webnovel

My Baby Maker (MayWard)

I only wanted a baby... But he wanted me and the baby.

walakabampira · Người nổi tiếng
Không đủ số lượng người đọc
41 Chs

Baby 7

Kinaya ko ang buhay na walang ama at ina.

Sila mamu ang nagsilbing magulang ko.

Si Mamu Kai, Mamu Bella, Mamu Jeressa at Mamu Nikita.

Mga single for life.

Malas sa love life.

Kaya alam kong kakayanin din namin ng anak ko kahit wala syang ama.

And besides, sa panahon ngayon na maraming naghihiwalay kahit na mag-asawa pa sila hindi na rin siguro masama ang plano ko.

Ayoko lang naman maiwan at masaktan.

Kaya mabuti na yung magpabuntis ako sa lalaking hindi ko mahal.

At least, hindi ako masasaktan.

Kinailangan ko na lang talaga kapalan ang mukha ko para pumayag ang boss ko na anakan nya ako.

Paano ko nga ba sya na papayag sa plano ko?

Simple, I pretended to be drunk and desperate.

And thank God it worked!

So here I am...or should I say here we are.

Flashback

Pumunta ako sa bar na palaging pinupuntahan ng boss ko.

Ayun sya napapalibutan ng mga haliparot.

I made my way to the bar.

Sinadya kong magsuot ng sexy.

A fitted backless LBD that's 4 inches above the knee.

My hair on one side in loose curls.

Red lips.

I immediately order two shots of tequila.

Pampakalma.

Pasimple akong tumingin sa pwesto nya.

Nagulat pa ako ng makitang nakatitig sya sa akin.

Hindi ko alam kung nakilala nya ako.

This is not my usual office get-up kaya malamang hindi.

I look away.

Maaga pa.

Patuloy lang ako sa pag-inom ng tequila.

After a few shots medyo tipsy na ako.

Just enough to look desperate.

May mga lumalapit para makipagkilala but I politely decline.

Umaalis rin naman agad sila.

Pero may isang makulit.

He even held my wrist.

"Get your filthy hands off my woman!"

Hindi sya sumigaw pero may diin ang bawat katagang binitawan nya.

Si Mr. Barton!

Hinawi nya yung kamay ng lalaki sabay tingin ng matalim.

Muntik pang matumba yung lalaki dahil sa kalasingan.

Buti hindi umalma.

Natakot yata.

Nang umalis yung lalaki ay bumaling sya sa akin.

"Are you alright?"

I mentally roll my eyes.

Men and their hero complex.

Always assuming that women need rescuing.

I could've broken every bone in that perv's body without breaking a sweat if I wanted to.

I tried to look scared.

I rub a bit on my wrist para kunwari masakit.

"O...o-kay lang naman! Thanks for rescuing me!"

Time to put on my act.

I tried to stand up pero "lasing" na ako kaya napasandal ako sa dibdib nya.

"Sorry..." hingi ko ng paumanhin.

Hinapit nya ako sa bewang at inayos ang tayo ko.

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo Ms. Enriquez at pumunta ka sa lugar na ganito?"

Shet!

Nakilala nya ako?

Parang nawala lahat ng epekto ng tequila sa sistema ko.

Nakilala nya ako.