webnovel

Nagulat sa Kanyang Pagiging Mapagbigay

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Ang pangalan ko ay Xia," matipid na sagot ni Xinghe.

Sinulyapan din ng manager si Xinghe para malaman ang kanyang nasyonalidad. Magalang siyang nagtanong, "Miss Xia, nais mong ipapalit ang isang daang milyon, tama?"

"Oo."

"Sige, pero kailangan kong ipaliwanag ang ilang bagay sa iyo muna. Dahil sa kasalukuyang isyu ng palitan, ang isang daang milyong USD ay maaari lamang ipalit sa walumpung milyong halaga ng ginto. Sa madaling salita, malulugi ka ng dalawampung milyong USD, ayos lamang ba sa iyo ang kondisyon na ito?"

Tama iyon, nakikipagpalitan si Xinghe ng USD at hindi pera ng Country Y, kung kaya nagulat ang grupo ni Sam. Masyadong malaki ang halagang ito.

"Xinghe, itigil na natin ang palitan, hindi ito tama," bulalas ni Ali. Dahil sa mawawalan ng dalawampung milyon si Xinghe sa transaksyon kaya tumututol ito.

Tumingin si Xinghe sa kanya at sinabi, "Bakit tayo titigil, nagdesisyon na ako na magpapalit at gagawin ko ito."

"Pero…"

"Hindi maiiwasan ang pagkalugi dahil kailangan natin ng pera."

"Pero hindi natin kailangan ng ganyan karami."

"Kailangan ko," sagot ni Xinghe. Dahil sinabi na niya ito, wala nang magawa pa si Ali at ang iba pa kahit na pakiramdam nila ay niloloko na sila ng bangko. Isa pa, kaya ba nilang lima na protektahan ang ganito kalaking halaga ng gintong bareta?

Ang isipin ito ay parehong nagbigay sa kanila ng katuwaan at pagkataranta…

Sa totoo lamang, mas nakakasindak ito kaysa sa pagpatay sa tao. Mabuti na lamang, inisip din ito ni Xinghe.

"May paraan ba para masiguro ko ang kaligtasan ng mga pag-aari ko?" Tanong niya sa manager.

Nagbigay ng isang propesyunal na ngiti ang manager. "Ang bangko namin ay nag-aalok din ng mga mersenaryo. Gagamitin nila ang kanilang buhay para protektahan ka at ang kaligtasan ng mga pag-aari mo. Isa pa, maaari kang mag-apply ng gold card ng aming bangko para itago ang pera mo at gamitin mo ito kung kailan mo kailangan."

"Kaya bang tapatan ng mga mersenaryo ninyo ang mga militar?"

"Natural," nagmamalaking pahayag ng manager. "Kailangang magbigay ng respeto ang militar sa may-ari ng aming bangko kung kaya hindi nila haharapin ang mga mersenaryong kaanib namin. Miss Xia, huwag ka nang mag-alala pa tungkol dito. Gayunpaman, ang presyo ng serbisyong ito ay may kataasan."

"Paano kung gusto kong bumili ng armas?"

"Makakabili ka nito sa amin din, saka mabibigyan ka namin ng diskwento."

"Paano naman ang bahay at sasakyan?"

Tumango ng may ngiti ang manager. "Siyempre, may supply din kami noon. Kahit na ano ang kailangan mo, maaari kang makakuha nito sa amin; ligtas ito at protektado."

"Sige, kailangan ko ng isang batch ng high-tech na armas, isang bahay na ligtas at kumportableng matitirahan ng may higit sa sampung tao, limang armored cars, at dalawampung mersenaryo. Ang natira sa pera ay maaari mong ilagay sa gold card. Ayusin mo ang lahat ng ito para sa akin ngayon at maaari kang makakuha ng sampung libong halaga bilang tip."

Sinabi ni Xinghe ang kanyang mga kahilingan ng sunud-sunod ng hindi humihinga. Si Sam at ang iba pa ay gulat na gulat. Kahit ang manager na marami nang nakita ay napahanga sa kanyang pagiging mapagbigay. Ang klase ng customer na ganito, sa totoo lamang, ay makakasalamuha niya ng hindi hihigit sa isang kamay sa bawat taon!

"Sige, gagawin ko na ito ngayon!" Masiglang sagot ng Manager. "Pero nagtataka ako, sa paanong paraan gustong magbayad ni Miss Xia?"

Tumingin si Xinghe sa kanya at sinabi, "Hanapan mo ako ng laptop."

Kahit na wala siyang ideya kung ano ang gagawin niya pero mabilis na ibinigay sa kanya ng manager ang isang laptop.

Walang kahit anong papeles o pagkakakilanlan si Xinghe sa kanya para mapayagan siyang makapagpadala ng pera, pero gamit ang internet, maaari niyang magamit ang kanyang bank account.

Kahit na ang account na iyon ay hindi talaga kanya kundi kay Mubai...