webnovel

My Brother's Bestfriend

Are you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt? If NO? Don't read this story it's your choice Then, If YES? Be ready to feel it and read NOW.

Hilarious10 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
30 Chs

Chapter 10❤️?

*****

Nasa gate na kami ni kuya ngayon pero parang ayaw ko na pumasok. Kinakabahan ako na paguusapan na naman ako at pagtatawanan.

"ano? Bakit di ka pa napasok? Tutunganga ka nalang ba dyan?" si kuya na naasar na sa akin.

"e-eh.. Kuya.. Wa-wag na lang kaya ako pumasok?" nag aalangan na sabi ko dito. Eh kasi naman hindi ako kumportable na pinaguusapan lalo na kung kapalpakan ko!

"alam mo.. Kailangan mo din harapin yung mga taong yun. Sa palagay mo ba pag umabsent ka ngayon hindi ka parin paguusapan? Sa palagay mo pag sumapit ang sabado at linggo pag pasok mo ng monday hindi ka parin paguusapan?" sabi ni kuya sakin habang naka Cross arm ngayon.

Kunsabagay tama si kuya… Hahayaan ko na nga lang siguro na malimutan nila ang kahihiyan ko.

"sige! Salamat kuya! Papasok na ako!" napangiti si kuya sa sinabi ko.

Habang papasok kami ni kuya ay panay tingin parin ng mga students na nakatambay at mga papasok na din.

"hayaan mo lang sila… Mananawa din ang mga yan!" sabay gulo ng buhok ko. Samantalang ako ngayon ay kinukumbinsi ang sarili na maging matatag.

"oh! Dito na ako…Gusto mo pa ba na ihatid kita sa classroom mo?" tanong ni kuya pero umiling lang ako at nag wave ng kamay tsaka umalis papunta sa room namin.

Papasok palang ako ng room ay nakikita ko na ang mga tawanan ng ibang students sakin. "oh! Nandito na pala sya eh!" bungad sakin ni jeff ang bully ng section namin. "kamusta ang mukha? Grabe ah! Solid na solid ang tunog ng bola sa pagtama sa mukha mo winnie!" dugtong pa nito at nagtatawanan yung ibang classmates ko na maaga din na pumasok.

Hindi ko sya pinansin at dumiretso ako sa upuan ko para magtulogtulugan nalang.

"wag mo na nga ibully yan jeff.. Alam mo naman na siguro masakit parin ang mukha nyan! Hahahaha" akala ko tagapag tanggol ko na.. Isa pa palang mambubully sakin.

"siguro umalog ang buong mundo nyan kahapon?! Hahaha grabe naman kasi eh!" sulsol pa nung isa.

"problema nyo?! Nasaktan na nga ang tao ganyan pa kayo sa kanya!" wow! Himala napaaga ata ang pasok ni deo.

"tumahimik na kayo.. Nandyan na ang mga so called friends nya! Hahahahaha" at nagtawanan pa sila ulit.

May humaplos ng buhok ko kaya sinilip ko ito si deo nga "hayaan mo nalang ang mga yun.. Kulang lang sa pansin sila!" pag kocomfort sakin ni deo. "thank you talaga ah?" sabi ko dito. " hayaan mo nanalo naman tayo kahapon eh… Habang wala ka kahapon eh pinagpatuloy parin namin at kasali ka parin sa grades na ibibigay ni sir." wow! Nanalo pala kami kahit papano.. Akala ko tinigil na nila eh salamat naman pala kung ganon.

Unti-unti ng nagdadatingan ang mga classmates namin kaya medyo gumulo na ang classroom. "oh! Cheese cake.. Comfort food mo" abot sakin ni she " salamat!" alam nya talaga ang magpapalubag ng loob ko. " eto naman ang bigay ko sayo." sabi ni beks habang kinakalkal nito ang bag nya. "wow! Salamat beks!" binigyan lang naman nya ako ng isang balot na marshmallows. Napatingin naman ako kay deo "ah.. Eh.. Wala akong comfort food.. Mamaya nalang sa canteen ah?" sabi nito sakin na kakamot kamot sa batok. "okay lang! Pinag tanggol mo naman ako kanina eh" sabay ngiti dito.

"nandyan na si maam!" announce ng president namin.

Kanya kanyang ayos ng mga posisyon ng upuan at gamit namin. "good morning class! So for today ay wala kayong gagawin o magiging klase!" naghiyawan naman kami. Pati ang ibang room ay rinig namin ang hiyawan. "tigil!" sigaw ni maam na lahat naman ay tumigil " wag kayong maging masaya kasi may gagawin kayo at alam namin na magiging busy din kayo!" biglang kanya kanyang ungot naman at reklamuhan. "patapusin kasi ninyo ako!nalimutan nyo siguro ang foundation day.. Kaya lahat kayo magiging busy dahil per year level ay may gagawin okay?" lahat naman ngayon ay excited na nakikinig kay maam.

"meron tayong horror booth,marriage booth, jail booth, at kung ano ano pa! Pero mas prefer ko na magtinda nalang ang room natin ng mga pagkain.. Mas madami ang kita natin para bago matapos ang school year ay magkaroon tayo ng konting salo-salo!" masayang sabi ni maam. Halos lahat naman ay umayon sa gusto ni maam. "ngayon bibigyan ko kayo ng ng time para mag groups at magisip ng ibebenta kaya goodluck sa inyo ah!" at nagpaalam na ito para umalis.

Pag alis na pag alis ni maam ay nagkanya kanya na kami ng paguusap sa kung ano na ang gagawim namin.

"oh! Tayo nalang apat ah? Para di masyadong magulo.. Pag madami kasi ay sobrang gulo!" sabi ni deo.

"ano ba ang gagawin natin? I mean anong lulutuin natin?" si beks na nagtatanong samin. "siguro mas maganda yung mura lang puhunan pero malaki ang benta pag binenta natin diba?" sabi ko sa mga ito.

"tama! Pero after natin magdecide ay magtanong tanong tayo kasi baka mamaya ay may katulad tayo" sabi ni she.

Namili kami ng mga iluluto na maliit lang ang budget kaya inilista muna namin. - kikiam, fishball, fries, kwek kwek at inumin-  "san naman tayo hihiram ng gas stove at gas?" tanong ni deo " siguro mas maganda kung uunahan na natin ang iba na manghiram sa T. L. E. Room natin para di na tayo magdala!" sabi ko sa mga ito.

"ako na ang bahala! Tara na beks samahan mo ako!" sabi ni deo sabay higit kay bakla at nagmadali lumabas ng room ang mga ito.

"need din natin na maicheck mga gamit na gagamitin para kung kulang man ay makapagdala ako" sabi ni she habang naglilista ng gagamitin "yung sauce na gagamitin natin ay si manang nalang pagtitimplahin ko para naman less sa pagod natin!" dugtong pa nito.

"maigi pa na icheck natin kung pano magluto si manang para pag nagkulang ay makagawa tayo. Tapos mamili na din tayo bukas since sabado na naman ay may free time tayo. Tapos sa sunday ay magpaturo tayo ng pagtimpla ng kwek kwek at juice na masarap!" sabi ko dito.

"guys! Need natin malaman kung anong gagawin ng bawat grupo!" announce ng secretary namin at kumuha ng chalk para naman mailista na nito.

Naglista na ito at buti nalang wala kaming katulad.. Kung may magluluto man ay burger naman sa ibang grupo. May mga magbebenta ng softdrinks at cheese snacks. Kanya kanyang pakulo bawat grupo.

Nakabalik na ang dalawa ng may ngiti sa mukha. "okay na! Wala ng problema! Yung gas ay babayaran nalang natin daw!" sabi ni deo habang nakain ng candy.

"may plano na tayo para sa sabado at linggo… Sa Sabado ay mamimili na tayo ng mga dapat bilhin, sa linggo naman ay magpapaturo tayo ng tamang timpla ng sauces at kwek kwek para kung sakali ay kaya nating magtimpla pag nagka ubusan." paliwanag ni she sa dalawa.

"anebe… Wala man lang tayong pahinga.. Masisira ang beauty ko!" arteng sabi ni rica samin. "tumigil ka nga! Yan nalang ang freetime natin noh!" sabay tuktok nito kay bakla.

"hmp! Excited na ako sa mga visitors fafa natin!"sabay pulbo nito sa mukha nya habang wagas makangiti.

"ay bet ko yan beks!" si she na haliparot! "hahaha… Iba't  ibang school na naman ang bibisita satin." sabi ko habang nakain ng marshmallow.

******

Nakain kami ng hapunan ng magtanong ako sa kuya ko kung sino ang mga kagrupo nya at kung ano ang activity nila sa nalalapit na foundation day.

"malalaman mo nalang! Kasi masyadong malupet ang gagawin namin eh!" pagyayabang ni kuya!!

"kami pag luluto kaya wala ako bukas at sa linggo ah?" sabi ko kay na mama at kuya. " ano lulutuin nyo?" usisa ni kuya.

"mga mura lang katulad ng  kikiam, fishball at kwek-kwek pati inumin pala" sabi ko habang nanguya. "kaya! Wag ka magkamali bumili sa ibang booth kuya ah!" banta ko dito.

"tss.. Kaya nga tinatanong ko eh!" sabi nito habang nasubo. "aba! Puro busy pala kayo eh!" sabi ni nanay. "oo nay! Kaya dito po kami bukas para makapagprepare  ah?" paalam ni kuya.

"magdadala ka na naman ng palamunin dito!" sabi ko kay kuya sabay irap. " bakit? Ikaw ba nagpapakain?! Si nanay nga di nagrereklamo ikaw pa kaya!" pinanlakihan pa ako ng mata nito. "oh! Tumigil na kayo at baka kung san mapunta yang usapan nyo ah.. Nasa hapag kainan tayo!" banta ni nanay samin. Kaya kumain nalang kami ng tahimik.

Pagkatapos namin maghapunan at maghugas ng pinagkainan ay umakyat na ako sa kwarto para magonline ng facebook.

"bukas 8 ng maga susunduin ko kayo. Wag kayong babagal bagal ah?!" chat ni she

"oo na! Magbubeauty rest na ako para di ako stress tingnan bukas 😴" si rica

"tutulog din ako ng maga.. Tatapusin ko lang paglalaro ko!" si deo.

Ang dami na nilang napagusapan samantalang kakaonline ko lang.

"hello! Gising pa ba kayo?" chat ko.

After 5mins. Wala parin nagrereply. Aba! Himala! Mga tulog na ata?. Nagbrowse nalang ako  sa facebook. Syempre checheck ko fb ni jesthle..

Ano ba to? Wala man lang kaupdate update.. Nagfefacebook ba ito? Nagcheck ako ng oras mag te10 na pala.. Kaya siguro wala ng nagreply sakin. Maglalaog out na sana ako ng may nagnotify sa messenger ko.

"bakit gising ka pa?!" waaaa…. NaNagchat si jesthle sakin! First time to! Nag type agad ako. "wala lang.. Di pa ako makatulog. Ikaw?" habang hinihintay ko ang reply ay kinikilig ako.

"sinong kachat mo?!" kachat? Eh wala nga akong kachat noh! " wala! Nagcheck lang ako ng fb" sagot ko sa kanya.

Ang tagal naman nya magreply! Pagtingin ko offline na sya. Anak ng! Problema na naman non? May nagnotify na naman kaya nagmadali ako buksan ang messenger.

"hi! Ang cute mo talaga!"SpiderMan

Hala?! Sino na naman ito?!

"sino ka?"

After ilang minutes hindi na ito nagreply kaya nagview ako ng profile nya pero private. Ang profile pic naman nya ay si spiderman. Hala? Sino kaya ito?