Oh anak, anajan kana pala? Dumating knina mga ka team mo sa sepak takraw, may practice game daw kayo sa susunod na linggo, sabi ni nanay
Pano kaya to, ano kaya pipiliin ko? Yung practice game o yung pagsama ko sa Quezon?
Pareho naman kasing mahalaga sakin yun eh. Mahalaga yung practice game kasi kami ang magrerepresent ng school namin sa Regional meet sa sepak takraw.
Pero, mas pinili ko ang sumama sa Quezon, alam kong mali, pero sasama ako, susundin ko ang tibok ng puso ko.
Nay, pag dumating po ulit sila, pakisabi nalang na di po ako makakasama.
Halla, bakit anak? tanong ni nanay.
Basta po, may kelangan lang po akong asikasuhin.
Aah, nay magpapaalam po sana ako sainyo. Sa susunod na linggo po, wala po muna ako dito. Pupunta po kami ng Quezon. Titignan ko lang po papasyalan ko lang po yung pina-design sa akin na bahay. Sabi ko, pero di naman yun yung talagang dahilan ko. Gusto ko lang talagang sulitin ang bakasyon kasama ang babaeng pinapangarap ko.
Ok lang anak, sino ba makakasama mo dun? tanong ni nanay.
Sila mr and mrs. Delgado po, sagot ko.
Ahh, anak ba nila yung magandang bata noon na lagi mong kasama sa mga school activities nung elementary? tanong ni nanay.
Opo nay! siya po si Daisy! nakangiting sagot ko.
Abah anak, iba yang ngiti mo ah. May namamagitan ba sa inyo ni Daisy? sabagay, matulungin at mababait naman silang magkakapamilya. Wag ka lang papakampante, nag-iisang anak yan si Daisy. Sunud-sunod na sabi ni nanay.
Si nanay talaga! Wala naman pong namamagitan samin ni Daisy. Kaibigan ko lang po yun, at di naman po siguro masama makipag-halubilo sakanila diba po nay? palusot na tanong ko.
Oo naman anak, wala naman tayong ginagawang masama sa kanila. At maganda naman si Daisy, crush mo siya noh? pabirong tanong ni nanay
Si nanay naman, magagalit po ba siya kung aaminin kosakanya na crush ko siya? tanong ko
Anak, alam mo, babae ako pero magkakaiba kami ng pananaw at pagiisip ni Daisy. Kaya, di kita masasagot jan nak ha! Ang maipapayo ko sayo, sige, sabihin mo sakanya na crush mo siya. Kasi siya lang din makakasagot niyan. Payo ni nanay sakin.
Sige po, pag-isipan ko po nay, salamat sa payo.
wag niyo na po ako tawagin mamaya kapag kakain na, busog pa po ako. Pinakain po nila ako dun. Sabi ko.
Oh siya sige, basta pag nagugutom ka, lumabas ka lang sa silid mo at kumain ka dito ha. Adobong kang-kong ulam natin. Sabi ni nanay.
Opo, salamat po. Tugon ko naman.
* * * * *
Sa silid, di ko talaga makalimutan ang mukha ni Daisy. Napakabango niya, para siyang diwata sa kaniyang suot na puting dress. Kapag lumalabas daw siyang mag-isa, long pants ang ginagamit niya. Para daw walang mambastos sakaniya. Pero pag nasa bahay na, lagi daw siya naka-short at pinaparisan niya ng sleeveless na damit. Kanina lang daw siya nagdress ng ganun kasi bisita niya ako. Para sa akin, kahit anong isuot naman niya, maganda parin siya. Sa totoo lang, tatlong portraits na niya ang meron ako. Ikinabit ko na ang mga yun sa ding-ding ng kwarto ko. Lagi ko lang tinititigan bago ako matulog, para sumaya ang buong araw ko, siya ang unang una kong nakikita paggising. Masarap palang ma-inlove, kahit na walang kasiguraduhang maging kami, basta ang alam ko mahal ko na siya. Gusto ko lang talaga na makasama siya araw-araw. Yung walang iniisip na problema, yung palagi kaming masaya.
Inihanda ko na ang mga gamit ko papuntang Quezon, sinama ko na din yung mga portraits ko para kay Daisy maliban sa pina-unang ginawa ko. Saka ko na ibibigay yun, kapag handa na ako at tapos na kami sa pag-aaral. Oo nga pala, yung panyo niya sakin. Mabango parin hanggang ngayon. Di ko nilalabhan, baka mabura yung phone number niya. hehehe. Nag-aayos na ako ng higaan ko nang may tumawag sa akin. Isang napaka-liit na tinig, pero di ko talaga alam kung saan nanggagaling yung tinig. Pero nagulat ako sa nakita ko, nasa ibabaw ng drawer ko, isang nilalang na maliit, patulis ang tenga, at kakaiba ang kaniyabg suot. Natatakot ako pero sabi niya wag daw akong matakot, di niya daw gawain ang manakit. Pinalayas daw siya sa kanilang kaharian dahil nagkakagusto siya sa isang tao. Isa siyang duwende, ang pangalan niya ay Dindi. At isa siyang prinsipe ng mga duwende.
Sa una talagang anghirap paniwalaan, kinukurot ko ang sarili ko baka nananaginip lang ako. Pero siya pa mismo pumitik sa tenga ko.
"Matagal na kitang binabantayan, matagal ko nang alam ang laman ng puso't isip mo. Kaya wala ka nang maikakaila sa akin." sabi ng duwende
Talagang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, pero mejo nawawala na ang kaba at takot sa akin.
May ibibigay ako sa iyo, basta gagamitin mo lang ito sa mabuti. Sabi ng duwendeng si Dindi.
Ano yun,? nagtatakang tanong ko.
Ayan, na saiyo na! sabi ni Dindi
Ha? nagtatakang tanong ko
May kakayahan makabasa ng puso at isip ng tao, kaya mo ring magbuhat ng mga bagay na di nagagawa ng karaniwang tao, basta marami ka pang madidiskubre sa sarili mo. Osige, aalis na ako, tawagin mo nalang ako pag handa ka nang gamitin yang kakayahan mo. Sunud-sunod na sabi niya.
Te-Teka! Di kita maintin...
Biglang nawala si Dindi.
* * * * *
Lunes ng umaga nun, last week bago magbakasyon. Sem. break na namin sa susunod na linggo. Pag-pasok ko ng school, maraming bumabati sakin dahil sa pagka-panalo namin noong triangular meet. Ngiti lang ang naitugon ko, kasi nagulat ako, kilala na nila ako sa campus.
Kanina pa pala naka-abang sakin sina Raffy, Jone, Michael at Jovan. Sila lang naman ang natatanging kaibigan ko sa school. Mapanakit silang kaibigan, pero mababait naman. Paglapit ko palang, sipa at suntok sa braso agad banat nila sakin. Na ang ibig sabihin ay, Congrats!!! Si Jone lang talaga ang di nananakit, pero mapang-asar naman. Salamat ah! Di ko naman sana magagawa yun kung di dahil sa inyo eh. Napaka-supportive niyo kasi, yung tipong andun na ako sa court at mag-uumpisa na ang laban, pero kayo andun pa, abala sa pagchi-cheer sa mga babae.,
Alam naman kasi naming kaya niyo yun, kaya dun lang kami sa mga babae, kasi di nila kaya, sabi ni Raffy sabay tawanan at apiran pa.
At dahil nanalo kayo, ako manglilibre ng merienda mamayang recess. Pahabol ni Eljin.
Si Eljin nga pala, ang rakista naming kaibigan. Laging may dala-dalang gitara, kasi palaging may gig sa isang resto bar. Working student siya, at malapit sa mga chicks, maganda kasi ang boses at malakas ang dating kasi gwapo at maporma. Crush ng Campus, tuwing tumutug-tog siya di ko pinapansin, pero bigla nalang akong nagkahilig sa gitara simula nung nagkita ulit kami ni Daisy.
Nakakahiligan mo na rin pala ang gitara Dhon ah, kunin mo extra gitara sa bahay, sayo nalang yun, string lang kulang nun at konting pakintab, para magmukhang bago ulit. sabi ni Raffy.
Sige! tugon ko naman.
Habang tinititigan ko ang mga tipa ni Eljin parang sa isip ko kaya ko din, kaya hiniram ko muna at sinubukan kong tumugtog. Nagulat sila sakin, pati ako nagulat din, kasi kusang gumagalaw ang mga daliri ko upang makagawa ng magandang ritmo at melody. Fingerstyle ang tawag sa tipang iyon, halos lahat ay broken chords. Tinugtog ko ang kantang "I'm Yours" ni Jason Mraz. Bagong kanta palang yun kaya di pa kabisado ni Eljin.
Marunong ka pala eh, bakit ngayon mo lang pinakita samin.? nagtatakang tanong ni Eljin
"Ako nga rin nagtataka, di ko naman talaga alam mag-gitara. Nagulat ako sa mga daliri ko, kusang gumagalaw!". Paliwanag ko
Pero ayaw nila maniwala. Ganun talaga, pati nga ako di makapaniwala. Pati sa klase, marami akong mga naririnig na parang andaming nag-uusap sa likuran ko pero wala naman, naka-tikom ang mga bibig nila. Naalala ko yung nangyari kagabi sa kwarto ko. Yung sinabi ni Dindi, makakabasa ako ng isip at puso ng tao. Pero paano ko maintindihan, sabay-sabay sila.
Nakaupo ang guro namin sa math at nagbabasa ng libro. Tila nababasa ko din ang mga binabasa niya. Di nga lang maliwanag ang pagkakaintindi ko kasi mas marami akong naririnig na boses sa likuran ko. Nagfocus ako kay sir, at siya nalang talaga ang naririnig ko, natatawa nalang talaga ako kasi Math book ang cover ng libro pero love story pala ang nasa loob ng teksto.
Napansin niya akong nakatitig sakanya kaya tinawag niya attensyon ko.
Mr. Baturi, why are staring at me? mataray na tanong niya, ay este matapang pala.
N-nothing po sir! sagot ko pero mejo natatawa kasi tungkol sa sex yung binabasa niya.
Then why are laughing? tanong ulit niya
Kasi po, ahmm sorry po, pero nagbabasa po kayo ng kwento tungkol po sa sex! sagot ko.
Tawanan ang mga kaklase ko, alam ko na-offend ko si sir. Kaya ako humingi ng pasensya.
Siya pala si mr. De la Peña. Isang magaling na math teacher, bakla siya pero di halata sa tindig niya.
Mejo napahiya si sir kaya nagbigay nalang siya ng takdang aralin.
Pag-uwi ko sa bahay, diretso ako ng silid. Nagulat nalang ang nanay ko dahil nakalimutan kong magmano. Tinawag ko agad si Dindi, bigla naman siya sumulpot sa harap ko.
Bakit kaibigan? Nagustuhan mo ba ang bigay ko sa iyo? tanong niya na para bang alam din niya ang nangyayari nitong mga nakaraang araw.
Ano pang mga bagay na kaya kong gawin? taning ko sakanya.
Basta, malalaman mo din yun. Paalala lang, gamitin mo lang yan sa tama. Huwag kang manakit sa kapwa mo na ikaw ang nangunguna ng gulo. Paalam!!!
Haayyyss!!! Nawala na naman siya, pero ok na din. Atleast mejo naliliwanagan na ako.