webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
463 Chs

Kabanata 360

Isang araw bago nag balak umuwi si Kelly sa bahay nila sa Dela Cruz Residence…

"Ano? Wala si Kelly sa kwarto nya?" Ang pagulat na sambit ni Keilla kay Wena.

"O—Opo Ma'am wala po si Madam sa kwarto nila hinanap ko na rin po sya sa gazebo wala rin po."

"Okay sige, kumalma na muna tayo paki sabi sa mga kasamahan mo na pakihanap sa buong bahay si Kelly walang palalampasin kahit sang sulok."

"Yes Ma'am."

"Wag nyo na munang sasabihin kay Patrick na wala si Kelly dito ako ng bahala."

"Yes Ma'am."

At nag hiwalay na nga yung dalawa tapos tinawagan naman ni Keilla ang anak pero hindi sya sinasagot nito "tsk… Kelly nasan ka bang bata ka."

Nag punta naman si Wena sa maid quarters at sinabihan nya ang mga ito na hanapin si Kelly sa buong Santos Residence.

"Ha? Nawawala si Madam?" Ang sabi ni Manang Tina.

"Opo Manang pero sabi po ni Ma'am Keilla wag na muna sasabihin kay Chairman."

"Oo mag aalala yun may bago pa naman silang mall na mag bubukas ngayon kaya sige na bilisan nyo na dyan at hanapin nyo si Kelly."

"Opo Manang." Ang sambit ng mga kasambahay at nag kalat na nga sila para hanapin si Kelly sa buong lugar.

Napabuntong hininga naman si Manang Tina "san naman kaya nag suot ang batang yon alam naman nyang maselan ang pag bubuntis nya." Aniya at nakihanap na rin.

Samantala may nakita namang isang sulat si Keilla sa may study table ni Kelly.

"Isang sulat?"

Binuksan nya yung sulat at binasa at ang nakasaad doon ay:

*Ma,

Alam kong ikaw po ang makakakita nito well, baka si Wena rin po pero sure naman akong ibibigay nya rin ito sayo mapagkakatiwalaan ko po yun kaya hindi nya babasahin.

Ahm… wag po kayong mag alala sakin ayos lang po ako gusto ko lang muna na makapag unwind nakakabagot na po kasi sa loob ng bahay hindi naman po ako mapapano mag iingat ako promise.

At nga po pala wag nyo sasabihin kila kuya na umalis ako ng bahay lalong lalo na kay Patrick.

Salamat po sa pag intindi uuwi rin po akong agad kaya wag kayong mag panic okay? Love you uwian ko po kayo ng pasalubong.

Love,

Kelly*

Itinupi namang muli ni Keilla ang sulat ng anak sa kaniya.

"Sigh… yung batang yun talaga bakit hindi nya ko sinabihan? Paano naman ako hindi mag aalala sa kaniya eh halos isang buwan nalang eh manganagnak na sya. Sabi namang mag ingat sya eh. Pasaway talaga."

Kinuha nya ang phone nya at tinawagan si Mr. Sensen.

Sensen: Hello po Ma'am Keilla?

Keilla: Oo ako nga ito sorry kung na distorbo kita pero pwede mo bang hanapin ngayon si Kelly?

Sensen: P—Po? Bakit nawawala po ba si Madam?

Keilla: Kasama mo ba ngayon si Patrick?

Sensen: Ah hindi po andine po ako sa loob ng kotse may iniutos po kasi sya sakin pero gusto nyo po ba syang kausapin?"

Keilla: Nako buti naman wag na wag mong sasabihin kay Patrick na wala si Kelly sa bahay ha?

Sensen: Ho? Wala po ngayon sa bahay si Madam?

Keilla: Oo eh, hindi ko nga alam kung san nag punta ang batang yun kaya nga sana hihingi ako ng tulong sayo kung ayos lang.

Sensen: Ahh… ganun po ba sige po ako na pong bahala kay Madam.

Keilla: Talaga? Mahahanap mo si Kelly?

Sensen: Opo may tracking device kasi na inilagay si Chairman sa phone po ni Madam kaya malalaman ko po kung nasan sya.

Keilla: Ohh… ganun pala sige ha ikaw nalang ang maasahan ko alam mo naman na magagalit ang mga kuya niya kapag nalamang umalis ng bahay si Kelly.

Sensen: Wag po kayong mag alala ako na pong bahala.

Keilla: Sige ha? Pero wag mong babanggitin kay Patrick na umalis ng bahay si Kelly okay?

Sensen: Opo Ma'am.

Mabilis na ginawa ni Sensen ang ipinag uutos ni Keilla sa kaniya pero bago yon iniabot muna nya kay Patrick ang ilang files na ipinag uutos nito sa kaniya at nag paalam na may pupuntahan lang saglit.

"Ha? Ngayon na?"

"Opo sana Chairman kung okay lang po sainyo."

"Okay lang naman dahil kapatid mo naman yung nawawala pero kasi alam mo namang opening ng isang branch ng mall natin kaya hindi pwedeng wala ka dine."

"Opo Chairman kaya sinabihan ko na po si Ma'am Maricar na sya muna ang bahala sa mga ipinag uutos nya at pumayag naman po sya."

Patrick sighed "no choice naman na pala ko eh nagawan mo na ng paraan sya sige na hanapin na yung kapatid mo. Pero kala ko dalawa lang kayong lalaki na mag kapatid may babae ka pa lang kapatid? Di mo ata na banggit yon sakin."

"Ho? A---Ano po kasi bali parang kapatid na rin po kasi malapit na pinsan ko po yun eh tumawag po kasi sakin si tita kaya yun po. Nakakaawa naman pong hindi tulungan eh nag iisang babae po yun sa anak ng tita ko."

"Ohhh… ganun ba."

"Opo eh kaya sana po ayos lang sa inyo."

"Siya sige basta bumalik ka agad."

"Opo Chairman pangako babalik po akong agad."

"Sige na para mahanap mo na yung kapatid na pinsan mo pala."

"He…He… sige po."

At dali-dali ngang umalis si Mr. Sensen "masyado naman ata syang attached dun sa pinsan nyang yon." Sambit ni Patrick at bumalik na sa kaniyang ginagawa.

***

Mga isang oras ring hinanap ni Mr. Sensen si Kelly at natagpuan nya ito sa simenteryo kung san nakalibing ang uncle Kallix nito.

"Madam."

Nagulat naman si Kelly paglingon nya dahil hindi nya inaasahang makita roon si Mr. Sensen "a---anong ginagawa mo dito?"

"Hehe… nagulat ko po ba kayo?"

"Tinatanong ba yan? Malamang! Nag mumuni muni ako dine tapos bigla ka nalang sumusulpot dyan."

"Hehe…sorry na po pero bakit po kayo nandito? Anong ginagawa nyo?"

"Ano pa ba sa tingin mo? Nag paparty?"

"Madam naman."

"Tsss… maupo ka."

At na upo naman sa may damuhan si Mr. Sensen malayo ng konti kay Kelly.

"Ang tahimik po dito no?"

"Ay sira ba ang ulo mo? Malamang! Simenteryo ito eh mawindang ka nalang kapag may pa videoke ang mga patay dine."

"Hahaha… si Madam talaga joker."

"Si Mama ang nag pahanap sakin no?"

"Ehe… wala po talagang malilihim sa inyo. Bakit po kasi umalis nalang kayo ng walang paalam sa mama nyo? Mag aalala po talaga yun tapos buntis pa kayo at maselan dapat mag ingat po kayo."

"Nakakabagot kasi sa bahay parang nakakabaliw na."

"Tiisin nyo nalang po muna halos isang buwan nalang naman eh manganganak na kayo. Hindi po ba kayo excited?"

"Sino naman sa tingin mo ang hindi excited syempre gusto ko ng makita ang twins namin bilang ako ang nanay nila dapat maganda ang hulma. Pero kasi nakakatamad na sa bahay wala na kong freedom parati nalang akong nandun nakakasawa na."

"Pero Madam maselan nga po kasi ang pag bubuntis nyo tapos nag drive pa kayo? Buti kasya kayo dun sa driving seat."

"Aba't anong akala mo sakin?"

"Do—Don't get me wrong Madam."

"Anyways, ano nakahalata ba si Patrick?"

"Hindi po Madam wala pong alam si Chairman about sa secret po natin."

"Mabuti yan. Eh buti pala naka takas ka na naman sa kanya."

"Ahhh… syempre naman po mana ata ako sa inyo."

"Sus… ewan. Nga pala, may nalaman ka na bang bagong information tungkol kay Ms. Feliza?"

"Sa ngayon pending pa po eh pero nabanggit sakin ni Chairman na isinama ni Sir Kian sa hospital si Jacob."

"Eh? Ipinaalam na rin nila kay Jacob ang condition ni daddy?"

"Sabi po kasi sakin ni Chairman gusto makita ni Ms. Feliza si Jacob."

"Wow, close?"

"Sa pag kakaalam ko po parang kinukuha nila ang loob ni Ms. Feliza para malaman nila kung sino ba talaga yun."

"Ohhhh… nice strategy."

"Pero ang sabi po binigyan daw po ng lupain si Sir Kian ni Ms. Feliza."

"Lu—Lupain?"

"Opo raw kalhating hectares raw nga po eh."

"Wow! Yayamanin si Uncle este si Auntie."

"Parang sabi po sakin ni Chairman pinakikisamahan muna nila Sir Kian si Ms. Feliza naninigurado lang po sila kubg mabuting tao ito. Pending parin po kasi ang kanilang pag papabackground check eh siguro po dahil sa Thailand na rin kasi naninirahan si Ms. Feliza."

"Tinanong ko nga si Mama kung may kilala syang Feliza sabi nya wala siguro nga totoong dating lalaki yon."

"Opo kasi nga po si Mr. Felliano ay isa ng transwoman. Tsaka magkakilala na po ang daddy nyo at yung si Mr. Felliano nung syang binata pa kaya sigurado po talagang walang alam si Ma'am Keilla pa tungkol kay Ms. Feliza na dating si Mr. Felliano."

"Ohhh… that make sense. Eh sila kuya ba may nalalaman na tungkol dun?"

"Sa tingin ko po tayo palang ang may lead."

"Ohh…I see, mabuting maunahan natin sila kuya sa mga bagay-bagay dahil paniguradong ililihim nila sakin ang mga malalaman nila."

"Ahm… Madam wag nyo po sanang masasamain pero bakit di nyo nalang po sabihin kila Sir Kian sa mga kuya nyo na alam nyo na ang kondisyon ng daddy nyo?"

"Alam mo kung ikaw ang nasa kalagayan ko baka hindi nga ganito ang gawin mo. Pero wala nagagalit ako kila kuya dahil nag sisinungaling pa sila sakin ginagawa nila akong bata."

"Pero Madam, iniisip lang naman nila ang kapakanan nyo at yang kambal na nasa sinapupunan nyo."

"Alam ko naman yon at nandun na rin yung point nila pero paano kung ni isa kila kuya walang maka match na bone marrow si daddy? Ano ng gagawin nila?"

"Ehhh… marami naman pong ibang paraan at sigurado naman po akong hindi pababayaan ng Chairman at kahit ni Ma'am May ang daddy nyo mag sasaliksik po sila para lang masalba ang buhay ng daddy nyo."

"See, that's my point nag papakahirap na ang lahat tapos ako? Kinukulong lang sa bahay na parang batang walang alam sa nangyayare? Ayoko ng ganun brad. Ano? Saka lang ako sasabihan nila kuya kapag hindi nila nailigtas si daddy?"

"Madam…"

"Kaya kahit anong mangyare gagawa ako ng paraan para lang matulungan si daddy kahit na matagal syang hindi nag pakita samin. Kahit maselan ang pagbubuntis ko kung mag match kami ni daddy ng bone marrow mag dodonate ako para lang humaba ang buhay niya gagawin ko."

Ahhhh... nakakatouch naman si Kelly kayo ba ibubuwis nyo rin ang buhay nyo para sa kapakanan ng mahal nyo sa buhay? Share naman dyan. hehehe...^_^

lyniarcreators' thoughts