webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
463 Chs

Kabanata 117

Sa may Hardin,

"Okay, andito na tayo." Ang sabi ni Kelly na hawak-hawak parin ang kamay ni Patrick.

"Ang ganda naman dito ang dami namang kinahihiligan ng pamilya niyo."

"Yeah...mahilig sila lolo at tito sa mga hayop ang lola at mga tita ko naman ay mahilig sa mga bulaklak well, yes sa pag hahalaman."

"Ohhh.. I see kayo namang mag pipinsan anong kinahihiligan niyo?"

"Well, kapag andito kaming lahat mahilig kaming mag laro ng board games misan sila kuya nag kakantsawan mag-inom pero mild lang tapos jamming may mga instrumental equipment kasi kami dito sa isang kwarto and yes, I know how to used keyboard and drums."

"Ohhh...You guys are really closed ha anyways, your hand is so soft you didn't do household chores aren't you?"

Nagulat naman si Kelly kaya binitawan niya ang kamay nito "Tsss...Come on let's sit."

"Ayaw mo ng hawakan ang kamay ko?"

"HEH!"

At naupo si Kelly sa may damuhan nakiupo rin naman si Patrick "Hey, move don't come closer!"

"Tsk...why? You hold my hand already then you don't want me to go near with you?"

"Yeah...I don't like and can you cut the crap! Stop talking nonsense were here because ayokong makita tayo nila kuya."

"Yah..I know so what is it?"

"The thing is...sigh..."

"Wag mo ng sabihin kung ayaw mo hindi naman kita pipiliting sumama dun sa lola ni Harvey."

"Really? No hate?"

"Yes, kaya lang din naman sumama sila Mimay kasi gusto nilang ng adventure pero ang totoo wala naman silang pakialam sa buhay ko."

"Hey! Don't say that were friends!"

"Friends? But I don't want you to be my one of my friends."

"Huh! Ang kapal mo naman sige ayaw na rin kitang maging KAIBIGAN! DIYAN KA NA!" Tatayo na sana si Kelly pero pinigilan siya ni Patrick "OO!! AYOKONG MAGING KAIBIGAN MO! DAHIL GUSTO KONG MAS HIGIT PA DOON!" natigilan naman si Kelly at hindi na naka pagsalita "Oo alam kong hindi mo ko gusto at wala kang ni kusing na pagtingin sakin pero gusto ko lang na malaman mo na." Tumingin muna siya kay Kelly bago siya nag salita at nag katitigan silang dalawa " Maghihihintay ako kahit magunaw pa ang mundo kaya sana wag mo kong ipagtabuyan dahil nasasaktan ako kapag gusto mong lumalayo ako sayo nasasaktan ako kapag may kasama kang iba at masaya ka sa kanila. Alam ko hindi kita mapipigilan na makisalamuha sa mga lalaki dahil nature mo na yun kasi lumaki ka sa mga kuya mo at mas kumportable ka rin sa kanila makipag usap at kahit sa pananamit mo inapply mo rin yon oo hindi ka "girly girly" pero nais kong malaman mo na tanggap kita kahit ano ka pa. Mahal kita maging sino ka man kaya please give a chance." Bigla namang napaluha si Kelly at tumulo iyon kay Patrick "Hey! Are you crying?" Tumayo siya at niyakap si Kelly "Don't cry I just want to tell you that hindi ko na kasi mapigilan ang nararamdaman ko alam kong marami na akong karibal sayo kaya kahit na nandito ako sa teritoryo niyo nag lakas loob na ko wala na kong pake kung malaman ng mga kuya mo na mahal kita ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sayo kahit ano pa ang humadlang satin."

"AHAHAHAHAHA..."

"Kelly? Natawa ka? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

Hinawakan ni Kelly ang mukha ni Patrick at nilapit sa kaniya at sinabing "You got me since the day you had a fever so don't worry just keep calm and keep fallen for me." At hinalikan niya sa noo si Patrick at umalis.

"Eh? A---anong nangyare?She...She....ki---kissed my forehead?"

"PAG ISIPAN MO NA KUNG ANONG GUSTO MONG IPAGAWA SAKIN BUKAS DAHIL..." Hindi na tinuloy ni Kelly at tuluyan na siyang umalis.

"Dahil? HEY!!! KELLY!!! COME BACK HERE!!!!"

"Wait, what did she said? "You got me since the day you had a fever so don't worry just keep calm and keep fallen for me?" Anong ibigsabhn ng mga linyang yon? I got her? Simula nung nagka lagnat ako? Bakit ano bang nangyare non? Wala akong maalala!!! AHHHHHH.....KELLY YOU DRIVING ME CRAZY!!!!!!! Pero she kissed me!!! I think I'm going to die...WAAAAHHHH...."

Samantala,

Pasan-pasan naman ni Harvey si Dave pabalik sa bahay nila Kelly dahil sugatan ito sa pag kakaladkad sa kaniya nung kabayong si Gidiyap "Jusmiyo! Bakit naman kasi nag pakaladkad ka sa kabayo? Baliw ka na ba? O tanga talaga?"

"Tsss...iniwanan niyo ko dine wala na kong nagawa hindi naman ako marunong mangabayo."

"Sigh...sana hindi mo nalang kasi ginalaw tignan mo marunong namang umuwi sa bahay niya si Gidiyap mukhang well trained naman siya kaya sana pinagmasdan mo nalang kaya naman pala hindi mapakali si Mimay sayo dahil may pagka gung gung ka nga raw at napaka laki mo ngang gung gong!"

"Really? Nag alala siya sakin?"

"Um...siya nga yung unang nakarinig na humihingi ka raw ng tulong pero wala naman kaming narinig ni Vince mukhang may connection na kayong dalawa ni Mimay."

"Ayos lang sayo?"

"Oo naman masaya ako dahil masaya sayo si Mimay."

"Pero hindi siya ganoong ka saya pag kasama ka."

"Wala yon wag mong pansinin yun mahilig lang talaga kaming mag asaran simula nung bata kami kaya wag mong pag selosan yun baka mapatay mo pa ko."

"Hindi naman ako nag seselos pero pakiramdam ko kasi malayong malayo pa ako kay Mimay. Hindi gaya mo na kilalang kilala mo siya."

"Hindi naman porket kilala mo ang isang tao ay kilala mo na talaga ang kaniyang ugali minsan mas matagal mong nakakasama mas naiintindihan mo ang tunay niyang ugali di ba nga sabi ng matatanda "Makikilala mo lang ang magiging asawa mo kung makakasama mo ito sa iisang bubong."

"So, you're telling me na pakasalan ko si Mimay ganun?"

Bineltukan naman ni Harvey si Dave "Sira! Ang bata niyo pa tsaka hindi pa nga tayo tapos sa kolehiyo kasal agad pinagsasabi mo diyan wala ka pa ngang trabaho. Ang ibig kong sabihin hindi porket matagal na kaming mag kakakilala ni Mimay ay kilalang kilala ko na siya nitong mga nakakaraang araw parati mo siyang kasama di ba? Kaya it takes time para makilala mo ang isang tao hindi naman mabilisan na parang instant coffee o instant noodles lang kaya kailangan unawaiin niyo ang isa't isa para maging maayos ang relasyon niyo."

"Bro, are you a love guru or something?"

"Baliw! Gusto mong ihulog kita dito at iwanan? Ang bigat mo kamo."

"Pero no kidding salamat dahil pumayag kang ligawan ko si Mimay."

"Wala yon alam ko rin naman kasing gusto ka niya noon palang."

"Talaga? Gusto niya ko?"

"Um...ang misteryoso kasi ng datingan niyo ni Patrick noong una namin kayong nakita nila Mimay tapos para kayong mga genius yung para bang "hey, look at me I'm genius baby" sounds silly right? Pero ganun kasi mga tipo ni Mimay kakaiba kaya nga siguro hindi niya ko sinagot nung nanligaw ako sa kaniya noon."

"Oh? Sorry bro."

"Ayos lang alam naman na yun ng lahat at alam kong alam mo rin kaya nga niligawan mo siya di ba?"

"Hindi naman ang una ko talagang nagustuhan ko ay si Kelly at hindi siya."

"Really? You like Kelly too?"

"Too?? May gusto ka rin sa kaniya?"

"Well, yes in some point of my life I fall for Kelly pero hindi naman yun nag tagal kasi I saw her like my babysister tsaka kilala ko si Kelly hinding hindi yun mag kakagusto sa mga lalaki bukod sa mga kuya niya at kay Vince."

"What do you mean by that?"

"Well, hindi kasi friendly si Kelly gusto niya lang kasama noon ang mga kuya nya at si Vince pero dahil kaibigan nga kami ni Vince napilitan siyang makipag kaibigan samin. Hindi kasi siya yung tipo ng babae na madaling ma-fall matigas rin kasi ang puso nun gaya ng sating mga kalalakihan well, lumaki kasi siya sa mga mga barako niyang kuya at syempre napansin mo naman ang mga pinsan niya dito halos lahat lalaki rin. Talagang ikakalat ang lahing DELA CRUZ."

"Ohh...yes para nga tayong pumunta sa teritoryo ng mga sundalo."

"Oo, ganun na nga nasa pamilya sila ng mga sundalo at pulis pero sila kuya Kian lang ang nag guro ayaw kasi ng daddy nila na sumunod ang mga ito sa yapak niya well, si Kelly gusto niya pero dahil natatakot sila kuya Kian at ang mama nila na magaya si Kelly sa daddy nila hindi nila pinayagang mag pulis o sundalo siya."

"Ang dami mo palang alam kay Master?"

"Well, perks of being good listener na kwento lang din yun sakin ni Vince wala talaga kaming alam diyan kay Kelly at nito lang din naman namin nalaman na may mga kuya pala si Kelly napunta kami dito nung mga bata kami pero sa bahay lang nila Vince at hindi naman sa bahay talaga ng mga lolo at lola nila kaya wala talaga kaming alam sa kaniya."

"Ohhh...ganoon pala pero bakit mo naman na sabi na hindi magkaka gusto si Master sa ibang lalaki?"

"Ah...yun ba? Sabi kasi ng mga kuya niya hindi siya pwedeng magkaroon ng boyfriend hangga't wala pa silang asawang lahat."

"Whoa...that's insane paano kung isa sa mga kuya niya ang hindi mag asawa anong mangyayare kay Master? Tatanda nalang ng dalaga?"

"Well, if that's what you think I guess, yes?"

"Grabe naman... ang unfair naman nun sa part ni Master."

"Kung tayo ang titingin yes sobrang unfair pero kung titignan si Kelly? Ayos lang sa kanya sobrang inusente kasi niya wala siyang pakialam sa mundo basta masaya siya tapos."

"Hehehe...yes napaka jolly niyang tao at mainitin din ang ulo pero sobrang matulungin at ayaw niyang naapi ang mga malalapit sa kaniya."

"Yeahh...that's our Kelly."

"A.K.A Ms. Hoodie."