33
"Mga wala kayong kwenta. Anong silbi ng perang binabayad ko sa inyo ni kahit isa man lang impormasyon ay wala kayong maibigay sa akin. Get out. At huwag na huwag kayong magpapakita sa akin kapag wala kayong magangdang balitang ipapaalam. Dahil kung hindi sama sama ko kayong papahukayan ng libingan." Galit na galit na sigaw ko sa mga tauhan ko to find where Zoey is?
Muli ko na naman ibinato ang mga bagay na naabot ng mga kamay ko na halos araw araw ay pinapalitan dahil nasisira ko lang.
Nagpaalam na ang mga ito sa akin at mabilis na lumabas ng opisina ko sa MC.
Where are you Zoey. Where the hell are you. At sino ang taong walang puso ang tumangay na naman saiyo. Bakit kung kailan wala kang kalaban laban at nasa bingit pa ng kamatayan ang buhay mo.
Zoey! Zoey!
Aaaaaaaahhhhhhhhh! Pinagsusuntok ko ang lamesa ko sa pinaghalo halong galit at pag aalala na nararamdaman ko. Tatlong buwan na ang nakakalipas mula ng tangayin na naman ito ng kung sino mang gagong kumuha sa kanya. Wala ni isa mang bakas nang palatandaan kung sino ang kumuha sa kanya at kung buhay pa ba siya.
Binalingan ko ang upuan ko at ipinaghahampas ko iyon sa lamesa ko. Hanggang sa magkawasak wasak na ito hindi ako tumigil.
"Calm down Clyde, hindi iyan makakatulong sa paghahanap natin kay Zoey."
Napatingin ako sa upuang hawak ko at ang kamay kung nabahiran na ng sarili kong dugo dahil sa pagwawala ko bago ko binalingan ang papa na kapapasok lang sa opisina ko.
"How can I calm down papa."mahina pero may tigas at galit na sabi ko dito. "Paano ako hihinahon na sa tuwing matatapos na naman ang araw na ito ay wala pa akong balita kay Zoey."
"Ginagawa naman natin ang lahat, hindi tayo nagkukulang sa paghahanap sa kanya. Kaya kung maari, ayusin mo naman ang sarili mo. Look at your self. You look hagard." Paninita ng papa sa akin.
"Iyon na nga papa, halos ginawa ko na ang lahat ng paraan para mahanap siya. Pero ni kahit isa sa mga taong naghahanap sa kanya ay walang magandang ibinabalita. Papa, Zoey is in danger when they took him. Paano kung sa pagtangay nilang iyon sa kanya ay hindi na kinaya ng katawan niya. Paano kung wala na pala siya. Papa, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala siya. Papa." Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang sinasabi iyon sa papa ko.
"Nangangayayat ka na. At baka bago pa natin siya matagpuan ay nilalamayan ka na namin. At iyon ang ayaw kong mangyari. Kaya nakikiusap ako sayo anak, alagaan mo ang sarili mo habang hinahanap natin siya."
"Papa."
Wala na akong pakialam kung anong sasabihin nito sa pag iyak ko.
Lumapit ito sa akin sa pagkakaupo ko sa harapan ng lamesa ko at yumakap ito sa akin. Patapik tapik pa ito sa balikat ko at inaalo ako sa pag iyak.
"Alam mo ba iyong pakiramdam na wala kang magawa para matulungan ang taong mahal na mahal mo papa. At iyong pakiramdam na walang kasiguraduhan kung buhay pa ba siyang hinahanap natin. Papa, hindi ko na kaya. Gusto ko mang baliktarin ang mundo para mahanap siya pero hindi ko magawa. Wala man lang ako magawa para iligtas siya ng araw na iyon."
"Kung hindi sana ako umuwi ng araw na iyon hindi sana siya natangay ng mga taong iyon. At narito sana siya sa tabi ko ngayon. "Napasubsub ako sa balikat ng papa at duon kumuha ng lakas sa mga sandaling ito.
"Hindi mo kasalanan ang mga nangyari. Huminahon ka. At magpakatatag. Hindi hahayaan ng may Kapal na may mangyari kay Zoey."
"Damn it."pagmumura ko at lumayo kay papa. Ang marinig Siya ay biglang sumiklab ang galit ko. "Hindi Siya totoo. Dahil kung totoo Siya sana hindi niya dinadamay ang walang kalaban laban na si Zoey. At hindi hinayaang masaktan ito."
Galit na iniwan ko si papa sa loob kahit pasigaw ang ginawa niyang pagtawag sa pangalan ko. Inutusan pa ang ilang guard na pigilan ako pero pinagsusuntok ko lang sila. Ng wala ng pumigil sa akin ay agad kong tinungo ang sasakyan ko.
Mabilis ang ginawa kong pagmamaneho. Hindi ko alintana ang mga gitgitan ng mga sasakyan at nag uunahang makarating kung saan man sila pupunta. Para akong nakikipagkarera pero walang kasiguraduhan kung kailan matatapos o saan ang hangganan ng daang tinatahak ko. Hindi ko na din naisip na maari akong madisgrasya ano mang oras dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko ng Mclaren ko. Para na akong lumilipad at halos hindi na sumasayad sa semento ang gulong ng sinasakyan ko sa bilis. At duon ko ibinihos ang galit na nararamdaman ko.
Saan ko siya hahanapin. Saan ako magsisimula.
Tumigil lang ako ng makaramdam ako ng pagod at pangangalay ng kamay at paa. Pinagsusuntok ko ang monibela at gumawa iyon ng ingay dahil sa busina nito.
Kahit pagtinginan na ako ng mga tao sa paligid ay hindi ko na iyon pinansin. Nakatingin sila sa akin na para bang ang laki ng kasalanan ko dahil sa ingay na ginawa ko.
Nuon ko lang napagtanto kung nasaan ako. Kaya pala ang daming tao dahil nasa tapat ako mismo ng simbahan.
Parang hinihila ang paningin ko na tignan ang malaking simbahan at bistahan iyon ng mabuti.
Napakurap ako dahil biglang humapdi ang mga mata ko ng mapatingin ako sa mismong pintuan nito.
Luha! Umiiyak ako. Tumutulo na naman ang mga luha ko sa magkabilang pisngi ko. Hindi ko alam kong papaano at anong nangyari sa akin dahil kusang kumilos ang katawan ko at bumaba sa sasakyan ko at tinungo mismo ang loob.
Hindi ko alintana ang mga taong nakatingin sa akin habang naglalakad ako papasok at patuloy na umaagos ang luha sa mga pisngi ko. Mabagal, at ang bibigat ng mga hakbang na ginawa ko. Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa bigat na nararamdaman ko duon. Pero narating ko parin ang harapan at umupo sa bakanting upuan.
Hinihila ang mga mata ko na mapatingin sa gitna ng altar. Na para bang may kung anong pwersa na humahatak sa akin na duon tumingin kahit na ang nakikita ko lang ay puro liwanag na nagmumula sa mga ilaw na nanduon. Hindi ako palasimba, patawarin niya ako pero hindi talaga ako naniniwala sa kanya.
At ito pa lang ang pangatlong pagkakataon na pumasok ako sa simbahan. Ang una ay ng pitong taon ako ng ikasal sa pangalawang pagkakataon ang papa at daddy. At ang pangalawa ay ng pangatlong kasal nila. At duon ko unang nakita si Zoey. At duon unang tumibok ang puso ko para sa kanya.
Muli na namang rumagasa ang luha ko ng maalala ko siya. Parang may kung anong tumatarak sa puso ko dahil sa sakitna nararamdaman ko at naninikip kapag naiisip siya. Halos manlabo na ang paningin kong nakatingin parin sa gitna ng simbahan. Sa pagkakaupo ko unti unting kumilos ang katawan ko at lumuhod mismo sa kinauupuan ko at pinagsalikop ang mga palad kong nakapatong sa sandalan ng upuan sa harapan.
"Hindi ko alam kung saan magsisimula. Ang daming katanungan sa isip ko na gusto kung bigyan Mo ng kasagutan. Hindi ko din alam kung paano ang paraan ng pakikipag usap ko Sa'yo. At hindi ko alam kong pinakikinggan Mo ngayon ako. Nasaan Ka? Totoo Ka ba? Kung totoo Ka nasa paligid lang ba Kita? Pinakikinggan Mo ba ako ngayon?" Sunod sunod na tanong ko sa isip ko. "Kung oo! Bakit? Bakit ang lupit lupit Mo sa akin? Pinaparusahan Mo ba ako dahil sa dami ng mga kasalanan ko? Dahil hindi ako naniniwala Sa'yo? Oo! Sige, Panalo Ka na! Talong talo na ako Sa'yo! Tinatanggap ko na, na totoo Ka. Na makapangyarihan Ka. Na sa mundong ito ikaw lang ang makapangyarihan. Na walang mayaman ang hihigit Sa'yo. Sige, parusahan mo ako. Pahirapan mo ako. Kung sa paraan lang iyan makabayad ako ng mga nagawa kong kasalanan. Sa mga kasalanan na labag sa iyong kautusan. Tatanggapin ko ng maluwang ang mga iyon"
"Pero bakit pati siya, bakit siya pa? Sana ako na lang. Hindi Mo na sana siya dinamay pa. Hindi Mo na sana dinamay ang taong mahal ko. Alam kong hindi tanggap sa lipunan ang magmahal ako ng kauri ko, pero Ikaw ang nagbigay ng puso ko. Ikaw mismo ang lumikha sa akin at pinayagang mabuhay sa mundong ito. Kung malaking kasalanan iyon Sa'yo sana hindi mo na lang ako binigyan ng puso. Sana hindi Mo na lang din ako binuhay sa mundong ito. Sa mundong pinahaharian Mo. At hindi Mo hinayaang magtagpo ang landas namin. Para hindi na ako nasasaktan ng ganito."
"Ito ang unang pagkakataon na tumawag ako Sa'yo. Ang hingin ang kapatawaran Mo. At ang hingin na sana, ligtas Mong ibalik ang taong mahal ko." patuloy parin na tumutulo ang luha ko habang taimtim na kinakausap siya. Nakikinig ba siya sa akin? Ito din ang unang pagkakataon na hihiling ako sayo. Nakikiusap ako. Huwag mo hayaang mapahamak ang taong mahal. Ikaw sana ang gumabay sa kanya habang hinahanap ko siya. Nakikiusap ako Sa'yo. Huwag mong hahayaang may mangyaring masama sa kanya.
Lumipas ang mga minuto, at oras. Hindi parin ako tumatayo sa pagkakaluhod ko kahit ramdam ko na namamanhid na ang tuhod ko pero hindi ko alintana iyon. Naghihintay sa kasugutan mula sa kanya.
Iilan na din ang tao sa loob ng simbahan.
"Tumayo ka na diyan, anak."tinig na nalapagpalingon sa akin. Napatingin ako sa nagsalita. Inilahad ang kamay sa akin. "Napansin kong kanina ka pa nakaluhod at nakatingin sa gitna ng simbahan. At taimtim na kinakausap siya."
"Nakikita ko din sa mga mata mo na may malaking pagsubok kang kinahaharap ngayon. Manalig ka sa Kanya. Dahil hindi niya kailanman binibigo ang mga taong naniniwala sa Kanya. Ang mga taong tunay na nananalig sa Kanya."
"Hindi Niya tayo bibigyan ng mga pagsubok na hindi natin kayang malampasan. Dahil Siya mismo ang gagabay sa atin para malampasan ang mga iyon. Huwag kang mawalan ng pag asa. Dahil sa oras na nagpakumbaba ka sa Kanya, simula iyon para gabayan ka Niya."
"Humayo ka anak, at harapin ng may pananalig sa Kanya ang pagsubok na dinaranas mo ngayon. Dahil Siya mismo ang magbibigay ng kasagutan sa iyo."
Napatitig lang ako dito habang sinasabi ang mga iyon. Hindi ko naman alam ang isasagot sa mga simabi niya pero naging magaan ang pakiramdam ko dahil sa dyon. At dahil na rin sa nailabas ang mga kinikimkim kong galit, pag aalala sa puso ko.
Tumango ako dito. Tanging pasasalamat lang ang nasabi ko dito bago ko tuluyang nilisan ang simbahan.
Lulan ng Mclaren ko ay bagtas ko ang daan pabalik sa MC.
Pero hindi parin nawawala sa dibdib ko ang paninikip sa tuwing naiisip ko kung ano na ang nangyari kay Zoey? Nasaan siya? Gising na ba siya sa pagkaka coma niya? Inaalagaan ba siya ng mga taong kumuha sa kanya?
Zoey! Please, stay alive hanggang sa tuluyan na kitang mahanap. Marami pa tayong mga bubuuing mga pangarap na magkasama. Stay still Love. Wait for me.
********
@YuCheXi