webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
101 Chs

Chapter 87 Plans

"Naalala ang alin?" nakamaang na sagot ni Jion kay Yra.

Is he acting na wala pa rin syang naalala? Pero ang sabi ng doktor ang biglang pagbalik ng memorya nito ang dahilan kaya ito nawalan ng malay! mataman nyang tinitigan si Jion, "Ang lahat!" saad niya dito.

"Ang-" kumunot ang noo nitong parang nagiisip, "Lahat?"

Ano to? wala pa rin syang naaalala? napahawak si Yra sa noo niya, Dyosko! hanggang kailan ba sya magiging ganito?

"Ah, Yra baka naman pagod lang si Jion dahil sa mga biglaang pangyayari sa kanya," Ani Mr. Lorenzo. "Hayaan muna natin sya, pasasaan bat babalik din sa normal ang memorya nya."

Walang nagawa si Yra kundi tumango nalang, "Jion, don muna ako sa labas! kung may kailangan ka tawagin mo lang ako ha!" niyaya ni Yra sa labas ang mag asawang Guia para makapagpahinga muna si Jion.

Tiniyak muna ni Jion na nakalabas na ang mga ito bago niya kinuha ang telepono, lingid kase sa kaalaman ng mga ito ay kanina pa sya gising at pinakikingan lang ang pinaguusapan ng mga ito.

Tinawagan kaagad nya ang secretary nya, "Hello Minjy," lumingon muna sya sa gawing pinto para makasiguradong walang nakakarinig sa kanya, "Ihanda mo na lahat ng kailangan natin! I already had plans to lure that snake!"

I'm sorry Yra, but I need to do this! his heart aches, kung alam lang ni Yra kung gaano ko kagustong sabihin sa kanya na naalala ko ng lahat, hindi nya na kailangan magreact ng ganun! Konting tiis pa Yra, matatapos din lahat ng ito.

"Yes, I have plans, kailangan nating isekreto ang lahat kay Yra, mas mabuti ng wala muna syang alam." ibinaba na Jion ang cellphone. Ang matandang iyon, pagbabayarin ko sya ng malaki sa ginawa nyang pagsira sa tiwala ko! nasasayang ang oras ko ng dahil sa kanya! nagngalit ang panga ni Jion dahil sa naiisip nya.

Pabalik balik naman si Yra sa labas ng kwarto ni Jion, hindi sya mapakali dahil ang buong akala nyay babalik na sila nito sa normal. "Yra, please calm down!" ani Mrs. Odette sa kanya.

"Ti-mommy, hindi ko lang po talaga maintindihan ang nangyayari kase malinaw naman ang sabi ng doktor na maaaring bumalik na ang alaala nya pero bakit ganon, wala pa rin?" Hindi na napigil ni Yra ang saloobin.

"Be patience Yra, baka naman nagkamali lang si Doc. Martin, baka naman talagang wala pa syang naalaala!" sabi naman ni Mr. Lorenzo.

"Sigurado kabang okey kana?" tanong ni Minjy kay Jion, kinagabihan ay nagkita silang silang dalawa nito sa JnJ's.

"Yeah! Kinailangan ko lang umarte ng matagal kanina para hindi makahalata sina Yra sakin!" kinuha ni Jion ang baso ng rum na inorder nya.

"Kawawang Yra, she's really expecting na paggising mo ay babalik na sa normal ang lahat." bago ininom ang laman ng baso nito.

"Pagkatapos ng problema natin sa matandang hukluban na yon, sisiguraduhin kong babawi ako kay Yra." itinaas niya ang hawak na baso, "Kailangan lang nating makasiguradong hindi tayo matatakasan ng gurang na yon para mabawi natin lahat ng ninakaw nya!"

"I already got his family, iintayin nalang natin syang lumabas para sya mismo ang magsurender ng pera ng natin." Minjy sounds like a Mafia leader, iba talagang kumilos ang isang gangster.

"Am I too bad to him para gawin nya sakin to? I mean, tinuring ko syang pangalawang ama tapos ganito lang ang igaganti nya sa akin?" hindi mapigil ni Jion ang maghimutok sa sama ng loob sa dati niyang manager.

"Hindi ka naging masama sa kanya, nagkataon lang na wala talagang puso ang matandang yon!" alo sa kanya ng kaibigan.

"Hanggang ngayun hindi parin ako makapaniwalang ginawa nya yun satin, halos kasama natin sya ng magsimula tayo!"

"Alam mo naman ang kasabihan diba, you can't serve two master at the same time! mas pinili nya ang pera kesa satin kaya hindi na tayo ang may kasalanan sa kanya." tinapik sya ni Minjy sa balikat.

"Maayos naba Yra si Jion?" tanong ng nanay niya habang naghahapunan sila.

"Maayos na po nay, medyo na stress lang daw po sabi ng doktor kaya nawalan ng malay kanina, tsaka pagod lang din po yung tao kaya ganon!" sagot niya dito.

"Pasensya kana anak kaninang umaga, hindi ko talaga naisip na nagtatago lang pala ang anak mo, ayun tuloy nagkagulo pa lahat ng tao dahil sa akin." hinging pasensy ng nanay nya.

"Hindi nyo naman kasalanan yon nay," amo nya dito, "Talaga lang medyo may kalokohan si Xymon kaya nya naisip magtago, malay ba naman nating aabot sa ganun ang sitwasyon."

"Oo nga naman" sang ayon ni Mang Hener sa kanya, " nag alala ka lang ng sobra kaya hindi ka nakapagisip kanina!" inaamo din nito ang kanyang asawa para hindi na ito mag self pity.

"Anak, pasensya kana sa ginawa ko sainyo ni Jion dati ha, kung hinayaan lang sana kitang makasama mo sya dati, hindi na sana kayo nagkaproblema ng ganito ngayon," nagsisisi parin ang ginang dahil sa pagkakahiwalay nila ni Jion noon.

"Nay, inuulit ko hindi nyo kasalanan ang lahat ng nangyayari samin ni Jion, siguro talaga lang sinusubok ng panginoon kung gano katatag ang pagmamahal namin sa isat isa kaya nangyayari ang lahat ng to," para talaga sa sarili nya ang mga salitang binangit niya sa kanyang ina.

"Magpakatatag ka anak alam kong kaya mong lampasan lahat ng pagsubok na ito." naiiyak si Yra sa sinasabi ng nanay nya, sana ngay kayanin pa niya. Masyado naman ata syang naging paborito ng mga problema at ayaw na ata syang tantanan!

Tinitigan ni Yra ang naglalarong anak, Kahit anong mangyari kailangan talaga nyang magpakatatag para sa munting nilalang na ito na wala pang kamalay malay sa mundo. Someday anak, makukumpleto din ang pamilyang pinapangarap ko para sayo!

Para namang nakkaramdam ang bata dahil bigla itong tumigil sa paglalaro at lumapit sa kanya para magpakarga, inihilig nito ang ulo sa balikat nya saka siya hinalikan sa pisngi.

"Gusto mo ng matulog baby?" tanong niya rito.

"Stip na, mama!" sagot naman nito saka kinusot nito ang mata. "San Papa?"

Huh? hinahanap ni Xymon ang tatay nya!