webnovel

My Beast Boss

They unexpectedly meet each other in an unexpected way. Their world suddenly turns into a hundred millions of beats when they path crossed--making them to throw back the memories from the past. Marsha Sandoval Who had a simple life. Her smile creates happiness, and brings a positive outlook to her surroundings. But the fact that she had a past life with a man who captured her heart - her whirlpool life suddenly turns into a tragic incident which makes her world turn to forget her past -- because of having an amnesia. But unexpectedly, he suddenly met a person. Making her life change and help her to recall her past, to recall their memories that they'd made. Logan Figueroa who owns a company of Empire State Corporation (ESC). Known as a Billionaire, tyrannical, arrogant, selfish - what girls are looking for in a man is what he has and his bad side is not the case. Logan is known for being a Beast boss--but suddenly his hard-hearted man also turns into a melting ice when he found the girl whom he was actually looking for so long--yes, it was her treasure. His longing heart aroused again, pounding many times because of loving the girl so much. And his heart was filled again. His beasty way became soft-hearted. Everything has changed. He doesn't want to lose that girl anymore and wants to be with her forever. Steven Montefalco. Who also owns a company. Prominent man who's the same with Logan for being a rich man. But there's suddenly came another man in Her life, which makes her to choose over that two men who leave a trace on her past. Make her to choose which who she should love, and where her heart belongs for.

Maiden_pinkish · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
79 Chs

53. Feed Me

Tumungo ako sa kusina para mag-luto ng hapunan namin. Speaking dito, dumating kasi kami kanina dito sa bicol halos mga tanghali na rin. Naging matagal rin ang biyahe dahil inabot kami ng ilang oras sa biyahe..

Nag-luto ako ng menudo na paborito naming kainin ni Dwayne. At alam kong magugustuhan rin 'to ni Logan. Syempre, luto ko kasi.

Wala pa sa oras at natapos ko na ring lutuin iyon. Pagdaka'y isinalin ko 'yon sa bowl at saka ko inilagay sa ibabaw ng mesa. Nag-lagay na rin ako ng mga plato, kutsara at tinidor. At nung mukhang okay na ay may ngiti sa labi akong napa-palakpak.

Pinuntahan ko muna sa balkonahe si Logan dahil nakita ko kasi siya doon kanina na may kausap sa cellphone niya. Baka tungkol siguro iyon sa business niya.

Nang makarating na ako 'don, hindi ko siya nakita 'don. Sinubukan kong puntahan siya sa sala at wala rin siya.

Saan ba siya pumunta?

Naisipan kong puntahan siya sa kwarto. 'Yon nalang kasi yung hindi ko pa napupuntahan. Halos nilibot ko na kasi yung bawat sulok, pero hindi ko pa rin siya nakita.

Nang marating ko na 'yon ay binuksan ko na yung pinto at bumungad naman sa akin ang loob niyon.

Sinubukan kong pumasok sa loob, at iginala ko ang mga mata ko sa paligid.

"Ay, jusmiyo marimar!" halos mapatalon ako sa gulat dahil nahagip ng mga mata ko si Logan na iniluwa 'don mula sa cr.

Napalunok ako ng makita ko siyang walang saplot, at tanging nababalutan lang ng tuwalya ang kanyang kalahating katawan. Basa ang magulo niyang buhok at may mga butil ng tubig sa kanyang katawan.

Inalis ko kaagad ang tingin ko sa kanya nang napa-gawi ang tingin niya sa akin. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-tanaw sa paligid.

Jusko. Bakit ang init ata ng paligid? O sadyang ang hot lang niya?

Jusme. Yung mga mata ko talaga, masyado nang nagkakasala. Ugh!

"Are you looking on me?" dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. At nakita ko naman na naka-tayo na siya ngayon sa harap ko. Pilit akong ngumiti sa kanya.

"A-ahh, oo. N-nagluto na kasi ako ng pagkain at gusto ko sanang sabay tayong kumain.." pagdaka'y hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya.

"B-bakit? Ayaw mo ba akong sabayan na kumain?" napataka ako. Napansin ko kasing hindi siya umimik at wala manlang ekspresyon ang kanyang mukha.

Sinubukan kong pisilin ang pisngi niya. Para kasi siyang robot, hindi manlang kumikibo. Pagdaka'y, nakita ko namang napakurap siya.

"No. But if you'll give me some encouragement, I will eat with you.."

Ano bang trip niya? Saka hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit pa kasi niya ako dinadaanan sa mga ganyang bagay? Hays.

"H-ha?" tanong ko. Nakita kong napa-ngisi siya.

"Feed me, love.." para akong yelo na nanigas. Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan habang naka-tanga akong naka-tayo sa harap niya. Nag-iinit rin ang pisngi ko.

Ako? Papakainin ko siya?

Pero ano rin daw sinabi niya? l-love? Love na ang tawag niya sa akin? Bakit parang ang sweet 'non? Kinikilig ako.

"F-feed? Pero malaki ka na ha?" nag-bibiro ba ba siya? Pero sa totoo lang, gusto ko rin 'yon.

"Nah. Then I won't eat.." pagdaka'y umalis na siya sa harap ko at nakita kong tumungo siya sa malaking aparador, at kumuha siya doon ng masusuot niya.

Kaagad na akong tumalikod dahil mukhang balak pa ata niyang mag-bihis sa harap ko. Syempre 'no, ayaw ko nang madagdagan pa ang sala ko. Jusme. Nag-huhuramentado na naman tuloy yung puso ko. Pero pwede din naman siguro, boyfriend ko naman na siya diba?

"L-lalabas muna ako.." pinilit kong magsalita. Pero mukhang hindi niya ako pinakinggan.

Bumuntong-hininga ako at sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko palabas. Pero hindi pa ako nakakalabas, narinig kong nagsalita siya na ikina-tigil ko.

"Marsha.."

Jusko. Baka mahalikan ko siya kapag hindi pa siya tumigil sa pagpapa-kilig sa akin. Ugh!

Sinubukan kong iikot ang katawan ko sa kanya. At nakita ko naman na may suot na siya pang-ibaba pero wala pa pa rin siyang saplot sa itaas niya.

"B-bakit, L-logan?" itinuon ko nalang ang tingin ko sa kanyang mukha. Isinuklay niya ang kanyang mga buhok gamit ang kanyang mga daliri, at saka ko siya nakitang lumapit sa akin.

"Let's eat." sabay hinawakan niya ako sa kamay ko. Sabay naglakad na siya palabas habang naka-sunod lang ako sa kanya.

"H-hindi ka ba muna mag-bibihis?" sa totoo lang medyo pinag-papawisan na kaya ako simula pa kanina. Paano ba naman kasi, ngayon ko lang uling nakita yung abs niya, at nakita ko pa iyon ng malapitan.

"Later. I mind if you'll be the one to wear it for me, love." sabi niya. Hindi ko na nagawang umimik at tinamaan na naman ako ng kilig.

Jusko. Ganito ba talaga niya ako pakiligin?

Umupo siya sa upuan, sabay pinapa-upo niya ako sa mga hita niya ng utusan niya akong umupo doon. Kaya wala na akong nagawa kundi ang mapa-upo 'don.

Ewan ko pero hindi pa naman kami mag-asawa ha? Pero sa lagay namin, mukhang kinarir na niya 'yon.

Hays. Sabagay, 'don rin naman hahantong 'yon. Saka mahal ko siya eh.

"What's that dish?" sabi niya ng tinignan niya yung ulam na nasa mesa.

"A-ahh, ano..pinag-luto kita ng menudo. Masarap 'yan.." sabay pilit akong napa-ngiti.

"Then now, feed me love." medyo nag-aalinlangan pa ako kung gagawin ko ba talaga 'yon.

"Kailangan ko ba talaga 'tong gawin sa'yo?"

"Yes. Like what I've said.." ma-awtoridad niyang sabi.

"O-okay.." pinag-sandok ko siya ng pagkain niya at sabay sinubuan ko siya.

Para lang akong abnormal kung titignan pero mukhang masaya naman iyon. Hindi ko napansin na naka-pulupot pala ang magkabilang braso niya sa aking katawan, at halos hindi na rin ako maka-kilos dahil masyado akong naka-kulong sa mga braso niya.

"Masarap ba?" nakangiti akong naka-tingin sa kanya. Mukhang nilasahan muna niya 'yon habang kinakain niya. Saka niya nilunok.

"Yeah. It taste good, love." aniya. Medyo namula ang pisngi ko ng sambitin na naman niya yung love. Parang may nag-liliparan na naman tuloy sa tiyan ko.

Naisipan kong magsandok na rin ng makakain ko habang kumakain rin siya. Pagdaka'y kumain na rin ako.

Ilang minuto kaming naging ganon ang posisyon. Pagkatapos 'non ay ayaw pa niya atang umalis ako sa tabi niya.

At katulad pa rin ng palagi niyang ginagawa, nag-kondisyon na naman siya. Natikman ko na naman kasi yung labi niya ng hinalikan niya ulit ako. At masasabi ko na mukhang naadik na talaga ako sa halik niya. Ugh!

Bakit ba ang sarap niya kasing humalik?

hello there!!

hope you like this another chapter!

salamat sa mga nakaka-tabang comments and support niyo sa story na ito!

love you guys. Keep safe always. ❤️

Ps. Your votes, comments and sending gifts is my inspiration and gives me pleasure to write this story. ;-)

Maiden_pinkishcreators' thoughts