webnovel

Kampante

Ngiting ngiti si Lemuel ng umuwi pabalik ng San Miguel.

Pasipol sipol pa ito.

"Sir, mukhang masayang masaya po kayo?"

Tanong ng driver nya.

Hindi na ito makatagal na hindi magsalita dahil sa sobrang saya ng matanda.

"Pasko ngayon, may iba pa bang dahilan sa pagiging masaya ko?"

Paliwanag nya sa driver.

Hindi nito sinabi ang totoong dahilan na nakipagkita siya sa apo nyang si Jeremy.

Mahirap na baka makarating pa sa anak nyang si Ames.

Hindi na muling nagusisa ang driver.

Habang naglalakbay, nagbalik sa alaala ni Lemuel ang panahong buhay pa si Mayor Gilberto Perdigoñez, ang lolo ni Edmund.

Hinangaan nya ang taong ito at pinagaralan nya ang buhay nito at ginawa ang lahat para makapagtrabaho sa kanya.

Binata pa sya nun, pero nasabi nya sa sarili na gusto nya isang araw, na maipakasal ang anak nya sa anak ni Mayor Gilberto.

Muntik na sanang matupad ang pangarap nyang iyon kung nagkalapit lang sana si Ames at si Luis.

Ginawa naman nya ang lahat para magkalapit sila pero sadyang hindi nangyari. Siguro ang isa sa mga naging dahilan ay mas matanda si Luis ng 10 taon kay Ames.

Hindi pa rin sumuko si Lemuel, inutusan nya si Ames na maging malapit kay Luis, pero, iba ang isip ni Ames. Hindi nya gusto ang ginagawang pagcontrol nito sa buhay nya kaya naglayas sya at nagsikap na pagaralin ang sarli.

Sa nangyari, isinumpa nya ang anak nyang si Ames at itinakwil ito pero ganun pa man nagtagumpay pa rin si Ames sa tulong si Miguel at si Luis, nagasawa sya.

Gumuho ang pangarap nyang iyon, hindi naman nya pwedeng ipilit si Jericho kay Belen dahil bata pa ito.

Sa galit nya, hindi nya kinausap ang anak pero ng mamatay ang asawa ni Luis, muling nakakita ng pagasa si Lemuel lalo na ng malaman nitong nagiging malapit na si Ames at Luis dahil kay Miguel kaya muli nitong kinausap ang anak.

Pero nag asawa si Ames at muli nabigo sya.

Ang maganda lang nangyari ay naging close si Ames sa pamilya Perdigoñez.

'At ngayon hindi ko na muling pakakawalan ang pagasang maging parte ng pamilya Perdigoñez! Hehe!'

'Sinong hindi mangingiti sa swerteng ito? Ang pagkakataon na ang gumawa ng paraan na matupad ang pangarap ko!'

'Kasalanan ko ba kung patay na patay ang ang anak ni Edmund sa apo ko?'

*****

Sa Little Manor, sa bahay ni Nadine.

"Cole, ano ka ba? Nahihilo na ako sa'yo! Kanina ka pa hindi mapakali dyan!"

Sabi ni Nadine sa kapatid.

Kanina pa nya ito na hindi maintindihan. Biglang dumating sa bahay nya pero hindi naman nagsalita, panay lang ang lakad at buntung hininga.

"Nagaalala kasi ako Ate Nadine! Nagaalala ako kay Edmund kaya hindi ako mapakali!"

"At ano naman ang pinagaalala mo sa asawa mo?"

"Kasi si Eunice kauuwi lang, alam nyang si Jeremy ang kasama nito pero nagtataka ako bakit tahimik lang sya, ni hindi sinita si Eunice bakit umalis ito ng walang paalam!"

"Okey ... hindi ko pa rin ama gets kung bakit ka nagkakaganyan?"

"Ate, hindi gusto ni Edmund si Jeremy para kay Eunice! Hindi nya gusto ito!"

"So .... hindi ko pa rin alam kung saan patungo ang usapang ito..."

"Ate naman eh! Nagaalala na nga ako eh, ganyan ka pa!"

"Ano ba talaga ang ipinagaalala mo? Pwede ba tumbukin mo na!"

"Yung pagiging kampante ni Edmund! Bakit sya kampante e dapat naghihisterikal na sya sa mga oras na ito!

Ate, best friend mo ang asawa ko, mas kilala mo sya kesa sa akin, alam mo ba kung bakit sya nagkakaganyan?!"

Tiningnan ni Nadine ang kapatid na tila tinatantya.

'Etong si Nicole, umiiral na naman ang pagkapraning nya!'

"Pwede ba maupo ka muna at nahihilo na ako sa'yo!"

Naupo si Nicole sa tabi ng kapatid at naghandang makinig.

"Nicole, kanino ka ba talaga nagaalala, kay Edmund o kay Eunice?"

"Huh?"

Napaisip si Nicole.

Aminado syang kinakabahan sya sa mga ikinikilos ni Eunice. Baka dumating ang time na hindi na nila ito makontrol at gawin na ang gusto nya.

Yun talaga ang kinatatakot nya, hindi nya alam kung ano ang gagawin ni Edmund pag nangyari iyon at sa mga oras na ito hindi nya mabasa ang ikinikilos ng asawa.

"Kinakabahan kasi ako sa relasyon nila ni Eunice at Jeremy! Nasa edad sila na masyadong mapusok! Natatakot ako!"

"Natatakot ka para kay Eunice? Akala ko boto ka kay Jeremy?"

"Huh? Kelan ko sinabi yun? Mabait na bata si Jeremy pero I don't think that he's the right guy for Eunice!"

"Why? Mahalaga ba kung ano ang iisipin nyo? Diba si Eunice naman ang magpapasya sa life nya?"

"Ate sa nangyari sa married life mo ngayon, wala ka bang pinagsisihan? Do you really think that Kuya Jaime is the right guy for you?"

"Paano naman napunta sa akin ang usapan?"

"Dahil ayaw kong dumating ang time na pagsisihan ni Eunice ang desisyon nya gaya ng ... "

Hindi matapos ni Nicole ang sasabihin nya.

"Gaya ng ano? Gaya ko! You think pinagsisihan ko ang pagpapakasal ko kay Jaime?"

Tiningnan nya ang ate nya kung galit ito. Pero wala syang nakikitang bakas ng galit o inis man lang.

"Hindi! Hindi ko pinagsisihan ang pagpapakasal ko kay Jaime! Because I have 3 beautiful and wonderful kids!"

".... saka, hindi pa dumarating ang bukas para magalala ka! Kung ako sa'yo, gayahin mo ang asawa mo kampante lang na pinanonood ang susunod na mangyayari dahil may tiwala sya sa anak nyong si Eunice! Kaya ikaw itigil mo na yang kapraningan mo!"