webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
463 Chs

Kabanata 104

Kinabukasan,

Hinatid nila Kian si Kelly sa DLRU "Oh, ingat ka may pasok ang kuya Kevin mo sa DLRH kaya wag kang lalayo kay Vince okay? Itext mo kami pag pauwi ka na susunduin ka namin." Ang sabi ni Kian na nasa sasakyan.

"Yeah...bye, ingat kayo."

"Sige pumasok ka na."

"Um...byie."

"Bye babysis." Ang sabi ni Kim.

"Byie...ingat sila sa inyo."

"Sira!" Anila.

At habang papasok si Kelly sa shool nakasabay niya sa pag lalakad si Axel "Hey! Mornin"

"Axel? Late ka na rin ba parati pumasok?"

"Ah...eh...hindi naman ngayon lang kala ko nga ako lang late ang saya ko nung nakita kita."

"Ha?"

"I---I mean ang saya ko kasi hindi lang ako yung late."

"Ahhh...ayos lang yan sure naman ako hindi pa nag sisimula ang klase natin pero tara bilisan na natin."

"Sige.

Sa Classroom,

Naglalaro ng baraha sila Vince at sila Mimay at Harvey "Late na naman si Kelly." Ang sabi ni Mimay.

Habang nag iisip ng ititirang baraha "Para ka namang hindi sanay doon kita mong lagi namang late yun." Ang sabi ni Vince.

Nag baba naman ng baraha si Harvey "Yeah...baka bumagyo pag nauna satin si Kelly dito sa school."

Kumuha naman ng baraha si Mimay "Tsss...mga baliw kayo."

"Morning guys! Anong nilalaro niyo?" Bungad naman ni Dave.

"Unggoy ka." Ang pagulat na sabi ni Mimay.

Natawa naman sila Vince at Harvey "Ano? U---Unggoy ako?"

Habang inaayos ni Mimay ang baraha niya dahil sa gulat kay Dave "Ang sabi ko unggoy-ungguyan yun yung laro namin. Sira! Bakit ba nang gugulat ka naman kasi diyan? Oh, tuloy-tuloy na talaga ang pag pasok mo ulit ng school Patrick?" Ang sabi ni Mimay."

Naupo naman si Patrick malapit sa kanila "Ahhh...oo naman bakit? May problema ka ba?"

"Tsss..." Wala baliw."

Luminga linga si Dave "Sandali lang bakit ang busy naman ata ng iba nating kaklase anong meron? Tsaka bakit parang wala parin si Master."

"Wala ng bago dun." Anila.

"Yeah...pero bakit busy mga kaklase natin tapos kayo nag babaraha lang diyan."

"Ahhh...wala lang may assignment naman na kami kayo ba meron na? May long test daw tayo ngayon sabi ni Prof, Mina." Ang sabi ni Vince.

"Kaya nga baka hindi ka na naman diyan makasagot." Ang sabi naman ni Mimay habang busy sa kaniyang baraha.

"Ma---may exam???" Ang pagulat na sabi ni Dave.

"Oo hindi mo ba alam inannounce ko kahapon di ba?" Ang sabi ni Harvey.

"Tsss...wag na kayong mag taka dyan wala nang pag asa yan." Ang sabi ni Patrick habang busy sa telepono niya.

"Humph...pag ako naka perfect sa exam kala niyo diyan."

"Talaga?" Anila.

"OO NGA!"

Samantala, ang saya namang nag kukwentuhan nila Kelly at Axel nung dumating "Hahaha...sige sasabihin ko kila kuya mamaya."

"Hala Kelly! Wag na kakahiya naman kila kuya mo."

"Ahahaha...ayos lang yun kala kasi nila madaling mag gym."

Hindi napansin ni Kelly ka agad sila Vince at ang sama ng mga tingin nito sa kanila lalo na si Patrick "Kelly!!!" Anito at hinila niya si Kelly sa tabi ni Axel.

"Patrick?" Ang pagulat na sabi naman ni Kelly.

"Pre, baka naman nasasaktan mo na si Kelly" Ang sabi ni Axel.

"Huh!" Sinapak naman ni Patrick si Axel at nagulat ang lahat lalo na si Kelly.

"Patrick!!!" Ang sabi nila Vince at umawat tinulungan naman ni Kelly na tumayo si Axel "Ano bang problema mo?!!!" Ang pagalit na sabi ni Kelly.

"So---sorry Kelly!" Ang sabi ni Patrick.

"Tama na yan guys baka dumating na si Prof.Mina.." Ang sabi ni Harvey.

"Sigh...halika na nga Kelly maupo ka na." Ang sabi naman ni Vince at hinawakan si Kelly sa kamay.

"Sandali lang, ayos ka lang ba Axel?"

"Oo ayos lang naman sige na pumunta ka na sa upuan mo baka biglang dumating si Prof. Mina."

"Sige."

"Kelly...." Ang sabi ni Patrick pero hindi siya pinansin ni Kelly.

"Sigh...ikaw naman kasi dude halika na nga!" Hinila na siya ni Dave.

"Haist...pambihira!" Ang sabi ni Mimay at naupo na rin sa kaniyang silya.

"Okay! Tapos na ang drama magsibalik na kayo sa inyong upuan." Ang sabi ni Harvey sa mga kaklase nila.

Lumapit naman siya kay Axel "Ayos ka lang ba? Pag pasensyahan mo na si Patrick."

"Ayos lang mukhang na misinterpret niya kami ni Kelly may relasyon ba silang dalawa?"

"Ha? Wa—wala yun ang alam ko."

"Ohhh.." At napatingin siya kay Patrick at tinignan naman siya ng masama nito.

Samantala,

Sa DLRH,

Habang nasa kwarto sa ospital "Ho--ney?" Ang sabi ni Ricardo.

Nagulat naman si Patricia dahil na gising na ang asawa niya "Honey? Gising ka na?"

"Oo..ilang araw naba akong tulog?"

Naiyak naman si Patricia kaya niyakap niya ang asawa "Honey, gising ka na nga."

"Sorry kung ngayon lang ako."

"God is really good! Sandali lang tatawag lang ako ng doctor."

"Um..."

Pagkatapos ng ilang diskusyunan "Sige po doc maraming salamat po sa inyo."

"Wala pong anuman isa po itong milagaro sige po mauna na po ako sa inyo."

"Salamat po doc."

"Mommy, andito na ako." Ang bungad ni May pagbukas niya ng pintuan.

"Sige po Mrs. Santos alis na po muna kami."

"Sige po salamat Doc."

"Salamat po sa pag tingin sa daddy ko Doc." Ang sabi rin ni May.

"Sige, kailangan pa naman ding obserbahan si Mr Santos balik nalang po ulit ako mamaya."

"Sige po doc salamat." Ang sabi nung mag ina at umalis naman na si Dr. Benitez at ang ilan pang doctor at nurse naiwan lang si Kevin na kumukuha pa ng blood pressure kay Ricardo.

Niyakap naman ka agad ni May ang daddy niya "Daddy, I missed you."

"I missed you too baby girl."

"Daddy..."

"Sigh...wag ka ng umiyak nakakahiya sa nurse dito oh."

"Ah...O---okay lang po."

"Sandali lang! Your Kelly's older brother, right?"

"Ah? Ye---yes Ma'am kilala niyo po si Kelly?"

"Ahhh...oo kaklase siya ng kapatid kong si Patrick."

"Ohhh...yes nakalimutan ko sorry sige po una na ko ayos naman po ang blood pressure niyo Sir balik nalang po ako ulit mamaya."

"Sige salamat."

"Sige po Sir, Ma'am."

"Thanks." Anila May at Patricia at lumabas na si Kevin.

"Who is Kelly? Is she Patrick's girlfriend?" Ang sabi ni Ricardo at nagkatinginan naman sila Patricia at May.

"Ah...eh...classmate lang po sya ni Patrick, dad."

"Honey, anong gusto mong kainin? Ipapaluto k okay Tina."

"Mommy, ngayon palang na gising is daddy kaya hindi pa siya pwede ng kung ano-ano may dadalhin naman sila ditong pagkain para kay daddy kaya wag na kayong mag alala."

"Daddy!!!" Ang bungad naman ni Richmond.

"Richmond?" Ang pa gulat na sabi ni Ricardo.

"Daddy!!! Buti gising na kayo."

"Sinong nasa office kuya?" Ang sabi ni May.

"Tumakas lang ako pero andoon naman si Maricar kaya ayos lang yun."

"Tsss...kayo na? Asus..."

Napatingin si Ricardo kay Patricia dahil hindi siya makapaniwala na ayos na ang magkapatid "Hey, don't forget that were here." Ang sabi ni Patricia.

"Hehe...sorry mom." Anila.

"Mukhang marami akong na missed na eksena ikwento niyo nga." Ang sabi ni Ricardo at ang saya niya.

"Sige po dad." Anila May at Richmond.

"Mom, did you texted Patrick?" Ang sabi ni Richmond.

"Um...oo kayong tatlo agad ang tinext ko pero may klase siguro yun baka mamaya na pagka labas niya ng school yun pupunta dito.

"Hayaan niyo na muna sigurado naman akong pupunta agad yun dito pag wala na siyang klase." Ang sabi ni Ricardo.

"Yes daddy marami kayong na missed nag bago na si Patrick kaya let's take a groufie muna." Ang sabi ni May.

"Tsss...lagi ka talagang si picture."

"Daddy si kuya oh..."

"Sigh...sige na Richmond pag bigayan mo na."

"Haist...wala naman na po akong magagawa baka umiyak pa yan."

"Ano?!"

"Oh, tama na yan sige picture na tayo." Ang sabi ni Patricia at nag take na nga sila ng mga pictures nila tapos pinost naman ka agad iyon ni May sa kaniyang I.G. nakita naman iyon ni Dave na saktong gumagamit ng telepono niya kaya nagulat siya "Dude!!!" ang sigaw nito "Ano ba??? Hindi ako binge tsaka tapos ka na bang sagutan yang test paper mo? Pag bumalik si Prof.Mina bahala ka diyan."

"Pero dude nag bukas ka na ba ng cellphone mo?"

Bineltukan ni Patrick si Dave "Wag mo kong ginagaya sayo! Wag mo na nga akong kinukulit sasapakin kitang kumag ka."

"Tsss...baka magulat ka pag nakita mo ito."

"Heh! Wag mo nga akong ginagaya sa kababuyan mo itatapon ko yang cellphone mu'y makuha mo."

"Baliw! Ano bang iniisip mo? Wala akong porno dine dun sa isa kong phone."

"ANO? Tatamaan ka na talaga sakin eh."

"Pffft....joke lang masyado ka namang higblood diyan iba ang gusto kong ipakita sayo."

"Tantanan mo na kong hinayupak ka!"

"Pero dude may bagong post si ate May."

"Oh? Ano namang gusto mong gawin ko? Mag pa-party?"

"Baka nga hindi lang party ang gawin mo baka nga mag pa live band ka pa sa tuwa."

"Ano? Akana nga yang lintek na cellphone mong iyan!" Hinalbot naman ka agad niya ang telepono kay Dave "Kapag ito kung ano lang ako mismo babasag ng lintek na cellphone mo."

"For you to find out Dude."

"Tsss..." Ang reaksyon ni Patrick at nung tinignan niya kung ano ba yung post ng ate niyang si May nagulat siya "Du---de totoo ba ito??Gising na si daddy?"

"Well, as you..." Hindi niya na naituloy ang sinasabi niya dahil kumaripas na ng takbo papaalis si Patrick "He---hey!!! Dude! Yung cellphone ko!!! Sigh...ayaw pa kasing maniwala o ano sya ngayon? Tsss...sarap niyang sampigahin.

"Saan pupunta yun pre?" Ang sabi ni Vince.

"Ahhh...wala lang yon call of nature...he--he--he...

"Eh?"

"Ano raw yon?" Ang sabi ni Kelly kay Vince.

"Bakit? concern ka?"

"Tsss...asa naman istrobo nag sasagot ako dine ng exam eh."

"Sus..."

"Heh!"