webnovel

Walang Malay sa Sitwasyon!

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Bahagyang nanginig ang tingin ni Tong Yan. Gayunpaman, mabilis siyang nakabawi at painosenteng kumurap. "Ano ba ang sinasabi mo? Totoo na may ilan akong hindi pagkakaunawa tungkol sa iyo, at noong nagtagal, pakiramdam ko ay ipinahiya mo ako, kaya naman gusto ko lang namang magbiro sa iyo…"

Umismid si Xinghe at matalim na tinitigan ito. "Gusto mo akong patayin dahil lamang doon?"

"Sinabi ko na sa iyo, biro lang dapat iyon…"

"Tama na!" Masungit na sabat sa kanya ni Xinghe. "Tong Yan, kapag ipinagpatuloy mo pa ang pag-uugaling ito, wala nang dahilan pa para sa akin na tanggapin ang paghingi mo ng tawad. Ni hindi mo nga inaamin ang pagkakamali mo, kaya paano mo inaasahan na patatawarin kita?"

"Kailan ko hindi inamin ang pagkakamali ko?" Sa wakas ay nawala na ang pagpipigil ni Tong Yan. "Xia Xinghe, ano'ng klase ng pandaraya ba ang ginagawa mo? Ang Tong family at Shen family namin ay hayagan nang humihingi sa iyo ng tawad, kaya huwag mong sagarin ang pasensiya namin! Sa tingin mo ay talagang natatakot kami sa iyo? Sinasabi ko sa iyo, binibigyan lang namin ng respeto ang Xi family, kaya huwag kang ingrata at sumagad sa amin kung hindi ay ikaw at ang buong talunang Xi family ay makikita ang mga sarili ninyong patay sa isang hukay sa kung saan ng hindi nalalaman ang dahilan…"

"Shut up—" galit na putol sa kanya ni Elder Shen. Ang biglaang pagsigaw nito ay nagpatigagal kay Tong Yan. Hindi makapaniwalang napatitig siya dito. Hindi niya maunawaan kung bakit ang kanyang lolo, ay bigla siyang sisigawan. Paano nitong nagawa na taasan siya ng boses?

Galit at kabiguan ang nagpaluha sa kanyang mga mata.

Gayunpaman, hindi pa pala iyon tapos. Pinagalitan din siya ni Elder Tong, "Tong Yan, sino ang nagturo sa iyo na magsalita ng ganoon? Nasaan na ang iyong tamang asal? At sino ang taong nag-impluwensiya sa iyo na gawin ang isang bagay na ganoon kasama? Sabihin mo samin, madali ka!"

Ang Tong family at Shen family ay gustong malaman kung sino ang gumamit kay Tong Yan dahil, kapag nabunyag na ang katauhan ng taong ito, ay maaari na nilang ibunton ang sisi palayo kay Tong Yan at ilagay ito sa taong iyon. Alas, ang dalaga ay tumatangging magsabi ng totoo.

Hindi lamang iyon, hindi pa din ito nagsisisi, at lalo pa nitong pinalalala ang mga bagay-bagay. Hindi ba niya naiintindihan na, kapag hindi siya nakipagtulungan, ang buhay niya ay tapos na?

Ang Xi family ay sinabi na ang kanilang posisyon at hindi sila basta matitinag.

May pagkatanga pa din ang dalaga. Wala siyang ideya kung paano basahin ang sitwasyon. Sa tingin niya ay talagang mapoprotektahan nila into ng walang kondisyon?

Wala siyang alam na ang Tong family at Shen family ay maaaring maapektuhan dahil sa kanya. Marami na silang isinantabi para lamang sagipin siya, kaya naman paano siya naging sobrang tanga na hindi maintindihan ang kanilang mga intensiyon?

Maaaring pinahahalagahan ni Shen Ru ang kanyang anak, pero alam niyang hindi ito ang tamang oras para palayawin ito. Kung ang kalaban nila ay karaniwang pamilya lamang, ay hahayaan na nila ang hindi makatarungang ugali nito, pero ang kalaban nila ay ang Xi family.

Kung nagdesisyon ang Xi family na palakihin ang bagay na ito, wala ni isa sa kanila ang makakaligtas ng walang kasiraan.

Ang Shen family at Tong family ay maaaring makapangyarihan, pero hindi ganoon kalaki ang kapangyarihan nila para kumupkop ng isang mamamatay-tao. Magigiba sila sa harap ng panggigipit ng publiko. Kaya naman, kailangan nilang pwersahin siya na isiwalat ang katotohanan.

"Little Yan…" hinila siya ni Shen Ru para sa isang maingat na yakap at inalo ito, "Paumanhin kung kailangan mong maranasan ito, tingnan mo na lamang ang mga luhang iyan. Pinalulungkot mo ang mommy."

Lalong umiyak ng husto si Tong Yan sa bisig ng kanyang ina. "Mommy, kinasusuklaman ko kayong lahat. Paano ninyo nagawa na tratuhin ako ng ganito? Wala naman akong ginawang masama at humingi na ako ng tawad, kaya paano ninyo nagawa ito sa akin? Ang sama ninyong lahat, pinagtutulungan ninyo ako para apihin!"

Naghihinampo talaga si Tong Yan at ang luha niya ay patuloy na pumatak na tulad sa isang talon.