webnovel

My Fiancee is a Prostitute (Filipino)

Romano "Ram" Santiago is a well known businessman, kilalang kilala siya bilang isang magaling na negosyante at lahat halos ay kaya niyang paikutin sa kanyang mga kamay, hanggang iwanan siya nang kanyang pinakamamahal na nobya, at sa sobrang kalungkutan na nararamdaman ay nagawa niyang sumama sa isang prostitute a prostitute that turned out to be a virgin. Paano ang perpekto niyang mundo ay magugulo nang dahil sa isang prostitute na nagngangalang Atilla Salvador

jspanlilio · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
64 Chs

Uneasy Feeling

CHAPTER 14

-=Ram's POV=-

I can't seem to take my eyes off of her, ang tanging nakikita nang mga mata ko ay ang babaeng kasayaw ko nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, our bodies close together that I can hear every breath she tale, I can feel the heat coming from her body, and I can smell her scent that I'm getting familiar with.

"Puwede bang huwag mo akong tignan nang ganyan." nahihiya nitong sinabi nang sandaling tumingin ito nang diretso sa mga mata ko. I can see uneasiness behind those beautiful eyes of her.

"You look gorgeous tonight." I said huskily and I can see na mas lalo itong nailang sa sinabi ko lalo na't agad itong umiwas nang tingin.

"Dahil lang sa make up yan saka sa biniling damit ni Tricia sa akin." patuloy pa din ito sa pag-iwas nang tingin sa akin kaya naman awtomatikong umangat ang kanang kamay ko at maingat na tinaas ang mukha nito para magtapas ang aming mga mukha.

"With or without makeup you're the most beautiful woman that I have ever met." I said and when she smiled I felt that the whole room brighten with that simple smile.

I can't believe how genuine this girl can be, she's so innocent and pure that I feel the need to protect her sa kahit na anong bagay.

After our talk no words passes between us, I didn't say anything because I didn't see the need for words since our body is doing all the talking between us.

Wonderful tonight is playing on the background which perfectly suit the mood between us, totoo ang sinabi ko dito nang sinabi kong ito ang pinakamagandang babaeng nakilala ko sa buong buhay ko, in my eyes she's the most prettiest, lovely person that I have ever met.

"Ram tara maupo na tayo." narinig kong sinabi nito at doon ko lang namalayan na natapos na pala ang tugtog nang sinasayaw namin kaya naman iginiya ko ito patungo sa table kung saan nakapuwesto sila Jeffrey at Janine, kitang kita ang inggit sa mukha ni Jeffrey habang nakatingin sa dalagang kasama ko samantalang nakayuko lang si Janine, sa totoo lang wala akong pakialam sa kung ano ang iniisip ni Jeffrey dahil ang mahalaga lang ay ang babaeng kasama ko.

"Hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama mo Ram?" seryosong tanong ni Jeffrey pagkadating namin sa table nang mga ito.

"Sorry I forgot, Atilla this is Jeffrey with her fiancee Janine, guys this is Atilla." pagpapakilala ko sa mga ito, nakangiti naman inabot ni Atilla ang kamay nito sa binata at kahit ako ay nagulat nang halikan ni Jeffrey ang likod nang kamay ni Atilla na agad namang binawi ang kamay.

"Nice meeting you Atilla, you just don't know how lucky Ram to have a lovely date like you." he said at hindi ako makapaniwala na magagawa nitong makipagflirt kahit kasama nito ang fiancee nito.

"Excuse me guys, I just need to go to the powder room." hindi na ito naghintay nang sagot at agad nang tumayo at dumiretso sa ladies room.

"Excuse me din kukuha lang ako nang maiinom." paalam naman ni Atilla na mukhang nararamdaman ang tension sa pagitan naming dalawa ni Jeffrey.

"Wait kuha na lang kita nang maiinom." alok ko dito ngunit tumanggi ito, kaya wala na akong nagawa kung hindi pagmasdan ang papalayong likod nito, pagkawala nito sa paningin ko ay galit kong hinarap si Jeffrey na hindi pa din inaalis ang tingin sa pinuntahan ni Atilla.

"Wow Ram san mo nakilala ang babaeng iyon?" hindi ako makapaniwala sa kinikilos nito parang wala itong kasama sa kinikilos nito.

"Are you fucking kidding me?" I asked him at kita ko ang pagkagulat sa mukha nito na mukhang clueless sa pagiging insenstive nito sa maaring maramdaman ni Janine, yes Janine and I broke up dahil dito pero hindi deserve ni Janine ang ganitong pagtrato.

"If you want you can take back Janine and in return I will have your date." nakakalokong sinabi nito and it took all self control in me para hindi paulanan nang suntok ang pagmumukha nang hinayupak na tukmol na ito.

"Just shut up Jeffrey." I said dangerously at mukha naman naramdaman nito ang tinitimpi kong galit kaya naman biglang nawala ang ngisi sa mukha nito, matatanggap ko ang kahit na anong pang-iinsulto nito sa akin pero ang hindi ko matatanggap ay ang bastusin nito si Atilla.

"Chill Ram, just want to know kung saan mo siya nakilala." pagbawi nito, bigla naman akong natigilan sa tanong nito lalo na't hindi ko puwedeng sabihin dito na napickup ko lang ang dalaga at dating prostitute si Atilla.

"Nakilala ko siya sa..." to be honest I really don't know what to say kaya naman sobrang thankful ako nang may biglang nagsalita, at mas lalo akong nakahinga nang maluwag nang makita ko ang nakangiting mukha ni Miranda.

"Hi guys! Mind if I join you?" nakangiting tanong nito.

"Not at all please take a seat, why didn't you tell me na aattend ka pala" nakangiti kong alok dito at mahahalikan ko ito sa perfect timing nito sa pagliligtas sa akin sa awkward situation.

"Wow Ram hindi ko alam na kailangan ko palang magpaalam sa iyo, who are you my father?" sinabi nito kasabay nang mahinang tawa, totally nakalimutan na namin na may kasama pa pala kami sa table kung hindi pa ito tumikhim.

"Jeffrey nandiyan ka pala, kamusta ka na naman?" she asked innocently but I know her better naeenjoy nito ang pagkailang ni Jeffrey considering sa ginawa ni Matilda dito noon.

"I'm ok..... uhm nandito na pala si Janine sige alis na kami." paalam nito at pigil na pigil ako sa pagtawa habang pinagmamasdan ang nagmamadaling kilos ni Jeffrey, agad naman bumalik ang tingin ko sa best friend ko.

"What?!" natatawang tanong nito sa akin, acting innocent na parang hindi nito alam kung bakit ako natatawa.

Napapailing na lang ako sa pagpapaggang nitong inosente kahit alam naman namin dalawa kung anong epekto nito kay Jeffrey, kung sa akin madalang matakot si Jeffrey pero pagdating sa dalaga ay taob si Jeffrey.

"Anyway sinong kasama mo?" biglang tanong nito, at saka ko lang naalala si Atilla at sakto naman nang makita ko ang paparating na dalaga.

"Oh nandito na pala siya eh." nakangiti kong sinabi dito habang hinihintay ang papalapit na dalaga at naaninag ko naman ang excited na itsura ni Matilda lalo na nang maalala ko ang pilit nitong sinasabi sa tunay kong nararamdaman kay Atilla, yeah I admit it I like her pero hanggang doon na lang iyon.

"Sorry medyo nahirapan kasi akong hanapin ang pabalik dito." hinihingal pa nitong sinabi na sandaling tumingin kay Miranda nakatagilid kasi ito kaya hindi nito natitigan nang maigi ang bagong dating.

"That's fine, uhm Atilla I want you to meet my bestfriend Miranda, Atilla this is Miranda." pagpapakilala ko sa mga ito, nakangiti naman na humarap si Matilda kay Atilla kaya nakatalikod ito sa akin.

For some reason I heard a gasp from Miranda ngunit inisip ko na lang na baka guni guni ko lang iyon lalo na't medyo maingay sa paligid, ngunit kung nagdalawang isip man ako sa narinig ko ay hindi naman mapapasubalian ang nakita kong reaction sa mukha ni Atilla na para bang nakakita ito nang multo habang nakatingin sa mukha ni Miranda.

"Hello.... magkakilala ba kayo?" nagtatakang tanong ko dahil naweweirduhan ako sa mga kinikilos nang dalawang babae.

"Don't be silly Ram ngayon lang kaming nagkita ni Atilla, hindi ba Atilla?" tanong nito sa natamemeng dalaga na tumango na lang bilang tugon sa tanong ni Miranda, call me paranoid but I can sense something between them na parang may bagay akong hindi alam ngunit isinantabi ko na lang iyon dahil pakiramdam ko naman na guni guni ko lang iyon dahil wala akong nakikitang kakaiba sa kinikilos ni Miranda at maaring naiintimidate lang si Atilla kay Miranda.

Naging at ease naman ang atmosphere sa table namin, halos kaming dalawa lang ni Miranda ang nag-uusap at magsasalita lang si Atilla kapag tinatanong ito nang kaibigan ko.

"So Atilla nasaan ang pamilya mo?" biglang tanong nito kay Atilla.

"Ahh nasa probinsiya ang pamilya ko, mag-isa lang ako dito." nakayuko ito habang sumasagot ito, mukhang talagang naiintimidate ito kay Miranda kaya naiintindihan ko ang kinikilos ni Atilla.

"I see." iyon lang naging sagot nito sa sinabi ni Atilla at bumalik na ang atensyon nito sa akin, asking me various things there and then.

Mag aalas onse na din nang magpaalam kaming mauna na, I offered Miranda to take her home ngunit tumanggi ito at sinabing mag sstay pa ito for few more minutes and knowing her hours ang ibig sabihin nito.

"Xavier, Yesha, sorry we need to go kailangan na din namin kasing umuwi and thank you for the invites we really had a great time." pagpapaalam ko sa mag-asawa at pagkatapos non ay sabay na kaming dalawa ni Atilla na dumiretso sa kotseng dala ko, pinauwi ko na kasi ang kotseng sinakyan nito papunta sa party.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasan hindi mapansin ang pananahimik ni Atilla.

"Are you ok?" tanong ko dito kasabay nang banayad na paghawak ko sa kamay nito na nakapatong sa hita nito.

"Oo ok lang ako medyo nahilo lang ako sa dami nang tao kanina." sagot naman nito, hindi ko makita ang itsura nito dahil nakatutok ang mga mata ko sa pagdadrive.

"Kung si Miranda ang iniisip mo huwag kang matakot don mabait iyon kapag mas nakilala mo siyang maigi." natatawa ko naman sinabi dito.

"Gaano na kayo katagal magkakilala?" narinig kong tanong nito matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

"We've been best friends since college at lahat nga nang mga kakilala namin ay nagulat na naging magbestfriend kami, malapit kaming magkaibigan simula pa noon at hanggang ngayon, iyon nga lang nagpunta siya nang US at ilang taon din siyang nagstay doon, kakabalik nga lang din niya nang bansa. Bakit mo nga pala natanong?" balik tanong ko dito.

"Wa...wala lang." ang tanging naging sagot nito at muli ay natahimik na naman ito at nang sandali ko siyang tignan ay saka ko lang napagtanto na nakatulog na pala ito marahil dala nang pagod.

Napangiti na lang ako habang nagpatuloy sa pagdadrive, to be honest I want to take Atilla tonight but I don't I have the heart na gawin iyon dahil alam kong pagod ito at maliban pa doon ay kakagaling lang nito sa sakit.

"Good night sleeping beauty." I murmured nang binaba ko ito sa kama, ako na ang nagtanggal sa suot nito at matapos matanggal ang damit ko ay tumabi na ako dito at kinulong ito sa mga bisig ko.

I fell asleep right away, feeling contented while lying beside Atilla kahit walang nangyari ngayong gabing ito, knowing full well that I have all the time in the world for that.