TAMBAYAN restaurant.
Sa taas, nakatanaw sa bintana sila Kate at Eunice, pinagmamasdan ang paligid sa labas ng TAMBAYAN.
Ilang araw na nilang ginagawa ito, inaabangan ang taong grasang tinutukoy ni Eunice.
"Ayun, sa tapat, sa dati nyang pwesto!"
Sabi ni Eunice.
Nakita nga ni Kate ang tinutukoy ni Eunice.
Ang matandang taong grasa.
Kitang kita ang sigla sa kilos nito na nakatutok ang mga mata sa daan, tila may inaantay.
"Ano sa tingin mo Ate Kate, si Lolo Lemuel nga ba yang taong grasa?"
"Iba ang tindig at lakad nya. Dahil may kapansanan, iika ika na sya kung maglakad pero ang mannerism pareho nga ng kay Lolo Lemuel! Kailangan natin ngayon iconfirm kung syanga talaga yan?"
"Paano? Anong gagawin natin para ma confirm? Hindi naman natin sya pwedeng lapitan ulit, tyak na aalis yan at lalayo tulad ng sinubukang gawin ni Beshy Mel kahapon!"
Kahapon kasi, napansin din sya ni Mel pero wala sila Kate at Eunice kaya naisipan nyang lapitan ito na kunwari magaabot ng pagkain.
Dati ng ginagawa ito nila Mel at AJ, nagbibigay sila ng free meal para sa mga taong kalye, kasama na ang mga taong grasa.
Kaya ng makita sya ni Mel, dali dali syang lumapit para magabot ng pagkain pero, dagli naman umalis at lumayo ang taong grasa na parang natakot sa paglapit nya.
Ilang beses lang nya nakita ang lolo ni Jeremy kaya hindi rin nya ma sure kung syanga ito dahil napakalayo, hindi nya nagawang makita ng malapitan.
"Mukhang kailangan nga natin si AJ!"
"Ate Kate!"
Reklamo ni Eunice.
"Not physically!"
Paliwanag ni Kate.
"You mean ... "
"Yes! Gagawa lang tayo ng bait para lumapit sya! Para malaman natin kung syanga talaga si Lolo Lemuel!"
May mga kamera ang kotse ni AJ kaya yun ang gagamitin nila. Tinted naman yun hindi nya masyadong maaninag kung sino ang nagmamaneho, kailangan lang nilang mapalapit yung taong grasa para makuhanan nila ng video at pics ng malapitan.
"Okey, tapos si Kuya JR ang magmamaneho ng kotse ni Milky, magkasing tangkad naman sila."
Ang tinutukoy ni Eunice na Kuya JR at ang asawa na ngayon ni Reah na shadow guard nya rin.
Ginawa na ni Eunice na personal assistant si Reah kahit nagpoprotesta ang kalooban nito dahil 5 months pregnant na ito kaya ang pumalit sa kanya bilang bodyguard ni Eunice ay ang asawa nyang si JR.
TUTUT TUTUT!
Tumunog ang cellphone ni Eunice. May nag text.
[Eunice, we need to meet! Pakisabi na rin kay Kate ASAP]
~Caren
"Si Ate Caren, nag text, gusto nyang makipag meet, ASAP daw!"
Sabi ni Eunice.
"Hindi ako pwede busy ako, ikaw, busy ka rin kay AJ, diba?"
Sabi ni Kate
"Oo, pero urgent daw! Tungkol kaya saan?"
Nagtatakang tanong ni Eunice.
"Bakit ba hindi na lang nya sabihin kung tungkol saan? Baka tungkol sa Papa nya at kay Berna. Pero busy talaga ako!"
Sabi ni Kate.
Nagdududa na tuloy si Eunice.
"Ano ba yang kina bi busyhan mo lately Ate Kate? Napapansin kong lagi kang may pinagkakaabalahan at laging magaan ang mood mo na parang excited ka! Share naman dyan!"
"Huwag mong sasabihin kahit kanino, lalo na sa Mommy mo at sa Mommy ko!"
"Okey, promise!"
"Nagtatrabaho na ako bilang isang forensic specialist!"
Hindi makapagsalita si Eunice. Napanganga pa nga ito sa sinabi ni Kate.
Hindi sya makapaniwala na susuwayin ng pinsan nya ang ayaw ng buong pamilya nya. Ang maging 'forensic specialist' o kahit anong field of work na may kinalalaman sa mga criminal.
"Don't worry Eunie hindi naman ako fulltime doon, part time lang. Gusto ko lang gawin ito para sa sarili ko, so please don't tell!"
Pakiusap ni Kate.
'Pero Ate Kate! Naman eh, as if ganun kadaling magsecret kay Mommy! Pag nalaman ni Mommy na nagsecret ako sa kanya, lagot ako dun! Ayokong matsitsinelas!"
Kinakabahan sabi ni Eunice.
"Eh bakit kasi tinanong mo ako?"
Tanong ni Kate
"Eh, bakit ka kasi sumagot?"
Tanong din ni Eunice.
"Kasi, kilala kita! Alam kong hindi mo ako titigilan sa kukulitin mo, kaya nagtapat na ko!"
"Haaisst! Ate Kate talaga!"
***
[Sorry Ate Caren busy kasi ako dahil andito ngayon sa Manila ang boyfriend ko, saka daming pinagagawa ni Daddy sa training ko. Si Ate Kate naman may napaka importanteng gagawin kaya laging wala dito. Tungkol ba saan Ate Caren, baka pwedeng sa phone na lang tayo magusap?]
~Eunice
Nagulat si Caren sa reply ni Eunice.
"Akala ko ba handa nila akong tulungan, bakit busy na ngayon sila?"
Tanong ni Caren sa sarili.
[Ayoko ng tawag, gusto ko kayong makausap ng personal]
~Caren
[Sorry talaga Ate Caren, wala talaga akong time dahil papunta akong Tagaytay ngayon at si Ate Kate naman hindi ko alam kung saan nagpunta]
~Eunice
Hindi talaga alam ni Eunice kung saan nagpunta ang pinsan nya. Nagpaalam lang na aalis pero hindi sinabi kung saan pupunta.
Kaya walang nagawa si Caren kungdi tawagan si Brix.
"Atty. Brix, I need to talk to you about something. Urgent lang!"
"Sige, Caren, punta ka dito sa office ko!"
Sagot ni Brix.
"Hindi ba tayo pwedeng magkita na lang, dun sa dati nating tagpuan?"
"May malaking kaso kasi akong hawak kaya hindi ko sure kung makakaalis ako dito. May mga inaantay din kasi akong kausap, baka biglang dumating pag wala ako dito. Saka, dumating na si AJ yung may ari ng condo, hindi na tayo pwede dun!"
Hindi makapaniwala si Caren, ang dami na pa lang nangyari simula ng hindi sya nagpapakita sa kanila.
***
Sa office ni Brix.
"Attorney, mukhang busy ka, puno ang mesa mo!"
Sabi ni Caren.
"Oo, dami kasi akong hindi natapos simula ng hawakan ko ang kaso mo, natabunan tuloy ako!"
At muli itong bumalik sa upuan nya para ituloy ang ginagawa.
Medyo nakaramdam ng irita si Caren.
"Attorney, pwede bang itigil mo muna yan ginagawa mo, gusto kitang makausap!"
Nahalata ni Brix ang tono ng salita ni Caren.
Halatang inis ito dahil gusto nyang ibigay ni Brix sa kanya ang buong atensyon nya tulad ng dati na hindi nya maibigay dahil sa dami ng ginagawa nya.
Ibinaba ni Brix ang hawak nya at hinarap si Caren.
"Okey! Ano bang gusto mong sabihin, I'm giving you 10 minutes!"
"Ten minutes? Ano 'to? Bakit may oras na ang pakikipagusap ko sa'yo?"
"Kasi, Caren unlike you na maraming time sa buong maghapon, ako WALA! Pati nga pagkain at pagpunta sa banyo hirap ko ng gawin sa dami ng gagawin kong hindi matapos tapos!"
"Nangiinis ka ba? Nagpunta ako dito dahil may importante akong sasabihin sa inyo! Pero ano? busy si Eunice, busy si Kate at pati ikaw BUSY rin?!"
Naiinis na sabi ni Caren. Hindi nya matanggap na hindi man lang sya bigyan ng time ng mga ito katulad ng dati.
"Caren, ikaw ang nagsabi na mas gusto mong tumutok na lang sa family mo at nirespeto namin yun. Anong gusto mo, antayin ka namin kung kelan ka available? Meron din kaming LIFE, may naghihintay din sa amin na mga trabaho!"
Ma pride si Caren kaya hindi nya nagustuhan ang sagot ni Brix.
"Akala ko ba tutulungan nyo ako? Kayo ang nagsabi sa akin nyan, diba? Tapos ngayon sasabihin nyo busy kayo?"
"Bakit, hindi ba naguusap na kayo ng Papa mo? Okey na kayo, so ano pa bang tulong ang gusto mo? Huwag mong sabihing, ang dating posisyon mo na naman?
Bakit kaya mo ba ang ginagawa ni Berna? Kaya mo bang iligtas ang kompanya nyo?
Kung hindi ang sagot mo, I advice you na huwag mo ng ituloy, manahimik ka na lang dyan at tulungan ang tatay mong maka recover agad para sya ang kumuha ng pagka presidente kay Berna!
Alam mo na naman siguro ang sitwasyon ng kompanya nyo!"
Napipikon na si Caren. Hindi ito ang inaasahan nya.
"So ibig sabihin ayaw nyo na akong tulungan, at lahat ng pagka busy nyo ay dahilan nyo lang!"
"Dahilan? Hahahaha!"
"Nakakatawa ka Caren kung sa tingin mo dahilan lang lahat ng nasa table ko! Sana nga, pero hindi! Kasi Caren totoo ito, ito ang realidad, busy talaga ako, busy talaga kami!
Kasi Caren ....hindi lang sa'yo umiikot ang mundo namin, kaya pasensya na kung naging busy kami sa life!
Saka, pasensya na rin kung tapos na ang 10 minutes mo dahil andyan na ang mga kausap ko!"
"Makakaalis ka na!"