*bell ringing*
"Please bring the index cards to the office later. I was just there the whole vacant time. Tomorrow, I will not accept more."
"Yes ma'am" sagot ng mga estudyante.
"Bye guys." nang makitang lumabas na ng silid ang guro ay nagsipagtayuan na halos lahat at nag punta sa kanilang kaniya-kaniyang circle of friends.
"Vergel ikaw na muna gumawa nito." sabi ni Joko habang hinahanda ang kani-kanilang pagkain.
"Ha? Pero kay Rafa trabaho yan di ba?"—Vergel.
"Ewan ko dyan."—Joko.
"Ayoko."—Vergel.
"Akin na nga."—Rafa.
"Hindi na. Ako na gagawa basta sakin yung grades ah."—Vergel.
"Wee sugapa."—Joko.
"Ba't ba nagpapakamatay ka sa grades?"—Rafa.
"Gusto ko lang yumaman."—Vergel
"Para ano? Para bagay na kayo ni Autumn?"—Joko
"Gago hindi."—Verge.
"Sabi mo eh."—Rafa.
"Akina nga yan. Gagawin ko yan."—Vergel.
"Mamaya na yan, kain muna tayo." sabi ni Joko. Binuksan na ni Vergel ang bag niya para kunin ang kaniyang baon nang makita niya ang isa pang baunan . Bigla niyang naalala na naghanda din si Dolly ng pagkain para kay Autumn. Pero nakita niyang palabas na ito ng classroom. Saan naman kaya ito pupunta?
"Hoy. Kumain kana."—Joko.
"Wait lang." Binitbit niya ang kaniyang bag at tumayo na upang sundan si Autumn. Tila ang bilis maglaho ni Autumn. Wala naman siyang mapagtanungan dahil bago pa lang ito sa school. At hindi pa ito ganun kabait para magkaroon agad ng kakilala.
"Asan ka ba?" naitanong niya na lamang. Tumingin siya sa paligid niya.
"Nandito ako sa canteen." nagulat siya nang marinig ang boses ni Autumn. Tumingin siya sa likuran niya ngunit wala naman ito.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong pa nito ngunit tanging boses lang ni Autumn ang naririnig niya. Kaysa naman magmukha siyang baliw, tinungo niya na lang agad ang canteen. Nakita niya nga ito na kumakain sa pinakasulok na walang kasalo o kasama sa lamesa.
After all at first glance, others may feel pity for Autumn. For a transferee and eating alone in the canteen. But he knew she could take care of herself.
"Anong kailangan mo?" tanong nito na hindi man lang siya tinitingnan at abala sa kinakain.
"Eto. Nakalimutan kong ibigay saiyo yung—" nagulat siya dahil wala na yung baunan sa loob ng bag niya. Napatingin siya sa kinakain ni Autumn.
"Hoy—" agad niya naman nasaway ang sarili niya na wag sigawan ang babae. Tahimik siyang naupo sa bakanteng upuan.
"Nasayo na pala hindi ka man lang nagsabi." pa bulong na sabi ni Vergel.Hindi siya pinansin ni Autumn. Matamlay niyang inilabas ang kaniyang baon.
"Pwede mo na ko iwan."—Autumn.
"Dito na ko kakain."—Vergel.
"At bakit? Naawa ka ba saken?"—Autumn.
"Hindi. Mapapagod lang ako pag pumunta pa ko sa room para kumain. Nagugutom na rin ako."—Vergel.
Autumn didn't say a word but she couldn't help but look at Vergel. She wondered why this man was so kind to her.
"Yung..yung nga kaibigan mo?"—Autumn.
"Iniwanan ko."—Vergel.
"Bakit?"—Autumn.
"Hinanap kita eh." nakangiting sagot ni Vergel at sinabayan pa niya ng pagkindat. Umiwas ng tingin si Autumn nang makaramdam ng pagkailang.
"So.." sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay bigla na lamang lumapit ang isang grupo ng kababaihan. Halos mabulunan pa si Vergel nang makita kung sino ito. Si Suzane. Isang bully. Tinatarget nya talaga ang mga bagong transfer.
" Nakarinig ako ng chismis na may bago akong laruan.. " naka crossed arm pang sabi nito. Sumesenyas si Vergel kay Autumn na umalis na sila pero hindi nagre-react si Autumn.
"Hoy mushroom, ipakilala mo nga sakin ang bago kong manika." utos nito kay Vergel.
"Uhm..." hindi alam ni Vergel ang dapat niyang isagot.
"Bingi ka ba?!" singhal nito kay Vergel. Naagaw na rin nito ang atensyon ng ibang tao sa canteen.
"Uhm..pero bago palang sya.. bakit? A..ano bang gusto mo iutos sa kanya? ako nalang ang gagawa."—Vergel.
Nagtawanan ang mga ito.
"Do it right away! No more buts and no more whys!" Halos mabungol si Vergel dahil hinila pa nito ang kaniyang tenga at doon siya sinigawan.
"Ano bang gusto mo?" tanong ni Autumn kay Suzane. Iba na ang mukha ni Autumn. Naningkit ang mga mata at mayroong matalim na pagtitig. Hindi niya din mawari kung malakas ba ang hangin o sadyang kusa lang nagalaw ang buhok ni Autumn. Ngunit tila si Vergel lang ang nakakakita. Para siyang isang demonyo...
"Uhm... nevermind..." nakaramdam ng kakaibang takot si Suzane kaya walang sabi-sabing tumalikod at umalis ng canteen kasunod ang mga kasama nya.
"Bakit hindi ka lumalaban?" kalmado na muli ang hitsura nito. Kumakain na parang walang nangyari.
"Sanay na ako."—Vergel.
"Gaano na katagal?"—Autumn.
"Hindi ko na din alam."—Vergel.
"Tapos na ko." Tahimik na tumayo si Autumn. Naiwan si Vergel na wala din imik. Marahil alam na ni Autumn ang dahilan kung bakit ganun sa kaniya ang ibang estudyante. Marahil alam na nitong pinagbibintangan silang angkan ng demonyo na malapit naman sa katotohanan.