webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
463 Chs

Kabanata 155

Kinahapunan,

Hindi na mapakali si Kian habang nanonood naman yung mga kapatid niya sa may sala "Huy!!! Ano gang ginagawa mo bro? Pabalik balik ka diyan nanonood kami." Ang sabi ni Keith.

"Tsk...yung dalawa kasi wala pa!"

"Ahhh...baka pauwi na yon maaga pa naman."

"Nga naman bro malay mo kasabay na nila si Kevin." Ang sabi ni Kim.

Bigla naman dumating si Kevin "Missed me already?" Aniya.

"Kevin?" Anila.

"Yeh?"

"Bakit andito ka na?"

"Ha? Bakit bawal na bang umuwi sa bahay na ito?"

Binato siya ni Kian ng unan "Ungas!"

Nasalo naman ni Kevin yung unan "Bakit ba? Anong problema niyo?"

"Si Kelly at Jacob kasi wala pa." Anila.

"Ohhh...kala ko naman kung ano na..."

"Anong ano na? Eh kanina pa sila umalis umaga gang ngayon mag 5pm na wala pa!" Ang sabi ni Kian.

"Pero bro, malay mo pauwi na din."

"Oh, andiyan ka na pala Kevin ere oh mag miryenda muna kayo nagluto ako ng minatamis na saging na saba." Ang sabi ni Faith kinuha naman ka agad ni Kevin ang dala nitong tray.

"Ako na ate."

"Salamat."

"Babe, si Kelly ba hindi nag tetext o tumatawag sayo?"

"Ah? Oo sabi niya pauwi na sila ni Jacob."

"PAUWI PA LANG?" Ang tugon nung tatlo ni Kian maliban kay Kevin.

"Oo hindi ba kayo tinext?"

"Hinde!"

"Sandali nga bakit ba masyado kayong tensyonado dyan? Mall ang pinuntahan nung mag tita kaya syempre gala-gala yung mga yun."

"Tsk...pero sinabi ko kanina umuwi sila kaagad."

"Pero kuya, kung uuwi agad yung dalawa hindi sila makakapag bonding dalawa ngayon lang naman sila umalis na sila lang eh hindi ba?"

"Oo pero sana man lang eh mag text o tumawag si Kellang!! Hindi yung nag aalala kami sa kanila ni Jacob at bakit sayo lang sya nag text?"

"Ehhh...baka siguro naisip niya na magagalit kayo sa kaniya kaya hindi na siya tumawag o nag text kung ako rin naman siya baka hindi ko na rin maisip ang mga ganung bagay well, mall yon ang daming pwedeng gawin sa mall. Like shopping..." Ang daming sinasabi ni Faith kaya sumenyas na si Kim kay Keith "Sigh...Babe halika na nga sa kusina."

"Ha? Bakit naman? Nagsasalita pa ko." Hinila na siya ni Keith sa may kusina ng dahan-dahan.

"Sandali lang!!!"

"Tsk....halika na!!! Kung ayaw mo pati ako ma sampiga!!!"

"Ano?"

"Tsk...wag ka na nga marami pang sinasabi."

Pagkaalis nung dalawa "Makutata din talaga itong si ate Faith ano?" Ang sabi ni Kevin habang nakain ng minatamis na saging.

"Yeah..." Ang reaksyon ni Kim.

"Tsk...lagot talaga yang si Kelly sakin sinabi ng mag tetext o tumawag eh tapos gang ngayon wala pa kung saan na naman dinala si Jacob!"

"Bakit binigyan niyo ba ng perang malaki? Baka naman nawili lang sa paglalaro."

"Ahm...nagbigay ako kay Kelly kanina bago ako umalis ng 1k ikaw ba kuya?"

"Nag bigay rin ako ng 1k kay Kelly at 500 kay Jacob."

"Ahhh...hindi naman pala kalakihan ang mga binigay niyo eh hindi makakalayo yung dalawa chill lang kayo."

"Tsk...humanda talaga yang si Kelly sakin."

Samantala,

Hinatid ni Patrick sila Kelly at Jacob ng kotse niya kasama si May "Tita, paano pag nalaman nila daddy na hindi lang tayo sa mall galing?" Ang pabulong na sabi ni Jacob habang nasa likod sila ni Kelly.

"Basta wag ka nalang maingay kila kuya ha? Ako na lang ang bahalang magpaliwanag."

"Okay po pero paano yan ihahatid nila tayo satin edi mahahalata nila daddy baka makita sila."

"Hmmm...malapit na tayo satin pwede na siguro tayong maglakad nalang ano? Okay lang ba sayo?"

"O---okay lang naman po."

"Okay sige sasabihin ko ibaba na tayo banda dine para hindi tayo mahalata nila kuya."

"Opo."

"Ahm...Ate May, ah...eh..."

"Bakit ano yon?"

"Pwede po bang dito nalang po kami bumaba?"

"Ha?" Ang sabay sambit nila May at Patrick.

"Ahh...eh...kasi..."

"I know gets ko na sige itatabi ko lang para makababa na kayo ni Jacob." Ang sabi ni Patrick at itinabi niya nga sa isang gilid ang kotse at bumaba na yung dalawa.

"Sige po dito nalang kami salamat sa pag hatid."

"Sigurado ba kayo na gang dito nalang kayo malayo pa ata ang bahay niyo dito eh."

"Ah...hindi po malapit na po ang bahay namin dito di ba Patrick?"

"Oo ate ayun lang sa ikatlong bahay mula dito."

"Ohhh...I see okay ingat kayo."

"Sige po ingat rin kayo...baby paalam ka na sa kanila."

"Babye po ingat po kayo."

"Bye baby boy bisita ka ulit samin ha? May bibigay ulit akong chocolate sayo."

"Ah? Hehe...ang dami niyo na nga pong binigay sakin okay na po ito."

"Oo nga naman ate baka naman sumakit na ngipin ni Siopao."

"Oh, yes don't worry kapag sumakit ang ngipin mo sabihin mo lang kay tita Kelly at ipapacheck up kita agad."

"Ho? Hindi po ako crybaby kaya no need to worry po sakin."

"Ha---ha...nako wag niyo nalang pong pansinin si Jacob haha...baby, halika na masyado ka namang hyper."

"Hehe...bye baby boy..."Ang sabi ni Patrick at may pabulong pa syang sinabi "Bye my baby."

"Ano yon?"

"Ha? Wa---wala sabi ko paalam."

"Ohhh...okay...bye bye...bye ate May salamat po."

"Bye welcome."

"Sige po una na kami."

"Um..."

"See you on Monday."

"Monday? Wala tayong pasok ugok!"

"Ay...oo nga pala see you on Tuesday and in my dreams."

"Dream mo mukha mo! Siopao halika na nga bye uli ate May."

"Bye...bye..."

At naglakad na nga papalayo yung dalawa at tinukso naman ni May si Patrick "Asus...bye my baby daw ha...ang harot mo rin eh no?"

"Ate naman!!!"

Ginulo niya ang buhok ni Patrick "Binata na talaga ang baby bro ko."

"Tsk...ate naman gulohin mo ng lahat wag lang ang buhok ko!"

"Tsss...halika na nga nagugutom ako mall muna tayo."

"Eh? Hindi ka pa rin busog sa kinain natin kanina sa bahay?"

"Eh...parang nag crave ako ng shawarma ayaw mo ba? Sa pagkakaalam ko favorite mo yon."

"Basta ba libre mo eh."

"Ay sus...pokmaru ka rin eh no?"

"Shawarma here we come!"

"Sigh...nabaliw na sya."

Habang naglalakad naman yung dalawa pa uwi sa kanila "Tita Kelly..."

"Hmmm?"

"Bakit parang ang bait bait po ng pamilya ni tito Partick sa inyo? Well, he likes you po pero parang ang attached naman po ata agad nila sayo lalo na po yung mommy nila."

"Ahhhh...napansin mo rin pala."

"What do you mean po?"

"Siguro kasi kamukha ko yung anak nilang namatay."

"Ho? Kapatid ni tito Patrick?"

"Oo, bunsong kapatid nila."

"Eh? As in kamukha niyo po?"

"Oo raw pero hindi ko pa naman nakikita yung Paula na yon I mean oo patay na siya pero hindi ko pa nakikita yung picture niya."

"Ohhh...ganun po pala na curious po tuloy ako dun sa kapatid nila kuhanin niyo po yung picture kay tito Patrick sabihin niyo patingin ng pic."

"Sige sasabhin ko pero baby wag mo yang sasabihin kila kuya ha?"

"Po? Bakit?"

"Ehhh...kasi baka mag overeact sila."

"Hmmm?"

"I mean iisipin nila kasi hindi sincere sakin si Patrick dahil kamukha ko lang yung Paula."

"Bakit naman po?"

"Tsk...baby medyo complicated eh pero sure ako pag nalaman nilang kamukha ko yung kapatid ni Patrick sure akong magagalit talaga sila."

"Ohhh...sige po."

Nagbubukas na ng gate si Kelly at pagbukas niya nadoon na naka abang ang mga kuya nya na wari'y wala sa mood "Daddy!!! Tito's!!! Ano pong ginagawa niyo dito? Iniintay niyo po kami ni tita Kelly?"

"Ah...ahm...ku---kuy's? He---hello?"

"Pasok sa loob!!!" Anila.

"O---opo."

Bumulong si Jacob kay Kelly "Tita, galit ba sila daddy?"

"Sa tingin ko baby kaya bilis pumasok na tayo sa loob."

"O---okay po."

Makalipas ang isang oras,

Nasa mall sila Patrick at May at naghahanap ng makakainan ng shawarma "There you go baby bro masarap ang shawarma diyan."

"ShawarMom?"

"Oo bago lang yan dito sa kabubukas lang last week halika bilis." Hinila niya si Patrick at umorder ng dalawang order na buy 1 take 1 na shawarma.

Tapos umupo sila habang nag iintay ng order "Dalawang order talaga ate? Pwede namang isa nalang buy 1 take 1 pala eh."

"Sus...mabibitin ka lang masarap dito kala mo ba."

"Okay? Mukhang suki ka ah."

"Oo naman si Ms. Maricar kasi ang may sabi nitong lugar na ito sakin at nagustuhan ko talaga ang shawarma nila."

"Oh? Sana pala niyakag ko si Kelly dine kanina kung alam ko lang."

"Bakit mahilig din siya sa shawarma?"

"Hindi ko alam pero alam ko mahilig siya sa meat eh."

"Nice, daming alam ah...stalker ka?"

"Luh! Hindi no! Syempre nililigawan ko siya kaya kailangan alam kong lahat sa kaniya."

"Talaga lang ha?! Nga pala, kamusta ka naman sa mga kuya niya? Apat yon bro!"

"Yun nga eh! Hirap! Pero hindi susuko laban lang."

"Yeah...aja fighting!"

"Um...fighting!!!"

Samanata,

Nakaupo lang sila Kelly at Jacob sa may sofa sa sala nila at nakatungo at nakikinig sa sermon ni Kian "Hindi ba sinabi ko ng umuwi kayo agad ni Jacob? Anong oras na hapon na at palubog na ang araw."

"At bakit hindi ka man lang nag text o tumawag kung na sasaan na kayo kung hindi pa namin tinanong kay Faith hindi namin malalaman ano ba kami ng mga kuya mo sayo? Tau tauhan lang dine? Walang akialam sayo? Kasama mo pa si Jacob paano kung mapaano kayo saan namin kayo hahanapin? Ha Kelly! Sumagot ka."

Pabulong bulong naman si Kelly "Paano naman makakasingit eh ang dami niyo na agad diyang kuda."

"Ano yon? Anong sinasabi mo?!"

"Sa---sabi po ko po na lobat po kasi ang cp ko at hindi naman kami mapapahamak ni Jacob I know martial arts remember?"

"Huh! Ayan, diyan ka magaling eh puro ka na naman ganyan ipagmamalaki mo na marunong ka ng martial arts paano kung naunahan ka na ng pag bunot ng baril ha? Anong gagawin mo? Puro ka rin kasi yabang eh."

"Sorry na kuya."

"Sigh..." Reaksyon ng mga kapatid niya at patuloy parin siyang pinagsasabihan ng mga ito at hindi rin nila binanggit ni Jacob na nag punta sila kila Patrick pinanatili ni Kelly na isa iyong lihim kahit na mali.

Kamusta po kabayan's? (^_^)

▪︎Oops...wag niyo pong tutularan ang ginawa ni Kelly na pagsisinungaling ah.Dapat mabait lang po tayo lagi. Kahit di po halata satin.ahahahahaha...charot.

▪︎Pero wag niyo pong tuturuan mag sinungaling ang mga nakababata sa inyo ah bad yon pero sa kwento naman po eh babawi si Kelly kaya abangan niyo pa po ang KelJaRick moments.♡

▪︎At syempre ang KelRick love team natin more kilig pa po geysh ebengen...hihihi...♡

.

.

.

Love lots,

lyniar ☆

lyniarcreators' thoughts