webnovel

CHAPTER 39

Now playing: That Should Be Me - Kristel Fulgar Cover

Luna's POV

You might be asking what my role is in this story. Well, I'm happy to tell you that I fell for the girl first, but my best friend is the main character in the story, so I had no choice but to hide my true feelings. Kahit na ang kapalit noon ay ang pagkakataong nawala sa akin na mapansin at makita ni Elena.

Yes, you are right. My best friend and I both love the same girl.

But I can choose our friendship over pursuing my feelings for Elena.

I'd rather lose the girl I love than ruin my friendship with Kassandra.

So, all I can do now is watch Elena from afar, secretly smile whenever she laughs and smiles, and love her from a distance because I know we will never be together.

At kahit pa bigyan ako ng pagkakataon na makasama siya o maging akin siya, pipiliin ko pa rin palagi ang humakbang ng isang beses patalikod dahil kontento na akong mahalin siya sa malayo kahit hindi na maging akin pa.

Kahit na ang kapalit noon ay parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit sa tuwing nakikita kong masaya siya sa piling ni Kassandra. Merong kirot palagi sa dibdib ko na makitang nasasaktan siya minsan dahil sa kaibigan ko. Alam ko kasi sa sarili ko na I can also treat her right and I can take care of her the way kung paano siya alagaan at ingatan ni Kassandra.

Ang sakit lang isipin na hindi ko 'yun magagawa para sa kanya at hayaan na lamang siya sa piling ng best friend ko.

"Luna." Rinig kong pagtawag sa pangalan ko ng isang boses na kilalang kilala ko.

Well, inaasahan ko naman talaga ang pagdating niya kaya hindi na ako nagulat. Alam kong punong-puno ng katanungan ang isipan niya kaya siya nandito.

Napatikhim muna ako bago tuluyang humarap sa kanya. Ngunit bago iyon ay inayos ko muna ang aking ngiti para hindi awkward na makita niya.

"Elena." Pagbanggit ko sa pangalan niya bago siya inalok ng iniinom ko.

"Whiskey?" Ngunit mabilis na umiling ito. Kaya sa halip na titigan ko siya eh muling ibinalik ko na lang ang aking mga mata sa mga nagtatayugang mga gusali na makikita mula rito sa glass window ng opisina ko.

Tahimik na lumapit siya sa akin. At katulad ko ay walang imik na pinagmasdan na lamang din muna nito ang magandang view na nasa aming harapan.

Ang ganda niya kasing pagmasdan lalo pa at papalubog na ang araw.

"Uh, Luna pumunta ako rito---"

"Sorry for my behavior last night." Mabilis na putol ko sa kanya at paghingi na rin ng tawad sa biglang pag-walk out ko kagabi sa EK.

Hindi siya kumibo pero makikita mo sa pag kunot ng kanyang noo ang naghahalo-halong thoughts sa isipan niya.

Napalunok ako at muling uminom mula sa aking baso. Naghihintay ng tamang tyempo at lakas ng loob.

Napahinga ako ng malalim.

"I wish I treated you right before. Baka sakaling ako ang nakita mo noon at hindi si Kassandra." Panimula ko bago muling napalunok.

"How I wish..." Natigilan ako sandali bago siya muling nilingon at tinignan ng malamlam sa kanyang mga mata.

"How I wish I was the one who defended you whenever you were being bullied and getting into trouble, not the person who caused your troubles." Dagdag ko pa. "But I also know that I can't change the past, right? I can't take it back. All I can do now is support you and let Kassandra take care of you."

I laughed with sadness in my eyes, feeling the familiar pain in my chest.

"It's just funny because... you were my first love, habang first love niyo naman pareho ni Kassandra ang isa't isa." May pait sa tono ng boses ko habang sinasabi iyon.

"Luna..."

"Alam mo bang hindi lang si Kassandra ang nandyan para sa'yo noon?" Muling napalunok ako.

"Every time you achieve something at school, I felt so happy. I even find myself at flower shops, buying a bouquet for you, pero never man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na maibigay ang mga 'yun sa'yo. Kasi wala akong lakas ng loob dahil duwag ako. I always cheer for you every time you go up on stage because I'm so proud of you. I'm always there for you, Elena." Pilit na itinatago ko ang lungkot sa boses ko.

"I'm always there... even after you've been bullied, following you to make sure you're safe. Until one day, nagtagpo na ang mundo ninyo ni Kassandra." Napakagat ako sa aking labi.

I can never forget how painful it was to watch the girl you like gradually fall for your best friend.

"Yung araw na binigyan ka niya ng panyo, I was there. I watched you both while my heart slowly broken. I was always there when you hung out behind the gym, your usual spot, and I was there too na parang stalker. niyo" Pagpapatuloy ko pa bago natawa ng pagak. "Nagsisisi ako na binu-bully lang kita noon, na mali ang paraan ng pagpapapansin ko sa'yo. I wish...I wish naging mabuti ako sa'yo."

Muling huminga ako ng malalim. Ayokong magsayang ng kahit na anong minuto o segundo. Dahil ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat ng ito.

"Even sa eatery niyo. Gosh! I miss the taste of the food there. Doon ako kumakain, like, everyday. Paborito ko nga 'yung luto ninyo tuwing hapon, 'yung kulay orange na may itlog sa loob eh." Napapangiti na lang ako habang inaalala ang mga araw na iyon. Minsan pa nga nagti-take out ako dahil ang sarap-sarap niya for me.

"Kwek-kwek ang tawag dun." Paliwanag nito.

Natawa ako ng mahina bago muli siyang tinignan.

"Whatever. Basta gustong-gusto ko iyon." Nakangiting sagot ko sa kanya. Hanggang sa siya naman ang nagbawi ng kanyang mga mata mula sa akin.

"I-I'm sorry." Nakayuko na paghingi nito ng tawad. "Hindi ko alam na---"

"I was there." Putol ko sa kanya. "Palagi akong kumakain dun, hinihintay at tina-timing ko lang na wala kayo ni Mae para hindi niyo ako makilala. Until one day, nakita ko na lang na dinala mo na dun si Kassandra." Hindi ko maitago ang lungkot sa aking mga mata noong magtama muli ang aming paningin.

Mabilis akong nagbawi ng tingin. And I laughed bitterly as tears fell down my cheeks ngunit mabilis ko iyong pinunasan.

Sana kasi 'di ba? Ako 'yun. Hindi si Kassandra. Ako dapat 'yun eh.

Hindi ko na dapat pa sinasabi ang lahat ng ito, kasi para saan pa? 'Di ba? But I can't help it. I want her to know that she is loved and precious. I want her to know my feelings hindi para mahalin niya ako pabalik kundi para ipaalam sa kanya 'yung mga magagandang bagay na meron sa kanya na huwag niyang baguhin sa sarili niya because she's flawless for me.

"At ito?" Sabay pakita ko sa ID picture niya na nakita nila ni Mae sa EK. "Alam kong dahil dito kaya ka nandito. Gusto mong malaman kung bakit meron ako nito." Napatango siya.

"I got this picture of you from the studio where you had your photo taken. Actually, wala naman talaga ako dun. Napadaan lang ako. But I saw you kaya pumasok ako sa loob. I even paid the photographer to give me a copy." Nakangiting paliwanag ko sa kanya habang inaalala ang araw na iyon. Ang kyut niya kasing tignan.

"N-Nandoon ka?" Pagkukumpirma niya.

I nodded.

"Yes, I was there." Sagot kong muli. "Pinapanood ko kung gaano ka ka-adorable habang kinukuhaan ng litrato at habang nagtatawanan kayo ni Mae kasi puputok na ang unifom mo sa higpit dahil sabi mo nga hindi mo pa nakukuha ang bagong pinatahing uniform ng nanay mo." Dagdag ko pa.

Kaya dahil doon ay nagtawanan kaming dalawa at hindi niya namalayan na nahampas niya ako sa aking braso.

"Sira! Nakakahiya! Nakita at narinig mo pa pala 'yun." Wika niya habang tumatawa.

Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapatulala sa kanyang mukha habang tumatawa siya.

Oh, Lord. Kung kasalanan ang mahulog lalo sa babaeng taken na at girlfriend pa ng best friend ko, ako na ang makasalanan.

Pagkaraan ng ilang sandali ay muli kaming natahimik. Sabay kaming napatingin sa lubog nang araw.

"Minsan...sumasagi sa isip ko, tinatanong ko ang sarili ko, ano bang meron si Kassandra na wala ako? Bakit siya ang nagawa mong magustuhan?" Tanong ko sa kanya. This time...hindi ko na maitago pa ang lungkot sa boses at mga mata ko.

God! I really want to hug her and cry in her arms like a baby kahit ngayon lang. But I know I can't do that. Because if I do, I might crave her attention and love even more, and I don't want to do that to my best friend.

"Wala ring sagot sa tanong kung bakit siya ang nagustuhan at minahal ko." Sagot niya ngunit hindi nakatingin sa akin. "Ang tanging alam ko lang..." Napayuko siya. "Kulang ako at malungkot ang buhay 'pag hindi siya ang kasama." Tsaka nito sinalubong muli ang mga mata ko.

Kasabay noon ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. Napayuko ako at mabilis na pinunasan iyon.

"Sorry." Paghingi ko ng tawag.

"Luna..." Hahawakan sana ako nito ngunit umatras ako ng isang beses para umiwas.

"I'm fine, really." Sagot ko sa kanya bago siya binigyan ng isang malungkot na ngiti.

"Hindi ako makikipagkompetensya sa kaibigan ko, El. Kasi wala naman akong kailangang patunayan. Wala rin akong kailangang ipanalo lalo na kung sa umpisa pa lang alam kong talo na ako." Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang muling pag-agos ng luha ko.

"Alam ko naman na kahit na ilang taon pa ang lumipas, palaging siya pa rin, 'di ba?" Dagdag ko pa habang tahimik lamang din siyang nakikinig sa akin.

Natawa ako ng mahina.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako galit. Hindi rin ako nagtatampo kung bakit hindi ako. Kasi sapat na sa akin na malaman mo ang nararamdaman ko. Sapat na sa akin na makita kang masaya. Well, I can still be your friend...Okay na ako dun. Because that way, I know we'll last longer." Binigyan niya ako ng isang ngiti. Iyong ngiti na na-feel relieved siya sa mga sinabi ko.

"Thank you, Luna." Naluluha na wika niya. "Thank you kasi...naiintindihan mo ako. At t-thank you kasi mahal mo ng sobra si Kassandra to the point na hindi mo siya nakikitang kakompetensya." Dagdag pa niya bago mabilis na pinunasan ang sariling luha.

"Ayoko rin naman na magtampo ka sa kanya, kasi hindi rin naman niya kasalanan na minahal ko siya. Hindi rin niya pinlano o maging ako."

"I know." Sagot ko. "Hindi ko kayang magtampo sa kaibigan ko at mas lalong hindi ko kayang magtampo sa'yo. And please don't feel bad about it dahil sa mga nalaman mo at sinabi ko." Pagpapakalma ko sa kanya.

"You are both loved and you deserve each other." Sinasabi ko iyon habang nakatitig sa mga mata niya.

"You deserve each other." I'll repeat what I said while nodding, even though honestly, there's a certain pain in my chest as I say it.

"Gano'n naman talaga ang love, 'di ba?" Napiyok pa ako sa dulo. "Merong pinipili at merong hindi. Merong minamahal at merong hanggang tingin na lang. At least ako, I still can love you from afar. Okay na ako dun. Masaya na ako dun." Dagdag ko pa bago lumapit sa kanya at ginulo ang buhok niya.

"Kaya tahan na, please?" Pakiusap ko sa kanya. "Ayokong nakikitang umiiyak ka sa harap ko, nagiging cute ka sa paningin ko na parang baby." Ani ko. "Sige ka, kapag hindi ka pa tumahan riyan, ibi-baby kita." Pang-aasar ko pa para mag-light na ang atmosphere.

Natawa siya ng mahina habang nagpupunas ng sariling luha at sumisinghot rin.

"Oo, hindi na." Wika niya.

"Hindi. Gusto mo atang i-baby kita eh."

"Luna, stop it." Tumatawa na saway niya sa akin hanggang sa tumahan na siya ng tuluyan.

Noong kumalma na si Elena ay niyaya ko muna siyang mag-dinner bago ko ito inihatid pauwi.

Masaya ako na nasabi ko na sa kanya ang mga bagay na ilang taon ko ring itinago sa sarili ko. Gumagaan pala talaga ang lahat kapag nailalabas mo ito at nasabi ang nararamdaman mo sa taong gusto mo.

Wala nang kahit na anong regrets o what ifs dahil tapos na.

Hindi na rin ako umaasa pa dahil kontento na ako sa kung anong meron kami ni Elena.

At itong friendship na meron kami ang habambuhay kong paka-iingatan.

Pagkahinto pa lamang ng sasakyan ay kaagad na nagpasalamat sa akin si Elena bago tuluyang bumaba ng kotse.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ito noong mabilis na bumaba rin ako ng sasakyan, tinawag ang pangalan niya at nilapitan siya.

Kaagad naman na lumingon siya sa akin habang nagtatanong ang mga mata.

"I love you, Elena. Mahal kita."

Gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang mga katagang iyon. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang sabihin dahil para saan pa? Sarili ko lamang din ang pahihirapan ko. Sarili ko lamang din ang masasaktan.

"May...sasabihin ka ba, Luna?" Tanong nito kaya agad na bumalik ako sa realidad.

Mabilis na napailing ako habang nakangiti ng tipid.

"Nothing...uhmmm, good night, Elena." Binigyan din ako nito ng isang ngiti.

"Good night, Luna." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na niya ako at muling tinahak na ang daan papasok ng gate ng kanyang apartment. Habang ako naman ay hinintay ko muna siyang makapasok sa loob hanggang sa tuluyang mawala na siya sa paningin ko.

"I love you..." Malungkot na bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa building ng apartment ni Elena.

Tsaka ako natawa sa aking sarili bago napailing at muling pumihit pabalik sa sasakyan ko.

Apakasakit naman nito, Luna. :( Mapapa-that should be me ka na lang talaga.

Jennexcreators' thoughts