webnovel

DEAL!

Sinet up nila Eunice at Kate ang meet up nila Edmund, Nadine at Caren sa Old Mansion.

Present din ang magasawang Belen at Gene at saka si Nichole na madalas na ngayon makikita sa tabi ng asawang si Edmund.

Hindi nila alam kung para saan ang meeting na ito kaya nagulat sila ng kasama ng dalawa si ....

"Caren?"

"Hi Tito Edmund, Tita Nadine, Tita Nichole, Lolo Gene at Lola Belen! Magandang gabi po, pasensya na po kung nakakaabala po ako!"

Pagkaupo, hindi na nagpatumpik tumpik sila Eunice at Kate. Ikinuwento na nila kung bakit nila kasama si Caren pati ang pagtulong nilang ihanap sya ng lawyer.

Napataas ang kilay ni Nadine at nagkatinginan silang dalawa ni Edmund.

"Anong dahilan bakit nilapitan nyo pa kami eh alam nyo na pala ang gagawin?"

Tanong ni Edmund.

Napatingin ang tatlong bata sa mga matatandang nasa harap nila at parang iisa lang ang nasa isip nila.

"Ang ibig nyo po bang sabihin, gusto nyong kami ang umayos ng problem ni Ate Caren?"

Tanong ni Kate na nagtataka.

"At okey lang po sa inyo? Hindi nyo po kami pakikialaman?"

Pahabol ni Eunice

Tumango sila.

"Sa kahit na anong paraan po namin isolve, okey lang po sa inyo?"

Hirit ulit ni Kate.

"This is a good training for both of you pero gawin nating mas challenging. Tutulungan nyo si Caren pero ayaw kong malalaman ni Ms. Ruiz na tinutulungan nyo sya!"

Sabi ni Edmund.

"DEAL!"

Sabay na sabi nila Kate at Eunice na parehong nakangiti pa.

'Sabi ko na matutuwa itong dalawang 'to!'

Kinabahan bigla si Edmund. Batid nya kung paano magisip ang dalawang genius na 'to.

'Tama ba itong desisyon kong ito?'

"Teka po, nalilito po ako, ano pong ibig nyong sabihin?"

Tanong ni Caren na hindi makasunod sa pinaguusapan nila.

"Caren, iha, si Kate na at Eunice ang bahalang tumulong sa'yo sa problema mo pero huwag kang mag alala dahil nasa likod naman kami para imonitor ang mga mangyayari.

Sabi ni Nadine.

"Pero hindi sila pwedeng ma expose, hindi pwedeng malaman ni Ms. Ruiz na tinutulungan ka nila o sino man sa amin, gagawin natin ito ng secret!"

Sabi ni Nichole.

"Naintindihan ko po, baka mapahamak sila pag nalaman ni Berna na tinutulungan nila ako!"

"Hindi lang sila pati ikaw! Hindi natin alam ang buong kwento kaya mas mabuti ng magingat tayo sa mga kilos natin! Maliwanag ba Kate Eunice?"

Sabi ni Edmund.

"Yes po!"

"Ninong pwede pong magtanong?"

Sabi ni Kate.

"Ano yun?"

"Ano po bang dahilan bakit pinatalsik si Ms. Ruiz sa Perdigoñez International?"

"At bakit mo naman naitanong?"

"Curious lang po, saka may kutob akong duon po nagsimula ang lahat!"

Paliwanag ni Kate

'Eto talagang batang 'to, tumatakbo na agad ang utak hindi pa nagsisimula!'

Napatingin sya kay Nadine.

"Well Kate will always be Kate!"

Sabi ni Nadine.

"Ako ang sasagot sa tanong mo Kate!"

Sabi ni Belen na kanina pa natutuwang pinagmamasdan ang mga bata.

Naalala nya tuloy ang panahon nung bata pa sya makulit at mahilig makialam dahil curious din sa maraming bagay.

Tumahimik ang lahat para makinig.

"Nagsimula si Berna bilang isang simpleng empleyado, contractual pa lang sya nuon.

Masipag sya at laging nakangiti at nakitaan din sya ng galing kaya na regular sya agad.

Isang araw nangailangan si Gab ng mga tao sa special project nya at si Berna ang ni recommend ng boss nya. Wala din kasing gustong sumama dahil extra work load ito sa kanila.

Mga clerical work lang ang trabaho nya sa special project na yun pero enthusiastic si Berna. Gusto nyang matuto, hanggang sa napansin ni Gab na parang inuutos na nila ang lahat ng bagay kay Berna kaya madalas gabi na ito umuwi.

Sya ang una dumarating at sya rin ang huling tao na nakikita nya sa special project room.

Nagkaron tuloy ng interes si Gab sa kanya at binigyan sya ng trabaho para makita ang kakayahan nito at napabilib nya si Gab dahil sa determinasyon nyang matuto kahit wala syang idea kung paano nya gagawin ang trabaho.

Kaya ng matapos ang special project at naging successful ang results, na promote si Berna. Lahat ng naging part ng special project nagkaron ng bonus pero si Berna lang ang na promote.

At iyon ang simula ng pag angat ni Berna hanggang sa magawa nyang maging project manager sa loob lang ng 5 taon.

Maraming nilagpasan na empleyado si Berna kaya hindi maiiwasan na maraming naiinggit sa kanya at yung inggit na yun ang dahilan kaya sya napatalsik sa Perdigoñez International."

"Ibig nyo pong sabihin Granny, may posibilidad na hindi totoo ang binibintang sa kanya?"

"Sa simula pa lang alam na ni Gab na naframe up sya pero nanahimik si Gab at hinayaan sila.

Ang hindi nila alam, lihim na nagimbistiga si Gab pero huli na, pinagtabuyan na nila si Berna."

"Na frame up sya?"

"Oo at hindi lang sya na frame up pinakulong pa sya at inalisan ng karapatan sa sarili nyang pagaari! Wala silang tinira sa kanya maliban sa suot nya!"

Hindi makapaniwala ang lahat.

"Sinong gagawa nun sa kanya? Tanong ni Caren.

"Isang malaking tao ang nasa likod ng pagpapatalsik kay Ms. Ruiz."

Sabi ni Kate.

Naintindihan ni Edmund ang nasa isip ni Kate.

"Huwag nyong intindihin ang tungkol sa Perdigoñez, hayaan natin iyon kay Gab. Mag focus kayo sa problema ni Caren yun lang!"

Utos ni Edmund.

Tumahimik ang lahat hanggang sa ...

"So, paano po nagkakilala si Berna at ang Papa?"

"Yan ang tanungin mo sa Papa mo pag nagkita kayo dahil hindi ko rin alam!"

*****

Samantala.

Isa isang pinagaaralan ni Berna ang tungkol sa kompanya ni Raymond.

Wala syang plano nung una na pakialaman itong kompanya pero wala syang magawa. Nakakaboring ang pagmasdan buong maghapon si Raymond na nakahiga lang sa kama at hindi pa nya sigurado na makukuha nya ang pagmamanage ng Tulip. Kaya in the mean time pag praktisan muna nya ang kompanya ni Raymond.

Maayos naman ang pamamalakad ni Caren pero walang pinagbago ang kompanya simula ng hawakan nya ito. In fact, umaasa lang ang kompanya sa dating project nila nung si Raymond pa ang may hawak, wala silang bagong project na ipinasok simula ng maupo si Caren.

"Halatang bagito pa sya, ano bang iniisip ni Raymond at ipinagkatiwala nya ang kompanya sa anak nya?"

Naiinis na tanong ni Berna sa secretary ni Berna, dismayado talaga sya sa desisyon ni Raymond.

"Hindi ko po alam Mam, secretary lang po ako dito!"

"Huwag mong sabihin yan! Huwag mong nilalang ang pagiging secretary! Dahil kung gugustuhin mong magtagumpay, magagawa mo!"

Singhal nya.

Shoes, bags and accessories ang business ni Raymond at sa kanya ibinenta ni Edmund ang kompanya ni Lemuel.

Ilang araw pa lang hinahawakan ni Berna ang kompanya may mga ideas ng pumapasok sa kanya.

'Na miss ko 'to!'