webnovel

Chapter 7

Nagtataka si Blessie sa hindi pagpasok ng amo sa trabaho. Buong araw na naicancel niya lahat ng meeting ni Marius. Kanina pa din niya ito tinatawagan sa cellphone niyo. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Kahit ang pinsan nitong si Luis ay walang alam kung anong nangyayari kay Marius. Na lalong ipinagtaka niya. Malihim siguro ang amo niya. Kaya kahit sa sariling pinsan ay hindi it nagsasabi ng saloobin nito.

"Nakakamiss din pala ang parang leon kong amo. Ang tahimik ng araw ko kapag hindi niya ako sinusungitan. Pati ang pag sigaw niya sa akin nakakapanibago" usal ni Blessie sa sarili. Saka naitukod ang siko sa lamesa niya. At nakapalumbaba na nagpakawala ng buntong hininga.

Buong araw na walang ginagawa si Blessie kundi ang humarap sa kanyang laptop. Tapos na kasi ang mga trabaho niya na naibigay ni Marius sa kanya nuong isang araw. At sobrang bored na siya sa kanyang desk dahil sa hindi pagpasok ng kanyang leon na amo.

Sumapit ang uwian na matamlay na inililigpit ni Blessie ang mga gamit niya. Naishutdown ang laptop niya saka inayos ang lamesa niya. Pumunta siya sa opisina ng amo at nagpalinga linga sa buong paligid. Napakatahimik.

Lumapit siya sa table nito at hinaplos ang lamesa. Napansin niya ang picture frame sa ibabaw ng lamesa nito. Kinuha niya iyon at dinala sa labi para mahagkan. Nang biglang may tumikhim sa kanyang likuran. Nagulat siya at kunwari ay pinupunasan ang picture frame.

"What are you doing inside my office Miss Magsino?" tanong ni Marius habang naglalakad ito papalapit kay Blessie.

"Ah. Wala po Sir. Check ko lang po kung malinis sa loob ng opisina niyo" pagsisinungaling na sagot ni Blessie na halos mapatalon ang puso dahil gulat. Nasa likuran na pala niya ang amo niya.

"Hmm.." Marius hmm to agree on what Blessie answer to him.

"Pauwi kana ba?" dagdag na tanong niya.

"Opo. Lalabas na nga po ako. Baka nasa baba na si Luis" sagot ni Blessie at nagmamadaling humarap sa amo niya. Lalampasan pa lamang si Blessie ng hawakan siya sa braso ni Marius.

"Tawagan mo si Luis. Sabihin mo na hindi kapa uuwi" utos ni Marius. Hawak pa din ang braso ni Blessie.

"Huh? Alas singko na po. Tapos na po ang office hours. Akala ko nga po hindi na kayo papasok"

"Just do what I say. Ako na din ang maghahatid sayo pauwi" madiing sabi ni Marius at binitawan na si Blessie.

Humarap si Blessie sa amo niya. Inaarok kung seryoso ba itong ihahatid siya pauwi. Napakunot naman ng noo si Marius.

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"

"Baka hindi po kayo ang amo ko. Himala po kasi na ihahatid niyo ako sa bahay. Ano pong nakain niyo ngayon?" nagtatakang sagot ni Blessie.

"What do you mean?" nakakunot ang noo na tanong ni Marius. Para namang natakot si Blessie sa biglaang tanong na iyon ng Boss niya.

"Wala naman po. Kasi first time niyo po akong ihahatid sa bahay namin. Na hindi niyo naman po ginagawa. Naninibago lang po ako sa inyo" sagot ni Blessie. Tinitigan naman ni Marius ang sekretarya niya. Dumako pa ang tingin nito sa suot nitong fitted jeans at fitted blouse.

"Let's start working. Tatawagin na lang kita sa hapunan" nasabi na lamang ni Marius. Laglag ang panga na lumabas ng opisina ng amo iya si Blessie.

Lulugo na naupo siya sa kanyang upuan. Inopen niya ang laptop niya. At nagsimulang nang magtrabaho. Napahinto siya nang tumunog ang cellphone niya.

Si Luis...

"Where are you? Kanina pa ako naghihintay sayo dito sa baba" bungad na tanong ni Luis sa kanya.

"Sorry. Pinag overtime ako ng amo ko. Mamaya pa ako makakauwi nito" nanghihiyang na sagot ni Blessie.

"Ohh. Maghihintay na lamang ako hanggang sa matapos ka"

"Hindi na. Umuwi kana. Alam kong pagod ka din" pagtutol ni Blessie.

"No. Hindi ako uuwi na hindi ka kasama" pinal na sagot ni Luis.

"Pero---" hindi na natapos ni Blessie ang sasabihin nang pinatay na ni Luis ang tawag. Kibit balikat na itinuloy niya ang trabaho.

Sandaling nakalimutan ni Blessie si Luis. At naging abala sa pagtatrabaho. Habang si Marius ay nasa loob ng kanyang opisina.

"Think, Marius. Think" nasabi ni Marius sa isip. Pinag iisipan niya ngayon kung anong magandang gawin at solusyon sa problema niya. Napatayo na siya at nagpalakad lakad. Habang nakapameywang ang isang kamay at ang isang kamay ay nakahawak sa sintido niya.

"It really give me trouble" nawika ni Marius at bumuga ng hangin. Saka muling bumalik sa swivel chair niya at naupo.

Paakyat na si Luis at nasa loob na ng elevator. Bumili muna siya ng pagkain para kay Blessie. Alas siete na ng gabi ng muling tiningnan niya ang kanyang relo sa kanyang palapulsuhan.

Tumunog ang elevator. Hudyat na nasa 20th floor na siya. Bumukas ang pinto at lumabas siya mula doon. Dala ang pagkain at isang dosenang bouqet of red roses.

Subsob ang ulo ni Blessie habang nag eencode. Ang sakit na ng leeg niya. Hindi man lang siya pinupuntahan ng amo niya. Hindi man lang naisip nito na masyado ng gabi. Uuwi pa siya sa kanila.

"Kahit kailan. Ikaw ang buwisit sa buhay ko, Marius Martini Centeno! Can you dissappear na lang? Pumunta ka sa Mars, sa Jupiter o kahit sa anong planeta. Wala na akong pakialam" bulalas ni Blessie sa isip. Habang nakatingala sa kisame.

Hindi napansin ni Blessie ang palapit sa kanya na si Luis. Dahil sa inis sa amo niya. Nagulat siya nang may naglapag ng pagkain sa lamesa niya. Nanlaki ang mga mata na galing sa isa sa mga paborito niyang fast food chain ang pagkain na iyon. Nagtataka na napatunghay si Blessie. At nabugaran ang nakangiting si Luis. Biglang napatayo si Blessie.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko umuwi kana"

"I told you, na hindi ako uuwi na hindi ka kasama. Dinalhan kita ng pagkain. Alam kong gutom kana" sagot ni Luis sa kanya. At inabot ang bouqet of flowers na hawak nito.

"Para sa akin ito?" tanong ni Blessie. Tumango ng ulo si Blessie. It's her first time to receive flowers coming from a guy. Napatingala siya ulit.

"Thank you, Lord. Lulubos lubusin ko na. Sana ibigay niyo na talaga si Luis sa akin bilang maging asawa ko" pinagsalikop pa nito ang mga daliri niya habang inuusal iyon sa isip.

"Any problem? May masakit ba sayo, Blessie? Do you want I will send yo to the hospital?" sunod sunod na mga tanong ni Luis. Sobrang pag aalala nito nang makita si Blessie na namumula ang mga mata. At parang maiiyak.

"Ang OA. I'm fine. Malakas pa ako sa kalabaw" she rolled her eyes. At palihim na inamoy ang bulaklak.

"Thank you sa flowers. Tapos may food pang kasama" dagdag na pasasalamat ni Blessie.

"Anything for you" tugon na sabi ni Luis.

Napalingon sila sa likuran nila ng may tumikhim. Nalukot ang mukha ni Blessie nang makita ang amo na lumabas ng lungga nito. Este ng opisina niya.

"Luis, what are you doing here?" tanong ni Marius habang papalapit sa pinsan.

"Nothing. I just send food and flowers to Blessie. And sabay kami uuwi mamaya" nakatingin kay Blessie na sagot ni Luis. Pagkatapos ay kumindat pa ito kay Blessie.

Napahawak naman sa kanyang dibdib si Blessie. Halos tumalon ang puso niya sa ginawa ni Luis.

"Ang corny niyo. Tapos mo na bang gawin ng ipinag uutos ko sayo, Blessie?" baling na tanong ni Marius sa kanya.

"Malapit na po" tipid na sagot ni Blessie.

"Walang uuwi hanggat hindi mo natatapos ang mga inuutos ko sayo. And puwede ka nang umuwi Luis. Naibigay mo na ang dapat mo ng ibigay kay Blessie. Ako ang maghahatid sa kanya pauwi"

Napaawang ang labi ni Blessie sa tinuran ng amo niya.

"No, I will stay here. At ako ang maghahatid sa kanya pauwi" matigas na tanggi ni Luis. Nagpalipat lipat naman ng tingin si Blessie sa dalawang binata.

"Oyy, ang haba ng hair, Blessie. Anong shampoo mo?" sabi ng sariling utak niya. Nagmamalaki na hinawakan pa ang buhok at ipinagpag.

Nagpatigasan ng tingin ang magpinsan. Walang gustong magpatalo.

"Blessie, ituloy mo ang ginagawa mo ay mag uusap lang kami nitong pinsan ko" may doing utos ni Marius sa kanya.

"Yes, Sir" napalunok ng laway si Blessie dahil sa madilim na mukha ng amo niya.

Tumalikod ito sa kanya at na unang pumasok sa loob ng opisina nito. Habang si Luis ay nakatayo pa din.

"I'm sorry for that. Please sa akin ka sasama mamaya. And I promised to your parents na ako ang laging maghahatid sayo pauwi" ani Luis na seryosong nakatingin sa mga mata ni Blessie.

Blessie nodded and give a wide smile to Luis.

Doon na tumalikod si Luis at sinundan ang pinsan niya sa loob ng opisina nito. Whatever it will takes? He will fight for Blessie. Kahit pa maging karibal niya ang pinsan niya. Wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay si Blessie.

Pagkapasok ni Luis sa loob ng opisina ni Marius ay naabutan niya ang pinsan niyang prenteng nakaupo sa swivel chair nito. Nakataas pa ang paa nito at animoy parang walang ginagawa.

"Why did you that, Marius? What is your intention to Blessie?"

"Parang ako ang dapat na magtanong niyan, Luis. Ano ba talaga ang intensiyon mo kay Blessie?" napatayo na si Marius at lumapit na sa pinsan niya.

"My intention for Blessie is pure. Because I like her. Gusto ko siyang maging girlfriend ko" buong pag amin na sagot ni Luis.

"Really? But how you will tell to Blessie about your past? Sa tingin mo magugustuhan ka din ni Blessie kapag nalaman niya ang nakaraan mo"

"Huwag mo ng isali Marius ang nakaraan ko. Nagbago na ako. At ngayon nga may sarili na akong kompanya. Gusto ko si Blessie. Kaya please huwag mo ng hadlangan ang gusto kong mangyari"

"What if I will tell you that I also like Blessie? Itutuloy mo pa ba ang panliligaw mo sa kanya?"

"You're kidding me, Marius. Iba ang tipo mong babae. At kahit pa magkagusto ka kay Blessie. I will pursue her. At hindi ko siya paglalaruan na kagaya ng ginagawa mo sa ibang mga naging babae mo. Dahil alam ko na naiinggit ka lang. At gusto mo paglaruan ang feelings ni Blessie. Like what you always do to all your secretary before!"

"Huwag mong isali si Blessie sa mga kalokohan mo, Marius. I'm warning you! Ako ang makakalaban mo kapag nasaktan si Blessie ng dahil sayo. Kahit pa pinsan kita. Hindi ako mangingiming suntukin ka. Kapag nangyari iyon" babala ni Luis.

Napataas ang sulok ng labi ni Marius.

"In love kana talaga sa sekretarya ko, Luis. Ngayon ipinagtatanggol mo na siya. Kinakalaban mo pa ako. Remember, ako ang tumulong sayo nuong naghihingalo ang kompanyang pinagtitiisan mong palaguin. Para mapatunayan mo sa mga magulang mo na kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa" panunumbat ni Marius sa mga nagawa niya para kay Luis. Totoo naman ilna ito ang tumulong kay Luis. Pero hindi niya iyon nakakalimutan.

"Ano ba talaga ang balak mo kay Blessie? Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito, Marius? Puwede mo naman na hayaan na lamang si Blessie. Hayaan kaming dalawa. Bakit kailangan gumitna kapa sa aming dalawa?"

"I have my reason at hindi ko sasabihin iyon sayo! Kaya hanggat maari huwag mo ng ituloy ang kung anong balak mo kay Blessie"

"At sino ka para pag sabihin ako! Gagawin ko ang gusto ko. At si Blessie, gusto ko siya! Ngayon din uuwi na kaming dalawa. Huwag mo na ulit pahihirapan pa si Blessie. Dahil ako na ang makakalaban mo, Marius!" may babalang sabi ni Luis. Saka lumabas ng opisina ni Marius.

Natigilan at halos hindi nakaimik si Marius. Habang palabas ang pinsan niya.

"What is happening to you, Marius? You should not care about to that ugly Blessie!" mariing saway ng sariling utak niya. Napahilamos na lamang si Marius at bumalik sa upuan niya. Pabagsak na umupo siya doon.

Pagkalabas ni Luis ng opisina ng pinsan niya ay biglang hinatak niya si Blessie. Napaigtad naman ang dalaga sa ikinilos ni Luis.

"Anong problema?" naguguluhang tanong ni Blessie.

"Just shutdown your laptop and I will send you home" medyo madilim ang mukha na sagot ni Luis. Walang nagawa si Blessie kundi sundin ang sinabi ni Luis.

Nang masigurong maayos na ang lamesa ay kinuha niya ang bag niya. Hinawakan siya ni Luis sa kamay at sabay sila na naglakad papunta sa elevator.

Pinagmamasdan lang ni Blessie ang mukha ni Luis. Ramdam niya ang galit nito. Pero hindi niya alam kung kanino ito nagagalit. Nanlaki ang mata nang maalalang hindi siya nagpaalam sa amo niya.

"Sandali lang Luis. Magpapaalam lang ako sa, Sir Marius" sabi ni Blessie.

"No. Hindi mo na kailangan na magpaalam sa kanya. Dahil alam na niya na ihahatid na kita pauwi" matigas pa ding sagot ng binata sa kanya.

Napaawang ang labi niya. Naguguluhan talaga siya sa ikinikilos ng magpinsan.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay pinauna ni Luis na makapasok si Blessie sa loob. Saka sumunod na pumasok. Pinindot ang G para sa ground floor. Tahimik lang silang dalawa na nasa loob ng elevator. Nagulat pa si Blessie ng tumunog iyon at saka hinakwan siya ni Luis sa kamay at sabay na lumabas.

"Anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Blessie habang nakatingin kay Luis na hawak ang kamay niya.

Samantala si Marius ay mag isang nakaupo pa din sa swivel chair niya. Iniisip niya ang mga sinabi ng pinsan niya.

"I need to do something. I'm sorry Luis but I need Blessie" mabilis na tumayo siya at kinuha ang kanyang coat na nasa ibabaw ng kanyang upuan. Dali dali siyang lumabas ng opisina niya at susundan niya sina Luis at Blessie.

Sakay ng kotse niya si Marius habang mataman na nakasunod sa sasakyan ng kanyang pinsan. He dont understand why he need to do this? Ang pagsunod sa kanila ay malaking kahibangan. Nandidiri nga, siya, kay Blessie dahil sa mukha nito. Pagkatapos ay pag aawayan nilang magpinsan ang pangit na iyon.

"F*ck!" malakas na mura ni Marius. Saka malakas na napahampas sa manibela. Gumilid na muna siya at inihinto ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"There must be some other way. Pero nawawalan na ako ng oras" usal ni Marius.

Muling binuhay niya ang makina ng sasakyan niya at pinaandar iyon. Pero hindi na muling sumunod kina Blessie at Luis. Dumiretso na siya ng uwi sa condo niya.

Habang si Luis ay pa ay ang tingin sa side mirror. Napansin niya kasi ang pag sunod ng sasakyan ng pinsan niya sa kanila. Pero mukhang hindi sila ang sinusundan nito dahil hindi na niya ito nakita pang nakasunod.

"May problema kaba, Luis?" tanong ni Blessie. Napansin ang kilos nitong hindi mapakali.

"Wala naman. Ikaw lang naman ang problema ko"

"Ako? Bakit naman ako?" nagtatakang tanong ni Blessie.

"Hindi mo pa kasi ako sinasagot" malungkot na sagot ng binata sa kanya. Napangi naman ng lihim si Blessie.

"Gusto mo na ba sagutin na kita?" tanong ni Blessie.

Nagulat si Luis at natigilan. Sa gulat ay iginilid niya ang kotse niya sa tabi ng kalsada. At huminto doon. Saka, humarap kay Blessie.

"I would be the happiest man if you will give me a chance to prove my true feelings for you, Blessie" seryosong sagot ni Luis at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Huh? Ah.. Eh.." napakagat ng labi si Blessie. Hindi malaman ang isasagot sa binata.

Ngumiti si Luis at hinawakan ang salamin sa mata ni Blessie.

"Maganda ka. Maganda ka in and out. At mas gaganda kapa lalo kung hindi mo na isusuot itong salamin mo" ani Luis.

Namula naman ang pisngi ni Blessie. Palagi na lamang nitong sinasabi kung gaano siya, kaganda.

"Alam mo hindi ko pa din maisip. Kung ano ang ginawa ko para maging ganyan ka sa akin, Luis. Ikaw ang unang lalaki na sinabi an ako ng maganda. Naitrato mo akong babae at maganda sa lahat ng taong nakakita sa atin. Hindi katulad ng ibang unang lalaking naimeet ko. Pinandidirihan ako na akala mo may sakit aking nakakahawa. Sabi nila Hipon daw ako. Maganda ang katawan pero pangit ang mukha. Palagi akong nakakarinig nabinubully ako. Kaya nga nagtataka ako sayo. Wala ka namang salamin na suot. Para palaging sabihan ako ng maganda. Gustong gusto mo pa na hinahatid ako sa bahay. Hinahawakan mo ang kamay ko sa Public places. And you make me a woman that can be loved By a guy like you. Mayaman na gwapo pa. That is why I grateful sayo. Kasi naranasan kong pinagbubuksan ako ng pintuan ng kotse. Nakakatanggap ng flowers at mga pagkain. Nililigawan sa bahay. I never knew I will meet a like you. At mamahalin ako sa kung sino ako at ano ako" tuluyan ng tumulo ang luha ni Blessie.

Hinawakan siya sa magkabilang baba ni Luis. At pinunasan ang mga luha niya sa mata.

"Because I love you, Blessie. I also dont know why I feel this way. Na mahal kita. Gusto kitang lagi kang kausap at makasama. I promise you I will love you endlessly. Walang katapusan at hangganan. Ganoon kita kamahal" madamdaming saad ni Luis. Mas lalo naman napaiyak si Blessie. At hindi napigilan ang yakapin si Luis.

"I love you too, Luis. I love you" umiiyak na sabi ni Blessie. Nagulat si Luis at hindi nakahuma. Hinawakan niya sa magkabilang blaikat si Blessie at iniharap sa kanya.

"Tama ba ang dinig ko? You love me too?" natitigilan na tanong ni Luis. Tumango naman ng ulo si Blessie. At ngumiti.

"Hindi ka mahirap mahalin. Sa gwapo mong iyan. Hindi pa ba kita mamahalin? Nakapabait, gentleman at higit sa lahat—" hindi na natapos ni Blessie ang sasabihin ng siniil na siya ng halik ni Luis.

Kahit hindi marunong ay tinugon ni Blessie ang halik ni Luis. Ikinawit pa nito ang mga kamay sa batok ni Luis. Tumigil lang sila ng kinapos isang dalawa ng hangin. Hingal na hingal na pinagdikit ni Luis ang noo nila.

"I promise you na hindi kita sasaktan, Babe" nangingislap ang mga mata na pangako ni Luis kay Blessie.

"Sapat na sa akin ang mahalin mo ako, Babe ko" nakangiting tugon ni Blessie.

"Iuuwi na kita sa inyo" nasabi na lamang ni Luis. Dahil kung magtagal pa sila dito sa gilid ng daan ay hindi niya macontrol ang sarili na halikan si Blessie.