webnovel

Malayo Sa Lahat Ng Ito

"Pwede bang saka na yan, general check up muna?"

Pabirong sagot ni Jeremy tapos ay hahalikan na sana nya ulit si Bea pero ....

"Hindi Jeremy, two times nangyari ito in one day, kinakabahan ako! Ayokong mawala ka sa akin!"

Nakaramdam ng pagiinit ng mga mata si Bea pag iniisip iyon.

Nakaramdam ng awa si Jeremy, hindi nya akalain na sobra pala nyang pinagalala ang mahal nya.

"Sorry kung pinagalala kita! Hindi ko sinasadya! Si Lolo kasi ..."

"Bakit ano na naman ba ang pinagagawa ng Lolo mo sa'yo, ha?"

"Inayos na nya ang kasal namin ni Eunice na hindi ipinaaalam sa akin at gusto nyang mamanhikan kami agad! Gusto nyang makasal kami sa loob ng dalawang buwan! Natakot ako, ikaw agad ang pumasok sa isip ko, ayoko ring mawala ka sa akin!"

"Kaya mo ba ako tinawagan kanina?"

"Oo! Nadinig ko ang boses mo pero diko magawang makasagot! Nakaramdam kasi ako ng paninikip ng dibdib, hindi ko alam na inaatake na pala ako!"

"Salamat!"

At inakap nito si Jeremy.

Nagtataka naman si Jeremy sa reaction at sinabi nya.

"Bakit ka nagpapasalamat?"

"Kasi ... hindi ko alam na mahalaga pala ako sa'yo!"

Nahihiyang pag amin ni Bea

Hindi rin ito namalayan ni Jeremy. Pero ramdam nya kanina ang sobrang takot na baka mawala sa kanya si Bea. Ganito pala kahalaga sa kanya ang babaeng ito.

Hindi sya makakapayag na mangyari ang gusto ng Lolo nya.

"Bea, Mahal ko, papayag ka ba kung ayain kitang magtanan?"

"Huh? Ano bang iniisip mo dyan? Nagiging wild ka na!"

"Bakit ayaw mo ba? Hindi ko gustong pakasalan si Eunice at hindi ko kayang pigilan ang Lolo ko pero ..."

"Sa tingin mo ito ang tamang gawin?"

"Basta ang alam ko ikaw ang gusto kong pakasalan hindi si Eunice!"

"Pero Jeremy, sigurado ka ba? Baka pagsisihan mo ito?"

"Ang alam ko ikakamamatay ko pag nawala ka sa akin! Kaya ano man ang kalalabasan nito, hindi ko ito pagsisihan dahil gusto ko pang mabuhay, mabuhay na kasama ka!

Pakasalan mo ako Bea, tapos ay lalayo tayo dito, malayo sa lahat ng ito!"

"Pero paano si Eunice?"

Kakausapin ko sya! Kasalanan ko ito kaya kailangan kong harapin si Eunice! Kailangan ko ng sabihin sa kanya ang totoo bago pa nya malaman sa iba!"

Hindi na napigilan ni Bea ang sarili. Inakap nya ng mahigpit si Jeremy.

Hindi nya akalian na sa ginawa nyang paghihiganti, makakakita sya ng tunay na pag ibig.

Kakaiba talaga kung kumilos ang tadhana.

Kinabukasan, maaga pa lang nasa city hall na sila, nakapila sa mga magpapakasal.

Pagkatapos nilang makasal ay nakipagkita sila kay Eunice.

Gusto ni Jeremy na harapin nyang magisa si Eunice pero hindi pumayag si Bea na hindi sya kasama.

"Magkasama nating ginawa ito kaya magkasama nating haharapin si Eunice!"

*****

Sa isang restaurant.

Malayo pa lang ay natanaw na nya si Jeremy na may kasama. Maganda ang mga ngiti nito at puno ng buhay. Tila hindi maitago ang saya ng dalawa.

Masama ang kutob ni Eunice, parang ayaw na nyang tumuloy pero nakita sya ni Jeremy at tinawag.

"Eunice!"

Agad na tumayo si Jeremy at nilapitan sya.

"Eunice, salamat sa pagpunta!"

May hiya sa mga mata nito pero ramdam pa rin ang saya sa boses nya.

Kagabi pa nagiisip si Eunice. Alam nyang may ibang nangyayari at kanina, pag gising nya, nabasa nya ang text ni Jeremy na gustong makipagkita. Kinabahan sya agad.

"Eunice I want you to meet Bea, Bea si Eunice!"

"Bea?"

Pamilyar ang mukha ng ipinakilala.

"Yes Eunice, Dr. Beatriz Fuentes, Bea for short!"

"Ikaw yung isa sa mga doctor sa elite group, right? Yung magbibigay sa akin ng special exam?"

Napakunot ang noo ni Jeremy. Hindi nya inaasahan na magkakilala pala ang dalawang girlfriend nya.

"Magkakilala kayo?"

Tiningnan nya si Bea.

"Isang beses pa lang kami nagkita ni Eunice and she's right that was during the special exam! Pero hindi natuloy ang exam dahil nag back out si Eunice at iyon din ang naging reason para mawala kami sa elite group!"

Alam ni Jeremy ang tungkol sa elite group dahil lumabas ito sa balita. Muntik ng maipasara ang research facilities na yun dahil sa isang pulitiko. Mabuti na lang maagap si Don Miguel. Pero yung mga member, hindi na muling nakabalik. Wala syang alam na isa is Bea sa mga duktor na yun.

"Teka, teka! Naguguluhan ako! So magkakilala pala kayong dalawa? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Medyo naiinis ng tanong ni Jeremy.

"Hindi mo naman ako tinanong eh!"

Hindi gusto ni Jeremy ang sagot ni Bea. Bakit kailangan nyang ilihim na magkakilala sila ni Eunice? Unless ....

"Yun bang pagkikita natin sa bar coincidence lang ba yun o sadya?"

May pagdududang tanong ni Jeremy.

Naguguluhan si Eunice kung saan patungo ang kwento pero malapit na nyang makuha.

And since nakalimutan na ng dalawa ang presence nya, naupo na lang ito at tumawag ng waiter.

Hindi pa sya nag breakfast.

'Masarap manuod ng may kinakain!'

"Uhm, well .... "

Hindi alam ni Bea kung paano magpapaliwanag kay Jeremy.

Napadako ang pansin nito kay Eunice at nakita nyang kumakain ito, tila walang pakialam.

Naiinis si Jeremy kay Bea, bakit sya pinaglilihiman nito, ano ang dahilan nya? Hindi maintindihan ni Jeremy ang mararamdaman. Naloko ba sya? Pinaikot ba sya?

"Are you playing with me, Bea?"

NO! Of course not! I mean ... it's not what you think!"

"Then what should I think? Huh?

Naiinis na tanong ni Jeremy.

"Mahal kita Jeremy, at yun ang totoo!

At ikaw, anong ginagawa mo dyan at nakaupo ka lang? Sinsadya mo ba 'to Eunice para pagawayin kami? Sa tingin mo ba nakakatuwang panoorin kaming nagaaway habang kumakain ka dyan?"

Napatingin si Jeremy kay Eunice. Nakaramdam din sya ng inis ng makitang magana itong kumakain.

'Wala ba syang pakialam sa amin, sa akin? Hindi man lang ba sya magseselos? Dapat nagwawala na sya sa mga oras na ito!'

Napatingin si Eunice sa dalawa.

"What?"