"Mahilig ka palang magluto!" ani Heshi habang sinisipsip ang buto ng manok, "Samantalang ako instant noodles na nga lang lumalabsak pa!"
"Well, it runs in the blood! mahilig magluto ang mama namin kaya pati kaming magkakapatid marunong din, yun nga lang yung bunso namin eh medyo palpak pagdating sa kusina kaya naka ban yon!" nalilibang talaga si Juno sa panonood kay Heshi habang sarap na sarap sa mga dala nyang pagkain.
"Mahilig din naman akong magluto eh, puro prito nga lang!" hindi na niya idinagdag na itlog, hotdog, tocino at kung anu anu pang frozen food lang ang niluluto nya dahil yun lang ang kaya ng budjet nya.
Matamang tiningnan ni Juno ang kaharap, bigla syang nakaisip ng dahilan para makita ito ng mas madalas, sana nga lang pumayag ito. "Kung gusto mo pwede kitang turuang magluto!" alok niya dito.
"Magluto?" napalunok si Heshi, wala namang problema sa kanya ang pagluluto ang iniisip lang nya ay yung gagastusin sa pagluluto.
"Yes, I can teach how to cook sa mga bakante mong oras at wala kang poproblemahin sa ingredients dahil ako na rin ang bahala don!" Sige na please, pumayag kana! kulang nalang ay sabihin yon ni Juno.
"Magandang Idea sana yang iniisip mong turuan ako kaya lang parang kukulangin ako sa oras eh." nanghihinayang na sabi ni Heshi.
"Bakit naman?" napakunot ang noo ni Juno sa sagot nito.
"Kase kaylangan kong maghanap ng part time job para madagdagan ang income ko." nahihiyang pag amin ni Heshi.
"Part time?" dagling nagisip si Juno, kailangan may maioffer sya sa dalaga para magkaroon itp ng oras sa kanya. "hindi kaba mahihirapan non? I mean may trabaho kana tapos magpapart time kapa!"
"Hindi naman siguro, gusto ko kaseng bumili ng laptop tsaka para makaipon narin ako." dinagdagan ni Heshi ang kanin sa pinggan niya.
Nagisip mabuti si Juno, pano nya bibigyan ng part time si Heshi eh puro pang kusina ang linya ng negosyo niya? hindi naman pwedeng gawin niya itong dishwasher! E kung assistant cook kaya? kaso mukhang wala itong alam sa kusina. "Ano bang part time job ang gusto mong pasukin?"
"Something na may kinalaman sa paperwork's and ahm pwede rin akong mag DJ dahil may experience naman ako nung highschool and college!"
Oh! biglang namilog ang mata ni Juno sa narinig, "Talaga pwede kang mag host!? may event ang bar namin tuwing weekends and nangangailangan kami ng maghohost! tatlong gabi din sa isang linggo yun kaya siguradong hindi ka na lugi!"
"Pwede kaya ako don? Hindi pa kase ako nakakapaghost sa mga bar eh! Tanggapin kaya ako ng boss mo?" nagaalangang tanong niya dito.
Ngumiti naman ng malawak si Juno, "Don't worry, akong bahala sa boss ko. Sigurado akong tangap na tangap ka non!"
Hindi na sumagot si Heshi pinagpatuloy nalang niya ang pagkain, hindi nya maisip kung bakit pero parang kinakabahan sya kinikilos ni Juno. Ilang araw palang niya itong nakikilala pero kung umasta ito ay parang close na close agad sila!
"Congrats! nakakuha kana agad ng part time job, yan ang sinasabi ko sayo eh, pag gusto may paraan!" ani Yra kay Heshi habang nagtatanghalian sila nito sa canteen ng kumpanya nila.
"Oo nga, hindi ko rin inaasahan na makakakita agad ako ng extra income, medyo kinakabahan lang ako dahil medyo matagal na mula ng maghost ako ng event baka mautal ako sa stage!" aniya dito.
"Anu kaba, kayang kaya mo yan! Andyan na yung trabaho, gagawin mo nalang at magkakapera kana! isipin mo nalang na pagkatapos nyan eh one step away kana sa pangarap mo!" napakapositibo talaga sa buhay ng kaibigan nyang ito.
"Sabagay tama ka jan! kung hindi talaga ako kikilos ay wala namang mangyayari kaya go lang ng go!" nahawa na rin sya sa pagiging positive thinker nito.
Friday night na, kinakabahan si Heshi pagdating niya sa JnJ's dahil ito ang unang gabi niya magtatrabaho doon, sinalubong naman sya Juno pagpasok palang niya doon.
"Magpahinga ka muna at maaga pa naman!" habang nasa opisina sila ni Juno. "Eight pm pa magsisimulang magdatingan ang mga costumer kaya may oras kapa para maghanda!"
Abot ang kuskos ni Heshi sa kulay cream na slacks na suot suot nya habang nakaupo sa harap ng table ni Juno. "Hindi ba dadating ang boss mo? hindi ko ba sya makikilala ngayun?" tanong niya rito.
"You're doing it right now!" sagot ni Juno.
Napakunot ang noo ni Heshi. "You're talking you're boss right now!" nanatili lang si Heshi sa pagkakatitig sa kaharap.
"You mean ikaw ang may ari nitong bar nato?" hindi makapaniwala bulalas ni Heshi.
"Yes!"
"Akala ko ba empleyado kalang dito? bakit hindi mo sinabi kaagad?" napangiwi si Heshi.
"Hindi ko sinabi kase baka isipin mong mayabang ako tsaka nawalan na din ako ng pagkakataon para sabihin sayo eh!" napangiti nalang si Juno sa reaksyon ng kaharap. "You will work for me!"
She deeply sight, matutuwa ba sya o maiilang? she looked at him, he's confidently smiling at her! ano pabang magagawa niya? andito na rin lang naman sya edi magtrabaho na! lalong dumoble ang kabang nararamdaman ni Heshi lalo ngayung nalaman niya na ito pala ang boss niya!
"Don't worry, Hindi mo kailangan mailang sakin!" anito.
"Actually hindi naman ikaw ang iniisip ko!" sagot niya dito.
"Huh?" si Juno naman ang biglang nalito sa kanya. "Kung hindi ako eh ano pala?
"Mas iniisip ko yung stage niyo don sa baba! mas kinakabahan ako dahil ngayun lang ulit ako hahawak ng mikropono!" palusot niya dito.
Bigla namang nakahinga ng maluwag si Juno, buong akala kase niya ay magbabackout ang dalaga pag nalamang siya ang magiging amo nito, "Mabuti naman! akala ko kase magbabago na ang isip mo eh!"
"Wag kang mag alala dahil hindi na magbabago ang isip ko, sayang din ang kikitain ko dito kung magbaback out ako no!" napangiti nalang si Heshi, sya na nga ang nag offer sakin ng trabaho sya pa ang ninenerbyos kung tatanggapin ko o hinde!
Tumayo si Juno at iniabot sa kanya ang isang kamay, "This is awesome! welcome sa JnJ's!"
Tinanggap na rin ni Heshi ang kamay nito, "Salamat!"