webnovel

My Baby Maker (MayWard)

I only wanted a baby... But he wanted me and the baby.

walakabampira · Người nổi tiếng
Không đủ số lượng người đọc
41 Chs

Baby 36

"You mean...you used me?"

Tumango ako pero hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Ayokong makita yung pagkadisgusto sa mukha nya pagkatapos nyang marinig yung plano ko.

"I'm sorry pero wala kasi akong boyfriend o ex-boyfriend na pwedeng pakiusapan sa balak ko. NBSB kasi ako."

"So...let me get this straight...you planned the whole thing that night to get me...to get you pregnant then after having your way with my body, you planned on disappearing and not letting me know that we have a child. That's your plan Ms. Mary Anne Enriquez?"

Tumango ako pero hindi ko magawang iangat ang ulo ko at tingnan sya.

My plan sounds so demeaning and desperate after hearing it from him.

Ramdam kong malapit ng tumulo ang luha ko kaya napakagat labi ako.

"Look at me Mary Anne!"

"May tanong ako...bakit ako ang napili mong baby maker?" at saka nya dahan-dahan na inangat ang mukha ko para tumingin sa kanya.

Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa utak nya.

Itodo na natin yung kahihiyan ko.

"Ikaw ang napili ko kasi ikaw ang mahal ko! Mahal kita!"

B POV

"Ikaw ang napili ko kasi ikaw ang mahal ko! Mahal kita!"

Gusto kong sumigaw at magtatatalon sa tuwa ng sabihin nya yon.

I bite my inner cheeks to suppress the smile that's threatening to form on my lips.

"Kung talagang mahal mo ako...then marry me! Panagutan mo ako!"

M POV

"Kung talagang mahal mo ako...then marry me! Panagutan mo ako!"

Huh?!?

Hindi ba dapat ako ang nagsasabi ng ganun sa kanya?

"Ano Ms. Mary Anne Enriquez ganun na lang ba 'yon? Pagkatapos mong magpakasasa sa katawan ko iiwan mo na lang ako?!?"

Wait lang!

Bakit ako?

"Ayaw mo? Hindi ko alam na magagawa mo sa akin ito Ms. Mary Anne Enriquez! Mahal na mahal pa naman kita tapos ginamit mo lang pala ang katawan ko! How could you?!?" sabi nya ng hindi ako kumibo.

Seryoso?

Sya pa talaga?

Tumalikod sya sa akin.

B POV

Tumalikod na ako.

Hindi ko na kayang pigilan yung ngiti ko dahil sa facial reactions nya sa mga sinabi ko.

F*ck

Hindi ko alam na kikiligin ako sa confession nya.

She chose me because she loves me too!

Mahal nya rin ako!

M POV

Shet!

Ano bang nangyayari?

Niyakap ko sya habang nakatalikod sya sa akin.

"Hindi ganun 'yun daddy Dominic! Hindi ko naman kasi alam na mahal mo rin ako! Yun lang kasi yung naisip ko na paraan! Sige...pakakasalan na kita kung yan ang gusto mo!"