ano ka ba! Don't act like that. Ngayon lang tayo nagkita saka isa pa assets ko ang mga cheeks kong kasing lambot ng cotton candy, okay? By the way, what are you doing here?"

"Ah. Wala. Bored kasi ako kaya isinama ko muna sa bucket list ang lugar na ito. And you, what are you doing here?"

"Same as yours. Vacay of course!" Hindi niya sinabi rito ang totoong dahilan.

"Wow! That's great!"

"Bakla, magkwento ka naman! Saan ka ba nagsususuot? And where's Khorie?"

"I don't know. After we left our group, hindi na kami nagkita pa."

"Really? Nakakalungkot naman."

"Huwag ka ng malungkot. Nandito naman ako. Explore na lang natin ang lugar!"

"Sabagay," bigla siyang sumigla. "Sige-sige! Good idea!" Magandang pantakip na rin ito sa tunay kong pakay. Nagmanman ka na gumala ka pa o diba?

"Ay teka, saan na ang mga guests?" Nagtatakang tanong ni Jho nang mapansin nilang wala na ang mga guests sa paligid nila. Ni hindi man lang nila napansin dahil abala sila sa pagkukuwentuhan.

"Shaks! Oo nga! Asan ang—— " Palinga-linga sila sa paligid upang hagilapin ang mga ito subalit iilang crew na lang ang nakikita nila roon.

"Patay! Naiwan na tayo! Kasi ikaw eh ang daldal mo!" Kunyaring sisi nito sa kanya.

"Oh! Me? Ang ingay kaya nating dalawa, friend!" Kahit saan naman sila ilagay ay maingay na talaga sila lalo pa siguro kung kumpleto sila.

"Good thing you knew, women!"

Natigil ang dalawa sa pagdidiskusyunan nang lumapit sa direksiyon nila ang isang lalaki. It was the guy who caught her attention when she looked at his profiles last night. He had that massive look while staring straight down at her and her friend Jho. Nagmistula kasi silang unano sa paningin nito dahil mas matangkad ito kumpara sa height nila. Well, matangkad lang ito ng ilang pulgada sa kanilang magkaibigan. Tangkad niya! Kaunting tingala lang naman ang gagawin nilang dalawa kaya ayos lang.

"Are we clangorous?" Ang kaibigan niya ang naunang nagsalita.

"It's not an obvious?" The man said in sarcastic way.

Bumulong ang kaibigan niya sa kanya. "Pigilan mo ako. Babawasan ko ng pagkapogi ang isang ito!" Medyo may pagkaangas ang dating ng kaibigan lalo na sa kilos lalaki nito.

"Kalma ka lang," pigil niya rito.

"I heard you. Bubulong-bulong pa kayong dalawa." Hindi pa rin ngumingiti ang binata sa kanila.

Medyo natahimik silang dalawa at napahawak na lang siya sa braso ng kaibigan. Ewan ba at kagyat na may namumuong kaba sa kayang puso nang makita niya ng personal ang binata. Oo at sa profile lang niya ito nakita ngunit iba rin pala ang impact niyon sa kanya lalo na at laman ito ng isipan niya noong nagdaang gabi.

"S-sir, kasamahan niyo ba ang tour guide? Baka sakaling makahabol pa kami. Sayang naman kasi iyong araw namin," kunwaring sabi niya kahit na alam niyang hindi ito nagtatrabaho roon. Hindi na rin siya nagtataka na alam nito ang lengguahe niya lalo pa at nakakuha rin siya ng impormasyon tungkol sa bagay na iyon.

"No! I'm not a staff here! I told you, you're not going or be with the other guests. You are too annoying. Kaya umalis na sila dahil sa ang iingay niyo!" Ni hindi man lang ito ngumingiti at hindi inaalis ang tingin sa kanilang dalaw.

Suplado naman ng lalaking ito! Hindi naman kami maingay! Grabe!

Mas lalo lang napakunot ang noo ng binata sa kanila. Sakto namang may biglang pumasok na grupo ng mga kalalakihang halos foreigner ang lahi na naglalakad patungo sa direksiyon nila. A group of bachelors and handsome men in town! Bahagyang natigil ang mundo niya nang personal na niyang makita ang mga ito na noon ay nasa screen lang ng laptop niya pinag-aaralan. Hindi niya mawari ang isang bagay na malaki ang epekto sa kanyang katauhan lalo na ang binatang pumigil sa kanila kanina.

"Hey! What's going on here?" Si Apollo.

Kasama ang iba pa na nagsidatingan papasok ng guests lounge. Mukhang naramdaman na rin ng mga ito na may hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila at ng lalaki.

At ang mga Diyos ay bumaba na sa lupa! Bulong ng isipan niya.

"These two women, their tour guide left them because they are noisy and annoying." Inunahan na ni Hephaestus ang magsalita bago pa man sa kanila.

"Ah, nag-ingay kayo? Bakit naman? Baka na-excite lang sila." Si Demeter na naupo sa couch habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Sorry po. Maligalig lang naman kami dahil ngayon lang kami ulit nagkita. And correction, we were a bit noisy but we didn't annoy the other guests, that's roughshod!" Taas noong pagtatanggol ng kaibigan niya. Ito pa naman ang tipo ng kaibigan niyang ipinaglalaban ang kanilang karapatan.

"Yeah. She's right!" Dugtong niya. "Ah ganito na lang po sir, tutal kami naman po ang may kasalanan sa susunod na lang po kami maglilibot." Siya na rin ang humingi ng dispensa rito.

"Ipasyal mo na sila, Hephaestus! Tutal ikaw naman ang humarang sa dalawa." Suhestiyon ni Achilles rito na isa sa mga binatang dumating.

"Yeah. That's the best idea," dugtong ni Anchises. "So, why don't you take them to a wide tour?"

"What!?" Mas lalo lang nag-react ang binata. Bakas sa mukha nito ang bahagyang pagkainis dahil sa ideyang iyon ng mga kaibigan.

"Para naman hindi masayang ang araw nila dito. Am I right, girls?" Si Anchises ulit na pabor sa kanilang dalawa.

Buti pa ang isang ito. Pabor pa sa amin! Salamat, Oppa!

Tumango lang silang dalawa ng kaibigan niya. Pero hindi niya gusto ang idea na ipapasyal sila ng lalaking iyon. Suplado type. Putik! Di bale na lang! Ikaw na lang, Oppa. Tukoy niya sa lalaking pabor sa kanila. Napapangiti ito habang nakamasid sa kanilang dalawa.

"Eh, kung hindi mo sila ipapasyal, kami na lang ni Anchises." Suhestiyon na rin ni Hermes sa dalawa na naroon din at nakaupo sa couch.

"Oh, sakto wala kaming ginagawa. Ikaw Ares? You want to join?" Bumaling si Anchises kay Ares na tahimik lang na nakaupo di kalayuan. Hindi ito nakikigulo katulad ng mga binatang nasa harapan nila ngayon.

"Don't ever mention my ancient name! I'll kill you!" Matalim ang mga tingin nitong tumugon sa kaibigan saka nito ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon.

Agad na sumagi sa isipan niya ang detalye ng mga karakter ng bawat miyembro ng G&A Int'l Corp. Napagtanto rin niyang may iilan lang ang maayos makitungo at may iilan ding hindi. Tulad ng isang iyon!

"It's okay, sir! Nakakahiya na sa inyo. Aalis na lang kami," akma na sana silang lalayo sa lugar na iyon nang pigilan sila ni Persius na biglang sumulpot sa kung saan na hindi nila namalayan.

"Hey! Wait!"

Natigil naman sila ng humarang ang isang lalaki na nakilala na niya kahapon pa. Si Persius. At tuluyang na silang bumaba lahat mula sa Olympus! Napansin niyang madalas napapangiti ang mga binatang naroon sa tuwing may iniisip siya at hindi nakaligtas iyon sa kanyang paningin. Bakit? Ano meron? Bakit sila napapangiti? Nababasa ba nila ang nasa isipan ko? Weird ah! Si Persius naman ay seryosong nakatingin sa mga lalaking naroon na may ibig ipahiwatig ngunit walang salitang namutawi sa bibig nito. Muli itong bumaling sa kanila ng kaibigan niya.

"If you had any trouble with these guys, I am sorry for that. Anyway, if you want to explore the place, I suggest Maverick to show you around. You are our guests here, your satisfaction with our services is important." Pormal nitong wika sa kanilang dalawa.

Napakapormal naman ni Persius! Buti pa tong isang 'to!

"Okay. Pero isa lang ang ito-tour ko. And this is for today only," pagsusungit pa rin ng binatang si Maverick Hephaestus. "And you, come with me." Bumaling ito sa kanya.

"Huh? Ako?" Nag-aalangan pa siya sa sarili.

"Hindi! Siya!" Pilosopong sambit nito saka tinuro ang kaibigan.

Kuyom ang kamao niya nang sandaling iyon. Nais niyang pigilan pa ang sarili at habaan ang pasensiya sa ipinakitang ugali ng binata sa kanila. Kalma ka lang Michelle! "H-how about my friend? Bakit hindi na lang kaming dalawa tutal parehas lang naman iyon."

"Oo nga. Parehas lang naman," dugtong ng kaibigan niya.

"Huwag na kayong magreklamo! Come with me." Sabay nagpatiuna na itong maglakad palabas ng guest lounge. "Bilisan mo!" Lumingon pa ito para dugtungan ang sinabing iyon.

Aba...kung makautos!

"Sige na sumama ka na, Michelle."

"Eh, paano ka?"

"Ako na ang bahala sa kanya." Presenta ni Persius.

"Ah, s-sige. See you later, friend." Nag-aalangan man siyang iwan ang kaibigan ay sumunod pa rin siya sa binatang pinaglihi sa lahat ng kasungitan sa mundo.

"Sige. Ingat ka," anito sa kanya,

Napatingin na lang siya kay Jho saka siya tumalikod at hinabol ang may sapak na binata. Panira ng araw ang lalaking ito! Naku, kung hindi ka lang isa sa member dito kanina pa kita sinapak! Si Jho naman ay sumama kay Persius na siyang personal na magto-tour sa dalaga. Naiwan naman sa loob ang mga binata habang pinag-uusapan ang mga dalagang kakalabas lang ng guest lounge.

"Iba rin ang moves ni Hephaestus. But, I felt something strange from them." Sambit ni Hermes nang tuluyan makalabas na ang mga ito.

"Ako rin. May kung anong attraction sila sa mga katulad natin. Hindi ko nga lang maintindihan kung ano iyon! Those two women's Inras are the same as Hercules' wife. They have the same Inra circulation on their blood vessel. It's different from the mortal beings we encounter every day." Si Demeter.

Hindi nila maiwasang pagkwentuhan ang dalawang dalaga na may kung anong espesyal para sa kanilang mga nilalang na may kakaibang kakayahan.

"I agree. That was what I felt, too. Malalaman natin iyan oras na may makukuhang impormasyon si Hephaestus. Besides, ang babaeng kasama niya ay isang under cover agent." Si Anchises.

Saglit na natahimik ang kanilang pag-uusap nang tumayo at magpatiunang maglakad palabas si Ares ng hindi nagpapaalam. Napuna agad iyon ni Achilles kaya tinawag niya ito.

"Bro! Where are you going? Sama kami!"

Sumagot si Ares ngunit hindi na ito lumingon pa sa mga kaibigan.

"Olympus!" Sigaw nito.

At mukhang natuwa pa ang mga ito.

"Alright! Let's go to Olympus!" Sambit ni Anchises saka sila sabay-sabay nagsitayuan upang sundan si Ares na nasa labas na ng lounge. Ngingiti-ngiti na lang silang naglakad habang sumesenyas-senyas at tila may pinag-uusapan na tanging sila lamang ang nakakaalam mula sa kanilang isipan.

Author's Note:

Nasa DREAME po ang karugtong and completed na. You can check My Immortal Lover Series or search my username Magzz23.

you can follow me too at naroon ang lahat ng mga akda ko. Salamuch!❤