webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
463 Chs

Kabanata 442

Kinabukasan,

"Sinong gusto sumama sa dagat??? Were going to swim!!!" Ani Keith.

"Tito Keith, dagat nga po syempre mag lalangoy nga po." Sagot ni Jacob na nasa sala at kumakain ng mais kasama ang tito Kim nya na nanonood ng tv.

"Hoy! Bata ka, bakit pwede namang mag sunbathing lang don ah."

"Tito Kim oh... Napatol po si tito Keith sa bata."

"Wag mong pansin yan isip bata kasi yan."

"Sinong isip bata?"

Tinignan ng mag tiyuhin si Keith mula ulo hanggang paa. Ay, sakto pa namang naka suot na kay Keith yung salbabida at ready na rin ang goggles nito.

"Gusto mo bang sagutin namin yan ni Jacob?"

"Hayssss! Parehas na parehas kayo! Daig nyo pa ang mag tatay ah. Tsss! Diyan na nga kayo! Honey! Tara na!!!"

"Oo andiyan na! Buhatin mo yung anak mo!" Pagalit na sambit ni Faith dahil nag aayos pa sya at buhat-buhat yung isa sa mga kambal.

"Ay oo, sorry honey."

"Tsss! Feeling mo binata ka? Hayssss!"

"Eto na nga..."

At nagkatinginan yung mag tiyuhin at nag tawanan.

"Oh? Saya nyo ata." Ani Leny.

"Hehe... Si tito Keith po kasi."

"Oh, nga pala may niluto akong turon gusto nyo ng kumain? Pero parang busog na kayo diyan sa nilagang mais. Teka, sa pag kakaalala ko wala tayong binili niyan sa palengke."

"Wala nga, pero si Cairo meron."

"Eh?"

"Opo, sabi po ni kuya Cairo may nag titinda daw po sa labasan eh kaya bumili po sya meron pa po dun sa mesa gusto nyo po kuha ko kayo."

"Di na, hindi mahilig sa mais yang tita Leny mo. Mabilis kasi nag digest yang tiyan niyan kaya pag kumain sya ng mais mag llbm sya."

"Hoy! Di kaya!"

"Talaga ba Shenelyn?"

"Shenelyn po?"

"Ah, expression ko lang yon kay tita Leny mo."

"Oo bully yang tito mo. Perfect kasi! Tsss!"

"Pero love nyo?"

"Oh, bakit di ka sumagot? Nag tatanong yung bata."

"Heh! Diyan na nga kayo!" Then she left.

"Babe! Hoy! Babe!!!"

Hinabol naman ni Kim ang asawa nya.

Jacob sighed "ang complicated talaga ng mga matatanda."

"Bakit naman? Ayaw mo bang tumanda?"

"Oh, kuya Cairo."

"Hey there. How's the corn? You like it?"

"Yes po. Di nyo po kasi natatanong eh paborito ko po ang japanese corn parehas po kami ni daddy."

"Oh... Sir Kian like yellow corn too. Did you bring some to your dad?"

"Ah, ang sabi nya po mamaya nalang may inaasikaso pa po kasi sya. Alam nyo na teacher po kasi."

"Ahh... Oo nga pala he is a teacher."

"Ahm... Bakit po pala kayo lang? Asan po sila tita Kelly at tito Patrick?"

"Ah... Iniwan ko na muna sila para may we time. Hehe... Tapos naman na ang work ko kay Sir Patrick."

"Ah... Ganun po pala. Ahm... Gusto nyo po ng mais? Kuha ko kayo."

"Di na, kumain naman na ko kanina."

"Ah... Sige po. Ahm... Turon po?"

"Turon?"

"Opo, nag luto po daw si tita Leny eh gusto nyo po?"

"Ehhh... Kung di mo rin naitatanong eh paborito ko naman ang turon lalo na kung may langka na kasama. The best yon!"

"Ay, di ko lang po alam kung may langka yung turon po ni tita Leny."

"Hehe... Ayos lang basta turon pero mamaya nalang nakakahiya naman."

"Di po ah! Ayos lang halika po samahan ko kayo."

"Nako... Nakakahiya pero sige na nga. Hehe..."

"Kakasama nyo yan kay tita Kelly nakukuha nyo na pati yung pa ganyan-ganyan nya."

"Ah, sorry pero ang cheerful kasi ni Ma'am Kelly na kahit sinong makausap nya eh mafafall sa charm nga. Ah! A-- Ano, don't get me wrong."

"Hehe... Okay lang po lahat naman po talaga nafafall sa charm ni tita Kelly pero wag po kayo mag alala di po papatol si tita Kelly sa mas bata sa kaniya kay safe po kayo."

"Ah... Ha... Ha... Oo naman. Ha... Ha..."

Pero sa isip-isip ni Cairo "isa talaga sa traits ng mga Dela Cruz ang pagiging prangka nila. Nakakabaliw!"

"Kuya Cairo? Kuya Cairo!"

"Ha?"

"Sabi ko po kung gusto nyo din po ng ice cream?"

"Ah... Di ayos na ako sa turon."

"Okay po kuha ko nalang kayo."

"Di, sasama na ko sayo."

"Sige po. Tara!"

"Um."

At sakto namang pababa ng hagdan si Kian at nakita niya na mag kasama si Jacob at Cairo.

"Ang cute nilang tignan no?" Bungad ni Rica na kinagulat naman ni Kian.

"Bakit naman bigla-bigla ka nalang di'yan sumusulpot?"

"Haha... Nagugutom na kasi ako tulog naman na ang bebe girl natin. Bakit kasi andine ka? Mamaya kakatunganga mo dyan mahulog ka!"

Kian sighed "mahuhulog talaga ko dine sa hagdan kung pa bigla-bigla ka nalang sumusulpot diyan!"

"Hehe... Sorry na, pero napansin mo ang saya ni Jacob na may tinatawag syang kuya. Pasalamat nalang talaga tayo at mabait na bata yang si Cairo kahit na makulit si Jacob natin eh ayos lang sa kaniya."

"Um. Maganda ang pag papalaki sa kaniya ng lola nya."

"Eh? Alam mong lola niya ang nag palaki sa kaniya?"

"Ah... O-- Oo and I think huli na pala ako sa balit dahil mukhang alam mo na."

"Syempre naman! At napansin mo rin bang hawig mo sya nung kabataan mo?"

"Eh?"

"No way! Di mo napapansin? Sa bagay di ka naman talaga nag fo-focus sa mukha ng tao dahil katwiran mo mahina ang memory mo pag dating sa mga tao. Na totoo naman! Buti nga di mo nalilimutan ang mukha ng nag students mo ano?"

"Tsss! Kapag madalas kong nakakasama sa tingin mo ba makakalimutan ko pa yun?"

"Anyways, halika na nga sabi ni Leny nag luto daw sya ng turon eh kaya tara na!"

"Te-- Teka naman baka madulas tayo, Honey!!!"

Samantala,

Nasa mall ang lovebirds dahil may urgent meeting si Patrick pero kanina pa nga iyon natapos kaya nakauwi agad itong si Cairo.

"Yeobu!" Ani Patrick kay Kelly na busy sa phone nito.

"Halika na. Tapos na ko sa mga papers."

"Ah. Okay."

At lumabas na nga ng office yung dalawa na nasa third floor rin ng mall.

"Young Master, ihahatid na po namin kayo." Sambit ni Renmar na supervisor ng bagong mall nila Patrick doon sa Palawan.

"No need, mag iikot ikot muna kami ni Kelly."

"Pero Young Master magagalit po samin ang Chairman."

"Don't worry, wag mo nalang sabihin sige na. Yeobu, what do you want to eat?"

"Ahm... Gusto ko ng fried chicken."

"Okay!"

At iniwan na nga nung lovebirds yung mga staff.

"Young Master! Young Miss!" Pahabol na sambit ni Remar pero hindi sya nilingon ng mga ito na patuloy lang sa pag lalakad.

Kinuha ni Renmar ang phone nya at tinawagan ang security para inform na bantayang mabuti sila Patrick at Kelly habang nasa mall.

At makalipas pa nga ang ilang minuto,

Napansin ni Kelly na may nag mamatyag sa kanilang galaw.

"Hayaan mo sila. Paniguradong pinasusundan tayo ng supervisor. Don't mind them umorder ka nalang gusto mo ba ng burger?"

"Ayoko, gusto ko ng kanin at fried chicken."

"Di kaya kaka fried chicken mo pati yung magiging anak natin in the future magkaroon na ng pakpak?"

"Wag ka nga! Yang bibig mo lalagyan ko yan ng duck tape eh!"

"So-- Sorry na. Puro nalang kasi fried ang kinakain mo lagot ka na naman nyan sa mga kuya mo mamaya mag ka UTI ka na naman puro ka rin soft drinks."

"Heh! Nainom naman ako ng water ah! Nag order ka na tawagin mo na yung waiter."

"Tsss! Oo na po madam."

At habang nag iintay ng food nila itong sila Patrick at Kelly may bigla silang nakitang isang bata na buhat-buhat ng tatay nito.

"Ang cute nilang tignan no?"

"Um. Parang si Jacob yung baby boy. Gusto ko unang anak natin lalaki din. Tapos tuturuan ko sya agad mag computer para maging genius agad sya."

Kelly bonked him "ano? Gusto mong matuto agad mag computer ang anak mo kesa nag lakad?"

"Hi-- Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang kasi na well informed sya."

"Ay sya, gawin mong secretary!"

"Yeobu naman! Bakit ayaw mo bang maging matalino ang magiging anak natin?"

"Ayoko!"

"Ano?! Bakit ayaw mo?"

"Ayoko munang magkaroon ng anak."

Nagulat naman si Patrick sa sinabing iyon sa kaniya ni Kelly at bigla syang natahimik.

"Sorry, pero hindi pa ako ready sa ganoong responsibility. I do loved you at kahit ngayon pwede na kong mag pa kasal sayo. Pero ang magkaroon ng anak? Wala pa yon sa isipan ko Patrick. Sana maintindihan mo ko."

Naging malungkot bigla ang awra ni Patrick pero nag smile pari sya ng sumagot sya kay Kelly ng "oo naiintindihan ko naman ang desisyon mo. Kung saan ka masaya syempre doon ako."

"Thanks."

***

Another day na naman ang lumipas at naging masaya naman ang bawat isa sa kanilang pag babakasyon sa Palawan. May nag swimming, na ngisda, nag laro lang ng board games mag hapon at may nag tulog lang din ng buong araw.

"Patrick?" Bungad ni Kevin na kagigising lang at sya nga yung nag tulog lang buong araw.

"Kuya Kevin! Kanina ka pa ba diyan? Shot tayo!"

"Bakit ka nag sosolo dito sa kusina? Well, actually kagigising ko lang sumakit kasi ulo ko."

"Ohh... Gusto nyo bang ipag init ko kayo ng makakain?" Ani Patrick na animo'y may tama na sa kaniyang iniinom.

"Nako, wag na... Kukuha lang ako ng bread at gatas solve na ko dun. Mukhang lasing ka na tama na yan."

"Okay lang ako kuya."

Habang nakuha ng makakain niya itong si Kevin patuloy syang nakikipag usap kay Patrick.

"I knew it! Nag away na naman kayo ni Kelly."

"Ah, hindi po kuya ako lang talaga itong may problema."

"Ha? Hindi kita maintindihan sabi mo may na sabi sayo si Kelly na hindi mo na gustuhan."

"Oo nga pero hindi naman nya sinasadyang saktan ako."

"Ha? Teka nga ako eh naguguluhan sayo. Ano bang exact na nangyare kasi? Ikwento mo bilis."

"Your sister said she don't want a kids."

"Ha? Anong kids?"

"Alam kong alam nyo namang mahal na mahal ko ang kapatid nyo at gusto ko na nga syang pakasalan pero alam kong hindi pa pwede at naiitindihan ko po ang desisyon nyo para kay Kelly. Pero ang hindi ko po maintindihan kung bakit ayaw ni Kelly na magkaroon kami ng anak sa future."

"What?! Sinabi nya yon sayo?"

"Um. Ang sabi nya hindi pa raw sya handa sa responsibility pero andito naman ako para sa kaniya hinding hindi ko sya pababayaan at ng magiging anak namin."

"Ahhh... Gets ko na. Kaya ngayon nag sosolo ka dineng uminom kasi na disappoint ka kay Kelly. Tama ba ko?"

"Ang sakin lang po kasi kuya ginawa kong lahat para maging karapat dapat sa kaniya pero parang lumalabas na wala parin pala syang tiwala sakin."

"Bro, hindi sa ganun wag mong isipin na wala sayong tiwala si Kelly. Sadyang takot lang sya na mangyare sakaniya ang nangyare sa family namin. Alam mo namang di perpekto ang pamilya namin."

"Pero tanggap ko po kahit ano dahil mahal na mahal ko po ang kapatid nyo."

"Alam mo ba nung bata yang si Kelly iniwan sya ni kuya Kian sa isa naming auntie kasi wala kami noon sa bahay eh si kuya Kian lang ang kasama ni Kelly that time eh kailangan na ni kuya pumasok nun sa part time job nya. Kaya no choice si kuya kundi iwanan si Kelly sa auntie namin na may limang anak ba halos isang taon lang ang pagitan ng edad."

"Tapos ano pong nangyare?"

***

22years ago,

"Kelly, bunsuan need na kasi ni kuya pumasok sa work nya para may pam pasalubong sayo si kuya kaya you need to behave yourself okay?"

"Pero kuya, sama mo nalang po ako. Nakakatakot po dito."

"Don't worry Bunsuan, we will go to Auntie Eriza at doon ka muna hanggang sa dumating doon si Kim. Kaya behave ka lang doon at susunod sa sasabihin ni kuya, understand?"

"Opo kuya."

"Okay, let's go."

"O-- Opo."

Si Auntie Eriza ay kamaganak ng mommy nila na kalapit rin ng bahay nila doon sa Manila.

"Woah! Auntie Eriza's house is like a mansion. Kuya, are they rich compare to us?"

"Shhh! Bunso, anong sabi kanina ni kuya sayo?"

"Mag behave po. Sorry po kuya."

"Basta tandaan mo ang mga bilin sayo ni kuya okay? Wag mag lilikot sa loob baka maka basag ka."

"Opo kuya."

At ng maihatid nga nireng si Kian ang kanilang bunsong kapatid sa kanilang tiyahin nanatiling behave nga itong si Kelly.

"Girls, listen dito na muna si Kelly hanggang sa makarating ang kuya Kim nya. So, with her."

Wala namang sumagot sa mga anak niyang busy sa kanilang gadgets.

"Kelly, you stay here okay? I have something need to do. Play with your cousins."

"O-- Opo."

Di naman alam ni Kelly kung paanong approach ang gagawin nya da tatlo nyang pinsan na first time nya noong maka salamuha ng malapitan. Dahil pangkaraniwan kapag may get together ang family nila di nakikihalubilo ang mga ito.

"He-- Hello, sa inyo."

Walang response yung tatlo na busy sa kanilang gadgets.

"Ahm... I have cookies here. Who want some?"

Wala paring pumapasin sa tatlo kay Kelly. Hanggang sa dumating na nga itong si Zion ang asawa ng Auntie Eriza ni Kelly na animo'y lasing.

"Ahhhh!!! Nasasaktan ako!!!" Sigaw ni Eriza at narinig yon ni Kelly.

"Anong nangyayare kay Auntie?"

Sinabi nya sa mga pinsan nya na something happened sa nanay nila pero tila walang pakialam ang mga ito sa ina nila.

"Bahala kayo diyan! Puro kayo games sinabi ko na ngang something bad happened sa mommy nyo eh!" At iniwan nya ang mga ito at dali-dali syang bumaba ng hagdan pero bago pa man sya makababa napatigil sya sa gulat at takot. Dahil nakita nyang binubugbog ng uncle Zion nya itong auntie Eriza nya.

"What now? Why don't you get down? Bitch?"Bungad ni Eloisa isa sa mga anak ni Eriza at Zion. Panganay sa mga babae 8years old.

"Your dad, his hurting your mom we need to call someone. Lend me your phone I will call one of my uncle they're police and soldier."

"Really? Then what? They will get our dad and detained to jail?"

"Ye- Yes! Eh kasi, look at him your mom is full of bruises now! Hindi ka ba naaawa sa kaniya? She's your mom!"

"And the man who's hurting my mom is my dad. Our dad that brings mom money to provide for our family."

"Ano?"

"We used to it and mom too. Our mom is a gambler kaya laging nag lalasing si dad kasi dahil sa bisyo ni mom nag papakahirap si dad mag work tapos si mom she always go to casino with her friends. Tapos walang mahalaga sa kaniya kung hindi money!Napapabayaan na niya na kaming mga anak niya. Then si dad, may iba syang babae at hindi alam yon ni mom. Sikreto lang yon asidenta lang naming nakita ni kuya Jules. Now, sabihin mo kung ikaw ang nasa katayuan namin anong gagawin mo? Look at them! Mom slapping our dad now sa tingin mo ba hindi kayang gumanti ni mom kay dad? At sa tingin mo ba ayos lang kami sa ganitong set up ng buhay?"

"Pe-- Pero hindi tamang panoorin nyo lang sila na nag aaway. Mali ang ganito kayo ang anak nila. Kayo rin dapat ang maging way para mag kaayos ang parents nyo."

"Do you think we didn't try to fix them? We did! Many times! Pero wala mag babati sila pero ending mag aaway na naman sila dahil sa pera! Kaya if you want go! Stop them! I'm out!"

"Te-- Teka lang ate Eloisa!!!"

***

Nang malaman ni Patrick ang past ni Kelly naintindihan na niya kung bakit ayaw muna nitong magkaroon ng anak.

"Patrick?! Huy!" Ani Kelly na maagang na gising dahil nagugutom na at pag punta nya sa kusina nakita nyang doon na nakatulog si Patrick.

"Nag inom ka ba? Hoy Patrick! Gumising ka!!!"

"Oh... Bakit may anghel akong nakikita? Nasa langit na ba ako?"

Slap!

At sa pag sampal ni Kelly kay Patrick na alimpungatan na ito "Kelly! Yeobu!"

"Ano bang ginagawa mo dito? Nag lasing ka? Alam mong mahina ang alcohol tolerance mo talagang nag solo ka pa? Lakad mag hilamos ka nga amoy alak ka. Bilis!"

"Ye-- Yes Ma'am."

At nang maka pag freshen up nga itong si Patrick inabutan sya ni Kelly ng coffee.

"Hmm?"

"Inumin mo ng mahimasmasan ka!"

"Thanks."

"Ano bang naisip mo at nag lasing ka?"

"Ha? Wa-- Wala naman gusto ko lang makatulog."

Kelly bonked him "wag mo kong pinagloloko baka samain ka sakin!"

"Pero wala nga! Napadami lang talaga ang inom ko kaya dito na ko nakatulog."

"Are you mad at me kaya ka nag inom. Tama?"

"Hi-- Hindi no! Bakit naman ako magagalit sayo?"

"Dahil sa sinabi kong ayaw ko pang magkaroon ng anak. I know na disappoint ka sakin kaya ka nag lasing."

"Of course not! Pampatulog lang kaya ako uminom."

Niyakap namang bigla ni Kelly si Patrick at sinabing "sorry..."

"Why are you..."

"Basta sorry!!! Kahit di mo sabihin ramdam ko na sobra kang na disappoint sa sinabi ko sayo kahapon."

Patrick sighed and he hugged Kelly too and said "sorry rin kasi na pressure kita. Dapat hindi ko sinabing gusto ko na agad mag ka anak once na makasal tayo. Dapat kinonsider ko rin ang side mo. Sorry dahil naging selfish ako at na pressure kita."

"Ikaw kasi eh! Binigla mo ko!"

Patrick kissed Kelly's forehead "sorry na okay? Promise from now on magiging mas considerate na ko. I love you Yeobu!"

"I love you too." Then she kissed him sa lips ng biglang dumating si Cairo. Kaya dali-dali naman rin nyang tinulak si Patrick.

"So-- Sorry po na... Ahm... Kunwari wala po ako. Yes po... Go lang po bye!" At kumaripas nga sya ng takbo papalayo dun sa dalawa.

"Ahhhhh!!! Nakakahiya!!!"

"Aba bakit? We're couple normal lang na mag kiss. Pwede isa pa Yeobu?"

"Eh kung ibuhos ko yang kape mo sayo?"

"Ha... Ha... Sabi ko nga ano... Si Cairo naman kasi!"

Muah!

At sa isang iglap nga'y naka isa rin itong si Patrick at dali-daling kumaripas ng takbo nag mahalikan niya si Kelly.

"Aisssh!!! Pasaway yun ah!!!Patrick!!! Bumalik ka dito!!!"